When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

688K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 73 - Time Zone

3.6K 89 4
By iamhopelessromantic

Hi "msthinemacaraig". Here's my peace offering dahil sa tagal kong mag-update.

Mai

Dumaan na ang ilang minuto ay nanatili pa ring naka-yakap si James kay Diana. Ayaw pa rin niyang bumitiw. Tahimik lang sila at walang nagsasalita, bagama't hindi maikakaila ang saya sa mga mukha nila.

"Hindi pa ba tayo aalis?" basag ni Diana sa katahimikan. "Don't you think this is so weird? Nasa sementeryo tayo."

"And so?" Nagsalubong ang kilay ni James. Napabuntunghininga na lang si Diana. 

"Never mind. Let's just leave. Shall we?" Naramdaman niya sa kanyang balikat ang pagtango nito pero hindi pa rin siya binitawan. "Nat?" Narinig pa niya ang pagpapakawala nito nang buntunghininga bago siya pinakawalan. Pero mabilis din nitong nakuha ang kaliwang kamay niya at hinila na siya nito paalis.

Nang makalabas na sila nang sementeryo ay nagkasalubong ang mga kilay nila nang hindi nila makita sa pinagparadahan nila ang kotse ni James. Nilibot nila nang tingin ang buong paligid.

"Oh my god. Nasaan ang kotse mo? Could it be?" Lalo lang siyang kinunutan nang noo ni James. "Tell me hindi nacarnap ang kotse mo?"

"It seems so."

"It seems what? Don't tell me..."

"It's carnapping." Pagkasabi nun ay biglang humalakhak si James. Napaawang na lang ang labi ni Diana habang nakatingin sa kanya.

"Nat naman eh."

"Mukha ka kasing nakakita nang multo eh." Paliwanag niya tapos ay inabot kay Diana ang isang papel. Kahit na medyo naguguluhan pa ay tinanggap naman nito ang papel. "Na tow lang ang kotse ko. Bawal pala mag park dito, hindi ko nakita ang sign" itinuro pa nito ang sign. "And I didn't know na uso ang tow dito sa Pilipinas."

"Nakakainis ka naman eh" sigaw ni Diana.

"What did I do?"

"Ba't di mo agad sinabi?"

"You look so cute when you're nervous." He gave her his legendary smile, his very rare but oh so sweet and dashing smile. Nabitin sa ere ang dapat ay isasagot ni Diana. Tinalikuran na lang niya ang nakangiti pa ring si James.

"Magpapahatid na lang ako nang kotse. Though matatagalan nang konti bago 'yun makarating dito." Biglang napangiti si Diana. Hinarap niya si James na may seryusong mukha.

"Let's just go. Mag-bus na lang tayo."

"What?" Nanlalaki ang matang bulalas niya.

"Sabi mo matatagalan pa yun kaya mag bus na lang tayo."

"But... but..."

"But what? Don't tell me hindi ka pa nakakasakay nang bus? Are you scared?"

"Of course not... Ba't naman ako matatakot? I'm James dela Vega."

"Good. Ano pang hinihintay natin? Let's go." Nauna nang maglakad si Diana. Napangiti siya. Nakasimangot na sumunod na lang sa kanya si James. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bus stop. May natanaw na silang papalapit na bus.

"Don't worry Nat... Andito naman ako eh."

"Tsk. Hindi ako natatakot noh." Siya na mismo ang naunang sumakay nang bus. Hindi pa man sila nakakaupo ay umarangkada na ulit ang bus kaya muntik na silang masubsob. "Are you alright?" Tumango si Diana. "What the hell?" Napatingin sa kanila ang kondoktor maging ang ibang pasahero.

"Sorry po."

"Ba't ka nagsosorry? Kasasakay pa lang natin bigla na lang niyang pinatakbo."

"Shhh. Halika na." Naupo na sila sa bakanteng upuan.

"Ba't ka nakangiti?"

"Ako? Hindi naman ah."

"Tsk. Hindi daw."

"Natatawa lang ako kasi muntik na tayong mapaaway." Nagsalubong any kilay niya. "Muntik di ba, nakaligtas tayo. Saka..." Ngumuso si Diana. Ginaya lang din siya ni James. "Hindi... Tingnan mo 'yung kondoktor pero huwag kang magpahalata ah."  Tiningnan nga niya ang kondoktor pero sa halip na saglit lang ay nakipaglabanan ito nang titig. Pinalo ni Diana ang braso niya.

"Ano ba."

"Anong ano ba? Sabi ko huwag kang magpahalata eh. Anak nang... he's coming. Magpanggap tayong natutulog." Ipinikit na nga agad ni Diana ang mata niya.

"Ser saan po kayo?" Naramdaman ni Diana ang mahinang pagsiko sa kanya ni James pero hindi pa rin siya nagmulat nang mata.

"Tangs... Saan daw tayo?" Hindi na siya tinigilan sa kakasiko nito. Tinitigan muna niya ito nang masama bago hinarap nang nakangiti ang kundoktor.

"Ayala po dalawa."

"Ayala? Malapit na 'yan sa inyo."

"Yeah. That's the nearest bus stop pauwi."

"We're not going home yet."

"Of course we are."

"No. Ayoko pang umuwi."

"Eh di huwag kang umuwi. I'm not forcing you to come with me."

"Iho, Ineng. Tawagin niyo na lang ako kapag nagkasundo na kayo sa pupuntahan niyo."

"Tangs I'm hungry. Let's have dinner first okay." Hindi nagpapaalam ang tono niya kaya alam ni Diana na balewala rin kung magmamatigas pa siya.

"Sige na nga. Manong MOA po." Binigyan niya nang sengkwenta ang kondoktor. Pag-abot sa kanila nang ticket at sukli ay lumipat na ito sa ibang pasahero. Lalo pang dumami ang pasahero nang bus, marami nang nakatayo. May nakita si Diana na matanda malapit sa kanila. Siniko niya si James. "Get up."

"Why?"

"Papaupuin ko si Lola." Bukod sa lalaki ay nasa isle pa ito.

"Why does it have to do with me?"

"Aishh. Ewan ko sa'yo." Tumayo na si Diana at kinalabit ang matanda. Inalalayan niya itong makaupo. Pinadaan naman niya nang masamang tingin si James. Itinaas na niya ang braso para kumapit sa hawakan nang hilahin siya nito paupo sa lap niya. Napaawang na lang ang labi niya. Tatayo sana siya nang ipinulupot nito ang braso sa bewang niya.

"Seatbelt." Sabi pa nito. Napayuko na lang si Diana. Pinagtitinginan kasi sila nang ibang pasahero.

"Ang landi-landi mo talaga noh?"

"Bakit ba. Ikaw lang naman nilalandi ko."

"Whatever." Kahit na naiinis ang tono niya ay may ngiti pa ring kumawala sa labi ni Diana.

"Ang sweet niyo namang magkasintahan." Napalingon silang dalawa sa matandang pinaupo nila.

"Naku hindi po kami magkasintahan Lola." Mabilis na tanggi ni Diana.

"Hindi pa po ako sinasagot eh." Nilingon niya si James.

"Anong sinasabi mo? Hindi ka naman nanliligaw ah. Nanliligaw ka ba?"

"Kahit kelan Tangs ka talaga" bulong nito sa kanya. Natahimik na lang si Diana, daig pa niya ang nabuhusan nang nagyeyelong tubig sa pagkakapahiya.

"Naku Iha. Kung ako sa'yo sasagutin ko na to... Baka makawala pa. Bagay na bagay pa naman kayo."

"I told you so. Dapat nakikinig ka kay Lola."

"Wala ka namang sinasabi ah." Tumawa lang si James. Nang marinig nilang sumigaw ang kondoktor nang “MOA” ay mabilis na silang bumaba nang bus. Tumambad agad sa kanila ang malaking landscape nang globe.

"Where do you want to eat?"

"Don't ask me. Ikaw tong nagugutom hindi ba?"

"Well..." napakamot-kamot si James sa ulo niya.

"I knew it... I knew it. Hindi ka naman talaga nagugutom eh."

"Yeah. You got me. Hindi ka naman pala ganon ka tanga eh." Sumimangot si Diana.

"Magcocompliment ka na nga lang may kasama pang pang-iinsulto." Tumawa lang si James.

"At least you're back to yourself."

"Ha?"

"Nothing. Let's just go." Inabot ni James ang kamay ni Diana. Naglakad-lakad na sila sa mall nang magkahawak-kamay. At tulad nang dati, maraming babaeng napapatingin sa kanila, o kay James lang mismo. May iba pa na kumaway pa talaga. Tiningnan ni Diana ang babae pero inismiran siya nito. Nagulat siya dahil biglang binitiwan ni James ang kamay niya, tapos ay inakbayan siya nito. Napangiti si Diana sabay sulyap sa malditang babae na ngayon ay nanggagalaiti na.

Nang makita ni Diana ang Time Zone ay hinila niya si James papunta dun. "Seriously? Timezone?"

"What? Ano namang masama? Gusto kong maglaro eh." Inilabas na ni Diana ang card niya. Tumaas ang kilay ni James.

"You have a card? Gaano ka ba kadalas magpunta dito?"

"Minsan lang. Mga once a week."

"Minsan lang? That's once a week."

"And so?"

"At sino namang kasama mo?" Lihim na napangiti si Diana. Mababakas na kasi sa mukha ni James na nagseselos ito.

"Iba-iba eh."

"What?" Tumawa na nang malakas si Diana. Natigil lang siya dahil may tumingin sa kanila.

"Ang paranoid mo. Minsan si Charlotte, Ina at Nica saka sina Michael at Mark. Depende kung sinong pwede."

"Next time ask me."

"Ayoko nga" Kumunot ang noo niya.

"Ang kj mo kaya. Pagpasok pa nga lang natin kanina hindi na maipinta ang mukha mo."

"That's because I don't like crowded places."

"So hindi ka pa nakakapag timezone? O kahit quantum?" Tumango si James.

"That's unbelievable. Saang planeta ka ba galing? Hindi ka naman si Do Min Joon." Lalong kumunot ang noo niya.

"Anong Do Min Joon?"

"Crush ko 'yun. Ah hindi pala. His my love from the stars." Kinilig-kilig pa siya habang sinasabi 'yun. Pumunta na siya sa may baril-barilan kaya hindi niya napansin ang pagdilim nang mukha ni James.

Sinwipe na ni Diana ang card niya at nagsimulang maglaro. Tuwang-tuwa siya sa paglalaro nang baril-barilan. Nang game over na siya ay nilingon niya sa James. "Anak nang tinapa..." Nakasimangot si James at nagsasalubong pa ang kilay. "Anong problema mo? Nakakatakot ang itsura mo."

"Sino 'yung Do Min Joon?" Tumawa si Diana. Kinuha nito ang cellphone sa bag. Ipinakita ito kay James.

"'Yan si Do Min Joon. Ang cute niya di ba?" Kinuha ni James ang cellphone ni Diana.

"Eto? Cute? Tingnan mo nga ang kapal nang kilay." Marahas na inagaw ni Diana ang cellphone niya.

"Pakialam mo kung makapal ang kilay niya. Basta crush ko siya. Saka compare naman sa'yo mas cute naman si Kim Soo Hyun."

"Sino na naman yang Kim Yu Yoon na yan?"

"Kim Soo Hyun. Si Do Min Joon nga. Character name niya ang Min Joon. Teka nga. Bakit ka ba nagagalit?"

"At sino namang maysabing galit ako."

"Hindi daw. Umuusok kaya ang ilong mo. Don't tell me nagseselos ka kay Do Min Joon?"

"Si James dela Vega, magseselos sa pangit na 'yun?"

"Ewan ko sa'yo."

"Maglaro ka na nga lang." Hindi na sumagot si Diana. Tinalikuran na niya si James para maghanap nang ibang lalaruin.

"Pahiram nang phone mo." Kinunutan lang siya ni  Diana nang noo. "Maglalaro ako."

"Sa phone mo ikaw maglaro."

"Low Battery." Nag-isip pa sandali si Diana bago niya inabot ang cellphone. Binigyan pa niya si James nang nagbabantang tingin bago tuluyang binitawan ang cellphone.

"Capital R ang pattern." Tumango-tango lang si James. Mukhang hindi na galit. "Bipolar talaga." bulong niya.

Naglaro na ulit siya. Sumasakit na ang braso niya sa kakabato nang bola sa mga lamok sa screen. Samantala, nasa malapit lang si James na abalang-abala sa pagkalikot nang cellphone ni Diana.

"Ahhhh." Game over na si Diana. Hindi niya naipasa ang level one.

"You lose again." Nilingon niya si James. Nasa tabi na niya ito at iniaabot ang cellphone niya. Kinuha niya 'yun at ipinasok sa bag niya.

"I always win before. I wonder... siguro kasi hindi ko na nai-aapply ang secret strategy ko."

"Secret strategy huh? At ano naman 'yun?"

"Well simple lang. Iniisip ko lang na 'yang mga lamok ay ang taong kinaiinisan ko. 'Yung taong gusto kong batuhin nitong bola. Tirisin at patayin. Umaabot nga ako sa last level."

"Then why don't you do that?"

"Hindi na ako galit sa'yo eh." Nanlaki ang mata ni James.

"What? Ako 'yung taong gusto mong tirisin at patayin?" Tumango si Diana. "At mukhang proud ka pa ah. Aren't you supposed to tell me that?"

"Why not? That's the truth. I've been trying to kill you in my mind. You we're so mean back then. Actually hanggang ngayon naman. Stress reliever ko ang larong 'to." Hindi na kumibo si James.

"Hey. Ang seryuso ah. Hindi na ako galit sa'yo ngayon."

"Really?"

"Yeah. Really. Bawasan mo lang 'yang pagiging bipolar mo and there won't be a problem."

"I'm not bipolar."

"See? I just told you. Out of nowhere nagbabago ang mood mo. Daig mo pa ang matandang nagmemenopause."

"Seriously? Can't you think of a better metaphor? "

Tumawa lang si Diana. "Come on. May bakante na sa basketball." Hinila na niya si James. Kanya-kanya sila nang ring.

"Sixteen?" Pinandlatan niya ito nang mata saka tiningnan ang score nito. "It's sixty-three."

"Tsk. Tsamba lang."

"Why don't we have a bet? Kapag nakaganyan ulit akong score anong ibibigay mo?" Nag-pout ang lips ni Diana. "A kiss would do." Bulong niya.

"No way. Ang manyak mo. Maglaro ka na lang dyan. Galingan mo para marami akong mapanalunang tickets."

“Ayoko na. I'm tired. I'll just buy it… Whatever you want."

"Ang daya mo naman eh. Isa pa nga lang nalalaro mo pagod ka na agad. Saka ayoko nang binili mo."

"Dinadaan mo pa ako sa pagpapacute mo. Sige na nga."

"Two hundred tickets lang masaya na ako."

"What? Balak mo ba akong lumpuhin?"

"Over acting ah. Hindi ka malulumpo niyan. Sasakit lang kasu-kasuhan mo. Imamasahe ko na lang." Inabot na niya ang bola kay James.

"Sabi mo 'yan ah." Matapos ang ilang game ay may ilan nang nanonood ka kay James. Panay lang ang cheer ni Diana.

"More than one hundred na Nat."

"Another hundred more then."

"Look who's here. Wow. Hindi ko alam na pumupunta ka rin pala sa ganitong lugar James dela Vega." Sumablay ang tira ni James. Nilingon niya ang nagsalita. Napatiim-bagang siya.

"Long time, no see. And you're with..." tinitigan si Diana nang lalaki. May kasama pa itong ilang lalaki. Mukha silang mga goons.

"Don't even think about it."

"Nat?" Hinarap niya si Diana at nginitian.

"Ikaw muna magtuloy nang game. This would be very quick."

"But... Will you be alright?" Hindi na itinago ni Diana ang pag-aalala.

"Of course. Ako pa. Don't worry. Just concentrate on the game. Dapat pagbalik ko marami ka nang makuhang tickets."

Tumango lang si Diana. Nasundan na Lang niya nang tingin si James habang paalis kasunod ang mga lalaki. Nagsi-alisan na rin ang mga nanood kanina dito. Itinuloy nga ni Diana ang game pero mas lumala pa ang laro niya. Naalala niya ang mukha nang mga lalaking kinausap ni James. Mukha pa lang ay malalaman mo nang wala silang mabuting gagawin.

Nagpapasyahan ni Diana na tumigil muna sa paglalaro. Nagsasayang lang siya nang pera. Tumingin-tingin siya sa paligid. Bumuntunghininga siya. Limang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin bumabalik si James. Naisipan ni Diana na pumunta muna sa rest room. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag para itext si James kung sakaling bumalik na ito at hindi siya makita.

Kumunot ang noo niya. " Anong nangyari? Bakit nawawala si Do Min Joon?" Nagpunta siya sa wallpaper settings nang phone niya. Lalong kumunot ang noo niya. "Anak nang...Asan na 'yung isang buong folder ko na  picture ni Kim Soo Hyun?" Brinowse niya ulit pero wala talaga, sa halip ay may nakita siyang selfie ni James. Napabulanghit na lang siya nang tawa.

"Hindi pala nagseselos ah. Tapos binura mo lahat nang picture ni Kim Soo Hyun ko.  Tingnan ko lang kung anong magiging reaction mo kapag nalaman mong naka-google share ang phone ko, automatic na nagbaback-up ang pictures." Nakangisi siya habang nirerestore ang back-up niya.

"I'm warning you." Napatigil na siya sa paglalakad. Nasa isle na siya na naghihiwalay sa hallway papunta nang restroom nang babae at lalaki. "Don't even think of talking to her." Boses ni James.

"Relax James. Hindi ka na nagbago. Ang bilis pa rin uminit nang ulo mo."

"Kaya naman huwag kang magkakamaling lapitan siya. Kahit anino mo lang makita ko, I’m gonna bring you to hell."

"I'm already in hell James. But don't worry, hindi ako sisira sa usapan natin. I won't tell that pretty little lady of yours about our..."

Pakiramdam ni Diana ay nabingi siya sa huling sinabi nang kausap ni James. Nanginginig ang kamay niya kaya nabitawan niya ang cellphone.

"What was that?"

Kahit tila walang lakas ang tuhod niya ay nagawa niyang mapulot ang cellphone at mabilis na naglakad palayo. Tulala pa rin siya habang naglalakad. Hindi niya namalayan na panay ang vibrate nang phone niya. Nakalabas na siya nang mall bago pa siya mahimasmasan nang konti. Doon lang din niya napansin na may tumatawag. Tinitigan lang niya ang screen. Hindiniya ito sinagot.

Eight missed call. Nag-vibrate ulit. Nat calling. Priness niya ang power button tapos ay shut down...

Continue Reading

You'll Also Like

464K 7.6K 67
MAHAL KITA DANIEL PADILLA [FINISHED] [COMPLETED] [BOOK 1]
2.3K 188 47
Grace Salcedo. Isang Grade 12 student, magaling na painter na huminto sa pag gawa ng obra nang makita nya mismo ang pagkamatay ng babaeng nagturo sa...
3.1K 1.1K 10
She's Vynex Weller a girl having lot of secrets, She used to fool and play people around her, She's a bad liar and a story Teller. It is because, She...
17K 938 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...