✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

SEXAGINTA

3.4K 242 34
By NoxVociferans

Motives.

Noong nagdalaga si Snow, naunawaan niya ang lalim ng salitang ito. Ang pagkakaroon ng motibasyon para gawin ang isang bagay ay makakabuti o makakasama sa isang indibidwal. Sa mga sandaling ito, masasabi ni Snow na motibo niyang hanapin muli ang kapayapaan sa gitna ng kaguluhang ito. Yes, it will feel like searching the eye of a storm, but it was worth a shot. Better than nothing.

"Sugar-plum, aren't you gonna eat that?"

Bumalik sa kasalukuyan si Snow nang itinuro ni Gluttony ang bowl ng pasta sa kanyang harapan. Kani-kanina lang ay iniwan niya ang kambal at nagtungo dito sa dining hall. Nang makita siya ni Gluttony, inaya siya nitong kumain. Teka, ilang oras nga ba ang ginugugol ni Gluttony sa lugar na 'to? Hindi na niya maalala. She smiled and shook her head. "Kainin mo na." At inusog papalapit sa kasalanan ang pagkain. Wala rin naman siyang ganang kumain.

Gluttony frowned. "Kailangan mong kumain. If we're gonna fight off those monsters, kailangan mong magkaroon ng sapat na lakas para rito! Food is everything! Food is life! Food is immortality!" At iminuwestra pa ng binata ang sandamakmak na mga pagkaing nasa kanilang harapan. Umabot pa hanggang sa kabilang dulo ng long table.

"Err... That's a lot of food."

"This is stress eating, Snow-cakes! You wouldn't understand!"

Napapailing na lang si Snow, hindi na niya napigilang ngumiti, "Kung 'yan ang itinitibok ng bituka mo, go ahead."

Mukha namang may motibasyon ring lumamon si Gluttony. Naaaliw si Snow sa ideyang ito habang pinapanood niyang halos mag-dive sa hapag ang binatang may gravy pa sa labi. Pero hindi pa rin nakalagpas sa kanyang obserbasyon ang lungkot sa mga mata ni Gluttony. He seems distracted, even though he was munching on a turkey leg.

'Mukhang hindi rin siya magaling magtago.'

Dahil katulad ng kanyang mga kapatid, apektado rin ang matakaw na 'to sa mga posibleng maganap mamaya. He might never get another chance at eating again. Kung magtatagumpay si Boswell, Gluttony and the rest of his brothers will no longer exist.

'No more Seven Deadly Sins.' Kinilabutan si Snow sa naiisip. That won't happen. Hindi pwede.

Dumako ang mga mata ni Snow sa malaking binata, sa unang pagkakataon, hindi natatakpan ng naglalakihang mga kurtina ang tanawin sa labas. Instead, the vast darkness of the silent night was displayed. A few stars shone outside, the moon nowhere to be seen. 'Pride is out there, somewhere.' Nasasaktan si Snow tuwing iisipin ang ginagawa ng kasalanan. Kung sino dapat ang nangangalaga sa mansyong ito ay ang siya ring magiging dahilan ng pagguho.

'Napag-usapan na namin ito kanina.. It would be useless to fight him. He's Pride.'

Sapat nang dahilan 'yon para hindi na nila pagtangkaan pang kalabanin ang panganay. Ang hinala ni Snow, sadyang ayaw lang nila Wrath, Greed, Envy, Lust, Gluttony, at Sloth na kalabanin ang sariling kapatid. Even Chandresh thinks it would just be wise to prepare for the upcoming battle.

Checkmate.

Nauubusan na nga sila ng oras. Snow White sighed. Tatayo na sana siya nang bigla niyang naramdam ang palad na humaplos sa kanyang binti. She yelped in surprise at mabilis na lumayo sa mesa.

"Damn! Ano 'yon?!"

Kumunot ang noo ni Gluttony sa pagtataka at sinilip ang ilalim nito. The food-lover immediately frowned at may sinipa. "Pervert! Get out of there!"

"Hahahaha! Okay. Sheesh! Relax, brother! Minsan lang tayo mamamatay." Natatawang sabi ni Lust at sumulpot mula sa ilalim ng mesa. Pilyo itong ngumiti kay Snow at kumindat. "Hey, baby! Missed me?" Snow White noticed the objects in his hands. Porn magazines and a flashlight.

"Please don't tell me you were reading those under the table.."

"Of course, I am! Mas masaya sa dilim. Mas may thrill---lalo na kung palagi kong katabi ang legs mo sa ilalim ng mesa."

Halos mapanganga na lang si Snow sa sinabi nito. "Seriously, Lust?! Ang manyak mo talaga!"

Lalong lumawak ang nakakalokong ngiti ni Lust. "Manyak? You wouldn't understand, babes... Porn is everything! Porn is life! Porn is immortality!"

Pero umirap lang ang dalaga at naglakad na papalayo. Hindi niya alam kung matutuwa o matatawa siyang malaman na kahit na nalalapit na ang katapusan nila, Lust will still be a high-class perverted bastard. Still, it was a relief from all the negativity in this mansion. Huminga nang malalim si Snow at sinundan ang musikang nanggagaling sa kabilang dulo ng hallway. 'Für Elise,' she thought and walked in silence. Alam na ng kanyang nga paa kung saan pupunta.

*
Sa patuloy na paglalim ng gabi, patuloy lang lumalakas ang kapangyarihan ng halimaw. The night sky turned into ink black, at kasabay nito ay ang pagdanak ng dugo sa mga kabahayan. Crimson red blood splattered on the walls, lifeless bodies lying everywhere. Nagimbal ang buong bayan ng Eastwood nang pumunit sa gabi ang unang pagsigaw, ilang oras lang ang nakararaan. Kasunod nito ay ang pagpapaputok ng baril ng mga pulis. Chaos erupted from the scene. Now, the bullets laid useless on the pavement.

"AAAAAAAAAHHH!"

Humakbang papalayo si Pride nang magilitan na niya ng leeg ang isang pobreng magnanakaw. Greed. Yes. That is his sin.. Ngayon, ang kasalanan niyang ito ang siyang wawasak sa kanya. Wala nang panahon para magsisi o magbago. "Worthless mortals. Kailan kayo matututo?" Bulong ni Pride habang tinatanggap ang pag-iisa ng kumikinang na mga liwanag patungo sa kanyang katawan. Napangiwi siya sa pakiramdam. Hindi siya kumportable.

'Nalalason na ako..'

Umubo ng dugo si Pride. Hindi iyon ang unang beses ngayong gabi. Sa pagtanggap niya ng mga life spans ng mga kasalanang hindi naman para sa kanya, unti-unting bumibigay ang katawan ni Pride. He had to report back to Boswell earlier, giving him the rest of what he collected this evening. Walang imik lang ang clockmaker habang isinasalin sa isang botilya ang mga ito. Hindi na tinanong pa ni Pride kung para saan 'yon. He was just freaking relieved to get it out his body.

'Pero hindi pa tapos ang gabi..'

BANG!

BANG!

BANG!

Napapailing na lang siya nang marinig ang tunog ng mga pagputok sa kanyang likuran. Sa isang kisapmata ay sinasakal na niya ang mga pulis na ito at walang awang binabali ang kanilang mga leeg. Their guns fell down on the floor of the darkened alley. Sa kabilang bahagi ng kalye ay tuluyan nang napundi ang isang streetlamp, subjecting everything into cold darkness.

The last thing those police officers saw before they died, was a pair of demonic eyes.

Eyes of the eldest deadly sin.

Hindi pa tapos ang kanyang tungkulin. Dahil sa pagsikat ng araw, lulusubin nila ang mansyon at sisiguraduhin ni Pride na walang matitirang kahit isang nilalang roon. Boswell ordered them to bring the mansion to hell, letting it burn on its own. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakikita na niya ang namumuog hukbo ng mga clockwork monsters at ilang halimaw ng Tartarus. Nakakubli sila sa mata ng sinumang titingin, nakahandang sumalakay sa kagubatan sa oras na magbigay siya ng hudyat.

"Hind mo dapat pinapagod ang sarili mo, mahal. We still have a war to win." Hindi na nagulat si Pride nang sumulpot sa kanyang gilid si Morticia, her eyes fluttering when she saw him.

Ngumisi na lang siya rito.

"We'll kill them all."

Sa bawat minutong lumilipas, tuluyan nang naglalaho ang pag-aalinlangan ni Pride. Naglaho na ang simpatya niya sa anim na kasalanan, at sa dalagang may kulay tsokolateng mga mata. Napalitan ito ng isang mabigat na pakiramdam ng kawalan at pananabik na patayin sila.

'I'll make them feel as empty as I am...and in the end, they'll realize that we are all monsters. We are all struggling for control.'

*
Nang marating ni Snow ang Music Chamber, para bang bumalik sa kanya ang alaala ang unang gabi niya rito sa mansyon. She stood by the door, watching in admiration as Sloth passionately played the piano. Bahagyang magulo pa ang kanyang buhok, his black eyes casted down in concentration. Damang-dama ni Snow White ang emosyon sa himig na nililikha ng kasalanan.

'A face of an angel, an empty heart of a demon.'

Empty.

Naaalala niyang ang piyesang ito mismo ang palaging iniaalay ni Sloth sa yumaong kasintahan. Monique. Muli, binagabag ng kuryosidad si Snow. Kasabay nito ay ang pagsabog ng sari-saring katanungan sa kanyang isipan. She wanted answers so bad.. Siguro naman, pagbibigyan na siya ng mga ito, hindi ba? 'I think I deserve some answers..' Tinapangan ni Snow ang kanyang sarili at naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Sloth. Her footfalls softly made noise on the polished floor. Ni hindi man lang nag-angat ng tingin ang bunso sa magkakapatid.

Patuloy lang ito sa pagtugtog ng musika. That's a good sign, right?

"Sloth---?"

"You came here for answers."

Nahinto ang musika.

Pakiramdam ng dalaga ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Agad siyang napalunok at ninenerbyos na ngumiti sa binatang seryosong nakatitig sa kanya. "A-Ah, h-hindi ko naman kayo pipilitin.. I-I mean, I was just curious and..." Napabuntong-hininga na lang si Snow. What the hell is she doing? Gusto na niyang malaman ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa kanya gabi-gabi! She wanted to know. Everything.

Isang tipid na ngiti ang iginawad sa kanya ni Sloth at tinapik nito ang kanyang tabi, gesturing her to sit down. Agad namang tumalima si Snow at naupo sa tabi ng binatang tinaguriang prinsipe ng katamaran.

"Hindi ko ipagkakait sa'yo ang karapatan mong malaman ang lahat."

"Err.. Thank you?"

Well, that was easy.

Pero napapailing na lang ang kasalanan, "pero hindi ibig sabihin 'non ay sasabihin ko na ang lahat nang biglaan. Telling too much of everything is toxic. Minsan ang mga sagot sa mga katanungan ng isang mortal ay kailangang ibigay nang paunti-unti. That way, you can accept things more fully."

Napasimangot si Snow. 'What the heck? Ano namang silbi kung hindi ko malalaman lahat?' Naiinis na sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. Huminga siya nang malalim at tumango. Bahala na. This is better than not having answers at all, right?

"Malalaman ko rin ba ang lahat? I-I mean, balang-araw, k-kung..." 'kung makakaligtas tayo sa nalalapit na digmaan?' Hindi na niya sinubukan pang ituloy. Hindi na rin niya kailangan ng impormasyon. Alam nilang pare-pareho na sisiklab ang gulo sa oras na makumpleto na ang pitong araw.

Tamad na ngumiti si Sloth. "Yes, but you'll have to stay until the end.. Nauunawaan mo ba, Snow?"

Until the end.

Lalong nanghihina si Snow sa tuwing iisiping malapit nang magtapos ang kanyang kwento. Pinilit niya itong isantabi at sinimulan na ang pagtatanong, "Ano ang tungkol sa propesiya?" She already had a clue from Monique, pero gustong malaman ni Snow ang tungkol dito mula sa kanila. Mula sa isa sa mga kasalanan. That feels more legit, anyway. Nang mahagip ng kanyang mga tainga ang propesiya, agad na naging tensyunado si Sloth. Snow White studied his subtle movements, discomfort carefully concealed as he spoke.

"Kasing tanda na ng Seven Deadly Sins ang propesiyang inihatol sa'min ni Lucifer. Nang tinanong namin ang tungkol dito, he refused to tell us anything aside from those two disturbing lines."

Lines?

Bago pa man linawin ni Snow ang narinig niya, nag-iwas ng tingin si Sloth at bumulong sa kawalan. His voice drifted off towards her. Binalot ng kaba ang puso ni Snow habang pinapakinggan niya ang mga salitang ito.

"She who has lips as red as blood and skin as fair as snow, shall signal the end of the era of seven, too late. A brother to cause the downfall and..."

She waited. Hindi niya alam kung sadyang tinigil lang ni Sloth ang pagsasalita para mabitin siya o ayaw na nitong sabihin pa sa dalaga ang hulihan ng propesiya. Nanindig ang kanyang balahino habang iniisip ito. 'Lips as red as blood? Skin as fair as snow?', gusto niyang matawa kung hindi lang seryoso ang kanilang sitwasyon. Kung siya nga ang dalagang tinutukoy sa propesiya, mukhang nakalimutan nitong ilahad na isa lang siyang hamak na mortal na may kapansanan at may 'di matatawarang kaabnormalan. That would better fit her description, right?

Pero hindi na muling nagsalita pa si Sloth. Kumunot ang noo ni Snow nang makitang nagtataka rin ang ekspresyon nito.

"---and?"

"Ano?"

Snow White cursed under her breath in frustration. "Sloth, anong sinasabi ng propesiya? What will happen after your downfall?" Pero laking gulat niya nang nagkibit ng balikat ang binata at ngumiti nang malungkot.

"That's the problem, Snow. Hindi namin maunawaan ang propesiya...dahil hindi ito tapos."

Pinagmasdan ni Sloth ang reaksyon ng kanilang katulong at hindi na siya nagtaka nang makita ang gulat at labis na pagkabahala sa mga mata nito. He couldn't blame her. Maging silang magkakapatid ay naguluhan sa propesiyang ito. 'It's not unusual for a prophecy to be implied, but having an unfinished prophecy is another problem,' isip-isip ng binata bago dumako ang mga mata sa grand piano sa kanyang harapan. Ilang siglo nilang inisip ang kanilang sitwasyon. Ilang siglo nilang pinilit alamin ang sagot sa katanungang matagal nang umukit sa kanilang imortalidad.

'She who has lips as red as blood and skin as fair as snow...'

Bahagyang dumako ang mga mata ng prinsipe sa kanyang katabi. Kung ikukumpara noong unang mga araw niya sa mansyon, lalong sumigla ang hitsura ni Snow. Her lips were no longer dry and lifeless, and her pale skin glowed with something ethereal. Hindi man ito napapansin ni Snow sa kanyang sarili, Sloth was almost sure that the mansion is doing this to her.

Para bang nakikiayon ang mansyon sa presensiya ni Snow, at nakikiangkop naman ang kanyang katawan sa kanilang pamamahay. Iisa lang ang naiisip na dahilan ni Sloth.. Snow White was meant to live here in their twisted little mansion of madness.

'...shall signal the end of the era of seven, too late.'

Too late.

Marahil nga ang pagdating ni Snow sa kanilang buhay ay ang naging palatandaan ng kanilang katapusan. But of course, the sins knew that she had no control over it---and neither do they. Sadyang mapaglaro lang ang pagkakataon at mukhang unti-unti na ring nag-iiba ng damdamin ang kanyang mga kapatid para sa babaeng ito.

'A brother to cause the downfall and..."

Pride.

Napapailing na lang si Sloth sa kanyang sarili, "We took precautions before, pero hindi namin aakalain na magiging ganito ang mangyayari."

Napayuko si Snow. Ngayon ay nauunawaan na niya ang ilang bahagi ng katotohanan sa kwentong ito. She is as clueless as the Seven Deadly Sins regarding this matter. It's almost ironic. Almost.

"Hindi niyo ba sinubukang alamin ang huling linya ng propesiya? Maybe it's a way to save everyone."

Umiling si Sloth sa suhestiyon niya, "Sinubukan na namin. Ang sa pagkakaalala ko, isinulat ito ng mga alagad ni Lucifer sa isang itim na librong naglalaman ng mga sumpa at itim na mahika. We couldn't find that book anywhere."

Itim na libro? Bakit ba parang may nakita nang ganoon si Snow dati? Sinubukan niyang halungkatin sa kanyang mga alaala, pero tanging blangkong bahagi memorya lang ang nahahanap niya. Eventually, she gave up. It's making her head hurt. Ano bang nangyayari sa kanya?

"We have only a few hours or minutes left.. Hindi ko na masabi." At sinimulan nang tipahin ni Sloth ang instrumentong nasa harapan nila. Hindi pamilyar si Snow sa piyesang tinutugtog nito at sa ngayon, wala siyang interes. 'How could he play the piano at a time like this?', mabilis niyang pinigilan ang paglikha ng musika ng kasalanan. Her hand held his arm. Isang matapang na tingin ang sinalubong niya sa kasalanan. 'I need to know this.. Kailangan kong malaman kung tama ba ang impormasyong binigay ni Monique.' Nanginginig ang mga kamay ni Snow nang diretso niyang tinanong ang prinsipe ng katamaran.

"Kahit mawalan kayo ng kapangyarihan, hindi kayo basta-bastang mamamatay dahil walang kaluluwa ang Seven Deadly Sins, tama ba?"

Pero naiintindihan na ni Snow na isa itong kasinungalingan. It was only a myth to make them believe in things that cannot be explained. The Seven Deadly Sins, the Princes of Hell that causes the death of millions..

"Meron kayong kaluluwa."

Sloth only stared at her. Kinagat ni Snow ang loob ng kanyang pisngi at nagpatuloy. Bahala na. She needs answers. Nasa kritikal na silang kalagayan. There's no point in holding back any information!

Sa loob-loob ni Snow, ay alam niyang gagawin niya ang lahat para mapigilan ang mga nakatakdang mangyari. She wanted to save them---kahit pa alam niyang ni hindi niya mailigtas ang kanyang sarili. Hindi niya maipagkakailang napalapit na siya sa magkakapatid sa ilang linggo nilang magkakasama sa mansyong ito. Ang mansyong itinuturing na niyang tahanan. 'Hindi ko sila hahayaang mamatay..'

Her mind automatically flashed back to everything that happened, stopping by at wisps of memories she never knew had been so important.

Sa pananatili niya sa mansyon, nakadaupang-palad niya ang iba't-ibang misteryo nito na nagbalat-kayo bilang mga bagay na lalong hindi niya maunawaan. Mysteries morphed into another chain of mysteries. Noon pa man, habang naglalakad siya sa mga pasilyo o tuwing naglilinis siya sa mga silid, nararamdaman na ni Snow ang mahikang nakakubli sa tahanang ito. The mansion felt alive, in a crazy sense.

"They transfer their souls... inside the mansion. N-Narinig ko silang pinag-uusapan 'to noon, ang naaalala kong sinabi ni Pride ay kailangan nilang gawin ito para mapangalagaan ang imortalidad nila."

Monique's words echoed inside her head. Tama ang kutob niya noong simula pa lang. Mukhang may mas malalim pang sikretong itinatago ang mansyong ito. Bumalik ang kanyang atensyon kay Sloth na nakatitig lang sa kanya, his eyes studying her with so much passion that it scared her. Will they kill her for figuring out their secret? Sabagay, wala na rin namang pakialam si Snow kung mangyayari man 'yon. She needed to save them, and in order to do so, Snow White needs to confirm her theories...

"Kapag sumapit ang ikapitong araw, manghihina at mawawalan kayo ng kapangyarihan, but that won't be enough to kill you, right?" Pagak na natawa si Snow habang inilalahad ang kanyang natuklasan, "In fact, hindi kayo mamamatay nang basta-basta dahil itinago niyo ang kaluluwa niyo sa iba't ibang parte ng mansyong ito! Nakakatuwa, hindi ba? The Seven Deadly Sins cleverly hid their own souls inside this mansion to temporarily protect themselves from being killed. Sa ganoon, kahit pa sunugin o pagtatatagain kayo ng mga kaaway, makakaligtas pa rin kayo..because nobody knows about this little secret. Walang ibang nakakaalam na mayroon kayong kaluluwa at na posible rin kayong mamatay! Y-You actually cheated immortality."

Nang suriin ni Snow ang reaksyon ng kausap, nakita niya ang pagkaaliw sa ekpresyon ni Sloth. A smug smirk on his lips, and she even gaped when he slow clapped. "Not much of a secret now, isn't it?" Isang malungkot na ngiti ang pumalit sa ngisi nito na sinundan ng pagbuntong-hininga. Mukhang lalong nababahala si Sloth. Hindi pa rin nawala ang gulat sa hitsura ni Snow, her heart pounding with anxiety.

"T-Totoo nga.."

"'Yan rin ang sikretong ikinamatay ni Monique. You are aware of that, I assume?"

Nag-iwas siya ng tingin. Sa halip na sagutin ang tanong ng binata, tinapangan ni Snow ang kanyang sarili para itanong kung, "Bakit?"

Bakit nila ginawa 'yon? Natakot ba sila sa propesiya kaya nila pilit tinatakasan ang sarili nilang kamatayan? Kahit saang anggulo tingnan ni Snow, hindi niya maiwasang isipin na isa rin itong indikasyon ng pagiging duwag. Yes, they were smart enough to hide their fucking souls, but they aren't brave enough to face their enemies without cheating! Sa huli, matatakasan nila ang kamatayan nang dahil lang sa hindi alam ng kanilang mga kalaban kung ano o saan dapat patamaan ang kanilang espada.

Because the souls of the Seven Deadly Sins aren't in their bodies.

They never had been.

"Mga duwag kayo." Napatakip ng bibig si Snow nang mapagtanto ang nasabi niya. Shit! She didn't mean to say that out loud!

Sloth raised an eyebrow, "Pride called it 'being practical'. Wala kaming ibang maisip na paraan noon."

"You still didn't answer my question."

"May nakapagsabi na ba sa'yong masyado kang tsismosa?" Mahinang natawa si Sloth bago ipinaliwanag, "Like I said, we had no other choice. Kinailangan namin itong gawin. Let's have an analogy: isipin mong mayroong espesyal na puno sa kagubatan, ang pinakamayabong sa lahat----that's us, the Seven Deadly Sins." Kasabay ng pagpapaliwanag ni Sloth ay ang pagmuwestra nito sa hangin, black smoke formed into a forest, with a tree bigger than the others. Tumango si Snow.

"Kasing-tanda ng panahon ang punong ito. Malaki ang tungkulin nito sa pangangalaga ng kagubatan. Now, what if the forest was attacked?"

Pinanood ni Snow ang pag-atake ng mga taong gawa sa usok sa miniature forest na likha ni Sloth. Wisps of smoke erupted, a war inside the forest. Pinapatay ng mga tao ang ibang mga puno, hanggang sa may isang nakarating sa pinakasentro nito---kung nasaan ang espesyal na puno.

"The other attackers would probably take down the closer trees first. But what if one of them was smart enough to strike the special tree instead?"

Boswell. Napalunok si Snow nang tawagin ng taong gawa sa usok ang iba pa nitong kasamahan. Sabay-sabay nilang hinuhukay ang ugat ng espesyal na puno. They were brave enough to take down the right tree in the forest.

"Ngayon, isipin mo... Kung sakaling maialis nila mula sa pagkakabaon sa lupa ang punong ito, katapusan na ng buong kagubatan. Sa oras na patayin nila ito, tapos na ang laban. Kapag nahanap nila ang ugat na kailangang hugutin, wala na. The balance will be tilted, the other trees will be affected."

Nahinto ang mga taong gawa sa usok nang marating nila ang ilalim ng puno.

"...pero paano nila mapapatay ang espesyal na punong ito kung malalaman nilang wala roon ang ugat nito? There's no way to uproot this tree, and yet it stood firm on its ground. Like magic."

Naglaho na ang imaheng gawa sa itim na usok. Tumango si Snow, unti-unting naunawaan ang kinailangang gawin ng magkakapatid. They were the Seven Deadly Sins.. Kung mayroon mang pangahas na magtatangkang patayin sila, kinailangan nilang pangalagaan ang kanilang imortalidad para magpatuloy sa operasyon ang lahat. They were tasked with the sin segregation, and without them, the balance will be at stake. Maaapektuhan ang buong mundo. Everything will be in chaos.

Iyon mismo ang gusto ni Boswell.

"At alam ni Pride kung saan niyo itinago ang mga kaluluwa niyo.."

Tumango si Sloth. "That's the reason why it's too late. He's Pride---he knows everything about us. Kung nilalabanan nga niya ang mahikang ginamit sa kanya ni Morticia noon, sana man lang binalaan niya kami sa mga posibleng mangyari. He should've done something to save us. He was always a little to prideful and secretive, always keeping things to himself." Kinakabahan muli si Snow. Hindi niya alam kung bakit. Wala na nga bang pakialam si Pride sa mga kapatid niya? That idea made her feel sick.

"P-Paano kung----"

"Snow White, once upon a time, this story had already ended… at ikinalulungkot kong sabihin sa'yong isang trahedya ang katapusan."

Iniabot ni Sloth ang kanyang pisngi. Pinunasan niya ang luhang dumausdos mula sa mga mata ng dalaga. Napailing si Snow at naguguluhang pinahid ang likido sa kanyang mukha. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Ayaw niyang matapos ang istoryang ito. Ayaw niyang mawala ang pitong kasalanan. But now, all her hopes had been crushed by reality.

Sloth tried to smile at her, an angel smiling down at a mortal.

"W-What do we do now?"

The demon prince started playing the piano again, a handsome and tormented smile on his lips. "We'll wait. Iyon na lang ang magagawa natin."

Sa mga sandaling iyon, tuluyan nang nawalan ng direksyon ang buhay ni Snow. Pilit kinakalma ng musika ni Sloth ang kanyang puso, but there's nothing left to calm down. Because she feels like her heart had been ripped out of her chest---crushed and shattered. Nalalapit na ang oras na kinakatakutan niya.

Sinilip ni Sloth ang katabi. Lihim siyang napangiti. 'She deeply cares for us,' wika ng kanyang isip. Kung makakaligtas man sila, siguro ay panahon na para buksan muli ni Sloth ang kanyang puso para sa dalagang ito. Siguro.

Ipinikit ni Snow ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano katagal na ang lumipas bago nila narinig ang pagtunog ng grandfather clock.

Umalingawngaw ang tunog nito sa tahimik na mansyon.

Pagsapit ng ikapitong batingaw, kasabay nilang narinig ang malalakas na pagsabog na nanggaling sa labas ng mansyon.

---

Being myself had never been easy,
as the world constantly reminded me
that I was just speck in this universe.
A lonely human trapped and played
by the ups and downs of expectations,
under the watchful eyes of shadows.
A worthless soul contained in a vessel,
a vessel of mortality and sinfulness,
enough for the mirrors to fix and break
over and over again.

---"Thoughts (01)"
Nox Vociferans

Continue Reading

You'll Also Like

128 17 11
A COLLABORATIVE WORK WITH @darkchives "The university? Check! The course to take? Check! The things to bring? Check! The place to stay? Um... not sur...
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
Adrasteia By CG

Paranormal

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...