Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 8

182K 3.7K 834
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 8

Nanatili akong nakatitig sakanya, dahan dahan siyang lumingon saakin at hindi ko kinaya ang mga titig na ibinigay niya sa akin.

Ngumiti siya ng mapait at umiling iling.

"Anong kagaguhan nanaman ba 'tong ginagawa ko?" Mapait na sabi niya, isinuot niya sa bulsa niya ang isang kamay at tumingin siya sa langit.

"Fck." Bulong niya.

"Hindi dapat kita dinadamay. I'm sorry." Natatawang sabi niya pero ramdam ko ang pagka galit niya sa sarili niya sa tono ng pananalita niya.

Kasalanan nga bang mahalin ang isang Cando? Pero bakit parang tama sa pakiramdam?

"Gusto ko rin magkasala, kung ikaw lang din naman yung mamahalin." Bawi ko sakanya, tumingin siya saakin at halos magulat siya sa iminungkahi ko.

Sinenyasan ko ang driver ng taxi na hindi na muna ako sasakay kaya naman umalis na ito.

"Claire.." Tawag niya saakin.

"Kung gugustuhin ko naman magagawa ko Ethan, pero masakit yon sa part ng asawa mo." Bulong ko, alam ko kung anong pakiramdam na lokohin ka ng taong pinakasalan mo kahit hindi ko pa nararanasan, dahil nakita ko iyon kay Mama.

"Gustong gusto ko Ethan.." Sabi ko sakanya.

"Pero ikaw na rin naman ang nagsabi diba? Mali, maling mali na ipagpatuloy pa rin nating dalawa 'to." Ngumiti ako ng marahan pero sobrang pait, panay rin ang pagkirot ng puso ko ngayon dahil tinatanggap ko ang katotohanan na hindi siya para saakin.

Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at mahigpit na pinisil iyon. "Nahuli lang ako ng ilang oras nung birthday ko diba?" Hindi ko alam na kusang tumulo na yung luha ko nang sabihin ko sakanya iyon.

"Kung mas napaaga siguro yung pagkikita natin hindi ka naman magpapakasal hindi ba?" Umiiyak at tumatawa ako ngayon habang kinakausap ko siya, marahan niya akong hinila at halos kumawala ang puso ko nang ikulong niya ako sa bisig niya.

"Mali lang yung panahon Claire, maling mali." Halos mamaos ang boses niya dahil sa pinipigilang pag iyak.

Tinanggap ko ang yakap niya ng sobrang higpit bago ko pa siya tuluyang binitawan.

"P-pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan diba?" Tumatawang tanong ko sakanya.

Hindi siya sumagot saakin.

"Please Ethan, kahit iyon nalang pagbigyan mo ako." Pakiusap ko sakanya, ikinulong ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at marahan niyang pinunasan ang luha ko.

"K-kahit ayaw ng puso ko na maging kaibigan ka, gagawin ko. Kung anong gusto mo Claire." Nakangiting sabi niya saakin pero ramdam na ramdam ko yung sakit sa bawat ngiti niya.

"Thank you." Sagot ko sakanya, mabilis na akong pumara ng taxi.

Sasakay na sana ako pero hinila niya ako at halos pigain ang puso ko nang halikan niya ako sa noo.

"Friends?"

"Y-yes." Bulong ko, pinagsalikop niya ang daliri naming dalawa at siya na ang nagbukas ng pinto ng taxi, bago niya ako tuluyang pinasakay isang marahan na pagpisil sa kamay ko ang ginawa niya.

Narinig ko pang pinag ingat niya ang taxi driver bago pa ito tuluyang umandar.

Ayaw tumigil ng luha ko sa katutulo, ang tanga tanga mo Claire, hiniling mo pa talaga na maging kaibigan mo siya? Paano ka makaka-move on kung hindi mo magawang putulin ang koneksyon na mayroon sa inyong dalawa?

___

"Magkaibigan?!!" Halos ibuga na ni Jenica ang kinakain niyang sisig, nandito kaming dalawa ngayon sa Padis Point, naisipan lang daw niya na yayain ako dahil magtatatlong araw ko na raw siyang hindi pinupuntahan sa Antipolo.

Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang mapagpasiyahan namin ni Ethan na maging magkaibigan nalang kaming dalawa at yon ang kinukwento ko ngayon kay Jenica.

Tumango tango ako sakanya pagkatapos kong tunggain ang San Mig Lights sa harapan ko.

"Yes, friends." Nakangiting sabi ko.

"Mukha mo! Ikaw makikipag kaibigan kay Ethan? At sa anong dahilan naman? Hindi ba't sabi mo hindi ka titigil hangga't hindi siya napapasayo?" Usisa niya saakin, hindi ko sinabi sakanya ang dahilan kunh bakit ako nakipag kaibigan nalang kay Ethan at wala rin akong balak ipaalam sa kahit na sino ang sikretong iyon.

"Ano ka ba? Masama bang makipag kaibigan?" Tanong ko sakanya, humalakhak si Jenica ng nakakaloko.

"Umamin ka nga saakin, binasted ka ba ng isang Cando?" Panunuya niya saakin, nanlaki ang mata ko.

"Hoy! Hindi ha!" Tumatawang sagot ko sakanya, hindi naman talaga ako nabusted ni Ethan, kung tutuusin inamin naman niyang mahal niya rin ako, sa maling panahon nga lang.

Napabuntong hininga ako sa isiping iyon, nanahimik nalang ako habang patuloy sa pag inom. Nakikinig nalang din ako ng live band na kumakanta ngayon sa stage, nakakaloka lang dahil tagos pa yata saakin yung lyrics ng kanta.

~~Pinilit kong pigilin ang aking damdamin,

pagkat ika'y hindi na dapat pang ibigin.

Ikaw pala'y mayroon ibang minamahal,

habang ako sa ating pagmamahalan ay

sumugal.~~

Masyado yatang mapaglaro ang tadhana saakin, sinong mag aakala na magiging katulad pala ako ng Daddy ko? Nakakatawa na galit na galit ako sa Daddy ko pero ako pala itong gumawa rin ng pagkakamali niya.

~Hindi ko na kayang masaktan pa,

Hindi na maaari pang ako'y  gamitin na

isang sunud sunuran sa iyong

mga kagustuhan, at halos ang

lahat ay ibigay ko na.~~

~Hindi ko na mapapayagan pa, ang puso mo'y pag laruan ng puso kong gahaman.~

Napangiti nalang ako ng mapait sa mga naiisip ko, hindi ko malaman kung sa sarili ko ba ako naiinis o sa panahon?  Bakit kinakailangan pa na mas may mauna saakin? Akala ko ako lang yung unang nakapukaw ng lintik na atensyon ni Ethan, hindi pala, dahil may iba na siyang pinakasalan.

Hindi rin pala totoo yung kasabihan na kapag humiling ka sa tumapat na eroplano ng kotseng sinasakyan mo eh magkakatotoo. Bakit ba ako naniwala sa kalokohang iyon? Yan tuloy, ako itong nasasaktan ngayon ng sobra sobra.

__

"Ara!" Sigaw ko, pero ni hindi niya ako nilingon. Susundan ko sana siya dahil nakita kong umiiyak siya pero napaatras ako nang makita kong hinila niya si Marcus. Kita ko sa mukha nilang dalawa na parang may hindi sila pinagkakasunduan.

"Grabe, magkapatid ang tinuhog ni Ara?" Narinig kong bulong ng isang babae, humigpit ang kapit ko sa mga libro ko.

"Ano ka ba? Hindi pa ba halata sa apelyido ng babaeng yan ang kalandian niya? Binalatan." Mas lalong nag init ang tainga ko sa mga naririnig ko ngayon kaya naman naglakad na ako palayo sa lugar na iyon.

"Btch, akala niya siguro maaakit niya si Marcus." Napatigil ako dahil sa narinig kong nagsalita, humarap ako sakanila at halos tumaas ang altapresyon ko nang makita ko si Bianca.

"Ano nanamang ginawa mo?!" Sigaw ko sakanya, pero humalakhak siya na akala mo isang mangkukulam.

Sasampalin ko sana siya pero hinuli niya ang kamay ko at itinapat sa mukha ko ang picture ni Ara na akmang hahalikan ni Ethan, tinabig ko iyon at sinampal ko na siya ng tuluyan!

"Wala kang karapatan saktan ang kaibigan ko!" Sigaw ko sakanya, sa sobrang inis ko ibinato ko sa mukha niya ang tatlong librong hawak ko na naging dahilan para mas lalo siyang mainis saakin!

Hinila niya ang buhok ko pero mabilis ko siyang pinagsasampal, "Hayop ka!!" Sigaw niya saakin at gumanti siya ng sampal, hahablutin ko na sana ang buhok niya pero may yumakap saakin mula sa likod ko at hinila niya ako palayo kay Bianca!

"Bitawan mo ako! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nasisira yung pagmumukha niyang babae na yan!!" Sigaw ko at nagpupumiglas ako!

"In your dreams Claire!! Magsama kayo ng kaibigan mo!!" Sigaw ni Bianca saakin, pilit kong inaabot ng sipa ang katawan niya pero sobrang lakas nitong humihila saakin.

"Claire!!!" Suway niya saakin, humarap ako sakanya at doon ko nakumpirma na si Ethan ang humihila saakin ngayon.

Napuno ng galit ang puso ko, sa sobrang inis ko isang malakas na sampal ang ibinigay ko sakanya. Pero ni hindi manlang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, nanatili siyang walang emosyon na titig na titig saakin.

"Anong ginawa mo kay Ara?" Mariin na tanong ko sakanya, pero hindi niya ako sinagot kaya hinampas ko ang dibdib niya, mabilis niyang hinila ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.

"Bitawan mo ako." Galit na galit na bulong ko sakanya, "No." Malamig na sagot niya saakin at saka hinila niya ako, ramdam ko ang mga tumutusok na titig saakin ng mga estudyante.

Pilit kong hinihila pabalik ang kamay ko dahil nasasaktan ako sa sobrang higpit ng hawak niya saakin!

Pumasok kami sa clinic ng University at halos padabog niya akong pinaupo sa medical bed, mukhang walang nurse ngayon dahil kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

Nanatili akong titig na titig sakanya, walang sinuman ang pwedeng manakit kay Ara, dahil ako talaga ang makakalaban nila.

Hinalungkat ni Ethan ang isang drawer doon at nakita kong kumuha siya ng bulak, alcohol at band aid. Muli siyang humarap saakin at halos mahampas ko ang kamay niya nang dumampi sa pisngi ko ang bulak na may alcohol.

"Masakit." Ingit ko.

Huminga ng malalim si Ethan at hinila niya ang kamay ko saka mahigpit na hinawakan iyon at muling ginamot ang sa tingin ko kalmot ni Bianca sa mukha ko.

"Makikipag away ka nalang h'wag sa loob ng university." Suway niya saakin, napataas ang kilay ko.

"Bakit? Ipapa-suspend mo ba ako?" Pagsusungit ko sakanya, pero napalunok ako dahil muli ko nanamang nakita ang nakakalokong pag ngisi niya.

"Tandaan mo wala akong sini-sino pagdating sa rules ng school." Nakangising aniya, inirapan ko siya.

"Kahit kaibigan ko pwede kong parusahan." Patuloy niya, parang may kung anong kumurot sa puso ko. Magkaibigan nga pala kaming dalawa.

Marahan niyang nilagyan ng band aid ang sugat ko na naging dahilan para mapangiwi ako sa hapdi.

"O? Edi ikaw na ang Mr.President na walang sini-sino." Pagtataray ko sakanya.

Sandali kaming natahimik, pero biglang sumagi sa isip ko ang picture na ipinakita saakin ni Bianca.

"Anong ginawa mo kay Ara?!" Sigaw ko sakanya.

Napapitlag ako nang ayusin niya ang buhok ko. "Magsuklay ka, mukha kang mangkukulam." Pang aasar niya saakin.

"Napaka sama ng ugali mo." Bawi ko sakaya atsaka hinila ko yung bag ko at hinanap ang suklay.

"Wala akong ginawa sa kaibigan mo, sinubukan ko lang kung seryoso ba siya sa kapatid ko." Biglang sabi niya, tinignan ko lang siya na ngayon ay inaayos ang drawer na pinagkuhanan niya ng first aid kanina.

"Magka grupo kami sa Rizal ni Ara diba? Pinalabas ko na ginawan mo kami ng report kahit hindi. Ayoko lang magaya saakin ang kapatid ko, kaya sini-sigurado kong hindi siya mapupunta sa mali." Kwento niya, napatigil ako sa pagsusuklay.

"Anong sabi mo? Anong tingin mo kay Ara? Pakawala?!" Naiinis na hiyaw ko sakanya, humarap siya saakin at umiling.

"Hindi naman sa ganun. Naninigurado lang ako Claire."

Napakunot ang noo ko, ngayon ko lang nakumpirma na parang hindi siya basta basta nagtitiwala sa mga tao.

"Ang sabihin mo wala ka lang tiwala sa mga tao sa paligid mo." Bulyaw ko sakanya, nag iwas siya ng tingin saakin.

"Pumasok ka na sa klase mo, absent ka kahapon." Sermon niya saakin, ngumuso ako at inirapan ko siya.  Totoong absent ako kahapon dahil medyo naparami ang inom ko nung isang gabi na lumabas kami ni Jenica kaya naman hindi ako nakabangon dahil sa hang over.

Hindi ako kumilos kaya naman muli siyang nagbalik ng tingin saakin.

"What?" Pagsusungit niya, "You'll pay for this. Umiyak si Ara." Pagmumukmok ko.

Mariin niyang ipinikit ang mata niya na para bang ang laki laki ng problema niya saakin, muli niya itong iminulat at isang malalim na titig ang ibinigay niya saakin na talaga namang humila sa buong sistema ko.

"What do you want?" Mariin na tanong niya, lumunok ako ng sunod sunod dahil hindi niya talaga pinapakawalan ang mga mata ko. "Ah, eh?" Para akong bata na naghahanap ng tamang isasagot sa magulang niya.

"Come on Claire." Aniya.

"Ilibre mo ako!" Hiyaw ko, hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. Pero sa tingin ko, yun ang gusto ng puso ko.

Kahit manlang sa ganitong paraan bilang maging malapit ako sakanya bilang kaibigan niya.

"Seriously?" Ngumingising sagot niya saakin.

"O-oo! Bakit? Para naman makatipid ako, ikaw palagi ang manlilibre ng pagkain ko. Saka para mas marami akong pang shopping." Pagpapalusot ko sakanya.

Humalukipkip siya.

"Shopaholic." Pang aasar niya.

Tinignan ko lang siya ng masama at saka tumayo na ako. "Usapang matino yan Ethan," Sabi ko sakanya atsaka nagmadali na akong lumabas sa clinic na yon, ewan ko pero patuloy sa pagwawala ang puso ko dahil alam kong kaming dalawa lang ang magkasama doon.

Humugot ako ng napakalalim na hininga dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako sa bilis ng tibok ng puso ko.

___

"May meeting pa ako kasama ang ibang officers, dalhin mo nalang 'tong credit card ko." Katatapos lang ng klase namin at inaabot saakin ngayon ni Ethan ang credit card niya.

Tinignan ko lang iyon at hindi tinanggap, kaya naman nag angat ako ng tingin sakanya. "No thanks." Walang ganang sagot ko sakanya dahil nakakaramdam ako ng pagkainis. Sa totoo lang kaya ko sinabi sakanya na gusto kong ilibre niya ako ng pagkain palagi, dahil gusto ko siyang makilala.

Kahit kasal na siya, gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sakanya, maski pinaka maliit na detalye gusto kong alamin. Alam kong hindi na dapat dahil mas mahihirapan akong kalimutan siya, pero hahayaan ko pa bang mawala itong pagkakataon na 'to bilang isang kaibigan niya? Kaibigan na nga lang pakakawalan ko pa ba?

Nilagpasan ko na siya pero hinila niya ang kamay ko, nakatalikod pa rin ako sakanya ngayon. "Alright, sasama na ako. Pero tatapusin ko muna ang meeting ko." Hinila ko pabalik saakin ang kamay ko at humarap ako sakanya.

"Sigurado ka?" Usisa ko, isinilid niya sa bulsa niya ang kanang kamay niya at kinuha naman niya ang libro ko gamit ang kaliwang kamay niya.

"Kaysa naman magtampo ang kaisa isang kaibigan ko." Malamig na sabi niya.

"Masama ba ang loob mo?" Bulyaw ko sakanya, "No. Follow me." Mapang asar na sagot niya saakin, padabog akong sumunod sakanya papunta sa office nilang mga officers ng school.

Pinaupo niya ako doon sa may dulo kung saan nakapwesto ang table niya.

Abalang abala siya ngayon sa pangunguna sa meeting, masyadong responsible itong si Ethan pagdating sa mga officers, gusto niya pakikinggan lahat ng sasabihin niya. May makita lang siya na para bang nagbubulungan kagagalitan na niya, maging ang mahinang pagtunog ng cellphone ng isa naririnig niya. Napapangiti nalang ako sa kasungitan nitong lalaking ito.

Medyo nainip ako kaya naman kinalikot ko na lang ang mga gamit niya dito sa table, mahilig siya sa kulay itim, halos lahat kasi ng gamit niya bilang President ng school kulay black.

Napakunot ang noo ko nang mapansin kong may nakataob na maliit na picture frame doon, marahan kong inangat iyon at halos kumalabog ang puso ko nang makita ko ang isang picture ng batang lalaki doon. Kamukhang kamukha niya ito, maging ang pag ngiti nito, ang malalalim na mata at mapulang labi. Nakuha din nito ang kaputian ni Ethan.

Napapitlag ako nang may marahan na humila non, "Hindi ba sinabi ko sayo na masamang gumagalaw ng gamit ng iba?" Malamig na suway niya saakin, nanlalamig ang kamay ko at ayaw huminto ng puso ko sa mabilis na pagtibok nito.

"I..I'm sorry." Bulong ko.

"Tapos na ang meeting namin." Aniya at muli niyang ibinalik ang picture frame doon sa drawer niya.

Tumayo ako at hindi ko maintindihan ang pangangatog ng binti ko.

__

"Eat." Suway niya saakin, nandito na kami ngayon sa dating kinainan namin.

Nanatili akong nakatitig sakanya, marahan niyang binitawan ang tinidor na hawak niya at pinunasan niya ang labi niya gamit ang tissue.

"Alright, spill it out Claire." Aniya, lumunok ako ng sunod sunod. "I know, may gusto kang itanong." Patuloy niya.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Nakipag sukatan siya ng tingin saakin at halos hindi kayanin ng sistema ko ang malalim na titig na iyon, sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita.

Humugot ako ng napakalalim na hininga at nilakasan ko ang loob ko upang makapag salita.

"Y-yung nasa picture," Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil parang may nakabarang bato sa lalamunan ko.

At hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako magugulat sa unti unting pagkakakilala ko sakanya.

"That's Sebastian," Buong loob niyang sagot saakin, sandali siyang lumunok bago itinuloy ang sumunod na sasabihin saakin.

"My son."

***

A/N: Kumusta ulit? Haha, matagal po talaga akong mag update dahil magulo ang sched ko sa work, zig zag yung sched ko, nakakabaliw sobra. :( Hehe. Anyway, tanong ko lang, mahal niyo pa ba si Ethan? Hahaha!

Ako? Mahal ko si Ethan , syempre isa sa mga babies ko yan eh. Hahaha! Salamat po ulit sa matiyagang paghihintay ng updates. :*

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 25.6K 53
Si Ryle Sofia Harris, para sa lahat ay siya ang tipo na nakukuha ang lahat. Mayaman, maganda, maraming kaibigan at matalino pero para sa mga taong na...
131K 4.5K 32
“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
12M 167K 57
Published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P199.00 Kaya mo pa bang magmahal kung sobra sobra kang sinaktan ng unang taong pinakamamahal...
1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...