Dear Diary

Por iammissblue

6.3K 60 10

( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... Más

Dear Diary
Chapter 1: Mr. Ray-ban
Chapter 2: Fireworks
Chapter 3: Kiss
Chapter 4: Family
Chapter 5: "I Like you"
Chapter 6: Ano nga ba?
Chapter 7: Masquerade
Chapter 8: Numbness
Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...
Chapter 10: Birthday Wish
Chapter 11: "Ama"
Chapter 12: about to lose
Chapter 13: "Ina"
Chapter 14: Torn between two lovers
Chapter 15: Jake
Chapter 16: Twilight
Chapter 17: Pagpapatawad
Chapter 19: Someone like you
Chapter 20: Maling akala
Chapter 21: Unexpected
Chapter 22: Baby Austin
Chapter 23: Sunset
Chapter 24: Ex-girlfriend
Chapter 25: That should be me
Chapter 26: it's my Insecurities...
Chapter 27: I love you... will you...?
Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]
Chapter 29: Mr. Hernandez
Chapter 30: Surprise!

Chapter 18: Somebody that I used to know

195 2 0
Por iammissblue

Chapter 18: Somebody that I used to know

Dear Diary,

Sabi ni Beth nagiba daw ang dating ko dahil sa buhok ko, parang hindi na daw ako yung Chloe na kilala niya. Natawa pa nga ako nung una kasi, parang ang nonsense naman yun pero napaisip din ako. Buhok ko nga lang ba ang nagbago? O pati ako na rin?

~

Dumating na ang araw na pinaghandaan ko ng isang lingo, ang birthday bash ni Jake. Kinakabahan ako.

As usual gusto ni Beth siya bahala sa pagaayos sa’kin kaya maaga na naman niya ko pinapunta sa bahay niya at pinamake-upan sa hinire niyang make-up artist. Grabe lang ang yaman ni Beth ah. 

Isa-isa naming sinuot ang costume namin, Si Pete, as Harry Potter... si Beth as Cat woman and ako, well, nahirapan ako mamili nang babagay sa’kin lalo pa’t ang daming pagpipilian pero ang kinabagsakan ko ay Vampire. Tutal naman, ang kwento ko with the Hernandez brothers ay mala “twilight ang datingan. Kaso ngayon ko lang narealize, ang sakit at ang weird pala ng feeling nang nakacontact lense. Almost half blind pa ko dahil red contacts ang suot ko.

Pagdating namin sa mismong mansion ng mga Hernandez, nashock pa kami pare-pareho dahil sa dami ng tao.

“Takte!” sabi ko, “Parang gusto ko na lang umuwi...” tumalikod ako pero hinila ako ni Beth pabalik

“Chloe! Nagpakahirap ako para ayusan ka bilang gorgeous vampire tas uuwi ka? Tsaka para matapos na paghihirap mo, kausapin mo na si Christian, once and for all!”

“Eh~ naman kasi~”

Pinalupot ni Beth at Pete ang parehong kamay nila sa magkabila kong braso.

~

Grabe lang ang bongga ng party, lahat game na game sa pagcocostume. Tinalo pa nila sa bongga si Lady Gaga.

Kaming tatlo nila Beth at Pete ay never naghiwalay sa umpisa ng party, kami lang kasi magkakakilala eh pero... well, feeling ko kaya lang nila ako hindi maiwan dahil baka iniisip nila na hindi ko kakayanin magisa na makaharap ang isa man sa magkapatid. Napakaburden naman nito para sa’kin, hindi sila nageenjoy at nakikipagkilala sa iba dahil lang sa’kin, so ang ginawa ko, nagpaalam ako sa dalawa na magpupunta ako sa restroom.

“Samanhan kita?” sigaw ni Beth dahil sa lakas ng tugtog.

“Okay lang, kaya ko naman!”

Mission accomplished. Pagkalayo ko sa dalawa, agad-agad namang may nakipagusap sakanila para tanungin sila tungkol sa mga costume nila.

Lakad lang ako ng lakad, paikot-ikot sa malaking back garden nila Christian. Napunta pa nga ako dun sa magandang tent, na mukhang medyo binago nila para umayon sa event. Hay ang tent kung saan kami naupo kasama ang Dad niya, nung una ako nakapunta rito. Then habang lutang ang utak ko sa pagtitig sa tent, biglang pumasok sa isip ko ang reason ba’t ako napunta rito, “Christian...” bulong ko sa sarili ko.

Ginawa ko ang best ko para makadaans sa dagat ng tao, para mahanap lang si Christian. Ikot ako ng ikot, lakad ng lakad pero hindi ko siya makita sa buong garden. Nasan kaya siya? Then nang nagumpisa nang magpatugtog ang DJ, nagsimula na magkagulo ang mga tao. At dun ko narealize na mukhang wala siya sa party. Mukhang iniiwasan niya ko.

Sa napakagandang party na ‘to, mukhang ako lang ang hindi nageenjoy.

~

Umalis ako sa party at umakyat sa steps ng terrace/balcony, kung saan kita-kita ko ang lahat ng taong nagsasayaw at nagtatatalon sa saya dahil sa tugtog. Napapabuntong hininga na nga lang ako sa inggit ko sa kanila. How I wish I could enjoy the party like them.

Siguro sa pangisang daan kong buntong hininga, may biglang tumapik sa balikat ko na kinagulat ko. “Oh my God!” at sa paglingon ko, “Christian...”

“Hindi kita nakilala kagad...”

Nangiti ako, embarrassed, “Talagang ginawa akong vampire ni Beth...”

Iniling niya ang ulo na habang ngumingiti, “I’m not talking about the costume... you’ve cut your hair.”

“Ah... for a change lang naman.” Tinalikuran ko siya sa kaba ko. Hindi kasi ako makapaniwala na kinausap niya ko. Then nakita kong sumandal na rin si Christian sa terrace cement fence gaya ko.

“Overwhelming isn’t it...” sabi niya sabay tingin sa’kin. “Ito ang tradition pag birthday ni Jake, party, themes and alcohol.”

“Don’t like it?”

“Hmm... it’s okay, I guess. I’m used to it. Wala pa to sa mga nauna niyang party. Kung nakita mo lang ang ginawa namin para sa 18th birthday niya...”

I’m overwhelmed din. Hindi ko alam dapat kong sabihin sa kanya. Feeling ko sasabog ang dibdib ko sa tuwing titingin siya sa’kin. Parang kahit isang Segundo lang ang tinatagal ng mga tingin na ‘yun, para na kong hihimatayin.

“Ang tahimik mo ata?” tanong niya

“Well, nagulat kasi ko na kinakausap mo ko...”

“Ayaw mo?”

“Hindi naman... kasi, ang alam ko...” nauubusan ako ng sasabihin. “Galit ka, ayaw mo na ko makita o makausap.”

Binalik niya ang tingin niya sa crowd. Hindi na siya sumagot.

Mukhang galit pa siya sa’kin, akala ko naman okay na kami. Akala lang pala.

Tumayo ako ng diretso at sabay alis. At aaminin ko, akala ko pipigilan niya ko sa pagalis ko, sa pagtalikod ko palang pero nung nakahakbang na ko pababa ng hagdan dun ko narealize na, wala na. Bakit nga ba ko mageexpect, kinausap lang naman niya ko, isang random conversation lang with a random person na lang yun.  At Gustuhin ko man magalit dahil bakit ganun siya, hindi ko magawa, dahil guilty rin siguro ako, oo kasalanan ni Jake na hinalikan niya ko, knowing andun ang kuya niya pero may mali din ako, nagkafeelings ako sa admirer ko, kay Jake.

I like Jake but I love Christian. But I guess it doesn’t matter anymore.

Paghakbang ko sa huling step ng hagdan palayo kay Christian, sakto namang naging mellow ang tugtog sa party at ang lahat ng mga may partner ay nagsimulang magsayaw sa magandang tugtog. Oh I wish na sana, kami din ni Christian ay makapagsayaw. Never pa niya ko naisayaw.

Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko at Binalik ang tingin sa kanya at nakitang nakatingin din siya sa’kin. Nagabot naman ang tingin namin for 5 seconds pero ang mga tingin niya ay iba na, hindi na gaya nang dati.  Gusto kong umiyak, sobra, ang sakit pala ng feeling ng ganito. Rejection.

Hinanap ko sila Beth at Pete pero sa dami ng tao nahirapan ako. Nung naaninag ko na sila, nakitang kong nageenjoy ng sobra-sobra yung dalawa, Si Beth sumasayaw at si Pete nakikipagdrinking competition. Ayoko naman sirain ang kasiyahan nila kaya umalis na lang ako. Tsaka Hindi ko na kaya, kapag nagtagal pa ko dun, baka sumabog ako.

Nilakad ko magisa papunta sa malaking gate nila, ilang beses pa kong natapilok dahil sa katangahan plus ang malabong paningin ko dahil sa contacts na suot ko. Buti na nga lang eh nakasurvive ako at nakarating ako hanggang dun sa kung saan nakapark ang sasakyan ni Pete. Pagtingin ko sa cell phone ko, nakita ko na halos alas nuebe pa lang ng gabi, buti na lang ang costume ko napakasimpleng vampire lang, all black, yung close wedge shoes, fitted dress na may see through shiffon lang na dagdag, mula sa bewang para magmukhang gown then of course, cape. Para nga lang ako lalakad sa runway nito eh, Ang nagpavampire lang naman ng look ko ay ang red contacts ko at yung nakakairitang vampire teeth, na ang hirap tanggalin. Asar!

“Hey! Ano ginagawa mo dito?”

“Pete!”

“Nagyoyosi ka?”

“Adik, hindi noh!”

“Eh ba’t andito ka?”

Dapat akong magsinungaling,  “Giniginaw ako, yung jacket kong dala kanina sana kukunin ko.”

“Ah...” binuksan niya ang sasakyan niya at kinuha ang cell phone niya na mukhang yun ang pakay niya sa paglabas mula sa party. “Wala dito, suot-suot mo ata yun nung pumasok tayo... inabot mo dun sa party coordinator, yung sa entrance.”

Shit oo nga pala!

“Halatang lutang ka ah...”

“Sige, thanks, kukunin ko na ‘yun then aalis na ko...”

“Agad?”

“Masakit kasi ulo ko...”

“Paano ka uuwi?”

“Taxi? Kaya ko na sarili ko, don’t worry, tsaka mukhang may nakilala kang chicks ayaw kong maistorbo ka.”

Napangiti si Pete. “Well, Harry Potter is a phenomenon.”

~

Sinamahan niya ko pabalik sa loob pero hanggang sa pinto lang, kasi tinawag na siya nung babaeng nakilala niya at dumiretso na sila sa gate na short cut papuntang garden. Nakakatawa si Pete dahil talagang aligaga siyang puntahan yung babae, well, maganda yung girl, I can’t blame him.

Pagpasok ko sa pinto, nakita ko kagad yung coordinator na sumalubong sa’min kanina, at hiningi ko ang Jakcet ko, “Wait lang po ma’am and I’ll fetch it for you.” magalang niyang sagot.

Lumapit ako sa may bintana sa may gilid at sumilip. Kitang-kita ko ang party mula sa pwesto ko, less ingay nga lang dahil nasa loob ako ng makapal na sementong bahay. Hindi ko naiwasang matawa ng mahina nang makita ko si Pete na nakikipagsayaw ng bongga sa babaeng kasama niya kanina.

“Enjoying the View?”

Oh God. Hindi pa ko nakakarecover sa silent treatment ni Christian kanina, ngayon si Jake naman ngayon ang nakakita sa’kin.

“So Vampire?”

Napatingin ako sa suot ko, “Yeah... uso eh, madami nga din nakavampire sa party sa baba.” Sabay turo ko sa bintana, kung san kita nga yung mga taong nagsasayawan.

“Don’t worry, ikaw naman pinakamagandang vampire...”

Nagblush ako, flattered pero hindi ko magawang mapangiti sa sinabi niya.

“I just complimented you...”

Wow, nababasa niya ba utak ko.

“Ah... ayaw mo ko kausapin. Takot ka bang makita tayo ni Kuya?”

Tinignan ko siya ng masama.

“Break na kayo di ba? So what’s wrong with talking to me?”

Wala akong panahon para dito, buti na lang dumating na yung babae na kumuha ng jacket ko. Tinulungan niya pa kong isuot ang jacket. “Thanks.” Sabi ko sa babae bago pa siya makaalis.

“Buti pa siya may thanks na nakuha.”

Nakita ko ang hawak niyang bote ng alak. “Pwede ba Jake...”

“What?”

“Aalis na ko.”

“Agad? Ang aga naman?”

“Masakit ang ulo ko...”

“Masakit ang ulo mo o dahil dineadma ka ni Kuya?”

Naguumpisa na kong maasar.

“Tama ako noh?”

“Aalis na ko.” Tumalikod na ko, paalis na nang biglang binato ni Jake ang boteng hawak niya na kinagulat ko. “Sira na ba ulo mo? Paano pag may tinamaan kang iba?!”

“Sa iba concern ka pero sa’kin hindi?” sigaw niya

“Ano?”

“Alam mo bang mababaliw na ko kakaisip sa’yo? Sa tagal kong nagantay ng pagkakataon na magkaroon ng lakas ng loob para gumawa ng paraan para mapakita ko sa’yo na gusto kita... akalain mo naunahan pa ko ni Kuya.”

“Lasing ka, tama na Jake.”

“Sumuko ako ng malaman kong kayo na pero nung makita kong nakangiti ka, nung matanggap mo yung bulaklak na pinadala kong una...” habang tumatawa na parang sira si Jake, naout-off balance siya at napaupo sa gilid.

Nilapitan ko siya pero barely touching him kasi baka ano pa gawin niya sa’kin.

“Simula naman nung hinalikan kita...” bulong niya habang sinusubukan ko siyang itayo. “Akala ko, ako pipiliin mo...”

“Tama na Jake... hindi ako pumipili...” tumayo ako. “Kung ayaw mong pagpatulong, bahala ka...” pagtalikod ko ulit sa kanya, tumayo siya bigla at sinundan ako hanggang sa paglabas ko ng malaking pinto nila.

Sa sobrang pagmamadali kong umalis, ako naman ang nadapa. Shit talaga tong contacts na to!Napaupo na lang ako sa sahig, masakit ang tuhod sa pagkakadapa at paa dahil sa heels na suot ko. Maiiyak na sana ako sa sakit ng sugat ko pero nang makita ko si Jake na nakatayo at nakatingin sa’kin, nainis ako.

“Nakakaasar kayong magkapatid alam mo ‘yun?” sigaw ko kay Jake. “Bakit pa kasi ako ang nagustuhan niyo, marami namang maganda, matalino at sexy na babae sa tabi-tabi ba’t pa ko! Pinahihirapan niyo ko eh!” dun na ko naiyak. Hindi ko na kinaya. Ang bigat na nang pakiramdam ko.

Hinubat ko ang heels na suot ko then pinilit kong tumayo kahit masakit ang tuhod kong isa dahil sa sugat. Sinubukan akong tulungan ni Jake pero sinabi ko na wag niya kong lapitan, at sa pagtayo ko, may nakita pa kong anino sa may gilid, anino ni Christian. Nakatayo siya sa gilid at nakatingin din sa’kin, nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa niya.

Kanina pa kaya siya dun? Narinig ba niya yun sinigaw ko? Teka bakit ako magaalala eh dineadma niya ko kanina?mukha namang wala siyang pake eh.

Nagkatinginan kami saglit. Hindi ko ineexpect na kausapin pa niya ko ulit, hindi na talaga, ayoko nang umasa sa’min. Parang hindi pa ko nagpapaliwanag ay pinagbawalan na niya ko.

Paika-ika akong naglakad palayo sa dalawa at hindi na lumingon pang muli. Ayoko na, ayoko nang magkaroon nang kahit anong koneksyon sa kanila.

Seguir leyendo

También te gustarán

455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
51.7K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.