When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 74 - Booth

3.6K 101 16
By iamhopelessromantic

This chapter is for you "karmaexist". Sana may good karma na dumating sa'kin.

Mai

Dumating na din ang araw na pinakahihintay nang lahat. Ang araw nang mga puso. Umaga pa lang ay hindi na magkamayaw ang mga estudyante. Bago ang prom sa gabi ay may program rin sa umaga, para ma-enjoy din nang mga first at second years kahit papaano ang valentines. Ang drama club ay in-enact ang love story nina Eros at Psyche. Ang ibang clubs naman ay nagtayo nang mga booths. Love booth, wedding booth, bail booth kung saan hinuhuli ang sinumang walang kapares at makakalabas lamang kung magbabayad nang bail, at kung anu-ano pang may booth. Suki nang lahat nang booth, maliban sa bail booth, sina Dominic at Albert na nagpapaligsahan pa kung sino ang may pinakaraming request. Si Stephen naman ay hindi mahagilap, samantalang si James ay nagkulong sa recreation room na nakatitig lang sa cellphone niya at hindi maipinta ang mukha. Halos kada limang segundo ay binubuksan nito ang phone at padabog itong ilalapag sabay buntung-hininga nang marahas. Nang nag-vibrate ang phone niya, hindi pa man niya nakikita kung sinong tumatawag ay sinagot na niya agad ito.

"Two seconds. That's a new record." Hindi na nagsalita si James at pinutol na agad ang tawag. Hindi pa man niya naibaba ang phone sa mesa ay nag-vibrate ulit ito.

"What the hell Albert? What do you   want?"

"Relax buddy. I'm outside. Baka naman pwede mong buksan ang pinto?"

"Go to hell."

"It's about Diana." Nang marinig ang pangalan ni Diana ay hindi na siya nag-isip pa. Mabilis pa sa alas-kwatro, binuksan na agad niya ang pinto.

"What about her?" Hindi agad nakasagot si Albert. Nakaawang pa ang labi nito.

"Wow. That was much even faster... Fine... I'll say it already (tinitigan kasi siya ni James nang masama). Nakausap siya nang mga kaibigan niya. Pupunta siya mamaya." Biglang nagliwanag ang mukha niya.

"Really?" Tumango si Albert. Sa sobrang tuwa ni James ay nayakap niya ito nang mahigpit. Nagpumilit naman itong lumayo sa kanya.

"What on earth James. I know you missed Diana and I'm so handsome but I'm not her okay." Ngumiti lang siya. Napakamot na lang nang ulo si Albert. Hindi niya inaasahan ang reaction ni James sa huling sinabi niya.

"Does that mean she's no longer sick? But why didn't she call me?" Nagkibit-balikat si Albert.

"Bakit hindi mo na lang siya tawagan?" Hindi sumagot si James. Nag-dial agad siya at tinalikuran si Albert na parang wala na ito doon. Nakailang ring na ay wala pa ring sumasagot. Nakakunot na ang noo niya. Nag-dial siya ulit. Sa wakas may sumagot na din.

"Hello." Medyo paos at walang buhay ang boses nang sumagot.

"Tangs. Are you feeling better? Tutuloy ka daw mamaya? Kaya mo na ba?"

"Yeah. I'm feeling better compared kahapon."

"Are you sure?"

"Yeah." Maikling sagot nito. Nabalot sila sandali nang katahimikan. Wala nang ibang maisip sabihin si James, gusto lang talaga niyang marinig ang boses ni Diana. Hindi pa sila ulit nagkikita matapos nitong umalis nang walang paalam. Halos baliktarin na niya ang buong mall sa kakahanap dito, sobrang nag-alala siya lalo't hindi niya ito makontak. Hanggang sa makatanggap siya nang message dito na nauna na itong umuwi dahil sumama ang pakiramdam. Kahit na gustong magalit ni James dahil higit isang oras siyang naghanap, nangibabaw pa rin ang relief niya dahil walang masamang nangyari kay Diana. Pinuntahan agad niya ito sa bahay (na ang alam niya ay bahay ni Edrian), bagama't pinapasok siya ay hindi pa rin niya ito nakita dahil hindi naman niya ito pwedeng pasukin sa kwarto nito, naisipan talaga niyang gawin 'yun mabuti at nagawa pa niyang pigilan ang sarili.

Pangatlong araw na ngayon na hindi pumapasok si Diana. Nakuntento na lang si James na kausapin ito sa phone, pero paminsan-minsan lang din kaya naman hindi maipinta ang mukha niya nang mga nakaraang araw.

"I miss you." Sa wakas ay nasabi na din niya. Kinindatan siya ni Albert na ngumiti pa nang nakakaloko. Hindi niya ito pinansin. "Tangs?"

"Oh yeah. Kailangan ko nang ibaba ang phone." Hindi agad nakasagot si James. Gusto niyang tumanggi pero nahihimigan kasi niya sa boses ni Diana na hindi pa ganoon kaayos ang pakiramdam nito.

"Okay. What time should I pick you up?"

"There's no need." Napakunot ang noo ni James. "Magkita na lang tayo sa venue."

"But..."

"I should rest. Bye." Hindi pa man nakakapagsabi si James nang 'bye' ay binaba na ni Diana ang phone. Napabuntunghininga na lang siya.

"So ano na?" tanong agad ni Albert.

"Ano pa ba. Tuloy ang plano." Nakangiting sagot ni James tapos ay lumabas na siya nang recreation room kasunod si Albert.

Pagdating nang alas tres nang hapon ay nagsiuwian na ang mga third years at fourth years para magsimula nang maghanda. Ilang oras din ang aabutin lalo na ang pag-aayos nang mga babae.

Sa iisang bahay na lang pupunta sina Ina, Nica at Charlotte. Napagkasunduan nilang kina Charlotte na lang sila bagama't ang totoo ay nagpumilit siyang sa kanila na sila mag-ayos. Dapat ay kasama nila si Diana, pero dahil maysakit nga ito (I know you're thinking otherwise) ay sila nalang tatlo ang magsasabay. Nangako naman si Diana sa kanila na pupunta pa rin ito. Naghimutok kasi ang kalooban ni Charlotte nang malaman na hindi makakapunta si Diana, masasayang daw kasi ang pagod niya para maging prom queen ang kaibigan. Sa tatlo ay si Charlotte lang ang may matinong partner, kaya bilang pakikisa sa dalawa ay sa mismong prom na sila magkikita.

Tulad nang inaasahan, gabi na nang matapos silang magbihis at lagyan  make-up nang mga baklang kinuha nila. Malapit nang mag-alas siyete nang gabi na siyang oras nang simula nang prom pero hindi sila nagmadali. Iniiwasan kasi nilang maging early worm. Isang malalaking kahihiyan kapag nakatanggap ka nang ganoong award sa prom.

Suot ang damit na pinasadya nilang ipagawa, sumakay na sila nang kotse papunta sa hotel kung saan gaganapin ang prom. Tamang-tama lang ang dating nang magkakaibigan. Marami nang taong dumating sa venue. May photo booth malapit sa mismong entrance nang hall kung saan pwedeng mag-picture ang lahat. May mga photographers din sa bawat sulok na handang magpicture. May  mga kumukuha din nang video nang buong event. Hindi na muna dumaan ang magkakaibigan sa photo booth dahil wala pa si Diana. Ilang sandali pa ay nakita na nila sina Mike at Mark na papalapit. Ang dalawa ang partner nina Nica at Ina, dahil wala rin silang mayaya.

"Look at my handsome bestfriends. Siguradong magsisisi ang mga babaeng tumangging maging partner niyo."

"On the other hand Charlotte. Dapat magpasalamat pala kami sa kanila kasi tumanggi sila."

"Kayo talaga. Tayo-tayo na nga lang bobolahin niyo pa kami."

"Mark's right. Saka hindi ba't kami ang nangbobola dito?" Nag-tawanan na lang ang lima. Pagkatapos ay lumapit sa kanila si Annika at sabay silang nagtilian nang pigil. Nagtakip nang tenga ang dalawang lalaki.

"My gee Annika, you look so beautiful."

"Alam ko na 'yan Charlotte. Gusto mo lang ibalik ko. You're beautiful yourself. Same thing with you two, Ina and Nica."

"Kaya naman nagkakasundo tayo Annika eh."

"Sino bang nagsabi na magaling mambola tayong mga lalaki? Sa totoo lang wala naman tayong panama sa galing nang mga babae na mambola." Pinandilatan nang mga babae ng mata si Mike. "Oo na, tatahimik na."

"Anyways, Annika nasaan nga pala si James?" Ngumuso lang si Annika. Sinundan naman ng iba nang tingin ang direksiyon na tinuturo nang nguso niya. Hindi kalayuan sa entrance nang hall ay nakatayo si James habang nanghahaba ang leeg sa kakatingin sa paligid. Ni hindi nito pinapansin ang ilang babaeng hindi nakakalimutang magpa-cute kapag dumadaan malapit sa kanya.

"Anong oras ba darating si Diana?" tanong ni Annika.

"Karereceive ko lang nang message niya. She's on her way na daw." Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ni Ina.

Niyaya na sila ni Annika sa table nila. Nagpahanda na pala ito nang table kung saan kasama sila. Nasa pinakaharap sila nang stage. Nakalimutan na ni Charlotte ang tungkol sa partner niya. Kung hindi pa siya nito nilapitan ay hindi niya maalala ang tungkol dito. Nagpaalam siya kay Annika kung pwedeng maupo kasama nila ang partner niya. Hindi naman ito tumanggi. Mukhang natuwa naman ang partner niya. Bakit nga naman hindi, makakasama niya sa mesa ang grupo ni James.

Magsisimula na ang program proper pero wala pa rin si Diana. Naupo na kasama nila sina Albert at Dominic na kanina pa abalang-abala sa pambobola nang kung sinu-sinong babae, samantalang hindi naman daw pupunta si Stephen. Napilitan na rin si James na maupo pero panay pa rin ang lingon nito sa entrance. Kanina pa nila tinatawagan si Diana pero hindi nito sinasagot ang phone.

"Good evening lovely ladies and handsome gentlemen..." Simula nang dalawang emcee sa stage. Nagpalakpakan ang karamihan. Kung anu-ano pang sinabi nila pero walang pinakinggan si James. Makikita sa mukha niya na pinanghihinaan na siya nang loob. Kahit gaano niya itago, hindi 'yun nakatakas sa mga kasama niya sa mesa.

May ilan nang nagperform sa stage at lahat-lahat. Wala pa ring Diana. Nagulat silang lahat nang biglang tumayo si James. Kahit ang iba ay napatingin. Naglakad siya palabas. Mabilis naman siyang sinundan ni Annika. Nangangalahati na siya papunta sa pinto nang bigla siyang natigilan. Nakatitig siya sa babaeng kapapasok pa lang. Nang makita siya nito ay napatigil din ito sa paglalakad pagkatapos ay nginitian siya.

Continue Reading

You'll Also Like

328K 5.7K 96
This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--h...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
90.7K 2.2K 12
Role player World o alam natin sa RPW ay sikat ngayon sa mundo ng social Media, lalo na sa Facebook. Rpw ay tinatawag nilang pekeng mundo kung saan m...