✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

SEXAGINTA TRES

3.5K 266 51
By NoxVociferans

Dedicated to Heiressadene

---

Chandresh froze on the spot as he watched them fall---one by one. Kani-kanina lang ay pinanood niya kung paano naging abo si Gluttony, screaming in pain. Sunod namang naglaho sa kanyang tabi sina Greed at Envy habang nasa kalagitnaan ang mga ito ng pakikipaglaban. 'T-They're dead..' Ilang siglo nang nabubuhay ang pitong kasalanan. Ilang kaaway na ang lumipas sa kanila.. Ngayon, isa-isa na silang namamatay.

'Mukhang naghanap na ni Pride kung saan nakasilid ang mga kaluluwa nila.'

Chandresh actually knew where their souls are. Pinili nilang ibahagi ito sa pitong magkakaibang bagay o parte ng mansyon. In this case, Pride just slaughtered one of Gluttony's chicken warriors, Greed's leprechaun, and Envy's snake. Napapailing na lang si Chandresh. "Iniisa-isa na ni Pride ang soul-vessels niyo."

"Bullshit.. Sana lang hindi niya mahuli ang anino sa kwarto ko." Mahinang wika ni Sloth, halatang kabado na posible rin niyang maranasan ang sinapit ng mga kapatid. Nakikita ni Chandresh na nagpipigil lang ito ng emosyon sa pagkamatay ng mga ito.

Only their ashes remain.

At ni hindi pa nila mahanap si Lust o si Snow..

"Damn this."

Puro mura rin ang lumabas sa bibig ni Wrath. Puno ng galit at pighati ang kanyang mukha. He screamed and slashed a clockwork monster into pieces, hindi alintana ang dugong dumadaloy sa kanyang noo.

"THAT FUCKING BASTARD! I'LL KILL HIM!" At mabilis na itong tumakbo patungo sa direksyon ng masyon. Sinubukan siyang pigilan ng mga kaaway, several cyclops and witches were blocking his way. Inis na pinagtataga ni Wrath ang mga ito, kahit pa halatang nanghihina na ang kanyang katawan. Bago pa man siya ibalibag ng isang clockwork monster, mabilis na umilag ang prinsipe ng galit.

"If I'm gonna die, I'm gonna fucking die fighting!" Sigaw nito sa gitna ng kaguluhan. He gripped his katana and spat out blood.

In that moment, both Chandresh and Sloth cursed under their breaths when Wrath disintegrated in the air. Mabilis na naging abo ang katawan nito, at nawala ang presensiya. Wrath's eyes widened in horror, but it was too late.

Lumagapak sa lupa ang sandata ni Wrath. Sa ibabaw ng kanyang abo.

"N-No.. WRATH!"

Hindi na nila nailigtas pa ang mga kasalanan. Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin n Chandresh ang panginginig ng buong katawan ni Sloth. His hands were balled into fists, his head hung low. Alam niyang pinipigilan na lang nitong umiyak. Nanghihina na silang pareho at alam nilang hindi nila matatalo ang mga halimaw na ito.

"Ako na ang isusunod niya.."

Bulong ni Sloth sa kawalan at pagak na natawa. Siya na lang ang natitira. Malungkot nitong binalingan si Chandresh, "Protektahan mo si Snow. Itakas mo siya sa impyernong ito."

Chandresh was about to say something when Sloth's body suddenly discolored. Naging kulay itim ang kanyang balat, kumalat sa kanyang buong katawan hanggang sa nagkapira-piraso ito. Pinong abo na nanatili sa damuhan, a sin without a soul.

Wala na si Sloth.

*
"Ano nang gagawin mo ngayon, Snow? I thought you were a bright little bitch?"

Malakas na pagtawa ang namutawi sa mga labi ni Morticia. Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao sa galit at sumugod dito. But in that split second, she was pinned by vines. Nahigit ng dalaga ang kanyang hininga nang pumulupot sa kanya ang mga ugat ng ilang halaman. Morticia's eyes sparkled in delight. "Kapag nawala ka na, wala na akong magiging problema!"

Snow White glared at the girl. Sa totoo lang, gustung-gusto na niya itong patayin. Si Morticia talaga ang tunay na halimaw sa kwentong ito. "Hindi mo ba naiisip?! Pride is out there, killing his fucking brothers! Ilang sandali mula ngayon, papatayin rin niya ang sarili niya! Kung mahal mo talaga siya, hindi mo ito hahayaang mangyari!"

Umirap lang ang mangkukulam. "Sa tingin mo ba, wala akong plano? Sa oras na mapatay ni Pride ang kanyang mga kapatid, I'll just find Mrs. Bones and transfer his soul before he can kill himself."

Natigilan si Snow sa sinabi nito.

"M-Mrs. Bones?"

Natawa muli si Morticia, isang mapanganib at nang-aasar na ngiti sa kanyang mapupulang mga labi. "Of course. Doon sa buto-buto na 'yon isinilid ni Pride ang kaluluwa niya! I'll just have to prevent him from killing himself and..." Hindi na pinakinggan pa ni Snow ang kadaldalan ng bruha. Her memory returned to the time when the sins told her about the news: pinatay ni Pride si Mrs. Bones. 'Pero kung pinatay nga ni Pride si Mrs. Bones, sana patay na rin siya..'

O baka naman, hindi talaga pinatay ng panganay ang kanyang soul-vessel?

Snow tried connecting the dots, then realization hit her. Kung tama ang pagkakaalala ni Snow, tanging ang pitong magkakapatid at si Monique lang noon ang nakakaalam ng kanilang sikreto... But only Pride knew where the souls are hidden exactly. Alam niya ang lahat. Hindi ito agad naisip ng kanyang mga kapatid dahil unang-una sa lahat, they didn't know where Pride transferred his soul.

Mali ang hinala nina Sloth.

Hindi pinatay ni Pride si Mrs. Bones---he just transferred his soul somewhere else...or to someone else.

Shit.

"...kaya kung ako sa'yo---!"

"Pakawalan mo na ako! This is madness! Kailangan kong puntahan si Pride!" Nagpupumiglas si Snow sa pagkakapulupot sa kanya ng mga halaman. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa kasalanan.

'Pride..'

She needs to free him! She needs to save the Seven Deadly Sins! Hindi naman siguro siya sasaktan nito, hindi ba? Pero paano kung hindi rin nito alam na nasa kanya ang kaluluwa ng kasalanan? Sumasakit na ang ulo ni Snow. Sa kanyang ikinikilos, lalo lang sumiklab ang iritasyon sa mukha ni Morticia. "BITCH! HINDI KA PRINSESA SA KWENTONG 'TO!" At mabilis na nitong ibinulong ang ilang mga salita. Enchantments. Mukhang ito na nga ang katapusan ni Snow.

Biglang lumitaw ang isang patalim sa kamay ng mangkukulam. Her eyes bloodshot and deadly.

"Ako mismo ang papatay sa'yo!"

At mabilis na niyang itinarak kay Snow ang patalim. Snow White screamed in pain as the blade pierced her side. Alam niyang malalim ang sugat at ramdam niya ang dugong dumadaloy dito. Nang akmang itatarak muli ni Morticia ang patalim sa dalaga, Snow White twisted on the side and let the blade cut through the vines wrapped around her body.

Sa isang iglap, nakakawala na ang dalaga sa mga halamang pilit lumalamon sa kanya.

Morticia was shocked and angered by this. Ginamit ito ni Snow para agawin ang patalim sa kamay nito at inihagis papalayo. Sinamaan siya ng tingin ng bruha. Snow White struggled to stand up, holding her bleeding side. Isang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi. "Oo, hindi ako prinsesa sa kwentong ito.. But I am his princess, and I'm here to save my shitty prince from destroying himself!"

A princess saving a prince? Now that would be an interesting story.

Sa kanyang sinabi, lalo lang nagalit ang kaaway. Morticia growled like an animal and started attacking her with spells. Halos hindi na magawang ilagan ni Snow ang mga ito. Sumasabay pa ang pagkirot ng kanyang tagiliran dahil sa sugat na natamo. 'Shit! Ano nang gagawin ko ngayon?! I need to get to Pride!' Napasigaw sa sakit si Snow White nang tamaan siya ng pag-atake ng mangkukulam. Napaupo siya sa damuhan, nanghihina at halos hindi na makagalaw. Nag-angat siya ng tingin nang matakpan ng anino ni Morticia ang kakaunting sikat ng araw na nanggagaling sa itaas.

Her sadistic face was enough to make Snow sick.

"See you in hell, bitch!"

Pagkasabi niya ng mga salitang ito, namuo ang mahika sa kanyang kamay. A black magic that resembled death. Pinanood ni Snow ang paglapit nito sa kanya. Bahagyang tumigil ang tibok ng kanyang puso nang iilang pulgada na lang ito sa kanyang mukha. 'Ni hindi ko man lang mailigtas ang magkakapatid..' Nanlulumong wika ni Snow sa kanyang isip. Her heart broke with that thought.  Ni hindi man lang niya naabutan ang pagtatapos ng kwento---ang kwentong habambuhay na lang magiging isang "sana" sa kanyang mundo.

"AAAAAAAHHHH!"

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang mapagtantong hindi sa kanya galing ang sigaw na 'yon. Napanganga na lang siya sa gulat nang makita ang pagbagsak ni Morticia, her own hand stabbing her chest. Nang lumagapak ang bruha sa lupa, nakita ni Snow ang lalaking nakatayo pala sa likuran nito. Ang lalaking nagligtas sa kanya...

Ang hari ng impyerno?

"Err.. Ikaw si Hades, h-hindi ba?"

Tumango ito. "She was too much of an annoyance. Puntahan mo na ang magkakapatid." Walang emosyon nitong sabi sa kanya. Lalong naguguluhan si Snow. Akala ba niya galit siya sa mga ito?

"T-Teka, nasaan si Mr. Boswell? And why did you help me?" Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili, "Who's side are you on, King Hades?" Dahil kanina lang ay pinanood niyang sugurin nito ang kanilang mansyon, now the so-called king of hell is helping her? That seems fishy.

"Bilisan mo na. Kung tama ang hinala ko, ang mansanas ng imortalidad ang makapagliligtas kay Pride. His being had been spoiled by the wrong life spans. You need to get him that enchanted apple."

Tumalikod lang ito kay Snow at nagsimulang maglakad papalayo. Mabilis na pinulot ni Snow ang mansana---'Teka, bakit dalawa? Shit!' Hindi na niya alam kung alin dito ang magbibigay ng imortalidad. Pareho na lang niyang kinuha ang mga ito, silently hoping that her instincts are right. Pinanood niya pa ring umalis si Hades, ayaw niyang magtiwala sa isang 'to. Baka naman pinaglololoko lang rin siya ng hari? Pero tahimik lang nitong nilandas ang kabilang lagusan papalabas ng maze, at iniwan ang katagang ito...

"I'm on no one's side. Masyado nang maraming namamatay sa mga tauhan ko. I just want my fucking kingdom back and whole. Sadly, nakatakas ang clockmaker na 'yon. It's pointless to continue."

At nauunawaan ni Snow.

Ano nga naman ang silbi ng pagiging hari kung wala kang pamumunuan?

'Motives.'

Nang sa tingin niya ay hindi naman siya susugurin o susubukang patayin ng hari, hindi na nagdalawang-isip pa si Snow at mabilis na tumakbo papalabas ng maze. Noon, halos maligaw siya sa lugar na ito---now, her heart seems to know where to go.

Sa kanyang pagmamadali, napansin niya ang bulto ng isang nilalang. Snow White immediately recognized Mr. Bones, hiding in a corner of the maze. Malamang ay nagtatago ito o sadyang natatakot sa nangyayaring gulo sa labas.

Tinitigan ni Snow ang dalawang mansanas. She smiled sadly and approached him.

"Mr. Bones?"

Nag-angat ito ng tingin at mabilis na yumukod para batiin siya. Snow White smiled and started her plan. Kailangan niyang makasigurado. Hindi niya pwedeng sayangin ang tiwala ni Pride...

"May ipapakiusap sana ako sa'yo..."

*

Mabilis na narating ni Snow ang bakuran kung saan nagkalat ang bangkay ng mga halimaw at katawan ng mga clockwork monsters. Mukhang naglaho na ang mahikang inilagay ni Morticia dito para hindi sila mamatay. 'Atleast that witch is dead!'

Pero kung naglaho ang mahika ni Morticia nang mamatay siya, hindi ba dapat maglaho na rin ang kontrol nila kay Pride? Napapailing na lang si Snow. Mukhang iba nga ang lumalason kay Pride. Kutob niya ay may kinalaman ito sa paggamit sa kanya ni Boswell noon para nakawin ang mga kaluluwa. That, and his immortality is ripped along with it. 'I think Hades is right.. I need to get this apple to him!'

Agad na hinanap ni Snow ang magkakapatid, her heart pounding inside her chest. Nasaan na ba sila?!

"W-Wrath? Gluttony?!"

Walang sumagot.

Wala ring nagtangkang umatake sa kanya. Nakakapagtaka.

"Lust? Sloth?"

Katahimikan. Sunod naman niyang tinawag ang kambal.. "Greed? E-Envy? N-Nasaan kayo? H-Hindi nakakatuwa.. 'Wag niyo akong takutin ng ganito..p-please."

At habang lumilipas ang mga segundo, lalo lang kinakabahan si Snow. Napahinto siya nang matapakan ang isang bagay. Her eyes widened in shock to see Wrath's katana on a pile of ashes. Nanginginig ang mga kamay niya ito, the blade covered in blood. Nang hanapin niyang muli ang mga kasalanan, tuluyan nang napagtanto ni Snow na wala na ang mga ito. She can't feel their presence anymore..

Patay na sila.

"N-No.."

Kasalanan niya ito. Hindi na napigilan pa ni Snow ang mapaluhod sa damuhan. Ni hindi na niya pinigilan pa ang paghagulgol sa kanilang pagkawala.. Her tears flooded her vision, dripping down her cheeks. Nanginginig na ang kanyang katawan, at hindi na niya alintana ang pagod o sakit na idinadaing nito. Dahil sa mga sandaling ito, ang sakit sa kanyang puso ang mas nangingibabaw. Hindi na niya kailanman makikita o makakasama pa ang mga kasalanan..

It's all her fault.

"Snow!"

Hindi na nilingon pa ng dalaga ang boses na iyon. Chandresh came towards her, trying to make her stand up. "Kailangan nating makaalis dito! W-Wala na tayong magagawa.."

"Hindi ko sila iiwan."

"A-Ano?"

Snow White met his violet eyes. Buo na ang kanyang desisyon at hindi na mababago pa ng prinsipeng ito ang kanyang isip. Chione White is not a fucking princess who will just run away with a prince! Hindi niya tatakasan ang panganib na ito---kahit pa kamatayan ang kapalit. Snow is tired of running away. Snow is damn tired of trying to escape death.

Wala na rin namang mawawala sa kanya, hindi ba?

"Chandresh, kailangan kong mahanap si Pride."

Natuod sa kanyang pwesto ang binatang may kulay lilang mga mata. "N-Nababaliw ka na ba?! I promised Sloth to protect you! Kahit anong mangyari, kailangan kitang mailigtas sa halimaw na 'yon!"

Pero umiling lang ang dalaga at nanghihinang tumayo. Nasa magkabilang kamay niya ang dalawang mansanas. Pilit niyang pinaghahawakan ang huling sinabi sa kanya ni Sloth. 'Only Pride will save them..' She thought. At sa ngayon, alam ni Snow na siya lang ang makakapagligtas sa kanilang panganay.

"Mas takot ako sa halimaw na nasa loob ko, Chandresh. Mas takot akong magbaka-sakali na lang habambuhay nang hindi man lang sumusubok. Mas takot akong pagsisihan ang mga bagay na hindi ko magagawa kung tatakbuhan ko lang na naman si kamatayan. Ito ang landas na pinili ko...and there's no turning back now."

Magsasalita pa sana ang prinsipe nang biglang umalingawngaw sa paligid ang pagbukas ng mga pinto ng mansyon. The giant mahogany double doors slammed open, revealing an angry prince glaring down at her. Tuluyan nang nag-iba ang ekspresyon ni Pride, hindi na niya makilala ang lalaking minahal niya. Or maybe that love was just an illusion? Hindi na alam ni Snow. Wala na siyang oras para alamin.

"NASAAN?!"

Pagbabantang sigaw ni Pride. Mabilis niyang narating ang kinaroroonan nila, and now Snow could clearly see how messed up his appearance is. Agad namang pumagitna si Chandresh, a stern look on his face. "Hindi kita hahayaang saktan ang pinakamamahal ko!"

'We'll that was an unexpected confession..' Snow White pushed the thought aside.

Mukha namang wala pa ring pakialam si Pride. "Hopeless and pathetic. Noon pa man, iyan na ang ipinapakita mo, Chandresh." At walang-awa nitong ibinalibag ang binata. "CHANDRESH!" Napasigaw si Snow sa gulat nang makita ang nakita. Mukhang kahit wala nang kapangyarihan si Pride ay malakas pa rin ito. Inhuman strength, even though he's just a mortal now. Bakit pa ba siya magtataka? This is Pride we're talking about!

"Alam kong tinago mo ang kaluluwa ko, alipin!"

"H-Ha?"

"You stole my soul from Mrs. Bones, didn't you?"

Lihim na napangiti si Snow. 'Bingo.' Tama ang hinala niya. Naaalala niya ang panahong dinala siya ni Pride sa kanyang paboritong silid. Ito rin ang panahong hinalikan siya nito at sinabing 'wag siyang pagkakatiwalaan. Naiintindihan na ni Snow ang mga aksyon ng binata at kung bakit nag-iba ang kanyang pakiramdam noon. 'Pride transferred his soul to me.. Nilalabanan niya noon ang kontrol sa kanya ni Morticia, kaya inilipat niya ito sa'kin.' Hindi niya alam kung paano, pero nagawang ilihim ni Pride ang sikretong ito sa mangkukulam at pati sa kanyang sarili.

Pride, somehow, altered his own memories.

Pride did what he can in order to save the last strand of hope for them. For his brothers.

He cheated himself. Kay Snow niya ipinagkatiwala ang kanyang kaluluwa.

Now, only she knows the truth.

It's time to use her mastery of lying.

Tinitigang muli ni Snow dalawang mansanas. Knowing that the other apple must've been copied by Morticia, ang hula niya ay may nakamamatay itong lason. Two blood red apples---one for immortality, one for death. Ang kailangan niyang ibigay kay Pride ay ang mansanas na naglalaman ng mga kaluluwang ninakaw ni Mr. Boswell. The apple that would, hopefully, get him back to his senses. Pinakiramdaman niya ang dalawang mansanas at ngumiti.

She outstretched the apple in her right hand, giving Pride a view of the forbidden fruit.

"Tama ka. Kinuha ko nga ang kaluluwa mo. Nandito siya sa mansanas na ito.. Why not eat it? It would make your suicide much more dramatic."

Pride narrowed his lifeless eyes at her. Dumako ang mga mata niya sa isa pang mansanas na nasa kaliwang kamay ni Snow.

"Paano ako makasisiguradong wala diyan sa isa ang kaluluwa ko? Paano ako nakasisiguradong hindi ka nagsisinungaling?"

Shit!

Bahala na...

Yumuko si Snow at sinabi sa mahinang boses, "Kamahalan, hindi po ako nagsisinungaling. I am your slave, Pride..and I will never do anything to go against our contract. Alam ko kung saan ako lulugar." Huminga nang malalim si Snow, "A-At kung nagdududa kang wala diyan ang kaluluwa mo, I'll gladly take his other apple and destroy it for you.. Sa ganoon, masisira ang parehong mansanas at siguradong mamamatay ka."

Pride frowned. "Fine. Pero mas masaya kung kakainin mo rin ang mansanas na 'yan. Sabayan mo ako, alipin."

"P-Pero----!"

"It would make it much more dramatic."

Kinakabahan man, tumango na lang si Snow.

Sa loob-loob niya, ipinapanalangin niyang sana ay tama ang mga mansanas at hindi niya napagpalit ang mga ito. Kailangang nasa lalaking ito ang mansanas na makapagbabalik ng katinuan niya.. He needs to eat it and she needs to gain his trust.

'Gagawin ko ang lahat para mailigtas tayo, Pride..'

Even if Snow needs to bite this other apple, she would whole-heartedly do it for him. Alam niyang lason ang laman nito. Alam niyang ito na ang kanyant katapusan.. Pero handa siyang mamatay para sa binatang ito. Snow White is willing to burn for him. She needs to save him, no matter what.

'Sana maulit ang mga sandaling pinaghahain kita ng tsaa sa private study mo..'

Sinubukang pigilan ni Snow ang kanyang mga luha. Kung alam lang sana ni Pride kung gaano siya nangungulila para rito.

Iniangat ni Pride ang mansanas na nasa kanya. His eyes studying Snow with caution. Naaalala ni Snow ang propesiya. Her presence will signal the end of the era of the Seven Deadly Sins. Ngayong pinatay na ni Pride ang anim, it's time for him to kill himself.

"This is for the end..."

He announced. Kinakabahang inilapit ni Snow ang mansanas sa kanyang bibig, her heart wanted to leap out of her ribcage. Nanlalamig ang kanyang mga kamay habang ginagaya ang aksyon ni Pride. Hindi niya pwedeng takasan ito. Maghihinala si Pride kung hindi susundin ni Snow ang gusto nito.

"I love you, Pride.." Snow White whispered softly, ngunit walang ibang nakarinig nito.

Two red apples.

One for immortality.

One for death.

Sabay silang kumagat sa hawak nilang mansanas.

*

Noong una ay wala siyang naramdaman. Makalipas ang ilang segundo, pakiramdam ni Pride ay mimamartilyo ang kanyang ulo. Napasigaw siya sa sakit at hinihingal na binitiwan ang mansanas. 'What the heck is happening to me?!' Napadaing siya sa sakit nang dumaloy ang enerhiya sa kanyang katawan. Paunti-unti. Nang muli siyang magmulat ng kanyang mga mata, napansin niya ang pagbabago ng kanyang pakiramdam.

"A-Anong nangyari?"

Pakiramdam niya ay nagising ang kanyang diwa mula sa pagkakahimlay. He stared at the disaster in front of him, at napaawang ang kanya mga labi nang mapagtantong naging lugar ng digmaan ang kanilang bakuran. 'What the fuck happened to my lawn?!' Puno ng bangkay at may ilang halimaw na nakatingin sa kanya.

He scanned his surroundings until his eyes found a girl bleeding on the ground beneath his feet.

Tumigil sa pagtibok ang puso ni Pride nang makilala niya kung sino ito. Biglang bumalik ang mga alaala na para bang nang-aasar at sinasadyang pahirapan ang kanyang damdamin. Para siyang binabangungot.

"S-SNOW!"

His princess.

Hindi na namalayan ni Pride ang pagluhod niya sa damuhan. Sinubukan niyang maghanap ng pulso, pero wala siyang maramdamang kahit ano sa katawan ng dalaga. Her lips are pale and her skin grew colder with every passing second. Sa tabi ng dalaga ay ang isa pang mansanas na kinagatan nito. Pride didn't need to be a genius to figure out that it was poisoned.

"P-Princess.. Damn it, Snow! W-Wake up!"

Pero hindi ito sumagot.

Pride then felt a hand on his shoulder. Nilingon niya si Chandresh na halatang nanghihina rin. Napansin agad ni Pride ang namumuong luha mula sa mga mata ng prinsipe. "S-She wanted to save you.. She wanted to save the Seven Deadly Sins."

Lalong bumigat ang pakiramdam ni Pride. Pinilit niyang huminga nang malalim at nanghihinang tumayo. Kailangan niyang buhayin ang kanyang mga kapatid.. He needs to resurrect them. He needs to concentrate... Pride needs to fucking concentrate, pero paano niya ito magagawa kung tanging si Snow lang ang nasa isip niya?! Malamang ay pinaparusahan na sila ng langit dahil sa ilang siglo nilang pagiging makasarili!

"Fuck this."

Pride took in a deep breathe and murmured a set of incantations. Naglakbay sa hangin ang kanyang mga salita, hanggang sa marating nito ang mga bagay na pinagsidlan ng kanilang kaluluwa. Pride struggled to focus on their energies, the energies of the Seven Deadly Sins.

All the while, the eldest sin fought back the tears that formed in his fucking eyes...and the pain in his fucking chest.

*
Maraming bagay sa mundo ang hindi nauunawaan ni Pride. Isa na rito ang nangyaring gulo. 'Sa pagkakaalala ko, sa kanya ko ibinigay ang kaluluwa ko.. But if my soul was still inside her body when she bit the poisoned apple, sana kanina pa ako namatay.' Because the damage of a soul-vessel is the death of the sin. Ang ipinagtataka lang ni Pride, ay kung bakit hindi siya namatay? Unless..

"Pride?"

Nilingon niya Gluttony na halatang wala rin sa sarili. Itinuro niya ang kinaroroonan ng dalawang nilalang na ngayon lang ulit nakita ni Pride.

Si Mr. and Mrs. Bones.

"Ang sabi ni Mr. Bones, n-nakita niya si Snow kanina bago nangyari ang lahat. Hiniling raw ni sugar-plum sa kanya na ibalik ang kaluluwa mo sa katawan ni Mrs. Bones." Mahinang sabi ni Gluttony at kahit pa itago nito ang kanyang mga kamay, Pride knew that his hands were still shaking. He knew his brothers like the back of his hand.

'Kaya pala..'

It seems that Snow White had already anticipated things. Naisip na ng dalaga na kung sakaling hilingin ni Pride na kainin rin nito ang isang mansanas, hindi niya pwedeng ilagay sa peligro ang kaluluwa ng kasalanan dahil mamamatay ito. Before Snow White took that poisoned apple, she made sure that Pride's soul is safe.

Yup. That only added to his guilt.

Napabuntong-hininga si Pride at nilapitan ang kanyang mga kapatid. Nakapalibot sila sa isang altar na gawa sa puting bato, ang sentro ng kanilang garden maze. Sa matamlay na liwanag, nakamasid ang pitong kasalanan sa dalagang nakahiga roon.

She was in one of Envy's glass coffins. Hindi pa nga lang nila isinasara ito.

Snow White laid peacefully inside, as beautiful as ever. Ilang oras pa lang ang nakakalipas magmula nang buhayin niyang muli ang kanyang mga kapatid, at heto naman sila. Nakamasid sa namatay nilang katulong. Naikuyom ni Pride ang kanyang mga kamao. Walang ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili niya.

Snow White is special to each of them.

"W-Wala na ba talagang paraan?" Pagbasag ni Greed sa katahimikan.

Envy shook his head. "We can heal wounds, summon fire, handle weapons and explosives, extract souls from sinners, kill a clockwork monster, alter reality, build a mansion... But we can't save our Snow White from death."

Natahimik muli ang lahat.

Ginawa na ni Pride ang kanyang makakaya. Sinubukan niyang buhayin ang dalaga kahit pa alam niyang hindi na nila sakop ang buhay ng mga mortal. Tanging ang kanyang mga kapatid lang ang kayang buhayin ni Pride.

"I-I'm sorry.."

Wrath, Lust, Greed, Envy, Gluttony, Sloth and even Chandresh watched as Pride stepped closer to where their princess rested.

Naaalala ni Pride ang unang pagkikita nila ng dalagang ito. Noon pa man ay inaamin niyang tila ba may pwersang pilit na naglalapit sa kanila. Snow White had been the source of warmth and happiness inside their empty mansion. The Seven Deadly Sins developed an unconditional affection for this girl. Ang dalagang matapang na hinarap ang buhay at kamatayan. Ang dalagang kayang paamuhin ang kanilang mga puso. Ang dalagang nagpaalala sa kanila kung gaano kasayang mabuhay sa mundo.

Ang dalagang patuloy na minamahal ng pitong kasalanan.

Hinayaan na lang ni Pride ang kanyang mga luha habang hinahaplos ang malamig nitong pisngi. He rested his forehead onto hers and forced a pained smile on his lips.

"I love you, princess."

Pride kissed her for the last time. Umaasa siya. Oo, umaasa ang binatang ito na sana...sana ay magmilagro ang langit. Sana hindi pa ito ang katapusan ng istorya nila. Sana ay mabigyan pa sila ng pagkakataong makapiling ang babaeng nakapagpatibok ng puso nilang pito...

...but his heart broke when nothing happened.

---
A bird who hurt her wing,

    now forgotten how to fly.

    A song she used to sing,

    but can't remember why.

    A breath she caught and kept—

    that left her in a sigh.

    It hurts her so to love you,

    but she won't say good-bye.

---"Golden Cage",
Lang Leav

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
458K 20.8K 26
"I've seen a lot of ghosts, but this one is different" A story about a girl who keeps seeing ghosts since she was a kid. She never paid attention to...
38.8K 2.4K 50
A group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond...