Pretend

By Arca_sen

105K 4.2K 379

"I'm not going to pretend to be his bride!"- Yukki "Love is just a word but too painful to feel." - Snow [COM... More

Prologue
Pretend Characters
Sudden Marriage
Wedding Day~
Halloween
Bookstore
Thinking of him
Bonding
Beach Volleyball
Yukki and Senon
Him
Note
Plan
Korea
Back to the Philippines
Trouble
Save Him
Disgusted
Trauma
Vanessa Seiki
Vienne Ford Jimsckon
You'll be Okay
Missing you
Suspicious Cousin
The First Revelation
The Handkerchief
Second Revelation
Angel's Wings
Cooking Lesson
Talk
Telling The Truth
Dexter Riley Parker
Gone
Safe and Sound
Finding Yukki
I've found you
Case Closed
Asking Permission
My Confession
Our Ending
Special Chapter
Unexpected Love

Special News

1.4K 73 0
By Arca_sen

Vienne's PoV

"Sir! Sir!" Nagising ako dahil sa ingay ng bunganga ng kasambahay namin at dahil narin sa pagkatok niya ng pagkalakas-lakas sa pinto na kulang nalang ay masira niya ito.

Wala ako sa mood na bumangon at binuksan ang pinto na kinabungad naman ng pawis na pawis na si Manang Yolly.

"Bakit po Manang?" Antok na antok ko pang tanong sabay hikab.

"Si Ma'am Yura po kasi.." Nang marinig ko ang pangalan ni Yura ay nagising ang kabuohan ko. Hindi ko na muna pinatapos si Manang sa pagsasalita at dali-daling pumunta sa kuwarto ni Yura at doon ko siya nadatnan sa toilet bowl, nakaluhod at nakahawak sa bibig nito. Lumapit ako dito at agad na hinimas -himas ang likod nito na may halong pag-alala sa aking mukha.

"Anong nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito habang patuloy paring hinihimas ang likod niya upang ito ay mahimasmasan.

"Manang pahanda po ng kotse!" Sigaw  ko kay Manang na nasa labas ng kwarto at rinig ko ang dali-daling pagbaba nito.

"Yura, ayos ka lang ba?" Tanong ko ulit dito ng masigurado.

"A-ayos na ako, nahilo lang." Kumuha ako ng bimpo at binasa ito at pinunasan ang mukha ni yura, niyakap ko rin ito upang iparamdam na nasa tabi niya lang ako.

Nang maihanda na ang kotse ay tinakbo ko kaagad si Yura sa Hospital.

"Doc, kumusta po ang kalagayan niya?" Tanong ko ng may pag-alaa habang yakap yakap si Yura.

Tinignan kami ng Doctor. Bakit ang tahimik niya?

"Doc?" Rinig ko ang pagbuntong hininga nito kaya kinabahan naman ako. Napahigpit ako ng yakap kay Yura at hinintay ang sasabihin ng Doctor.

"2 Months." Napa- 'Huh' naman ako sinabi ng doctor.

"Anong 2 Months po?" Tanong ko dito. Huwag mong sabihing 2 months ng may iniinda si Yura at hindi nagsasabi sa 'kin? Huwag naman sana Lord.

"Mrs. Jimsckon, you're 2 Months pregnant and congrats Mr. Jimsckon you're gonna be a father soon." Announce nito ng may malaking ngiti sa labi sabay kinamayan kami.

Anong sabi niya? Magiging tatay na ako? Totoo ba 'yon? Dahan-dahan akong napatingin kay Yura na lumuluha na, kinuha ko ang kamay nito at pinisil.

"Magiging Tatay na ako." Parang hindi ko pa makapaniwalang sinabi.

"Magiging Tatay na ako Ra!" Sigaw ko sabay yakap kay Yura ng hindi gano'n kahigpit dahil baka maipit si Baby.

Sobrang saya ko at niyakap ko lahat ng tao na nasa loob ng room.

"Thank you po Doc, kinabahan po ako kanina akala ko kung ano na!" Napatawa naman ang doctor sa nasabi ko.

"Pasensya na, gusto ko lang kasing makita ang expression ng taong magkakaroon na ng isang pamilya." Napangiti ako at niyakap ulit ang doctor at nagpasalamat.

Hindi rin kami nagtagal sa Hospital at umuwi narin kami ni Yura. Hindi ako makapaghintay na sabihin itong balitang ito sa Mama ko at sa Mama ni Yura. Ang agang regalo nito sa amin para sa pasko.

Nang makarating sa bahay ay pinatawag ko lahat ng kasambahay namin para maghanda at mag-celebrate para sa balita.

"Bakit mo po kami pinatawag lahat Sir?" Hindi ko mapigilang ngumiti kaya nakatingin sa akin ang mga kasambahay na para bang baliw ako dahil sa ngiti kong ito.

"Maghanda kayo ng marami at masasarap na pagkain para sa hapagkainan. May ice-celebrate tayo." Kahit nagtataka ang mga kasambahay ay sinunod nalang nila ang utos ko.

Pumasok ako sa kuwarto at kinuha ang cellphone ko. Tinext ko sila Mama  upang imbitahan sila, pati narin ang mga kaibigan ko.

Nang lahat na ay naimbitahan ko doon ko naman naalala si Yukki, hindi kompleto ang hapagkainan kapag wala si Yukki kaya naman tinext ko rin ito.

"Hindi na ako makapaghintay na masabi sa kanila ang balita."

Senon's PoV

Papunta na ako ng Condo Unit ni Ki nang maka-receive ako ng text message mula kay Vienne.

From: Vienne,

   You are invited in our house for a special news.

      8:00 PM.

At anong special news naman kaya ang ia-announce ng mokong na 'to? Tinignan ko ang oras at meron pa kaming isang oras para sa Special News ni Vienne.

Since alam kong invited din si Ki ay sabay nalang kami pupunta doon, wala eh nandito na ako sa tapat ng unit niya. No choice siya.

Kakatok na sana ako ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ki. Gulat agad ang tumambad sa mukha naming dalawa.

"Oh, Senon anong ginagawa mo dito?"

"Para sabay na tayo?" Hindi pa ako sure niyan pero sure na sure talaga ako diyan.

"Really? Pero kaka-text palang ni Vienne ah, ano advance ka mag-isip? Ang bilis mo naman makarating dito, don't tell me..." He's sharp as always. Ba't ba ang bilis mo Ki?

"Oo na Ki balak ko narin talaga pumunta dito and since ayon nga nag-text si Vienne I decided na sabay nalang tayo." Paliwanag ko rito dahil nahuli narin naman.

"Pwede naman kaso may dadaanan pa ako eh." Napataas naman ang kilay ko nung masabi niya 'yon.

______________________________________

And as usual

"Books." Nasabi ko nalamang nang tumambad sa akin ang isang bookstore. He really loves to read.

"Oo nga pala kaka-release lang ng new book ni Scarlet." Kaya pala gustong magpunta ni Ki sa bookstore, babasahin niya ata yung bagong release ni Scarlet. Kahit karibal ni Ki si Scarlet ay binabasa niya parin ang mga libro nito without any judgement at sabagay hindi lang naman kay Scarlet niya ito ginagawa, every may bagong niri-release ang mga author ay agad na binabasa ni Ki, I wonder why though.

"Senon, let's go." Sumunod naman ako kay Ki na papalabas na ng bookstore at patungong parking lot kung nasaan ang kotse ko.

"Do you have any idea kung ano ang Special News ni Vienne?" I ask if may idea siya sa gaganapin mamaya.

"I have none but I think it's something big " napa 'hmm' nalamang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Naalala ko yung kotse pala ni Ki kakamustahin ko bukas.

Ilang minutong biyahe ay nakarating narin kami kaagad sa bahay nila Vienne at rinig ko na agad sa labas ang ingay na nanggagaling sa loob ng bahay.

"Mukhang malaki nga ang news Yukki." Sabi ko pagbaba namin ng kotse.

Pagpasok namin sa bahay ay kita ko ring nandoon sila Liam at Josh. Nakita ko ring nandito rin sila Mr. And Mrs. Jimsckon at Mr. And Mrs. Velamore.

Mukhang kompleto ang pamilya ah, ano ba ang Special News na ito ni Vienne?

"Hello, good evening po Mr. And Mrs. Jimsckon, sainyo rin po Mr. And Mrs. Velamore. Mukhang kompleto po tayo ngayon ah." Ngumiti sa akin ang apat at kinamayan ako, binati rin ni Ki ang mga ito.

"Mukhang malaking news itong ia-announce ng anak ko." Sumang-ayon kaming apat sa nasabi ni Mrs. Jimsckon na may malaking ngiting nakaukit sa kaniyang labi.

Pinuntahan naman namin sina Liam at Josh na nagkukuwentuhan sa isa't-isa na may kasamang paluan.

"Mga pre." Bati ko sa mga ito sabay apir sa kanila at niyakap. Si Ki naman ay biglang umalis.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Yura." Tumango nalamang ako at saka siya tuluyang umalis.

Hinarap ko naman sina Liam at Josh na may mga ngisi na pinagtakahan ko.

"Bakit? Laki ng ngisi niyong 'yan ah." Tumawa nalamang sila at umiling.

Habang nagkukuwentuhan kaming tatlo, may narinig naman kaming kumlaro ng boses sa Mic kaya napunta ang atensyon namin dito. Kailangan naka-Mic talaga?

"Good Evening Everyone, as you can see I invited all my friends and family for this Special News that I'll announce. I'm kinda nervous because this is the First." Tutok na tutok talaga kami at abang na abang sa Special News na sasabihin nito. Kita ko rin ang kaba sa kilos ni Vienne.

"Before I announce something, I'd like to call my beautiful wife here as I announce the special news." Pinuntahan naman din siya ni Yura at tumabi sa kaniya, huminga ng malalim si Vienne, inakbayan niya si Yura at nagpatuloy sa pagsalita.

"Everyone, I would like to announce to you guys that-"

"I'll be a Father from now on." Sinabi niya iyon na may malaking ngiti sa labi niya. Gulat ang reaction ng lahat at sabay nagpalakpakan.

"Congrats Vienne!" Sigaw ni Liam dito at nag-thumbs up, nginitian ito ni Vienne at nag 'thank you' sa mga 'to.

Pinuntahan naman sina Vienne at Yura nina Mr. And Mrs. Jimsckon at Mr. And Mrs. Velamore upang i-congratulate din ang mga 'to.

Hinanap ko naman si Yukki ulang sabay na kaming bumati sa dalawang mag-asawa.

Nakita ko ito sa sulok at.

Nagbabasa.

Seryoso Ki? Hindi mo man lang ico-congratulate? Nilapitan ko ito at tumabi.

"Wala man lang congratulate sa dalawa Ki?"

"I already did, kanina kay Yura bago i-announce."

"What about Vienne?"

"Hmm." Napabuntong hininga na lamang ako at hinila ko siya papunta kayla Vienne at Yura.

"You have to congratulate them both Ki." Tututol pa sana siya kasi nasa harapan na kami.

He sigh and smile.

"Congratulations to the both of you." He said as he shakes their both hands.

"Congratulations guys, keep it up." Sabi ko at kumindat kay Vienne kaya naman napatawa ito at pinalo ako sa braso.

"Sira ka talaga." Kaya napatawa nalamang kami.

Nang matapos ang celebration ay dumiretso na agad ako sa bahay pagkatapos kong ihatid si Ki. Habang bumibiyahe pauwi doon ko nalamang naisip na parang may mali kanina. Yura doesn't look happy at all. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawa. Tense rin siya at halata ang kaba sa mukha nito. Pero siguro dahil magkakaanak na sila ni Vienne.

Nang makarating sa bahay ay pumunta agad ako sa kuwarto at kinuha ang laptop ko upang i-check na ang blog para kay Snow. Ilang araw ko narin 'tong hindi nabubuksan.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay nanlaki ang mata ko sa gulat at kaba ang naramdaman ng dahil sa post ng isang anonymous.

Anonymous;

      Wanna know the true indentity of Snow?

What the heck. Sino ito?!

××××××××

Nandito ako ngayon sa isang Car Repair shop dahil dito ko muna pinaiwan ang kotse ni Ki nung ma-kidnapped siya at ngayon ang araw na kukunin ko ito.

"Mr. Torres!" Tawag sa akin ng isang staff at patakbong lumapit sa akin.

"Kukunin niyo na po ba?"

"Yes." Tugon ko ng may ngiti, ngumiti rin naman ito sa akin at iginayad ako patungo kung nasaan ang kotse ni Ki, pinaayos ko rin kung may mga sira ito dahil alam ko kung gaano kaimportante ng kotseng iyon kay Ki.

Nang makalapit na sa kotse ay chineck ko muna ito kung maayos naman.

"Good job and thank you for maintaining it regularly." I complimented him as I shook his hand with a smile.

"Wala 'yon Mr. Torres, trabaho po namin iyon." Binayaran ko na ito at umalis na para ibalik na ang kotse kay Ki.

Habang nagmamaneho ay iniisip ko parin kung sino ang nag-post na iyon, habang inaalam ko pa ay dineactivate ko muna yung blog page ni Snow upang wala na itong maikalat na impormasyon about kay Ki at siyempre upang malinis narin ang blog page dahil may nakikita akong nakakalat na nagpopost sa identity ni Ki katulad nalang nung black screen video at tanging boses lang ang maririnig mo. Ganun nalang ang concern sa akin ni Ki na pati sa opisina ay tumawag pa siya.

Nagbuntong hininga na lamang ako sa mga problema na nangyayari ngayon. Masakit na nga sa ulo 'yang si Dave pati ba naman 'yung Anonymous na iyon dadagdag pa.

Pagkarating ko sa Condominium ay pumunta agad ako sa unit ni Ki.

Gusto ko siyang yayaing kumain sa labas ngayon at makita na niya ang kotse niya.

" Senon?" Ngumiti na lamang ako ng makaharap ko siya at pumasok na sa loob kahit 'di na niya sabihin. Feel at home na kasi ako.

"What are you up to?" Tanong ni Ki habang tinitignan ako ng masinsinan. Damn.

"Yayayain lang naman kitang kumain sa labas." Sabi ko pero kita ko ang pagtaas ng kilay nito. I admit my defeat.

"Fine, here-" as I threw to him the key of his car and I was surprised he caught it.

"Susorpresahin sana kita dahil nakuha ko na kotse mo pero tinaasan mo ako ng kilay eh." He stared at his key na para bang It's been a year na hindi sila nagkasama.

"Thank you Senon!" I just smiled when he thanked me.

"You're welcome kaya let's go and eat." Sabi ko sabay tayo at lalabas na sana pero may sinabi si Ki.

"Before that, you've forgotten something." Ako naman ang napataas ang kilay pero dahil sa curiosity.

"That is?"

******

"Whaaaaat?! Seryoso ka Ki?!" I exclaimed dahil, seryoso ba siya? Kung saan tinatamad ako?

"Yup! Hindi tayo gagala, kakain or whatsoever hanggga't hindi mo natatapos 'yan." I whined when he said that.

"Pero kasi-"

"Walang pero pero. Finish that or we will not eat outside again." I just sigh and admit my defeat again.

"Okay fine, but promise me that if i'm done with this we will eat outside again, okay?"

"I promise! So concentrate Mr. Torres." Wala na akong nagawa kundi ang i-edit ang story ni Ki na malapit na ang deadline ng pasahan. Siguro na-realize din ni Ki na hindi palagi ay pagbibigyan siyang i-extend ang pasahan ng story niya. Kaya naman umuwi na muna ako upang makapag-concentrate sa page-edit ng story ni Ki.

Habang nage-edit ay napansin ko ang drawer ko na kumikinang, I approach it and open it.

"Nanaman? Kailangan ko na itong ibigay sa kanila." I said and closed the drawer again. Kailangan ko ng matapos ang page-edit ng makagala na kami ni Ki at maibigay ko na sa pinsan ko ang ibinigay sa akin ni Mommy.

Time passes by and it's already 3 am in the morning. 3 am thoughts? Nah, it's 3 am I hecking finish editing.

Tinapos ko talaga na walang tulog dahil gusto ko ng makagala but before that, pupunta muna ako sa BFY Company to pass Yukki's story that I edited.

I stretched my arms, took off my glasses and decided to take a sleep.

Shadow's PoV

" Snow Is A BOY."

Someone smirks as that person types those words and posts them on social media with a picture inserted.

That person leaned on its chair and waited for the response of the others.

'Let's see what will happen next. I can't wait.' That Person laughed like a maniac and gazed at the picture on its desk.

******

"Mr. Torres." Tawag ng Boss ni Senon sa kaniya kaya ito'y lumapit dito para malaman ang problema.

Tumawag kasi ang boss nito upang mag-discuss ng isang importanteng bagay kaya ngayon ay nasa opisina siya nito.

"Yes boss? What's the problem?" Kita rito ni Senon ang seryosong mga mata at taimtim na nakatitig sa kaniyang Laptop kaya naman nag-isip ito kung ano ba ang pwedeng maging problema na pag-uusapan nilang dalawa.

" Kindly explain this one." At sabay iniharap sa kaniya ang Laptop at nanlaki ang kaniyang mata sa nasaksihan at nandilim ang mga mata sa gumawa nito.

"Sinong-"

Continue Reading

You'll Also Like

326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
11.9M 290K 45
League of Billionaire series #1 Breadwinner Julian Tezan gets the biggest twist of her life when she unexpectedly crosses paths again with billionair...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...