Chapter 17: Pagpapatawad
Takte dahil sa pagpayad ni Beth dun sa offer ng daddy ni Christian, hindi tuloy ako mapakali.
“Bwisit ka naman Beth eh! Bakit ka pumayag dun?!? Alam mo naman na namomoblema ko sa magkapatid na ‘yun eh!” sigaw ko pagpasok ko sa condo, na kinagulat ni Kuya na saktong umiinom ng tubig.
“Well SORRY ha! Naisip ko lang naman na baka magkaayos kayo ni Christian sa party na ‘yun... ikaw lang naman iniisip ko eh!”
Napaupo ako sa sofa at napakamot ng todo sa ulo ko. “Baka Beth, Baka lang... tsaka paano si Jake?”
“Aba! Eh ba’t mo pinoproblema si Jake? Siya naman may kasalanan ba’t ka hiniwalayan ni Christian hindi ba? Eh ba’t mo pa iisipin feelings nun? Unless...”
“Beth, kung ano man iniisip mo, hindi.”
“Eh ba’t ganyan ka makareak? Kung mahal mo si Christian di ba dapat ginagrab mo ang opportunity?”
“Hindi mo kasi...”
“Eps! Stop! Don’t tell me that I don’t understand, mare, I’ve been there...”
Lumapit si Kuya sa’min, “Anong meron?”
“Inimbitahan kami ng dad ni EDWARD na pumunta sa birthday ni JACOB.”
“Huh?” sabi ni Kuya
“EDWARD mean Christian and JACOB means Jake.” Paliwanag ni Beth
“Ah... so, pupunta kayo?”
HINDI ang sigaw ko habang OO naman si Beth.
“Eh ba’t ayaw mo pumunta?” tanung ni Kuya
“Eh kasi...” bakit nga ba?
“Sino ba mahal mo?”
“Si Christian...”
“Yun naman pala eh, bakit? Ayaw mo ba magkaayos kayo?”
Napayuko ako, napaisip sa tanong ni Kuya, “Hindi ko alam sasabihin ko...” bulong ko
“Begin your sentence with Sorry, then explain or tell him how you feel... beside your the one who kept on asking your parents for a apology, telling them how it would change everything... then why not do it?” sabi ni Kuya
Dear diary,
May isang lingo ako para magprepare ng speech ko para kay Christian... sana gabayan ako ni Lord at hindi ako himatayin pag nagkita kami dun... yun lang naman ang magiging major problem ko this week eh... (I hope)
~
Pagdating ko sa school, nafeel ko ang tinginan ng mga tao sa’kin. Naisip ko naman nab aka may dumi ako sa mukha o sa damit ko pero nung magCR ako para magsalamin at icheck, wala naman. Then nung nasa loob na ko ng cubicle to do, you know para umihi, may dalawang babaeng pumasok sa CR na mukhang nagchichismisan tungkol sa love triangle. Nung una hindi ko sila pinapakinggang maigi dahil baka isang pelikula lang ang pinaguusapan nila then biglang...
“Team Christian ako!” sabi nung unang babae, “Sila ang meant to be. Kung hindi lang umepal yung isa...”
“Well, Team Jake ako. Mas nauna namang nagkagusto si Jake dun sa girl, secret nga lang...”
“Sana sinecret na lang niya, forever, tignan mo, nakasira siya ng perfect relationship!”
“Perfect ba yung 27 yr old guy and 20 yr old girl?”
“Why not? Uso na naman yung ganun di ba?”
Finlush ko ang toilet then narinig ko silang napalabas ng restroom. Paglabas ko naman ng cubicle, napatitig ako sa sarili ko sa salamin.
Shit! Ako pala ang topic sa school ngayon! Pero bakit? Hindi naman ako sikat para pagusapan sa school... tsaka duh~ ang laki ng school ba’t nila ko pagkakaabalahan?
Hindi ko kinaya ang revelation na ‘yun so agad-agad kong hinanap si Beth, pero pag dating ko sa corridor papunta sa class niya, nakita ko si Mama at Papa, nakatayo dun at kausap ang guidance counsilor namin. Napaatras ako at tago sa gilid. Bakit sila andito?
“Kinakamusta nila grade mo.” Biglang bulong sa may tabi ko. Napalingon ako at nagulat nang makita ko si Jake na nakasandal din sa pader, sa tabi ko. Kanina pa ba siya? “Hi.”
“Hi.” Sagot ko naman “Sige mauna na ko...”
“May klase pa si Beth, 30minutes pa bago siya lumabas.”
Paano niya nalaman na si Beth hanap ko?
“Ah... ganun.”
Napakunot ang noo niya, curious. “Iniiwasan mo ba ko?”
“Hindi ba dapat ako nagsasabi niyan sa inyo...”
“Sa’min?” then nangiti siya “Ah, kami ni Kuya.” Pumwesto siya sa harap ko. “Well, things got a bit complicated.”
“Okay.” sagot ko, pataray.
Ngumiti lang siya at bigla na lang akong hinalikan sa pisngi. “See you.”
~
Habang inaantay ko si Beth sa labas ng gate ng school, sinubukan ko magbasa ng book, New Moon pero nahinto ako ng makita ko ang mga paa ng mga magulang ko. Sinubukan ko silang iwasan pero pinigilan ako ni Papa.
“Wag tayong gumawa ng eskandalo dito.” Bulong niya
As if matatabunan nun ang mga eskandalong nagawa na nila.
“Kamusta ka na anak?” tanong ni Mama
I rolled my eyes, wow, kinakamusta ako ni mama, bago yun.
“Anak... magusap tayo.” Sabi ni Papa
Makakatanggi ba ko eh nacorner na nila ko.
Pumunta kami sa Pizza hut para kumain at dun magusap, pero dahil busog pa ko, salad lang ang inorder ko.
“Pumayat ka ata anak...” sabi ni Mama habang tinutusok ko ang mga gulay gamit ang tinidor ko. “Kamusta kayo ng kuya mo?”
Wow! Inacknowledge niya si Kuya Kurt? What’s happening? Magugunaw na ba ang mundo?
“Ano ba nangyayari sa’yo?” biglang tanung ni Papa “May mga narinig kaming chismis...”
Ah... pati sila alam...
“Bakit ka nakipagrelasyon sa magkapatid?” accusation ni Mama
“W-What? Nakipagrelasyon?” napailing ako “Si Christian ang boyfriend ko, wala kami relasyon ni Jake maliban sa magkaibigan...”
“Pero gusto ka niya...”
“Oo pero it doesn’t mean na nangaliwa ako o what... wag niyo ko igaya sa inyo.”
Then, isang malakas na sampal ang inabot ko. Napatingin ang mga tao sa kainan sa’min at nagsimulang magbulungan.
“Dapat bang lagi mong isumbat sa’min ang mga pagkakamali namin ng Papa mo... Chloe, wala bang puwang ang pagpapatawad diyan sa puso mo!” huminga ng malalim si Mama, “Ikaw kami, si Christian ay ikaw... tignan mo kung ano pakiramdam ng umaasang mapatawad ka ng mahal mo!”
May punto siya pero dahil sa galit ko sakanila, sarado ang isip ko.
Tumayo ako and biglang nagwalkout. Umalis ako dahil, una, sinampal nila ako at napahiya ako at two tama sila...
Habang naglalakad ako sa Mall, napadaan ako sa isang salon. Nakita ko ang miserable kong itsura sa reflection ko, nakakaawa ako. so nagdecide ako na pumasok at putulin ang mahaba kong buhok. Hindi ba sabi nga nila, sa pagmomove on ng tao, naguumpisa yan sa pagbabago, sa pagpapagupit ng buhok. Kaya yun ang naisip kong gawin ngayon.