Relationship Status: It's For...

chamchamwatty

1.1M 12.8K 3.5K

I just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KU... Еще

I love you, Kuya?
Chapter 1- My Kuya
Chapter 2- Monggy's Revenge >.<
Chapter 3- He really did?? >///<
Chapter 4- Chenelyn Eklavu+Keme=Monggay
Chapter 5- Coffee Crumble
Chapter 6-The Dream
Chapter 7-The Gift
Chapter 8- He is Sick, I'm Jealous!
Chapter 9- First LQ?
Chapter 10-My new found friend
Chapter 11-Nicolai and Kevin
Chapter 12- Our Night
Chapter 13- She's a bitch!
Chapter 14- 2 months.
Chapter 15-He's Back. Signs. Past
Chapter 16-Possibility
Chapter 18- Lost Angel
Chapter 19- Moving On
Chapter 20-Engagement Party?
Chapter 21-New Beginning
Chapter 22-Under the Tree
Chapter 23- Monthsary
Chapter 24- Truth
Chapter 24.5
Chapter 25- He's not my brother.
Chapter 26- Breathless :">
Chapter 27- Addicted
Chapter 28-Andrei VS Martin (part 1)
Chapter 29-I love him, too
Chapter 30- Changes
Chapter 31- It's a YES
Chapter 32- Our Baby and my UNlucky day >.<
Chapter 33- I'm her Fiancé (part 1)
Chapter 34-I'm her Fiancé (Part 2); The Monggy is back!
Chapter 35-Save the date
Chapter 36-Flashback
Chapter 37-The Accident
Chapter 38-Wide Awake
Chapter 39- Wedding Day.
Chapter 40- Fake Fiancé
Chapter 41-Dream and ... hurt again
Chapter 42- The guy who can't be moved
Chapter 43-Love is sweeter the second time around
Chapter 44-The Other Woman-Sheena Raphaela.
Chapter 45-Secret to Tell
Chapter 46-The EX and Secret Lovers
Chapter 47- Leave
Chapter 48-In sickness and in health?
Chapter 49-On This Day
Epilogue- Farewell.
HEP HEP HOORAY!

Chapter 17- Me, Him and THEM

22.8K 249 83
chamchamwatty

Clarence’s POV

 

Umalis na si Kuya .. Hay .. nakakalungkot, wala akong kasama. Eh mahalaga naman kasi yung pupuntahan niya kaya okay lang. Hihiga na sana ako ng biglang may pumasok sa kwarto ko ..

“Ellaine?” anong ginagawa niya dito?? Tumingin ako sa wall clock at tapos na ang visiting hours?!!

“Clarence” nakatayo pa din siya sa may pintuan.

“Anong kelangan mo? Huwag mong sabihing concern ka saken?” gumuhit sa mukha niya ang ngiting mapang-asar.

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa” tapos lumapit siya sa akin.

“Engaged na kami ng kuya mo”

“Ha-ha?” ano na namang pinagsasabi neto!?!

“Here” tapos tinaas niya yung kamay niya kung saan may nakasuot na singsing sa isa niyang daliri “Kung ayaw mo pang maniwala bakit hindi mo tanungin ang Daddy mo?”-Ellaine.

“Alam mo .. kung wala kang matinong sasabihin buti pa lumayas ka na dito” banta ko sa kaniya.

“Tingin mo saan nagpunta ang Kuya mo?” tanong niya.

“Wala kang pakielam!”-ako.

“Busy siya sa pag-aasikaso sa kasal namin. And you know what? Babalik na kami sa America para doon magpakasal”

“Really? Kung sa bagay libre lang mangarap. So ganun ka talaga ka desperada para makuha ang kuya ko? Pipilitin mo siyang magpakasal sayo? How great! Ikaw na ang pathetic sa lahat ng pathetic!”

“Hahaha! Wala ka na bang ibang alam na word kung hindi pathetic? Wait! Ako meron and alam kong bagay sayo yun” she leaned closer to me “Nakakadiri ka”

 

Nakakadiri ka

 

Nakakadiri ka

 

SLAP!

 

Sinampal ko siya pero bigla niya din akong ginantihan ng sampal!!

“Remember this Clarence, sa ayaw at sa gusto mo sa akin mapupunta si Andrei, hindi sa iba diyan!” tapos lumabas na siya ng kwarto ..

“Timpi lang Clarence” nakakainit ng dugo!!

Ang kapal ng mukha niya! Nag-aksaya pa talaga siya ng oras para sabihin ang mga kasinungalingang yun?!

Pero .. may pinakita siya sa aking singsing .. totoo kaya yun?

Malay ko ba kung binili niya lang yun sa bangketa!!

But, dinamay niya si Daddy, ang lakas ng loob niya ..

Hindi kaya totoo yun?

Ngayon ko lang naramdaman yung sakit ng sampal niya pero mas masakit pa din yung sinabi niya sa akin

Nakakadiri ka

 

May alam na ba siya? Oo nga naman, nakakadiri ako. Nagawa kong makipagrelasyon sa kapatid ko at ang malala, may nangyari pa sa amin.

Naalala ko yung tinanong sa akin ni Marga ..

Paano nga pag nabuntis ako??

Paano lang naman ..

And I’m sure hindi yun mangyayari.

Marga’s POV

 

“Aish pwede ba Larry leave me alone? Ha?! Ha?!!!” pesteng lalaki to! Pinaglihi ata to sa aso eh!!

“Please Tracy forgive me. Nagsisisi na ako.”

“Well to say you this. Wala akong pakielam kung lumuhod ka diyan or magpagulog gulong para lang mapatawad kita okay? Kasi never na kitang mapapatawad!!” binilisan ko yung lakad ko.

“Tracy! Wait!”

“YOU SHUT UP!- OUCH!!” pesteng lalaki kasi yun!! May nabunggo tuloy ako!!

“Sorry Miss” pagharap ko..

*O*

What’s with the face Marga?!!!

“O-ok lang” So kelangan nauutal ako?

“Tracy! Are you okay? Nasaktan ka ba?” bigla niya akong hinarap sa kaniya. aaargh!!

“Ok lang ako! Tsaka diba sabi ko sayo wag mo na akong guguluhin?! Pwede ba lumayas ka na dito!?!” panira ng moment eh. Pero parang wala siyang narinig at binalingan si GG (Gwapong Guy)

“Hoy ikaw. Sa susunod titingin ka sa dinaraanan mo. Huwag kang maangas!” sigaw ni Larry.

“Sa susunod din kilalanin mo muna kung sino yung sinisigawan mo. Tingin mo sino maangas sa atin?” Ay wow! Bet ko yan, palaban si GG!!

“Sumasagot ka pa?” akmang susugod siya kay GG ng pinigilan ko.

“hay Larry pwede ba?? Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan ha? Get Lost!! Hinding hindi na ako makikipagbalikan sayo and besides” saka ako humarap kay GG. “May bf na ako” saka ako kumapit sa braso niya “I want you to meet Aaron, he’s my boyfriend”

“Hahaha! Wag ka ngang magpatawa Tracy, kakakalala mo lang boyfriend mo na kaagad?”-Larry.

Oo nga naman!! Bungguan lang instant boyfriend na? eh nakabanggaan ko dati si Coco Martin edi sana boyfriend ko na siya ngayon >.<

Isip ka ng dahilan Marga! You’re great diba?! At saan ko naman daw napulot yung name na Aaron?!!

“She’s telling the truth” ano daw?? Napatingin ako sa kaniya bigla.

“Alam mo pre wag kang-“

“Kaya pala she looks familiar,

Coz she’s my future girlfriend”

 

O//////O

“Stop this nonsense!” nakasigaw na si Larry, for sure inis na yan.

“Aaron Villafuerte. You want some proof?” Tapos kinuha niya yung wallet niya saka naglabas ng ID. Kinuha naman yun ni Larry. Nanlaki yung mata niya!

“Akin na nga yan!” inagaw ko sa kaniya yung I.D

O.O

So-so .. totoo nga?!! Totoo ngang AARON ang pangalan niya?!!

“So I think pwede ka ng umalis kasi makakaistorbo ka sa date namin ng girlfriend ko” kung nakakatunaw lang yung titig niya ay naku!! Goodluck saken!! *O*

“Okay! But eto ang sinasabi ko sa inyo. Hindi pa ako tapos” sabi ni Larry saka naglakad papalayo sa amin.

“Magdedate tayo?”

“Yes, actually I’m already dating with someone” ARAY!! ANG SAKIT LANG! SA MUKHA KO PA TALAGA SABIHIN!?

“okay, enjoy your date with her.” Inalis ko na yung pagkakapit ko sa braso niya. Eeeew!! May pawis!! Joke. Wala. Bitter lang -_- ..

“PAPAAAAAAA!!” sabay kaming lumingon sa tumawag sa kaniya at isang cute na batang babae ang tumatakbo papalapit sa amin.

What?!! PAPA!?!

SO IT MEANS …

“This is Pochie, my angel”

Clarence’s POV

 

Poke

“Aray!!” amp naman tong si Monggy oh!!

“Lutang ka. Sagutan mo yun oh” tapos tinuro niya yung filler niya.

“Oo na!” dumalaw dito si Monggy sa hospital, pano niya nalaman? Malamang dahil sa bruhang yun!

Si kuya naman hindi na bumalik dito sa hospital, saan ba siya nagpunta?? hindi kaya totoo yung sinabi ni Ellaine??

POKE

“Aray ano ba!! Kanina ka pa ha?!!” sinundot niya ng ballpen yung pisngi ko! Ang sakit kaya!!

“Wag mo na ngang sagutan yan!” tapos kinuha niya na saken yung filler niya, tinuturo niya kasi sa akin yung lesson nila kanina at ayan, dahil sa pasaway ako eh nagagalit na si Sir Monggy.

SILENCE

Nakakatanga naman dito, ang tahimik kasi ni Monggy.

“Monggy” saglit siyang tumingin sa akin. Katabi ko siya sa may kama.

“Oh?” sagot niya.

“May nasabi ba sayo si Ellaine na babalik siya sa America?”

“Hindi pa kami nag-uusap”-Monggy.

“EH? Bakit??” this time tumingin siya sa akin.

“Dahil sa pagsapak ko sa kuya mo”

“Edi dapat pala pati ako magalit sayo?” kasi sinapak niya yung mahal ko eh.

“Dapat nga ganun, eh bakit hindi nga ba?”-Monggy.

“Kasi magkaiba kami ng ugali ng bruhang yun” sabay irap. Iba naman talaga kami! Siya tao ako Diyosa. Echos!

“Bruha. Tss” tapos umiling iling siya.

“Bruha naman talaga siya! Napaka pathetic-“

“Shut up!”sigaw niya sa akin.

Psh!! Napakaprotective sa PEKENG PINSAN!! Hindi ba niya nakikita na ang samang babae nun?! Kaasar talaga!!

“Monggy bakit ganun? Kahit hindi mo siya tunay na pinsan ang protective mo sa kaniya?”

“Kasi may utang na loob ako sa pamilya niya” sagot naman ni Monggy.

“Edi kung ganun, sa pamilya niya ikaw bumawi at hindi sa kaniya” hindi naman halatang galit ako sa babaeng yun noh?

“Eh ano bang pakielam mo? Wala ka namang alam”

“Edi kung ganun magkwento ka para may alam ako. Dali na nakakatamad dito sa hospital eh” bigla siyang tumayo at akmang lalabas ng kwarto ko.

“O teka san ka pupunta?!”

“Aayusin ko lang yung bill mo, aalis tayo” tapos lumabas na siya ng kwarto.

Eeeeeh?! Aalis kami??

Martin’s POV

 

“Wieeeeh~ pupunta talaga tayo sa probinsya mo??”

“Hindi. Sa probinsya niyo” inirapan niya ako bigla.

“Tse!!” tapos tumingin na ulit siya sa labas.

Sinama ko na siya sa probinsya, ang daming tanong eh. Dinamay pa si Ellaine

Monggy bakit ganun? Kahit hindi mo siya tunay na pinsan ang protective mo sa kaniya?

 

Bakit nga ba? Kung dati niya pa ako tatanungin niyan baka ang agad kong isagot siyempre mahal ko si Ellaine .

Pero ngayon? tingin ko hindi na yun ang dahilan.

Oo. Protective ako sa kaniya dahil sa utang na loob sa pamilya niya.

“Re-“ =________=

Nakanganga pa habang natutulog. Bakit kaya to nahospital? Ang sakitin naman masyado? Payatot pa =___=

Buti na lang at naka jacket ako. Hindi na kami nagdala ng damit dahil sandali lang naman kami doon. Papakita ko lang sa kaniya yung kinalakihan ko ..

Wala lang, bored na daw siya sa hospital eh.

Pinatong ko sa kaniya yung jacket .

=/////=

Kala niya nasa kama siya at basta bastang ihihilig yung ulo sa akin?!

Abuso na tong babaeng to ha?!

Dahil sa lubak lubak yung daan hinawakan ko yung pisngi niya saka marahang diniin sa balikat ko para hindi mauga yung ulo niyang walang laman.

Teka, baka tuluan niya ako ng laway =____=

Habang nasa byahe, biglang pumasok sa utak ko yung una naming pagkikita.

I’ll ruin her life ..

At first determindo talaga akong sirain ang buhay niya.

At naumpisahan ko yun ng pagpanggapin ko siyang gf ko at ipakilala kay Ate Ellaine.

Lumipat ako sa school niya para araw araw mainis ko siya. Tipong iiyak siya at magmamakaawa sa harap ko para tigilan ko na siya.

Pero parang nag-iiba yung plano ko.

 

Araw araw gusto ko siyang asarin dahil natutuwa ako pag sinusungitan niya ako.

 

Gusto kong makita yung reaksyon ng mukha niya pag binabara ko siya

At higit sa lahat ..

Ang marinig ang boses niya habang binabanggit ang salitang MONGGY

 

Peste!! Eto na naman yung dibdib ko, may sakit na ba ako sa puso?!

Hinawakan ko yung kamay niya ..

This will be the first time na ipapakilala ko ang tunay na ako sa isang babae ..

Dahil sa gusto ko siya.

 

Clarence’s POV

 

Ginising na ako ni Monggy dahil nakarating na daw kami sa  probinsya nila! Sumakay kami ng tricycle at hindi nagtagal napunta kami sa …

“Oh.My.God” shocks!! Totoo ba tong nakikita ko?!!!

“Tara na, kanina pa nila tayo hinihintay” bigla niya akong hinila papasok ng bahay and-

Wait!? NILA??

“Tin-Tin!!” salubong sa amin ng isang babaeng I think kaedad ko lang?!

“Aish, stop Calling me Tin tin” tapos niyakap siya nung babae, eh ano pa bang expected sa isang Monggy? Edi hindi tinulak niya yung babae -______-

“At bakit naman? Diba nga ikaw si Tin Tin at ako si Min Min? ^______^”

“Pffft” sabay silang napatingin sa akin. Sorry! Ang corny lang kasi, Min Min at Tin Tin?!

“Sino siya? Mag-aapply na katulong?” tanong ni Ming Ming .. ming ming nga ba? LOL!

“Mukha ba siyang katulong? Si Tita asan?” inirapan ako ni Ming Ming! Aba! Dukutin ko yang mata mo eh!!

“I’m here iho,” wow!! Ang gondo niya!! *O*.

Lumapit kaming dalawa ni Monggy dun sa babae, in fairness mas maganda siya sa malapitan.

“How are you Tita? By the way this is Clarence” tumingin ako sandali kay Monggy, er ang awkward!!

“He-hello po” nag smile siya sa akin. WAAAAAAAAH!!!

“Nice meeting you iha, so .. is she the lucky girl ha?” eh? Lucky girl? Ako ba yung tinutukoy niya?!!

“Actually-“ naputol yung sasabihin ni Monggy ng sumingit bigla si Ming Ming!!

“Mom! Diba busy ka? Diba madami ka pang gagawin?” baliw ata to eh?

“Haha. Sige na aalis na ako. Welcome back iho” then nag hug ulit sila. Si Ming Ming ang sama makatingin sa akin ha?!!

“Sige tita ingat po. Ipapasyal ko pa tong bisita ko” sabi ni Monggy.

“Ipapasyal? Naku wag na!! dito na lang kayo sa bahay kasi wala akong kasama eh. Sige na Tin please?” then nag puppy eyes siya.

“Hindi mo ba narinig ipapasyal niya ako?” nakakainis kasi! Ano bang ugali meron siya?!

“Edi mamasyal kang mag-isa mo” aba’t!!

“Ay wow.. nahiya naman ako sayo, alam ko kasi tong lugar niyo eh noh?”

“Pwes, dapat nagdala ka ng mapa”-Ming Ming

“Ay kala ko may mapa na eh” lumapit ako sa kaniya saka tumitig sa mukha niya “ayan oh, ang daming bundok. Sosyal nga kulay pula eh” nakita ko yung pamumula ng mga tigyawat niya . I mean ng mukha niya!!

“Tin Tin oh!! Inaaway ako!!” para siyang bata!!

“Ikaw naman kasi … sige na ipaghanda mo na kami ng makakain” ginulo ni Monggy yung buhok niya. Sige lang!! guluhin mo pa!!

“Okay!! IKAW LANG!! hmp!” then nagmartsa na siya papunta sa kusina.

“Pagpasensyahan mo na yung anak ko Iha ha?” OO NGA PALA!! Andito pa din yung Mommy niya!!

“Ay! Naku po, sorry din po kung nasagot ko siya. Tanong ko lang po, ilang taon na po ba siya?!”

“She’s 23”

O_________________________O

“T-tweenty Three?!” eh kung kumilos siya parang premature!!

“Hahaha!! Ganiyan lang talaga siya. O siya una na ako ha” naiwan kaming dalawa ni Monggy. Pumunta kami sa may garden ng bahay nila dito.

“Kainis yung MingMing na yun ha?!”

“Min Min. ginawa mo namang pusa -____-“-Monggy.

“Pareho lang yun! At anong tawag niya sayo? Tin tin?! Hahaha! Sabi na bading ka eh!!”

“Selos ka lang”asar niya sa akin.

“Ha! Asa men! Ako selos?” kapal talaga ng mukha netong Monggy na to!!

“Her name is Carmin”

“So?”

“Pinsan siya ni Ate Ellaine”

“Ah! Kaya naman pala” now I know kung bakit ganun ugali ng babaeng yun!

“May crush siya sa akin simula noong bata pa kami. Alam naman niya kasing hindi talaga kami magpinsan.”

“Teka, so sila yung kumupkop sayo?” he sighed.

“No. yung mga kumupkop sa akin mamaya natin pupuntahan”

“Tin Tin~~~. The food is ready!!!” sigaw ni Min Min. tumayo na siya saka nilahad yung kamay sa akin.

“Halika na, after neto pupunta na tayo” so pumunta na kami sa kusina nila at WOW LANG ANG HINANDA NI MING MING!!! ANO TO FIESTA?? MY GOD!!

Umupo na kami sa table ..

“Hep!! Anongn tingin mo, kakain ka? Para lang yan kay Tin Tin ko noh!” sabay tingin kay Monggy habang pumupungay ang mga mata!! Seriously, hindi ako makapaniwalang 23 na siya!!!

“Carmin!” sigaw ni Monggy! Biglang napa straight ng upo si MingMing!

“ba-bakit?” halatang takot siya eh.

“Bisita ko siya kaya huwag mo siyang bastusin.” Seryosong sabi ni Monggy.

“Bakit mo ba pinagtatanggol ang babaeng yan? Bakit girlfriend mo siya?” tanong ni Ming Ming.

“Oo bakit?! Anong problema ha?!” ako na sumagot sa kaniya! kainis na eh,

“How—“ tapos lumabas na siya ng kusina habang umiiyak!!

“Don’t mind her. Kumain ka na” nilagyan niya ako ng pagkain sa plate. Ang sweet naman daw ni Monggy!!

Naisip ko bigla, bakit kaya ako dito dinala ni Monggy eh hindi naman pala siya dito nakatira? I mean, hindi naman pala si Tita Ganda yung kumupkop sa kaniya.

At yung Ming Ming na yun!! Hindi na siya nahiya sa kinikilos niya? Saan kaya siya nagmana, sa pusa? Kung sa bagay, pareho sila ni Ellaine na nakakahiya!

Bigla ko na namang naalala yung sinabi ni Ellaine ..

Engaged na kami ng kuya mo

Ano na namang pakulo yun?!

Hindi ko talaga maintindihan takbo ng utak ng babaeng yun!!

“Errr, Monggy” tumigil siya sa pagkain saka tumingin sa akin.

“Bakit?”

“Saan yung CR niyo?” naiihi ako!!

“Sa taas then first room sa left side”

“Ok” tumayo na ako saka nagpunta sa taas. Ang laki talaga ng bahay eh, super! Parang nasa castle tapos may bruhang nakatira, si Ming Ming! Hahaha!!

“Left, first room, eto na !” sigurado ko muna kung CR nga rto, baka kasi mamaya pinagtitripan lang ako ni Monggy eh!

Pagkapasok ko ginawa ko na yung dapat kong gawin. Naghugas na din ako ng kamay. Pagkalabas ko ..

Nakita ko si MingMing na nakatayo sa harapan ko.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ako pero bigla niya akong hinigit sa braso.

“A-aray! Ano ba!” hindi niya pa din ako binibitiwan!!

“Wag kang masyadong matapang. Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay ka namin?” ibang Ming Ming yung nakikita ko!

“Pero hindi din tama yung ugaling pinapakita mo sa aki-Aray” kung kanina madiin yung pagkakahawak niya. Ngayon mas madiin pa.

“I’ll say whatever I want to say as long as andito ako sa pamamahay namin. Tama nga si Ellaine. Isa kang bitch”

“Wha-what?”

“Bitch. Ka.” Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya!!

“Let me go ano ba! Nasasaktan ako!!” pareho sila ng pinsan niya!! Masyadong pisikal!!

Bigla niya akong tinulak sa may pintuan!!

Aray ko!! Yung likod ko tumama sa door knob.

“Remember this. Kung may nararamdaman ka para kay Martin, kalimutan mo na lang yan. Dahil akin lang siya” then sabay walk out!!

Ano daw!?!

Ako? May nararamdaman kay Monggy?

Pareho pala sila!

Pareho sila ng pinsan niya.

Napaupo ako, ang sakit ng likod ko. Pucha naman!!

“Clarence!!” nakita ko si Monggy na tumatakbo paakyat. Ng makita niya ako mas binilisan niya yung pagtakbo saka …

O///O

“Akala ko kung anong nangyari sayo. Narinig ko kasing may lumagabog and I thought may nangyari sayong masama .. “niyakap niya ako.

Hindi ko maiwasang hindi maiyak . sobrang sakit kasi ng likod ko!!

“Mo-Monggy” napayakap na din ako sa kaniya.

Siguro , kasama na din sa pag-iyak ko yung about sa sinabi ni Ellaine at ng pinsan niya.

“Hey .. bakit ba? Ano bang nangyari ha??”

“Yu-yung likod ko.. “ humiwalay siya sa yakap ..

“What happened” priness niya yung likod ko.

“Ouch!! Wag!!” napahigpit yung yakap ko sa kaniya.

“Shit! I’m sorry. Kaya mo bang tumayo?” nag nod na lang ako. Nauna siyang humiwalay sa yakap.

“Ang bitch mo talaga!!” nakita ko si Ming Ming na susugod sa akin .. at

SLAP!!

 

O___________O

Maging siya nagulat sa ginawa ni Monggy.

“Tapos ka na?” tapos tumingin siya kay MingMing “TAPOS KA NA?!!” nakakapanindig balahibo yung sigaw ni Monggy!!

“I’-I’m”

Bigla siyang lumapit kay MingMing!!

“A-ARAY MARTIN ANO BA!!”

“Sa susunod na saktan mo pa ulit si Clarence kakalimutan kong babae ka!!”

“Monggy” hinawakan ko siya sa braso at isa lang ang masasabi ko. Nanginginig siya sa galit.

Naramdaman kong lumuwag yung pagkakakapit niya kay MingMing,

“I hate you!!” saka siya tumingin sa akin ng masama “This is all your fault! Bitch!!” then pumasok na siya sa loob ng kwarto niya.

Nanatili kaming tahimik ni Monggy.

Natatakot akong kausapin siya eh T^T

“I’m sorry”

“Ha-ha?” this time humarap siya sa akin saka ako hinawakan sa balikat.

“Hindi ko kasi napigilan yung sarili ko. Don’t worry, from now on I’ll not let anyone to hurt you and if someone did ako ang makakalaban niya”

 

Sabi niya habang nakayakap sa akin.

Yung left arm yung nakayakap sa akin habang yung right arm niya nakahawak sa kamay ko.

“Better take a rest, mamaya na lang tayo mamasyal”-Monggy.

I can feel his care, kaso nagiguilty ako. Binayaran niya yung bill ko sa hospital para hindi ako mabored ..

“Ngayon na. Ok lang naman ako but-“ napangiwi ako ng bigla siyang humarap sa akin. Yung pisngi niya namumula. Humarang siya sa akin kaya siya yung nasampal ng Ming Ming na yun “Ok ka lang ba?” hinawakan niya yung kamay ko at nilagay sa pisngi niya.

“Hawakan mo lang, okay na yan.” Then he smiled ..

Nginitian ko din siya ..

“Tara na?” nawala yung ngiti sa mukha niya. Bipolar eh?!!

“Di pa ako tapos kumain. Ikaw din” sabay pitik sa ilong ko!

“Asar ka!!” bigla siyang tumakbo!! Ano to nasa beach kami? Habulan? Habulan?!!

Bumaba na din ako saka kumain, in fairness ang sarap ng luto ng MingMing na yun kahit ang pakla ng ugali!! Nagbihis muna si Monggy pagkatapos umalis na kami, buti naman at hindi na bumaba ang MingMing na yun kung hindi sasamain talaga siya sa akin!!

Palabas na kami ng bahay ng may bisitang dumating.

Mali.

Bwisita pala!!

“Hi Martin! Hi Clarence!” sino pa nga ba? Bakit ba kung nasaan ako laging andun ang panget??!

“He-hey” nauutal na sabi ni Monggy “I didn’t expect-“

“Me too, I didn’t expect na nandito ka.” Sabay tingin sa akin “With her” sabay taas ng kilay..

“Ate Ellaine” ang awkward lang ng atmosphere! Oo nga pala, hindi pa nag-uusap tong dalawa!!

“Nga pala. Nagpunta lang ako dito para magpaalam kay Tita Leila?”

“She’s not here” sagot ni Monggy

“Okay. I’ll wait for her inside na lang. San pala kayo pupunta?” pesteng ngiti yan!! Kinikilabutan ako pag ganiyan yung ngiti niya eh!!

“Wala ka ng pakielam. Tara na nga” hinila ko na si Monggy palayo sa babaeng bruha. Nakakainis!!! Pagkalagpas namin sa kaniya saka siya nagsalita.

“Ingat kayo, nga pala Clarence, ako nagsasabi sayo, walang tree house-“

 

“Shut up Ellaine!!” sinigawan ni Monggy si Ellaine?? O.o

“Oh. Bakit? Eh baka kasi kung saan kayo mapunta at gabihin kayong umuwi so saan kayo tutuloy? Puro puno pa naman dito so … “ saka siya tumingin sa akin “so wala kayong paglilipasan ng gabi”

“Ano bang problema mo ha?!”

“Ako? Wala naman, kasi mapapasaken na yung lalaking mahal ko eh”

“Ang kapal mo” sumugod ako sa kaniya saka ko siya sinampal!!

Ang sakit na ng puso ko sa mga sinasabi niya!!

“Wrong move dear” bulong niya sa akin ..

Bigla akong nanlamig ..

At yun ang hindi ko alam.

Humawak siya sa pisngi niya at biglang nagtubig yung mga mata nya ..

“Andrei!!!” ano daw?! Andrei!?!

Tumakbo siya at binunggo ako. Muntik na akong matumba at buti na lang nasapo ako ni Martin ..

“Andrei, nakita mo naman diba? Nakita mong sinaktan niya ako!! I told you .. Nahawa na siya sa ugali ng Martin na yan!” lumingon ako kung nasaan sila.

Nagtama mga mata namin.

“Kuya”

Pagkagulat .. yan ang nakikita ko sa kaniya.

“How could you”tanong ni Kuya.

“Ano? Bakit ko siya sinampal ha?!”

Don’t tell me kakampihan niya ang babaeng yan?!

“Yes! At paano mo nagawang umalis ng walang paalam!!” sigaw niya.

“I texted you!! Sino ba sa atin ang umalis nga pero hindi naman bumalik!!” sigaw ko din sa kaniya!

“Anong hindi-“

“Umalis na tayo Andrei. Hindi ko na kaya ang ugali ni Clarence ..” pilit niyang hinila si Kuya ..

Bago sila makalagpas sa amin ..

“Mamili ka …

Siya o ako?”

 

Isang tanong na nagpatigil ng tibok ng puso ko ..

Bakit niya ba ako pinapapili? Alam naman niyang SIYA lang at wala ng iba ..

Peste talaga ang Ellaine na to!!

Naluluha na naman ako ..

Hindi, umiiyak na pala ako ..

Napatingin ako sa kaniya na naghihintay ng sagot ..

Kay Ellaine na malapad ang ngiti.

Sasagot na sana ako ng ..

O////////////////////////O

I felt Martins’ lips ..

Then bigla niya akong inakbayan …

“She’s mine. Kaya ako ang pinipili niya”

********************************************************************

HELLO!! AYUN PO .. SORRY SA LATE UPDATE,. ANG DAMI KASING GINAGAWA! SO ETO I THINK MAHABA NA?! HEHE! SUPER BUSY TALAGA SA SCHOOL!! BUMINGO PA AKO SA PROF KO KAYA ETO ..

KUNG MAY TYPO SORRY!

SANA MAINTINDIHAN NIYO. AYUN .. SALAMAT PO ^_^

Продолжить чтение