Dear Diary

By iammissblue

6.3K 60 10

( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... More

Dear Diary
Chapter 1: Mr. Ray-ban
Chapter 2: Fireworks
Chapter 3: Kiss
Chapter 4: Family
Chapter 5: "I Like you"
Chapter 6: Ano nga ba?
Chapter 7: Masquerade
Chapter 8: Numbness
Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...
Chapter 10: Birthday Wish
Chapter 11: "Ama"
Chapter 12: about to lose
Chapter 13: "Ina"
Chapter 14: Torn between two lovers
Chapter 15: Jake
Chapter 17: Pagpapatawad
Chapter 18: Somebody that I used to know
Chapter 19: Someone like you
Chapter 20: Maling akala
Chapter 21: Unexpected
Chapter 22: Baby Austin
Chapter 23: Sunset
Chapter 24: Ex-girlfriend
Chapter 25: That should be me
Chapter 26: it's my Insecurities...
Chapter 27: I love you... will you...?
Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]
Chapter 29: Mr. Hernandez
Chapter 30: Surprise!

Chapter 16: Twilight

147 1 0
By iammissblue

Chapter 16: Twilight

Sobrang depress ako this past few days, ni hindi nga ako makapgconcentrate sa lahat ng ginagawa ko, tas dagdag pa yung pagiging clumsy ko. Nagaalala na nga si Kuya sa’kin eh, baka daw kung kailan malapit na kong grumaduate dun pa lalagapak ang mga grades ko dahil sa break-up lang.

Tuwing naiisip ko yung araw na ‘yun, napapailing ako sa sakit. Hindi ko inexpect yun. Ganun pala ang feeling ng break-up pag hindi mo naforesee ang mga bagay-bagay, ganun pala pag ganun mo kamahal yung tao. Ang sakit. Sabi nga ni Kuya ngayon lang daw niya ko nakita na ganun, tahimik, hindi nagkwekwento o nagagalit man lang so kinausap niya si Beth at Pete para samahan ako, whenever at wherever. Natatakot ata si Kuya nab aka isipin kong magpakamatay.

Saturday, niyaya ako ni Beth at Pete manood ng sine, twilight saga: New moon. Paborito ko ang book series nito, ilang beses ko pa ngang binasa ang set namin sa bahay nun dahil sa sobrang ganda, pero dahil sa nararanasan ko ngayon, nakaupo ako sa loob ng sinehan, hindi ako mapakali... hay. Lahat ng nasa sinehan kinikilig sa mga bawat eksena, pati nga si Pete at Beth tutok na tutok.

Gusto kong magwalkout, sobra, pero ginagawa ko ‘to for the sake of kuya at syempre para sa sarili ko. Ayoko namang maging miserable buong buhay ko dahil sa break-up na ‘to. Sinubukan kong manood, hanggang dumating sa eksenang, iniwan ni Edward si Bella sa gubat. Wow. Parang nakita ko lang ang itsura ko nung ginawa sa’kin yun nu Christian. Nakakaawa si Bella, nakakaawa ako. Tapos dumagdag pa si Jacob, na tinatawag ni Bella na Jake. What a coincidence.  

Possible nga bang magmahal din ako ng dalawa gaya ni Bella? Pero hindi ba’t parang mali dahil magkapatid si Christian at Jake.

“Punta lang ako ng CR...” bulong ko kay Beth, na napakaserious sa pinapanood na ni makatango ay hindi magawa.

Pagpasok ko sa CR, walang tao, solo ko ang kaunting katahimikan pero hindi ako makakatakas sa pelikula dahil hanggang CR medyo naririnig mo pa rin. hindi ko tuloy talaga maiwasang ikumpara ang buhay ko kay Bella, well, of course love life ko lang naman.

Pareho kaming torn between lovers pero ang akin ay realistic. Duh! Hindi ako in love sa Vampire at werewolf, pero in love ako sa dalawa... o baka akala ko lang in love ako?

Pagtapos ng sine, naglakad-lakad kami sa Mall para makahanap ng makakainan habang yung dalawa, walang ginawa kung di pagusapan yung movie. Kasama naman nila kong nanoon pero feeling ko parang naout of place ako, hindi naman sa wala akong pake sa movie pero kasi, apektado lang ako masyado siguro kaya ayaw kong pagusapan.

“Manlibre ka naman...” asar ni Pete kay Beth

“San niyo ba kasi gusto kumain?” tanong ni Beth “Chloe?”

“Huh?” lutang ata ako

“Girl, san mo gusto kumain?”

“Ahm... kahit saan.”

Si Pete pumili ng kakainan namin, isang restaurant siya, mukhang medyo pricy siya pero okay lang kay Beth yun. Hindi ko nga matandaan pangalan ng lugar eh, masyado kasing occupied ang isip ko. Basta pumasok kami at umupo na lang ako, sila na nga din pinapili ko ng pagkain ko eh.

“O-Oh...” biglang sabi ni Pete

Lumingon kami ni Beth sa tinitignan ni Pete at nakitang papasok si Christian at Jake, kasama ang Dad nila.

Tumigil ata bigla ang mundo ko, narealize ko na lang na nakalimutan kong huminga nung naramdaman kong sumikip na ang dibdib ko sa sakit.

“Gusto mo bang umalis na tayo dito?” tanong ni Beth

Napayuko ako. “Okay lang, nakaorder na tayo, hayaan mo na...”

“Sure?”

Tumango ako. “Wag niyo na lang pansinin...”

“Eh paano pag nakita tayo?” tanong ni Pete

“Okay lang... dulo naman tayo, mahihirapan sila makita tayo.”

Wow. Ang tapang ko ata ah.

Saktong dumating ang order namin at humarang yung waiter, just on time nung parehong napalingon ang magkapatid. Phwew~!

Pero kahit anong gawing iwas ko ng tingin sa kanila, hindi ako mapakali, dahil alam ko napaptingin sila sa’kin kahit mula sa malayo. Pati nga mga balahibo ko sa batok eh nararamdaman sila.

“Ang awkward noh...” sabi ni Beth

“Kulang na nga lang eh hubaran ka nung dalawa sa mga titig nila eh.” Dagdag ni Pete

“Bilisan na lang natin kumain nang makauwi na tayo...”

“Uwi? No! magshoshopping pa ko.”

“Takte ka naman Beth, ilang bang cabinet meron ka sa bahay at nagkakasya lahat ng shinashopping mo...”

“O.A ka naman Chloe...”

Narelax ako ng konti nang nagumpisa kaming magasarang tatlo.

~

After magbayad ni Beth, tumayo na kaming tatlo at diretso nang paalis ng restaurant, pero gaya ng mga nangyayari sa movie, numakaw ako ng tingin sa kanila at sa pagtingin ko, nakita ko siyang nakatingin din sa’kin, si Christian. Nang magkita ang mga mata namin, parang nagslow motion ang lahat sa paligid. Hindi ko alam kung pareho kami ng naramdaman pero, nandun pa rin talaga yung spark na naramdaman ko sa kanya, gaya nung una ko siyang nakita sa may parking lot. Pero nasira ang moment namin nang biglang may humarang sa harapan niya. Nangiti na lang ako.

Paglabas namin sa mall, bumungad sa’min ang takipsilim, twilight. Natawa kaming tatlo dahil sumasakto daw ang mga bagay-bagay sa pelikulang pinanood namin. Ang love triangle ko daw at ang sunset. Adik talaga tong dalawa kong kaibigan.

“Kukunin ko lang yung sasakyan” sabi ni Pete

“Sige, naiihi ako, CR muna kami ni Chloe...”

Naglakad kami ni Beth papunta sa escalator papunta sa next floor kung nasan yung CR. At syempre, lampa ako nun pa man, palakad na lang ako palayo sa escalator eh madadapa pa ko. Nakakaasar! Nasalaubsob na naman ako! Buti na nga lang wala masyadong tao eh, kaya okay lang kasi, napatayo naman ako kagad eh.

“Wow, parang nung dati lang ah...” sabi ni Beth,

Oo, nung una kaming nagkausap ni Christian. Napasimangot ako sa ala-ala.

“Sorry...”

“Okay lang...”

Then nung palakad na kami papunta sa CR, malayo pa lang ay nakita ko na si Christian... at si... Jake...

Oh my god! Sumakto pa ang soundtrip ng mall sa eksena namin, A Thousand Years by Christina Perri.

Huminto ako sa tapat ng CR habang si Beth ay dumiretso na sa lob para gawin ang dapat niyang gawin. iniwas ko ang tingin ko sakanila, inoccupy ko ang mga mata ko sa pagbabasa ng mga rule na dapat sundin pagdating sa cleanliness ng CR, pero sa paggalawa ng mata ko, kita ko pa rin sila sa peripheral vision ko. Asar!

“Oh! Ms. Mercado,” paglingon ko, ang dad nila ang palapit sa’kin “What a coincidence... magisa ka lang ba?”

“Sir, ahm... may kasama po ako...”

“Boyfriend mo?”

Awch! Hindi pa ba alam ng dad ni Christian na kami? O hindi niya kami tanggap? Ay oo nga pala... tapos na kami.

Tumawa ako, pakitang tao lang. “Mga kaibigan ko po.”

“Ah... I see.” sabi niya, “Kasama ko si Christian at Jake.” Sabay turo niya sa dalawa na nakatayo sa likod niya, nakadistansya sa’min. “May business meeting kasi kami kanina...”

Hindi ko alam ang isasagot ko, buti na lang lumabas na si Beth. “Ahm... nice seeing you again sir... ahm... mauna nap o kami...”

“Gusto niyo ba sumabay na kayo sa’min, ihahatid kayo ni Christian...”

“Hindi na po, may kasama po kami na nagaantay sa baba.”

“Sige. Take care.”

“Kayo din po...”

Sa pagtalikod ko, akala ko makakatakas na ko sa pagdudusang ito nang biglang, “Ms. Mercado,” lumignon kami ni Beth kay Mr. Hernandez, “Pwede ka ba next Saturday?”

“Po?”

“Dad...” sabat ni Jake, na mukhang hindi niya gusto ang ginagawa ng Dad niya

“Jake, kaibigan mo siya sa naisip ko na dapat lang na maimbitahan mo din siya...” binalik ni Mr. Hernandez ang atensyon niya samin ni Beth “Birthday kasi ni Jake sa Sabado, I’d like you guys to come, kahit isama niyo pa yung kaibigan niyo na nagaantay sa inyo sa baba.”

“Party?”

“Yup, dapat naka-costume kayo... any super hero, monster, princess... anything.”

“Ang cool!” sabat ni Beth

Siniko ko siya sa tagiliran niya, “Ahm...”

“I don’t take No for an answer.”

“Sige po sir! Pupunta kami! Ako bahala kay Chloe!”

Kahit kailan epal talaga si Beth

“Good, see you then...”

Naglakad na sila paalis. Nilampasan na kami ni Mr. Hernandez, sunod si Jake na tinignan muna ako at nginitian bago umalis, habang si Christian, tinignan lang ako saglit at nilampasan na lang. Galit pa rin siya sa’kin o baka habang buhay na niya kong isumpa dahil sa halik na ‘yun.

Mababaliw na ata ako!

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
21.1M 518K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...