✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

QUINQUAGINTA

3.1K 224 15
By NoxVociferans

"I've heard the sins talking about it. Ang lagusan ng impyerno ay nasa loob ng kastilyo ni Hades. All the damned souls are there. All the rotten ones. Pero paano kung wala roon ang kaluluwa ng nanay mo?"

Pagak na natawa si Snow sa sinabi ni Chandresh at itinabi ang first aid kit. Katatapos lang niyang gamutin ang sugat sa ulo ng binata. Snow wasn't much of a first aider, but she thinks she did a pretty decent job on his wound. Sana lang ay hindi ito lumala dahil ang mapahamak pa lalo si Chandresh dahil sa kapabayaan niya ay ang huling bagay na gustong mangyari ng dalaga. Kumunot ang noo ni Chandresh sa reaksyon ni Snow. She sighed and explained, "Believe me, sigurado akong nandoon ang kaluluwa ni Christina. If her soul isn't rotten enough to gain a ticket to hell, I don't know whose is."

"Ouch. That's a bit harsh."

"Wala akong pakialam."

Sa mga salitang ito na tila ba lalong pinabigat ng tahimik na silid, napasimangot ang prinsipe na ngayon ay nakahiga sa kanyang kama.

"What?"

"Nothing. I was just wondering when will you start calling that woman your mother. Hindi naman siguro mapakla ang lasa ng mga salitang 'mama' at 'nanay' para sa'yo, 'di ba? Try it."

"Not gonna happen."

"Snow---"

"Chandresh, tama na. Ayokong pag-usapan 'to. Ang mahalaga ngayon ay makapunta tayo sa palasyo ni Hades at alamin sa babaeng 'yon kung paano mapapawala ang sumpa," Pinagpag ni Snow ang bagong palit na damit at naglakad papalabas ng kwarto, "Kung inaasahan mong makikipag-dramahan ako sa kanya at magiging maayos na ang samahan namin, 'wag ka nang umasa. We just need info to cover up this stupid mess she made for me!"

Hindi na nakaimik pa si Chandresh. Iniwasan ni Snow ang kulay lila nitong mga mata. Ayaw niyang mabasa ang kung anumang emosyon ang mayroon doon. Hindi niya kailangan ng awa o pag-aalala. Hindi ngayon. Hindi dito. Hindi sa usaping 'to. The wounds of her past are too deep and she doubts that a mere bandaid can fix it.

Tahimik na lang na lumabas ng silid si Snow. Gustuhin man niyang pumunta na ngayon sa Tartarus, maraming balakid ang kahaharapin nila. Bukod pa roon, oras na ng tanghalian. Kapag hindi nagpakita si Snow sa magkakapatid, maghihinala ang mga 'yon sa biglaan niyang pagkawala. She needs to act as normal as possible. Afterwards, kakausapin niya si Mr. Bones kung pwede ba sila nitong ihatid. Sana lang ay nakapagpagawa na si Pride ng bagong karwahe.

Pero sa kabila ng mga problemang ito, Chandresh's words still echoed inside her head..

'Mama? Nanay? Well, damn it!'

Parang ngayon pa lang ay gusto na niyang mag-hysterical. Sa totoo lang ay hindi alam ni Snow kung bakit ba tinatawag niya pa noong 'ina' ang babaeng 'yon. She made her life a living hell, at ngayong nalaman niyang siya rin pala ang pinagmulan ng kaguluhang 'to, lalo lang siyang nawalan ng amor sa nilalang na nagluwal sa kanya. Snow White feels as if what little "respect" she had for Christina went down the drain.

All of it.

Habang pababa siya ng hagdan, she spotted Gluttony halfway down. Binalot ng kaba si Snow. She unconsciously tugged her sleeves down. Nang makita siya ng kasalanan, agad itong ngumiti at huminto. "Sugar-plum! Nakahanda na ba ang pagkain ko?" Kuminang ang mga mata ng kasalanan nang banggitin nito ang pagkain. Pero hindi nito naitago ang pagod sa likod ng kanyang mga mata. 'Napagod sa tangkang pagpatay sa'kin kagabi..' Bulong ng isip ni Snow at pinilit niyang 'wag kabahan sa harapan nito.

"Papunta na ako sa kusina. I'll have it ready in an hour.."

Gluttony pouted and crossed his arms over his chest. "An hour?"

Ngumiti nang alanganin si Snow. "Err.. Thirty minutes?"

Bumalik ang sigla ng kasalanan at sinabayan siya sa paglalakad. "Masyado pa ring matagal para sa kawawa at kumakalam kong sikmura pero...sige na nga! Just make sure to prepare my beloved roasted chicken, sushi, Italian pasta, camembert cheese, and some caviar!" Maligaya nitong sabi at tumakbo na sa pasilyong maghahatid sa kanya sa dining hall. Pinanood pa ni Snow ang papalayo nitong anyo bago napabuntong-hininga, 'lagi namang kumakalam ang sikmura niya eh.'

Marahan niyang hinila ulit pababa ang sleeves ng kanyang maid's outfit. May ilang rashes pa rin sa kanyang katawan dala ng allergy niya sa peanut butter. That, and her side still hurts like hell.

"Mabuti na lang at mukhang hindi siya naghihinala.."

Ngayong pupuntahan na niya si Christina sa impyerno para lunasan ang sumpa, Snow White can't take the risk of having them figure out her secret. On her way to the kitchens, Snow White could hear the melody coming from the Music Chamber. Napangiti si Snow nang mahulaang naroon na naman si Sloth. From across the hallway, the soothing music of his piano resonated towards her. Moonlight Sonata. Tila ba hinehele siya ng musika nito. Sloth's music always had that effect on her. Sana kapag natapos na ang gulong ito, pumayag pa rin siyang ipagpatuloy ang piano lessons nila..

Sana.

*

Naupo sa kanyang paboritong pwesto si Gluttony. The moment he stepped into the marvelous dining hall, bumalot ang kapayapaan sa kanyang loob. Bukod sa kanyang Dessert Room, aminado ang kasalanan na ang lugar na ito ang itinuturing niyang "happy place" ng mansyon---siyempre, para sa kanya. Hindi niya alam at wala na siyang pakialam sa opinyon ng mga kapatid niyang hindi marunong mag-appreciate ng pagkain. 'Tasteless brothers! Tasteless, indeed!' Gluttony thought and stared at the empty chairs around him.

"Bilang ko lang talaga sa daliri ko kung ilang beses kaming naupo ng kumpleto dito."

Mahinang napamura si Gluttony nang kumalam ang kanyang sikmura. 'What's taking her so long?' Reklamo ng kanyang isip at ng kanyang tiyan. Bakit ba kasi naisipan niyang ibato sa halimaw na 'yon ang sandwich niya? Wala tuloy siyang nakain kagabi! Kung alam lang sana niya kung gaano nakakagutom ang makipaglaban sa isang pangit na halimaw, e 'di sana isang sako ng sandwiches na lang ang nabaon niya. Gluttony sighed. He was about to conjure up some delicious pastries when the dining hall doors opened.

Noong una, akala niya tapos na si Snow sa pagluluto at ihahatid na nito ang masasarap niyang pagkain, pero nang makita ng kasalanan ang lima niyang mga kapatid, halos mapanganga sa gulat ang prinsipe ng katakawan.

"What the fudge are you doing here, brothers?"

Naupo sa tapat niya si Sloth, humikab, at bahagyang tumango sa kapatid, "We need to talk about something." Seryoso ang ekspresyon nito. Nagpakurap-kurap na lang si Gluttony. Ano bang kailangan nilang pag-usapan? 'Malamang tungkol na naman sa pagbagsak namin,' huminga nang malalim si Gluttony at sumandal sa kanyang upuan. It was getting boring. Pinitik niya ang kanyang mga daliri na naging hudyat para lumitaw ang isang bag ng popcorn.

"Minsan talaga, gusto kitang tanungin kung saan mo dinadala ang kinakain mo." Napangiwi sa kanya si Wrath habang pinagmamasdan siya nitong lumalamon. Nagkibit ng balikat si Gluttony, "Then why don't you ask me, brother?"

Umirap si Wrath at naupo sa kanyang kaliwa. "No need to. Ang hula ko may blackhole diyan sa bituka mo, you food-muching bastard."

"I'll take that as a compliment, my beloved sadistic brother." Sabay nguya ng popcorn.

Natawa ang kambal nang makitang sasabog na naman sa galit si Wrath. Siniko ni Greed si Envy, "Sana mag-away sila. Tapos kapag pareho silang namatay, we can sell Wrath's torture toys to the black market. Kikita tayo ng milyon!"

Envy winked, "Yeah. You do that, and I'll just steal all your money from you. Prinsipe ako ng pagkainggit, remember?"

Greed frowned. Wala na itong sinabi nang maupo sila sa magkabilang gilid ni Sloth. Nang makaupo na rin si Lust sa kanan ni Gluttony (nakita niyang may dala pa itong package na may nakasulat na "vanilla condoms" sa harapan, malamang in-order na naman nito), sinimulan na ni Sloth ang kung anumang sasabihin niya. Nagtaas ng kamay si Gluttony, "Hey! Shouldn't we wait for Pride first?"

Kung kikilos na naman sila nang hindi kinukonsulta ang panganay nila, malamang mapaaga ang kamatayan nilang anim. Ayaw nang isipin ni Gluttony ang maaaring mangyari sa pinakamamahal niyang Dessert Room kapag nawala na siya. All those chocolate mountains and candy snowflakes!

Pero umiling lang si Sloth. Binalot ng tensyon ang paligid.

"He's busy, pero pupunta rin siya dito mamaya. Sa ngayon, tayong anim na muna ang mag-usap tungkol dito..."

*

Inaamin ni Snow, ang kusinang ito mismo ang dahilan kung bakit tumagal siya ng ilang linggo sa mansyong ito. The small kitchen--that somehow smelled like rotten eggs---did all the cooking for her. Tila ba may mahikang nakapalibot sa apat nitong sulok. Bumibilis ang mga gawain at hindi na niya namamalayan ang mga putaheng naluluto niya kahit na halos wala siyang alam sa pagluluto. Time seems to be frozen whenever she glanced at the kitchen clock. Heck, she can even cook several main courses and appetizer dishes in less than three minutes! 'Mabuti na lang talaga..' Napabuntong-hininga ang dalaga at naglakad papuntang dining hall, dala ang tray ng mga pagkaing inihanda niya para kay Gluttony.

Noong binuksan niya ang malalaking mahogany double doors ng engrandeng dining hall, inaasahan ni Snow na maaabutan niya rito si Gluttony. Mag-isa at magrereklamo sa tagal niya sa kusina (kahit pa wala pa siyang 20 minutes doon). Pero ang hindi niya inaasahan, ay ang datnan niya ang lima pa nitong kapatid na nakaupo sa hapag.

The six of them stared at her from the elegently decorated long table. May ilang candelabra pang nagbibigay ng matamlay na liwanag sa palibot nila. Some candles even floated in midair while the scent of fresh roses and rich chocolate wafted under her nose. The place was dark, gothic, and magical all at once.. But it did nothing to ease her worries.

"A-Anong ginagawa niyo dito?"

Hindi na naitago ni Snow ang kaba sa kanyang boses. The twin sins smiled at her while Lust winked flirtatiously. Mukha namang normal pa rin ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Si Wrath naman, nakatitig sa kanya na para bang isa siyang kriminal. 'Well, maybe I AM a criminal!' Mapait na isip ni Snow sa sarili habang inilalapag ang mga putahe sa harapan nila. Okupado nila ang anim na upuan sa dulo, ngunit bakante pa rin ang pinakasentro nito. 'Bakit wala dito si Pride?' She tried to push that thought away.

"Hindi ko alam na kumkain rin pala kayo."

"Masama bang kumain ng sama-sama? For all we care, nalalapit na ang pagkawala namin sa malupit na mundo. Let's enjoy it while it lasts." Mahinang tugon ni Sloth na malalim ang mga mata. Hindi malaman ni Snow kung anong emosyon ang naroon sa likod ng mga ito. Tumango na lang si Snow at napayuko, iniiwasan ang tingin ng iba pang mga kasalanan. Are they saying this to make her feel guilty?

'Hindi nila alam.. Wala akong dapat ikabahala,' pakikipagbangayan sa isip ng dalaga.

That's when she remembered Envy's actions last night.

Napalunok siya nang mapansing nakatingin rin ito sa kanya. Malungkot ito at wala na ang "friendly aura" ng prinsipe ng pagkainggit. Masama ang kutob ni Snow sa mga susunod na mangyayari. She needs to get out of here! Paano kung sabihin ni Envy sa kanila ang nalalaman niya? Pero bakit naman siya nito tinulungang tumakas kagabi? "Damn it.." Sumasakit na ang ulo ni Snow sa mga misteryong 'to. Mabuti na lang at nagkwentuhan ang magkakapatid kaya hindi siya masyadong kapansin-pansin.

"Here."

Nang ilapag ni Snow ang huling plato ng porkchops sa harapan ni Gluttony, napasinghap siya nang hawakan nito ang kanyang braso. Mahinang napamura si Snow nang inilihis nito ang sleeves ng kanyang damit. Gluttony's eyes widened upon studying her skin.

"R-Rashes?"

These rashes are too familiar to forget. Noon ring aksidenteng nakain ni Snow ang peanut butter sandwich na gawa ni Gluttony sa Training Room, nanatili ang mga rashes na ganito ng isang buong araw. Ngayon, mukhang dito pa siya mapapahamak!

"Inatake ka na naman ng allergy mo, sweet pea?"

Mabilis na hinila ni Snow ang kanyang braso.

"A-Ah, oo. Kanina kasi may peanut butter sa kusina.."

Natigil sa pag-uusap sina Lust, Wrath, Sloth, Envy, at Greed. Nakatuon na sa kanya ang atensyon ng mga ito. Ramdam ni Snow ang pawis na namumuo sa kanyang noo nang tumalim ang tingin sa kanya ni Gluttony. Shit.

"You're lying."

Pinilit ni Snow na kumalma kahit na nanginginig na ang kanyang mga kamay sa kaba. "A-Ano bang sinasabi mo? Nakuha ko 'to sa kusina kanina----!"

Nabigla na lang ang dalaga nang tumayo si Wrath, anger in his eyes.

"Snow White, noong araw na napag-alaman namin na may allergy ka sa peanut butter, we dispatched every last bottle of it. Wala nang nakatabing peanut product sa buong mansyon!"

Napahakbang papalayo si Snow. Napapalitan na ng takot ang kabang gumagapi sa kanyang puso. 'Damn this!'

Isang malademonyong ngiti ang sumilay sa mga labi ng prinsipe ng galit, "So, tell me.. Saan mo nakuha 'yan?"

"K-Kasi..."

"Unless, you accidentally ate one of Gluttony's sandwiches. Tama ba, Snow?" Pagsabat naman ni Envy.

Bumalik sa alaala ni Snow ang nangyari kagabi. That fucking peanut butter sandwich! At mukhang nauunawaan na ng magkakapatid ang pinagmulan ng allergy niya.

"Fuck.. Imposible!" Nanlaki ang mga mata ni Lust sa gulat. The prince of temptation got up from his seat and stepped away from her. Nagkatinginan ang kambal at sinamaan siya ng tingin. Even Sloth moved away as if she was something disguting.

'No.. Please.' Halos magmakaawa na siya sa kanyang isip. Bumigat lalo ang nararamdaman niya sa ikinikilos ng mga binatang ito.

"I..."

"It's too late, Snow White." Mahinang sabi ni Wrath.

Binalot ng tensyon ang buong dining hall. Snow can feel her heart pounding inside her ribcage. 'Shit! Shit! Shit!' Paano niya lulusutan ito?! Bago pa man siya makapag-isip ng idadahilan, pumalibot ang apoy sa kanyang kinatatayuan. "A-Anong nangyayari?!" Bumaling siya kay Gluttony na umiwas ng tingin. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya, galit, at gulat sa nalaman. She stared at the other sins who had the same look on their faces. Finally, they put the puzzle pieces together. Humakbang papalapit sa kanya si Greed, the fire in between them.

"Mademoiselle, kung alam lang namin na ganito ang mangyayari... Sana matagal ka na naming pinalayas ng masyong ito."

Hindi na makontrol ni Snow ang kanyang emosyon. Those words felt like a knife digging deep into her core. This feels worse than having to meet her mother.. Nahihirapan nang huminga si Snow at naramdaman niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Malamig pa ring nakatitig sa kanya ang anim. Sinubukan niyang magmakaawa sa mga ito, pero hindi siya pinansin ng mga ito. Ano pa nga bang aasahan niya sa mga demonyo? Kahit pa may pinagsamahan sila..

"P-Please.. h-hindi ko sinasadya."

Muling bumukas ang mga pinto ng dining hall. Hinanap ng kanyang mga mata ang tanging makakatulong sa kanya sa sitwasyong ito. Rinig niya ang tunog ng kanyang sapatos sa makintab na sahig. Nagtama ang mga nila ni Pride.. Snow White's eyes blurred. Narinig niya ang pag-uusap nila ni Envy ngunit wala siyang maunawaan. The fire surrounding her felt hot and painful..pero mas masakit para kay Snow White ang sumunod na nangyari.

Nilapitan siya ni Pride, at inayos ang salamin nito. Walang emosyon sa kanyang mga mata at hinayaan lamang niya ang apoy na unti-unting umuubos sa hangin ng dalaga.

"We'll have you executed by tonight."

---

There's a crack in the clock, a crack in time
Crack in my heart and cracks in my mind
Take me back to when it all started
So I can stop being broken hearted.

---"A Crack in Time"
Anonymous

Continue Reading

You'll Also Like

28 8 1
a one-shot posted on Nox's FB timeline last June 2021.
23 7 1
a one-shot posted on Nox' FB timeline last 2022.
4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
133K 5.7K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...