✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

SEXAGINTA DUO

3.1K 236 29
By NoxVociferans

Dedicated to AngelinaMendoza229

---

Pakiramdam ni Snow ay kinapos ang hanging dumadaloy sa kanyang mga baga. Wala sa sariling napahawak siya sa markang hanggang ngayon ay naka-tattoo sa kanyang balat. All seven beads at the bottom of the hourglass. Ngayon, habang nasa presensiya siya ng halimaw na may kagagawan ng lahat ng ito, naghalo ang galit at takot sa kalooban ni Snow White.

"M-Mr. Boswell.."

The monster who did this to her. Pareho sila ng kanyang ina. Pareho silang mga halimaw! Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao sa panggigigil. 'I won't be like my mother. Hindi ako magpapagamit sa halimaw na 'to!'

Sa kabilang banda naman ay bahagyang tumango si Boswell kay Pride, "Alam mo na ang gagawin. Ako nang bahala sa isang ito." Walang imik na yumukod ang prinsipe at naglakad papalayo sa kanila. Snow White tried to call him back, her anxiety rising. 'Damn it. This can't be happening!'

"PRIDE!"

Papatayin na ni Pride ang kanyang mga kapatid. Sa oras na mahanap na nito ang kinalalagyan ng kanilang mga kaluluwa sa mansyon, katapusan na nilang lahat. May nabasa siyang libro noon sa Library of Lost Souls, it stated that a soul needs to manifest either an object, a living thing, or a room in order to survive. At sa kaso nilang ito, paniguradong alam ng panganay kung ano ang hahanapin. Nanghihina si Snow habang inaalala ang bagay na 'yon. Pero hindi na siya makagalaw.

Hawak na siya ngayon ng isang clockwork monster na sumulpot sa kanyang likuran.

Mr. Boswell motioned for them to follow him inside the garden maze.

"Kailangan kitang makausap, pinakamamahal kong alaga."

Snow White knew he was talking to her. Hindi na niya sinubukan pang manlaban. Alam niyang wala rin itong silbi. Nauubusan na siya ng lakas at pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng malay. 'Maybe Gluttony was right. Sana pala kumain ako kanina,' pagak siyang natawa sa naiisip. She was pretty sure food wasn't the culprit.

To be honest, her heart was to blame.

Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa nang hindi niya makumbinsi si Pride. It fucking pained her. Kung sana may magagawa lang siya para mailigtas ang kasalanan.. Para mailigtas silang pito sa tadhanang kasasadlakan nila.

At ngayon, habang kinakaladkad si Snow ng clockwork monster patungo sa pusod ng madilim na hardin, hindi niya maiwasang mapapikit. Hinayaan na lang niyang muling dumausdos ang kanyang luha.

Mukhang wala nang magpupunas nito para sa kanya.

'I have failed them...'

*
Napahinto si Lust sa pag-atake. Nilingon niya ang kabilang bahagi ng bakuran. 'Nasaan na si Snow?' Hindi na nila ito mahanap. Kanina lang ay tinanong siya nina Sloth kung nakita nila ang dalaga. None of them did. 'Damn it! Masama ang kutob ko rito!' Mabilis na pinatumba ni Lust ang isang bampira na akmang kakagatin na sana siya. He sent a flying kick to the hot vampire's face and watched her nose bleed.

Lust grinned.

"Sorry, vamp-babes! Alam ko namang nakaka-nosebleed ang katawan ko, but I'm not into biting much." At nagawa pa niyang kumindat dito bago nagmamadaling umalis. Kailangan niyang mahanap si Snow! Wala siyang tiwala sa ugok niyang kapatid. Noon pa man isang mapanganib na nilalang na ang kanilang panganay. Ano pa kaya ngayon na isa na itong kaaway?

"Sloth! Hahanapin ko si Snow!" Sigaw niya nang makita ang tamad nilang bunso na nakikipagbuno sa isang cyclops. Tumango na lang ito sa kanya at sinamaan pa siya ng tingin. "Can't you see I'm in a middle of a fight here, you idiot?!"

Hindi na ito pinansin pa ni Lust at sinimulan nang hanapin si Snow. Umakyat pa siya sa ibabaw ng mga clockwork monsters para makita ang paligid. He can't find her anywhere! Shit!

Kinakabahan na si Lust.

"SNOW?!"

Wala.

Nasaan na ba ang babaeng 'yon?!

Nilagpasan lang ni Lust sina Hades at Wrath na mukhang nagkakapersonalan na naman. 'Kailan ba matatapos ang away ng dalawang 'to?!' Lust groaned in frustration and tried searching for the raven-haired girl again. Pero agad rin siyang tumigil nang marinig niya ang pagsigaw sa sakit ng isang nilalang sa kanilang likuran. Lust spun around, just in time to see a zombie drop dead on the grassy ground. "Teka, paanong---?"

"Mag-iingat ka, love. Though, I'll gladly fight by your side if you want me to. T-That's how much I love you, Lust!"

Nagtama ang mga mata nila ni Fleur, ang diyosa sa Fountain of Tears. Seryoso ang ekspresyon nito at mukhang handa nga silang tulungan. 'Iba talaga ang karisma ko!' Mahinang natawa si Lust at kumindat sa diyosa, "I appreciate the help, babe...but my heart is already taken."

Inis na napabuntong-hininga si Fleur. "Hindi kita susukuan, and I'll make sure you'll be mine!" At nagpakawala siya ng mga dragong gawa sa tubig. Bumulusok ang mga ito sa mga kaaway at mukhang dito na lang ibinabaling ni Fleur ang kanyang sama ng loob. Nagkibit na lang ng balikat si Lust. 'Atleast she's not trying to kill me for breaking her heart.'

Maglalakad na sana si Lust para hanapin ang kanilang katulong nang mapansin ang bulto ng isang lalaking pumapasok sa mansyon.

His eyes widened in horror.

'Pride!'

Mukhang heto na ang kinakatakot nilang mangyari. Walang inaksayang oras si Lust at mabilis siyang sinundan sa kanilang mansyon. Nang makarating siya roon, napasinghap siya nang makitang naglaho na ito sa madidilim na mga pasilyo. Lust's heart pounded inside her chest.

'Shit! No! He's gonna kill us!'

Kailangan niyang pigilan si Pride!

Pero sa anim na lokasyong pwede niyang puntahan, hindi alam ni Lust kung sino ang uunahin nito!

"Fuck this. We're dead!"

Literally.

*
Pakiramdam ni Snow ay wala na siyang lakas para pumalag pa sa pagkakahawak sa kanya ng halimaw. Halos wala siyang makita sa paligid at tanging mga gumagalaw na sanga lang ang naririnig niya. Naaalala niya noong inatake sila ng mga nilalang ng Tartarus. Nagtungo siya rito at kamuntik nang malamon ng mga halaman kung hindi lang siya iniligtas ni Pride. Just then, a thought came to her mind..

"The attack was a diversion. Inatake kami ng mga nilalang na 'yon para may gawin kayong kung ano kay Pride. Kaya siya biglang gumaling noong nga panahong 'yon." She spat out the words like venom. Tumalim ang tingin niya sa likod ng clockmaker na kumupkop sa kanya noon. Kahit kailan, hindi siya magpapasalamat sa ginawa nitong "kabutihan". Snow White felt like a rat inside that stupid cage.

Matagal bago nakasagot si Boswell.

"While the monsters distracted you, I've ordered Morticia to trigger the spell she gave him. She jinxed him when they kissed, but I gave the signal to use that against you."

"Naghintay ka lang ng pagkakataong gamitin si Pride laban sa'min.. It's all a matter of timing."

Mr. Jeremy Hans Boswell stopped in his tracks and turned to glimpse at her. Isang maliit na ngiti sa kanyang labi. "You know me so well, my Little Snow."

"I fucking hate you."

Mas lalong lumawak ang ngiti ng lalaki. Ngunit sa kabila nito, napansin ni Snow ang kalungkutang sumilay sa kanyang mga mata. "I'd be surprised if you don't." At nagpatuloy na ito sa paglalakad. Hindi mawari ni Snow kung bakit niya nakita ang emosyong 'yon sa kanya. Ni hindi nga niya naisip na mayroon palang emosyon ang baliw na 'to. How is that even possible?

Ilang sandali pa, narating na nila ang sentro ng maze. Hinawi nila ang kurtinang yari sa mga sanga at napasinghap si Snow nang makita ang nasa likod nito. Are her eyes playing tricks on her?

'I-Isang altar..'

Sa gitna ng madilim at makapanindig-balahibong maze, narating nila ang sentro nito. A clearing that was kissed by sunlight, with a white stone altar in the middle. It was elevated and had a long surface designed with black gems. Kung hindi siya nagkakamali, ginagamit ang ganitong altar sa mga ritual o pag-aalay. Mas lalo lang kinabahan ang dalaga sa naiisip. Mukhang dito nga siya sa paraisong ito mamamatay.

Marahas siyang inilapag ng clockwork monster sa ibabaw ng altar. Huminga siya nang malalim at walang habas na nagsalita. "Dito mo ako papatayin, 'di ba? Gawin mo na! Tutal naman, wala na rin namang silbi ang mabuhay.." Dahil maglalaho na sa mundong ito ang Seven Deadly Sins. Panibagong luha ang nagbabadyang bumuhos sa kanyang mga mata. Snow White bit her inner cheek and tried to act brave.

Nilapitan siya ni Boswell, isang patalim sa kamay nito.

Snow's heart pounded with fear.

Tanggap na niya.

"JUST FUCKING KILL ME ALREADY!"

Ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata at hinintay ang sakit. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Ganito ba kapag malapit ka nang mamatay? She knew that the blade was only a few inches from her face. Wala talagang awa ang isang 'to. Pero sa mga sandaling iyon, habang hinihintay ang kanyang kamatayan, Snow White couldn't help but think about everything that happened in her life. Nakakatuwang isipin na sinimulan niya ang kwentong ito na isang lumpong nawalan ng pag-asang mabuhay...at ngayon ay magtatapos ito nang ipinaglalaban niya ang kaligtasan ng Seven Deadly Sins.

'We live, we die---what happens in between is up to you.'

Kahit papaano naman ay hindi siya nagsisisi sa mga bagay na ginawa niya. Ang pinagsisisihan na lang ni Snow ay ang mga bagay na hindi niya nagawa.

'At mukhang hindi na ako mabibigyan ng pagkakataong magawa ang mga 'yon.'

Mr. Boswell slashed the blade at her.

Ngunit walang naramdamang sakit ang dalaga. 'What the heck?' Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at napapitlag nang kinuha ni Boswell ang neck choker niya. Mukhang ito ang pinasadahan niya ng talim kanina at hindi ang leeg ni Snow. She stared with a surprised expression as he studied the silver apple pendant. Dumako ang mga mata ng clockmaker sa kanya.

"Kung gusto kitang patayin, sana noon ko pa ginawa. Hindi ka ba nagtataka kung bakit buhay ka pa?" Naglakad ito papalayo kay Snow, his back now turned against her as he spoke, "I could've just killed you before..when Christina gave you to me. Hindi na sana tumagal pa ang paghihirap mo kung ginutom na lang kita noon o pinabayaang mabulok sa lansangan."

Napaawang ang bibig ni Snow sa sinabi nito. Ibig sabihin ay sinadya siyang buhayin ng isang 'to? Pagak siyang natawa. "I always thought you wanted me alive because you love seeing me tortured in that hell. Kamakailan lang, na-realize kong ang propesiya pala ang rason kung bakit mo ako binuhay." Boswell needed Snow to fulfill the prophecy. Tama naman, hindi ba?

Kaya't ganoon na lamang ang gulat ni Snow nang umiling si Mr. Boswell at humarap sa kanya. There! She can see a tormented soul in his eyes again. O baka naman namamalikmata lang siya? This is Boswell we're talking about! Ang halimaw na nakipagkasundo sa siraulo niyang ina at ang lalaking itinuring siyang isang alipin noon! If he's not a real monster in this story, then Snow doesn't know what is.

Pero muli lang siyang nabigla sa sunod na sinabi nito.

"I want you to be my heiress to the throne of time, Snow White."

*
Hindi na niya kailangan ng mapa para marating ang mga lokasyong naka-imprinta sa kanyang memorya. Nakabibingi ang katahimikan dito sa ikalawang palapag. In the dimlit halls of the mansion, Pride soundlessly made his way towards a room. Akmang bubuksan na niya sana ito nang marinig niya ang boses ng binatang kanina pa nakasunod sa kanya.

"At talagang ako pa ang una mong papatayin? You're crazy, brother!" Someone growled behind him.

Hindi na nilingon pa ni Pride ang kapatid. Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "You really are an idiot, in every sense of the word. Hindi mo na alam na nahulog ka sa patibong ko?"

Nanlaki ang mga mata ni Lust sa sinabi ng kapatid. 'Shit! Kailangan kong sabihan ang iba!' Ngunit hindi na nakatakas si Lust nang sinuntok siya sa mukha ni Pride. "Damn it!" The sex addict stumbled onto the floor, glaring hard at the eldest sin. Naramdaman ni Lust ang sakit na dulot nito, and he was even sure that he can taste blood in his mouth! Being powerless makes them fucking vulnerable. "A-Anong ginagawa mo--?!"

"Kilala kita, Lust. The object of your soul isn't inside your Pleasure Room... Akala mo ba, maiisahan mo ako?"

At lalong lumapit sa kanya si Pride, his eyes dark and calculating.

'Shit! Shit! Shit!'

Sinubukang tumayo ni Lust ngunit sa kawalan ng kapangyarihan, nanghihina na ang kanyang katawan. Hindi na niya magawa pang tumakas sa kanyang kapatid. Walang awang kinuha ni Pride ang magazine na nakalagay sa loob ng jacket ni Lust. Nanlaki ang mga mata ng nakababatang kasalanan.

"Damn it, Pride! Don't you d-dare----!"

Tanging ang pagkapunit ng magazine lang ang umalingawngaw sa paligid. Lust watched in horror as Pride ripped the magazine into pieces in front of him.

Sa isang iglap, naramdaman na ni Lust ang paghinto ng kanyang puso. He clutched his chest and screamed in pain. Unti-unting naging abo ang kanyang mga binti at kamay.. Hanggang sa tuluyan na siyang maglaho.

Dahil naroon sa magazine na 'yon ang kaluluwa ni Lust.

*
Maraming bagay ang hindi nauunawaan ni Snow sa kwentong ito. Magmula nang makatakas siya sa puder ni Mr. Boswell, maraming bagay ang hindi niya inaasahang mangyari. Everything went into haywire---her life became a rollercoaster ride. But amongst all things she least expected, malamang ang mga sinabi ngayon sa kanya ni Mr. Jeremy Hans Boswell ang higit niyang hindi inaasahan. She stared at him with wide eyes, her mouth agape. 'T-Tama ba ako ng narinig?'

"H-Heiress? Ano bang sinasabi mo?!"

Pinanood niya kung paano manipulahin ni Mr. Boswell ang silver pendant sa kanyang kamay. Mayroon itong inilabas na itim na libro at bumulong ng ilang salita. 'That's the book the sins were looking for!' Sigaw ng isang parte ng kanyang isip. Namangha si Snow nang mag-ibang anyo ang itinuturing niyang nag-iisang alahas na kanyang pagmamay-ari. Ironically, her wrecked mother had given it to her---na orihinal na nanggaling kay Boswell. Yup. Mukhang noong pa man ay plano na ni Boswell na mapunta ito sa kanya.

The silver pendant morphed into a bigger form. Sa isang kisapmata, kasing-laki na nito ang isang tunay na mansanas..May kinuhang botilya si Mr. Boswell sa kanyang bulsa at ibinuhos ang laman nito sa pilak na mansanas.

"I believed my stay here is overdue, Little Snow. Time cannot save me now. Hanggang dito na lang ang pamamalagi ko sa mundong ito." Isang malungkot na ngiti ang naroon sa mukha ng clockmaker. Unti-unting naging kulay pula ang mansanas na hawak nito---naging isang totoong mansanas. At noon lang naalala ni Snow na nasa loob nito ang mga nakaw na life spans ng mga makasalanan.. The fruit of seven days' worth of labor. The seven days Boswell made them steal those poor souls. The seven days that now mark the end of the Seven Deadly Sins.

"H-Hindi kita maintindihan... Ninakaw mo ang mga kaluluwang 'yan dahil gusto mong maging imortal, hindi ba?!"

Lalo lang naguluhan ang dalaga. Bakit ba hindi pa ginagamit ni Boswell ang imortalidad para sa kanyang sariling intensyon? Why is he now offering the apple to her? Sumasakit na ang ulo ni Snow sa mga pangyayari.

Mr. Boswell smiled at her.

"A thousand years ago, I wanted to outlive time by being immortal myself. Hindi ko ipagkakaila ang obsession ko sa oras. Hindi ko alintana kahit nakakagambala na ako sa koleksyon ng mga demonyong 'yon. Noong mga panahong nahuli ako ng Seven Deadly Sins at kinulong sa salamin, nalaman ko ang mga bagay na hindi ko dapat inalam. Ang propesiya.. One day, a maiden will come and signal the end of the Seven Deadly Sins' era. I realized that even the sins cannot live forever, and that I can use this to my advantage. Nabuo kong muli ang planong mabuhay nang walang hanggan...ngunit, sa pagkakataong ito, gusto kong mabuhay nang walang hanggan ang magiging tagapagmana ko ng mga nilikha kong mga orasan."

Humakbang papalapit si Mr. Boswell kay Snow, nasa harapan na nito ang mansanas. Snow White can see her reflection on it.

"B-Bakit? Bakit kailangan mo ng tagapagmana? Why don't you just be immortal yourself?!"

"Snow White, siguro ngayon ay nauunawaan mong hindi ako isang pangkaraniwang nilalang. I have the ability to see through time, both past and future. Noong nakakulong ako sa salamin, nakita ko ang hinaharap. Tulad ng sinabi ko sa'yo, hindi na ako magtatagal sa mundong ito. At ang ikinakatakot ko, ay ang walang mag-alaga ng mga orasan ko kapag namatay na ako. Ang takot na 'yon ang nagtulak sa'kin para gamitin si Christina para makalabas ng salamin. From then on, I saw the future----I saw you." Iniangat ni Mr. Boswell ang mukha ni Snow, making her stare into those tired eyes, "Nakita kong ikaw ang dalaga sa propesiya, kung kaya't ginamit kita para makaganti sa pitong kasalanan. Magmula noon, alam ko na ang mga mangyayari.. Alam kong makakatakas ka noon at mapapadpad ka sa pangangalaga ng magkakapatid. Alam kong aabot sa puntong ito, at higit sa lahat, alam kong ikaw ang magiging tagapagmana ng mga obra maestra ko, Snow White.."

"...."

"Iyon ang dahilan kung bakit kinuha ko ang imortalidad ng pito. Yes, it was also for revenge, but on a deeper side, I wanted my heiress to be an immortal herself. That way, you can rebuild my beloved Clockwork's Shop and take care of my clocks for all eternity---mapapangalagaan mo ang memorya ko, habambuhay. Dahil hindi ko man kayang mabuhay nang walang-hanggan, nais kong ang mga nilikha ko ang tumagal sa mundong ito. Having my works withstand time, is the most wonderful thing I could ever wish for."

He is obsessed with time. He is obsessed with his clocks.. Napayuko si Snow, nakakuyom ang kanyang mga kamao. Hindi siya makapaniwala.. All this time, Snow White thought this bastard only wanted revenge. Ngayon naman, gusto siya nitong maging imortal para pangalagaan ang memorya niya? Pagak na natawa ang dalaga.

"Bakit ako?"

Mr. Boswell gently smiled and cupped the side of her face, "The future never gave me clear answers, Snow. Nakatakda itong mangyari sa'yo, tulad ng nakatakda akong mamatay sa susunod na ilang araw."

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki at itinabig ang kamay nito. "Bullshit! Sana nakita mo na sa hinaharap na hindi ko tatanggapin ang alok mo!"

"You have no choice in the matter, Snow. Kapag tinanggap mo ito, bukod sa mga likha ko, mamanahin mo rin ang mga abilidad ko. I have already risked everything as of this moment.." Bahagyang dumako ang mga mata ni Mr. Boswell sa direksyon kung saan sumisiklab pa rin ang digmaan. He held the apple in front of her face and nodded, "Isang kagat mula sa mansanas na ito at mapapasaiyo ang buhay na walang hanggan, Snow White. Ito ang naging bunga ng pitong araw na pagnakaw sa balanseng pinapangalagaan ng magkakapatid."

Snow White glared. She felt sick. Akala ba ng isang 'to papayag siya?! Itinabig niyang muli ang kamay nito, "I WILL NOT FUCKING EAT THAT!" Naging sanhi ito para mahulog ang mansanas sa damuhan. Just when Snow was about to escape, isang tinig ang pumigil sa kanya.

"You should've taken that apple. Pero dahil tanga ka, wala ka ngayong depensa kung papatayin kita."

Snow White and Mr. Boswell spun around, only to find Morticia and Hades smirking at them. Agad na tumayo ang clockmaker at tumalim ang tingin sa dalawa. "Anong ginagawa niyo dito?!"

The witch chuckled. "You can't boss us around, clockmaker." At sa isang kumpas ng kanyang kamay, tumilapon sa kabilang bahagi ng lugar si Boswell. Hades stalked towards the man, "Hindi mo alam kung gaano katagal ko nang hinintay ang pagkakataong mapatay ka. I'm the fucking king here! I am in charge!" At mabilis niya itong sinugod. Nakisama sa gulo ang clockwork monster na nagdala kay Snow dito kanina, trying to defend its master.

Napalingon si Snow kay Morticia na dinampot ang mansanas. A wicked grin on her lips.

"Too bad. Hindi mo nakikita ang unti-unting paglaho nila.."

Nanlaki ang mga mata ni Snow sa narinig. Binalot muli ng kaba ang kanyang kalooban, at pakiramdam niya ay nahihirapan na siyang huminga. 'A-Ang magkakapatid...'

Lalong lumawak ang ngiti ni Morticia nang makita ang ekspresyon ng dalaga. She used her magic and replicated the red apple, ngunit ang mansanas na ito, imbes na imortalidad ang hatid, kamatayan ang dala sa kung sinumang kakagat nito.

'Let's see if she can get out of this situation.'

*
Naririnig ni Pride ang kanilang mga boses, habang unti-unti niyang pinapatay ang kanilang mga kaluluwa. The Seven Deadly Sins had never been invincible---they had only been brave enough to escape mortality. Pero hindi na ngayon. 'I am only doing them a favor,' paulit-ulit na wika ng isipan ni Pride habang naglalakad siya sa mga pasilyo. Paminsan-minsan ay natumtumba siya at sumusuka ng dugo, his body about to fail him. Nararamdaman na niya ang lason. Nakakatuwang isipin na kalat na ito sa kanyang buong katawan.

A poisoned soul.

A poisoned body.

A poisoned mind.

A poisoned heart...

Sabihin mo, sino pa ba ang tatanggap sa kanya?

"Let's just end this story. Wala na rin namang saysay." At sinira ni Pride ang pintuan ng Torture Room. Humakbang siya papasok sa madilim na silid hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa bangkay na nakasabit sa itaas. Benjamin stared at the sin, wide-eyed. "I-If you kill me, you'll be killing Wrath's soul!" Kinakabahan nitong sabi sa kasalanan. Isang malademonyong ngiti lang ang sumilay sa mga labi ni Pride.

"That's exactly what I want."

At sunod niya itong pinatay.

---

The darkness takes him over,

the sickness pulls him in;

his eyes-a blown-out candle;

I wish to go with him.

Sometimes I see a flicker-

a light that shone from them;

I hold him to me tightly,

before he's gone again.

---"Saving Him",
Lang Leav

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 131 48
She can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Start...
132K 10K 74
A Paranormal-Love Story *** Sa mundong lahat ay posible. Harapin ang takot. Tuklasin ang natatagong lihim. Sa mga katanungan na hahanapan ng kasag...
4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...