Somewhere Down The Road (Publ...

Galing kay asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... Higit pa

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 10

201K 3.7K 577
Galing kay asherinakenza

SDTR: Kabanata 10

"Eighteen." Sagot saakin ni Ethan, nanatili akong nakadapa sa ibabaw niya habang siya ay nakahiga sa sofa nila Jersi, hinahaplos naman niya ang buhok ko habang panay ang tanong ko sakanya.

Seventeen years old siya nang malaman niyang nakabuntis siya at eighteen years old naman siya nang ikasal siya.

"A-alam ng parents mo?" Usisa ko sakanya, hanggang ngayon ramdam ko ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag iyak ko kanina, maging ang pamamaos ng boses ko ay rinig ko din.

"No." Bulong niya. "Sa huwes kami kinasal, Governor ang Tito niya at mayaman ang parents niya." Kwento niya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang tumatakbo sa isip ko, ayokong bitawan si Ethan, alam kong mali pero ayaw huminto ng puso ko.

__

"Ano bang big deal dun ha, Kuya? Kaibigan ko sila." Parang naririnig ko ang naiinis na boses ni Jersi, "Anong big deal? Bullsht Jersi! Nagpapatulog ka ng lalaki dito sa bahay!" Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"So what? Katabi ko bang matulog?" Inis na inis na sagot ni Jersi, marahan kong iminulat ang mata ko at napapitlag ako nang mapagtanto kong nakatulog na pala ako sa ibabaw ni Ethan, gising na rin siya.

Bumaling ako kay Jersi at halos manlaki ang mata ko nang makita ko si Jerome sa tabi niya! Mabilis akong bumangon, kasunod non ang pag upo ni Ethan.

"Go home." Malamig na pahayag ni Jerome habang titig na titig saakin, kitang kita ko ang galit at inis sa mga mata niya.

Napalunok ako ng sunod sunod, tumayo si Ethan at maging ako ay marahan niyang hinila patayo. "Pasensya ka na, nagkasiyahan kasi kagabi dito. Ayoko namang mag drive ng lasing." Paumanhin ni Ethan kay Jerome.

"Naku, wala yon Ethan!" Hiyaw ni Jersi, kumuyom ang panga ni Jerome sa kainisan kay Jersi. Siya ba ang sinasabi niyang Kuya niya? Kailan pa siya nag transfer sa school namin?

"Thanks, happy birthday." Bulong ni Ethan at hinila na ako palabas ng bahay, nagpatianod na lang ako sakanya. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse niya at maingat niya akong isinakay, ikinabit niya rin ang seat belt saakin.

Umikot siya sa harap para makasakay sa driver seat.

"K-kanina ka pa ba gising?" Usisa ko sakanya, isang marahan na tango ang isinagot niya saakin at kasunod non ang pag start niya ng engine.

"B-bakit hindi mo ako ginising? Nakita pa tuloy tayo ng Kuya ni Jersi." Bulong ko, pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasang magpakawala ng pilyang ngiti dahil gulo gulo ang buhok niya at halatang bagong gising lang siya, pero kahit ganon ang gwapo pa rin niyang pagmasdan.

"Hayaan mong makita ng lahat na katabi mo akong matulog." Malamig na sabi niya na nagpaawang sa bibig ko.

"G-galit ka?" Nauutal na tanong ko sakanya, "I'm not." Matigas na sagot niya, ngumuso ako at itinuon ko na lang ang tingin ko doon sa harap ng kalsada. Grabe din pala ang mood swing nitong lalaking ito, kagabi umiiyak ngayon naman nagsusungit.

Bigla kong naalala ang mga pinag usapan namin kagabi, siguro nga ang sama sama kong tao dahil nagmahal ako ng maling tao. Mali na makihati ako sa pag aari ng iba, mahirap pigilan dahil habang mas lalo kong pinipigilan ang pagmamahal ko sakanya pakiramdam ko sasabog na ako.

"Wala kang pasok diba?" Sa wakas nagsalita na rin siya nang itigil niya ang kotse niya sa harap ng bahay namin. Kinalag ko ang seat belt ko.

"Oo. Ikaw din diba?" Sagot ko sakanya.

"Yeah. Pero may meeting ako sa mga investors ko." Aniya, napansin ko ang marahan niyang pagpikit ng mata niya. Isinandal niya ang ulo niya sa upuan, pinagmasdan ko lang siya.

Doon ko naalala na nakasulat sa maliit na notebook na bigay saakin ni Blanch na eighteen years old si Ethan nang simulan niyang magtrabaho sa company nila. Halatang pagod na siya, pero alam kong kinakaya niya lahat para sa anak niya.

"Gusto mo bang magpahinga muna sa loob?" Tanong ko sakanya, iminulat niya ang mata niya, pinagtagpo niya ang paningin naming dalawa at pakiramdam ko nilalamon nanaman ako ng mga titig niya.

Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ko saka marahan na pinisil iyon. "Hindi na, male-late na rin ako." Bulong niya, hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, lahat ng mali sa isip ko nagiging tama dahil lang sa mga titig niya.

"Mag ingat ka." Paalala ko sakanya, tumango siya.

Bumaba na ako sa sasakyan niya, ganun rin siya. Papasok na sana ako sa loob ng bahay namin nang hilahin niya ang kamay ko at hinapit niya ako sa baywang ko. Sobrang lapit ng mukha ko sakanya na nagiging dahilan para maramdaman ko ang mainit na paghinga niya.

Hinawi niya ang buhok kong nakatabig sa mukha ko at hinaplos niya ang pisngi ko.

"I'm sorry." Bulong niya, "Pero ayokong pakawalan ka." Patuloy niya habang titig na titig sa mga mata ko.

"I promise na hindi kita ipapahamak kahit anong mangyari." Dagdag niya, napalunok ako ng sunod sunod.

"Ethan. "

"Gagawin ko lahat, kukuhanin ko si Sebastian, ipapa-annul ko ang kasal namin." Ramdam ko sa boses niya ang hinanakit at pagiging desperado.

"You don't deserve to be hurt baby." Bulong niya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. "I love you so much." At kasunod non ang pagyakap niya saakin ng sobrang higpit, lahat yata ng sakit na naramdaman ko nung nakaraang araw nawala nang yakapin niya ako. Itinaas ko ang kamay ko para tanggapin ang yakap niya, naramdaman kong hinalikan niya ang pisngi ko.

Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin, "Kumain ka muna bago ka matulog ulit." Paalala niya saakin, tumango ako bilang sagot.

"Kumain ka din." Sabi ko atsaka tumalikod na ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ito na ba talaga ang simula ng pag gawa ko ng kasalanan?

Galit na galit ako sa Daddy ko dahil sa ginawa niya kay Mama, pero ako itong ginagaya ang ginagawa niya noon.

___

"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot noong tanong ko kay Jersi at Vanessa na ngayon ay ngiting ngiti saakin.

"Para dalawin ka! So, tama nga ang hinala namin, may relasyon kayo ni Ethan?" Pilyang sabi nila na akala mo kumakanta sila dahil halos magkasabay pa ang tono nila ng pananalita.

Ibinuka nila ng malaki ang pinto ng bahay namin at dire-diretso silang pumasok sa loob. "Pero in all fairness, bagay kayo. Ang sweet niyong tignan kanina sa sofa nila Jersi, alam mo yung gising na si Ethan kanina pero hinahaplos haplos lang niya ang buhok mo habang mahimbing kang natutulog." Kwento ni Vanessa na nakapag papula sa mukha ko.

"Kaya lang, panira ng moment si Kuya Jerome!" Naiinis na hiyaw ni Jersi nang makaupo na siya sa single sofa namin.

Bigla akong natigilan nang maalala ko si Jerome, "K-kapatid mo si Jerome?"

"Sa kasamaang palad, oo. Kapatid ko siya." Humahalakhak na sagot saakin ni Jersi na nagpaawang sa bibig ko, "Transferee ang Kuya mo?"

"Oo, dapat naman talaga graduate na yan si Kuya last year sa Malaysia, yun nga lang tinamad dahil gusto daw niyang umuwi dito. Gusto niyang mag aral dito sa Pinas, last week lang siya nag enroll." Litanya ni Jersi, hindi na ako sumagot pa. Ayokong malaman niya na kilala ko na noon pa ang Kuya niya.

Pero muling sumagi sa isip ko kung paano ako titigan ni Jerome ng masama dahil sa pwesto namin ni Ethan.

"Siya nga pala! Naibigay na sa charity yung kinita natin sa booth." Biglang bago ni Vanessa sa usapan.

"Mabuti naman kung ganon." Buntong hiningang sagot ko.

"Syempre hindi natin magagawa yun kung hindi dahil sa inyo ni Ethan! Kaya heto ang remembrance!" Hiyaw ni Jersi at inabot saakin ang isang envelope.

Umupo ako sa sofa at tinignan siya ng buong pagtataka. "Open it." Excited na sabi ng dalawa.

Marahan kong binuksan ang envelope at bumulaga saakin ang picture naming dalawa ni Ethan na nakasuot pang kasal, may mga stolen photos din kami dun. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang isang married certificate doon na ginawa nila Jersi.

"Kami ang saksi! Saksi sa pagmamahal nila Mr. & Mrs. Ethan Luke Cando!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nila. Ako? Isang Mrs.Cando? Mariin kong ipinikit ang mata ko at ipinasok ulit sa envelope ang mga pictures at certificate.

"S-salamat." Nauutal na sagot ko sakanila.

Hindi ko alam, pero punong puno ng saya yung puso ko dahil sa pictures na yon at dahil na rin sa sinabi nila Vanessa. Pero kumokontra ang utak ko na kahit anong gawin ko panalo pa rin ang puso ko.

___

Nanatili akong nakaupo sa sofa hanggang sa makaalis sila Vanessa, alas onse na rin ng gabi nang biglang mag ring ang cellphone ko.

Si Ethan..

Lumunok ako ng sunod sunod at marahan kong sinagot iyon.

"Ethan.."

"Nandito ako sa labas."

Kaagad akong tumayo at tumungo sa labas ng bahay, pagkabukas ko pa lang ng gate hinila ko na kaagad siya papasok sa bahay.

Inilapag niya ang dala niyang pagkain doon sa mesa at kunot noo niya akong pinagmasdan.

"What happened?" Pagtataka niya, umiling iling ako at pakiramdam ko nag iinit ang dalawang mata ko. "Come on Claire." Bulong niya at kinulong ng dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ko.

"N-natatakot ako." Simula ko at kasunod non ang pagtulo ng luha ko.

"Natatakot ako na baka dumating yung panahon na babawiin ka na niya saakin." Umiiyak na sabi ko sakanya, napaawang ang bibig niya at hinila niya ako para yakapin ng sobrang higpit.

"Hindi mangyayari yon." Mariin na sabi niya, "Hindi ako papayag."

"Pero may pinang hahawakan kayong papel Ethan." Nauutal na sabi ko sakanya.

"No. Hindi ko hahayaan yon."

Hinila niya ako paupo sa sofa at pinunasan niya ang luha ko.

"Look, hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip mo." Bulong niya habang titig na titig saakin at sunod sunod na pinupunasan ang luha ko. "Pero gusto kong malaman mo na handa kong gawin ang lahat para saating dalawa."

"Alam kong mali 'to at hindi na dapat kita dinadamay. Pero nak ng putcha.." Pumiyok na ang boses ni Ethan sa sobrang galit sa sarili, "Ayokong mawala ka." Patuloy niya.

"Ipaglalaban ko kung anong gusto ko." Pagmamatigas niya, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko sasabog na yon dahil sa pagmamadali.

Hinawakan ko ang kamay niya at marahan na pinisil iyon. "Ako rin. Ako rin, para saatin." Bulong ko sakanya.

Sandali niya akong tinitigan sa mata bago niya tuluyang inangkin ang labi ko, nakakapanghina ng tuhod ang halik niya at wala na akong ibang nagawa pa kundi ang tanggapin ang mainit niyang labi at ipikit ang dalawang mata ko. Hindi ko alam pero sakanya ko lang talaga nararamdaman yung ganitong kasayang pakiramdam, kahit pa maraming nanligaw saakin noon, sakanya at sakanya pa rin tumitibok yung puso ko.

Lahat yata ng tungkol sakanya minahal ko na. Minahal ko siya noon dahil sa tingin ko isa siyang perpektong lalaki na hihigit pa sa Daddy ko, pero mali ako.

Dahil mas minamahal ko siya ngayon, ngayong alam ko na ang lahat ng sakanya. Mas lalong tumitindi yung pagmamahal na nararamdaman ko.

Humaplos ang palad niya sa baywang ko pataas sa likod ko, humugot ako ng napakalalim na pag hinga dahil halos maubusan ako ng hininga sa lalim ng halik niya saakin.

Marahan kong pinaghiwalay ang labi namin, pinagmasdan ko ang mukha niya. Nakakunot ang noo niya habang ang dalawang mata niya ay mariin na nakapikit.

"Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nabaliw ng ganito." Bulong niya, lumunok siya ng sunod sunod at marahan niyang iminulat ang mata niya na kaagad niyang pinagtagpo saakin.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na ipaglaban yung talagang gusto ko. At ikaw yun Claire, ikaw." Pagdidiin niya. "All I want is you baby, just you."

Tahimik lang kaming nakaupo ngayon sa sofa, hinahaplos niya ang buhok ko habang nakatungo ako sa dibdib niya.

"Aalis rin ako maya maya." Bulong niya, tumingala ako para matitigan ang mga mata niya. "Hindi ka pwedeng matulog dito?" Usisa ko sakanya.

Marahan niyang hinalikan ang noo ko, "Gusto ko. But Sebastian is waiting for me." Aniya, hindi ko alam pero bigla nanaman akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko.

"But I promise, bukas. Susunduin kita sa school, mag dinner tayo." Bawi niya saakin.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya.

"N-no it's okay, kung kailangan mo ng maraming oras for Sebastian naiintindihan ko naman." Paninigurado ko sakanya, kilala ko na si Ethan, buong buhay niya umikot na kay Seb, kaya nga siya nagtrabaho ng maaga para sa anak niya hindi ba?

Tumayo ako pero inabot niya ang kamay ko, "Hey.." Tawag niya saakin, "Hindi naman ako mawawala, bakit parang kung magsalita ka hindi na kita babalikan?" Pag aalala niya.

Huminga ako ng malalim, "Ethan, naiintindihan kita." Patunay ko.

Nakipag sukatan siya ng titig saakin na para bang lalamunin na niya ako, "I love you." Bulong ko, "At lahat ng kung anong mayroon ka, mahal ko na rin."

"Alright, para hindi ka na mag isip, hihintayin kita bukas sa school after ng class ko." Pag aalo ko sakanya, para namang nakahinga siya ng maluwag.

Tumayo na rin siya at sandaling dinampian ng halik ang labi ko. " Mahal na mahal kita." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa, may kung anong nagwawala sa kaliwang bahagi ng dibdib nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sakanya.

Ang tagal tagal kong pinangarap na sana, sana mahal niya ri ako at sa tingin ko unti unti ko nang nakukuha yung pangarap na yon.

Pinaghiwalay niya ang labi naming dalawa at pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ko, maging ako ay pinag masdan ko siya, hindi talagang maipag kakaila ang kagwapuhan nitong lalaking ito. Binigyan niya ako ng isang marahan na ngiti na nagpawala ng sobra sa puso ko.

__

"Paninindigan mo talagang makipag relasyon sakanya?" Natigilan ako sa paglalagay ng gamit sa locker ko, katatapos lang ng klase ko at masasabi kong hindi ko araw ngayon dahil kanina pa ako sinusundan nitong si Jerome.

Humarap ako sakanya. "Ano naman ngayon?" Naiinis na tanong ko sakanya, nabago ang ekspresyon ng mukha niya, binigyan niya ako ng isang mapaklang ngiti.

"Come on Claire, h'wag na tayong maglokohan dito. You know what I'm talking about." Napalunok ako ng sunod sunod dahil punong puno ng pagbabanta ang boses ni Jerome.

"W-wala akong alam sa sinasabi mo." Pagmamatigas ko, aalis na sana ako pero hinila niya ang braso ko at iniharap niya ako sakanya.

Isang matalim na titig ang ibinigay niya saakin. "That asshole is married." Mariin na pahayag niya na nagpagulat saakin, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng tamang salita para magtanong sakanya.

"H'wag kang magpanggap na hindi mo alam." Dagdag pa niya, hinila ko ang braso ko at nakipag sukatan ako ng tingin sakanya. "H'wag kang gumawa ng isang bagay na alam mong pagsisisihan mo lang din bandang huli." Paalala niya saakin.

"Buhay ko 'to." Yan lang ang tanging naisagot ko sakanya, gusto kong magtanong sakanya pero natatakot ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Buo na ang desisyon ko, kung ipaglalaban ako ni Ethan ganun rin ang gagawin ko. Buhay ko 'to at ako ang magdedesisyon kung anong dapat kong gawin. Alam kong may mga pagsisisihan ako pag dating ng araw, pero hindi ko na iisipin ang mga bagay na yon sa ngayon, dahil ang importante saakin, sinubukan ko.

Ang importante saakin, susubukan kong maging masaya kasama siya.

Huminto ang kotse niya sa harap ko, kaagad kong binuksan ang passenger seat, pero bago pa man din ako makasakay muli kong nakita ang pagbabanta sa mga mata ni Jerome mula sa malayo, ipinag walang bahala ko na lamang iyon at sumakay na ako, pero napapitlag ako nang biglang may dumungaw na bata sa gitna namin ni Ethan!

"Hi!!" Masiglang bati nito saakin, napatingin ako kay Ethan at ngiting ngiti siya ngayon. "Kumusta ang klase mo?" Usisa niya at marahan na hinalikan ang pisngi ko.

"Ha? A-ayos naman."

Panay ang kanta ng bata ng alphabet song na talaga namang nagpapangiti kay Ethan. "Sebastian, low your voice, baka maingayan sayo ang Tita Claire mo." Suway ni Ethan sa anak, magsasalita na sana ako pero bibong lumipat si Sebastian sa tabi ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko nang umupo siya sa hita ko at humarap saakin.

"Aha! You are my Tita Claire! Look oh! i have five stars from teacher!" Hiyaw niya, kamukhang kamukha niya si Ethan, maging ang mata ay kuhang kuha niya. Naka school uniform pa ito at halatang kasusundo lang sakanya ni Ethan mula sa eskwelahan.

"Wow! Siguro magaling ka sa school ano?" Nakangiting sabi ko sakanya, nginitian niya ako at tumango tango siya. "Because of my Dad! Palagi niya akong tinuturuan!" Nabubulol na hiyaw niya, napapangiti ako dahil isang Ethan Luke Cando ang nagtuturo sa batang bulinggit na ito, nakakatuwang isipin na nagagawa ni Ethan ang lahat para sa anak niya.

"Hey, baka mabigatan ka."

"H-hindi Ethan, okay lang." Sagot ko sakanya.

Napapitlag ako nang tumungo sa dibdib ko si Sebastian.

"I..I'm sorry, nag iiiyak kasi siya kanina nung sinundo ko, ayaw pa kasi niyang umuwi sa bahay ng Mommy niya." Paumanhin niya saakin, huminto ang sasakyan ni Ethan dahil nag red light. Mommy? Sino nga ba ang Mommy ni Seb?

Bumaling siya saamin at marahan niyang hinawi ang gulo gulong buhok ng anak, "Tulog." Nakangiting aniya, ngayon ko lang nakita ang totoong ngiti mula sakanya, pakiramdam ko kumpleto siya at bawat oras na kasama niya ang anak niya masasabi kong mararamdaman niya ang totoong kasiyahan.

"What?" Napapitlag ako nang magising ako sa pagkakatulala sakanya, "W-wala." Nauutal na sagot ko sakanya, umandar na ang sasakyan niya.

Tumigil kami sa tower ng condo niya, nauna siyang bumaba para kuhanin saakin si Sebastian, tulog na tulog pa rin ito. Sumunod naman akong bumaba at naramdaman kong inalalayan ako ni Ethan sa baywang ko habang naglalakad kami patungo sa elevator.

"N-nag aaral na pala siya?" Bulong ko, inabot ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Ang kaliwang braso naman niya ang umaalalay sa pagkakabuhat kay Seb.

"Yes, nursery."

"I-ilang taon na siya?"

"Mag aapat na taon sa April." Sagot niya saakin.

Tumango tango ako at nang makarating kami sa unit niya kaagad kong napansin ang mga laruan ni Seb doon sa center table, dumiretso siya sa kwarto para doon ihiga ito.

Nandoon din sa single sofa ang isang malaking bag ng bata na halatang may lamang damit. Sumunod ako sakanya sa loob at nakita ko kung paano niya hubaran ng sapatos at medyas ang anak niya, maging ang polo nito ay hinubad niya at marahan na nilagyan ng blanket ang katawan nito.

Narinig kong nag ring ang cellphone niya, sandali niyang tinignan iyon at narinig ko ang pagpapakawala niya ng mabibigat na paghinga, sandali niyang hinalikan ang noo ni Seb bago tuluyang sinagot ang tawag.

"Bukas ko nalang siya ihahatid, ayaw umuwi." Narinig kong bungad niya sa tumawag, kausap niya ba ngayon ang Mommy ni Seb?

"Yeah, 9 o'clock in the evening."

Lumabas na ako ng kwarto niya, ewan ko, ganito ba talaga ang pakiramdam na parang nakikihati pa ako sa oras niya? Napakasama ko na ba talaga dahil binabawasan ko pa ang bawat segundo na dapat kasama niya ang anak niya?

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto niya kaya humarap na ako sakanya, lumapit siya saakin at hinalikan ang pisngi ko. "I'm sorry, alam ko dapat mag didinner tayo." Paumanhin niya, ngumiti ako at umiling iling.

"Okay lang, ako naman itong nakikihati sa oras niyo." Nahihiyang bulong ko sakanya, "No. H'wag na h'wag mong sasabihin yan, dahil pareho kayo ni Seb na importante saakin." Pagtatama niya.

"Don't get me wrong Ethan, hindi naman ako nagseselos sa anak mo. Pero hindi ba dapat mas marami kang ibigay na oras kay Seb kaysa saakin?" Paalala ko sakanya, marahan kong hinaplos ang pisngi niya.

"Kaya ko namang maghintay kahit gaano katagal, ang mahalaga saakin makita kitang masaya. Hindi mo lang alam kung gaano kasaya yung puso ko kapag nakikita ko yung tunay na ngiti diyan sa labi mo." Bulong ko sakanya habang titig na titig sa mga mata niya, hinaplos ko ang pisngi niya at nginitian ko siya.

"Tunay na ngiti, hindi pilit, hindi peke. Kundi isang ngiti na alam kong galing diyan sa puso mo, habang pinagmamasdan kita kanina hindi ko maiwasang mas lalong humanga sayo, masasabi ko kasing mabuti kang ama." Sabi ko sakanya, nakita ko kung paano mangusap ang mga mata niya, hinawakan niya ang kamay ko at marahan na iniyakap iyon sakanya.

"Hindi mo lang alam, pero halos araw araw kong hinihiling na sana ikaw nalang, sana ikaw nalang yung naging Mama ni Seb." Bulong niya na nagpawala sa puso ko, "Pero alam nating pareho na hindi, diba? Pero Ethan, kung sakaling magkakaroon ako ng anak, gusto ko ikaw ang magiging ama non." Diretsong sabi ko sakanya na nagpakinang sa mga mata niya, alam kong napaka tanga ko na para sabihin sakanya iyon, pero yon ang gusto ng puso ko.

"Claire."

Marahan kong idinikit ang labi ko sakanya, isang maingat na halik ang kaagad kong tinanggap mula sakanya. Humaplos ang palad niya sa likod ko pababa patungo sa hita ko, bawat paghinga naming dalawa dinig na dinig ng dalawang tainga ko, maging yung malakas na pagtibok ng puso naming dalawa naririnig ko.

"Ethan.." Tawag ko sa pangalan niya, bumaba ang halik niya sa leeg ko at halos mapaliyad ako nang maramdaman kong humaplos ang mainit niyang palad doon.

Sunod sunod na paglunok ang nagawa ko when he slid his tounge into my mouth. Napasabunot ako sa buhok niya nang hilahin niya ako palapit sa katawan niya at maramdaman ko ang sakanya saakin sa pagitan ng pants namin.

"Ugh." Narinig kong ungol mula sa labi naming dalawa, marahan niya akong isinandal sa pader at isinabit niya sa baywang niya ang dalawang binti ko, kumapit ako sa leeg niya nang mas lalo niyang palalimin ang halik saakin.

"E-ethan.." Bulong ko, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginagawa niya saakin, nagsimula siyang gumalaw habang buhat buhat niya ako at napasinghap ako nang maramdaman ko ang marahan na pagpisil niya sa kaliwang dibdib ko. May kung anong kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko na naghahatid ng kakaibang sensasyon.

"Hmm.."

"Sht, Claire..." Garalgal na bulong niya, mabilis siyang huminto sa ginagawa niya saakin at bumagal na rin ang paghalik niya.

"No...no." Sunod sunod na bulong niya, "Hindi pwede." Dagdag niya at maingat niya akong ibinaba, napalunok ako ng sunod sunod dahil doon ko lang napansin na nakababa na pala ang zipper ng pants ko at bukas na rin ang butones nito.

Hinila ni Ethan ang baywang ko at napahugot ako ng malalim na paghinga nang tumama ang mainit na daliri niya sa puson ko, itinaas niya ang zipper ko at isinara ang butones nito.

"I'm sorry.." Bulong niya, napahawak ako sa pisngi ko dahil ramdam ko ang pamumula noon, damn. Kung hindi pa siya huminto alam ko na kung saan na kami papunta.

Hinalikan niya ang noo ko, "Baby...I'm sorry." Bulong niya at niyakap ako.

"Sorry din." Paumanhin ko.

Mali na ngang ipinagpapatuloy naming dalawa ang relasyon namin at alam kong mas lalong magiging mali ito kung hahayaan kong lumagpas kaming dalawa sa limitasyon namin.

"I..I know I should just give up on you, bakit ba hinihila pa rin kita sa kasalanan na 'to?." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko. "But it's not easy baby.."

Hinalikan niya ang kamay ko, "At kahit kailan hindi magiging madali para saakin na isuko ka."

Marahan niyang pinagdampi ang labi naming dalawa na handa ko na sanang muling tugunin pero naitulak ko siya nang marinig ko ang isang boses.

"Daddy? Why are you kissing her?"

*****

A/N: Waa, sorry!Ang tagal tagal ng update! T.T , wala kasi kaming off sa trabaho.

Salamat sa mga naghihintay!

Congratulations pala sa lahat ng nanalo dun sa pagames sa Ate Abo WP Stories! :) Salamat din sa lahat ng sumali! Ang gagaling niyong lahat! :)

Love lots,

Ate Ash.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

131K 4.5K 32
“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
10.1M 143K 54
[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang mak...
12M 167K 57
Published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P199.00 Kaya mo pa bang magmahal kung sobra sobra kang sinaktan ng unang taong pinakamamahal...
632K 9.7K 38
Masayang masaya na si Ryle Sofia Harris. She has everything, family, friends, fame, power and a man that loves her but what if she lost something tha...