Somewhere Down The Road (Publ...

asherinakenza által

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... Több

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 5

204K 4.1K 522
asherinakenza által

SDTR: Kabanata 5

Umayos ng tayo si Ethan at pilit niyang iniiwasan ang mga mata ko.

"Pumasok ka na sa loob,magpahinga ka na." Aniya habang nakatungo, bumaba ako sa motor niya at hinawakan ko ang braso niya, nanlaki ang mata ko nang mapansin kong tumayo ang balahibo niya.

"Claire!" Hiyaw niya, lumayo ako sakanya at napalunok ako ng sunod sunod.

"B-bakit ka ba natatakot? Hindi dapat Ethan, dahil kung pakiramdam mo nahuhulog ka na, hindi mo kailangang pigilan yan." Sabi ko sakanya, hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para sabihin sakanya iyon, pero kung hindi ko naman sasabihin sakanya sigurado akong pagsisisihan ko.

Tinignan niya ako ng sobrang lalim.

"Hindi mo naiintindihan." Seryosong sabi niya atsaka sumakay na siya ng motor niya, pipigilan ko sana siya pero mabilis niyang pinaandar ang motor niya.

"Kasalanan 'to ng magkaibigan eh, hindi tuloy pumasok yung kambal." Narinig kong bulong ng isang babae mula sa likod ko, may klase na ako ngayon at simula nang pumasok ako wala akong ibang naririnig kundi ang pag absent nung dalawang magkapatid.

Wala si Ara, kaya wala akong kasama ngayon dito sa school, hanggang ngayon hindi ko matanggap sa sarili ko na ginulo ko ang tahimik na buhay ng kaibigan ko, pero sana...maging maayos sila ni Marcus, dahil sa tingin ko may pupuntahan yung tadhana nilang dalawa.

Panay pa rin ang bulungan ng dalawang babae sa likod ko, panay ang sabi nila na nasa loob naman daw pala ang kulo namin ni Ara, ngumuso ako at umiling iling. Palibasa kasi nagpapaka trying hard sila para lang mapansin ng magkapatid.

Sa pagkakaalam ko sinundan ni Marcus si Ara sa Lucban, pero si Ethan, hindi ko alam kung bakit wala siya ngayon.

Gusto ko siyang itext pero may pumipigil saakin na h'wag. Hindi ko maintindihan kung bakit natatakot siyang mahulog saakin. Huminga ako ng malalim at nagsulat nalang ako nang nagsulat ng pangalan ni Ethan sa likod ng notebook ko, nakakabaliw mahalin ang isang Cando. Bakit ganito?

Panay rin ang kagat ko sa ibabang labi ko dahil naaalala ko kung paano dumampi ang mainit na labi ni Ethan sa labi ko, nakakalasing ang halik niya, maging ang bango ng pangangatawan niya nakakawala sa sarili. Yung mga mata niyang napakalalim tumitig, yung pag asta niya na para bang napaka misteryoso niyang lalaki. Gusto ko pa siyang makilala, gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sakanya, ultimo pinaka maliit na bagay gusto kong malaman.

"Claire!" Napatigil ako sa paglalakad nang may sumigaw mula sa likod ko, katatapos lang ng klase ko at plano ko ng sumakay ng taxi. May kotse naman ako pero isa akong dakilang tamad sa pagmamaneho, atsaka isa pa pinapangarap ko talagang ipagmaneho ako ng isang Ethan Luke Cando kaya hindi na ako nagdadala pa ng sasakyan.

Lumingon ako para tignan itong nilalang na 'to. "Bwisit!" Bulyaw ko, pero nginisian niya lang ako at lumapit siya saakin.

"Tapos na ang klase mo? Tara hahatid na kita." Anyaya niya, hinawakan kong mabuti ang libro ko at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Kaya kong umuwi mag isa." Bulyaw ko sakanya, ngumisi siya at umiling iling.

"Dali na," Aniya at hinila niya ang kamay ko, pero nakipag hilahan ako sakanya.

"Ano ba Jerome!!" Hiyaw ko sakanya, huminto siya at tinitigan niya akong mabuti.

"Sige na, gumimik tayo nila Justine. Hindi mo ba ako namiss kasama?" Natatawang sabi niya na mas lalong nagpainis saakin.

"Hindi kita namiss, dahil magnanakaw ka!"

Humalakhak siya, "Come on Claire, hanggang ngayon hindi ka pa rin maka move on na ako ang first kiss mo? Ano ba? Dumampi lang naman ang labi ko sa labi mo ng higit limang segundo." Litanya niya na nagpalaki sa dalawang mata ko, pakiramdam ko nag init ang mukha ko dahil sa kahihiyan ko!

Hinampas ko siya ng libro ko, kahit pa sabihin niyang limang segundo lang yon hindi maiaalis sa isip ko kung paano gumalaw yung lintik na labi niya sa ibabaw ng labi ko, nakakadiri siya! Hindi siya ang pinangarap kong maging first kiss.

"Lumayas ka sa harapan ko ayaw kitang makita!" Bulyaw ko sakanya, pero tumawa lang siya at napapitlag ako nang hilahin niya ako sa braso ko at hinapit niya ako sa baywang ko, nagpupumiglas ako sakanya pero yakap yakap na niya ako ngayon.

"Jerome!" Hiyaw ko sakanya, "Chill baby!" Natatawang aniya, nanlaki ang mata ko at halos mamula ang mukha ko sa sobrang inis.

"Pati ba naman yang endearment na yan nanakawin mo?!" Bulyaw ko sakanya, tinulak ko siya ng tinulak pero malakas siya, panay naman ang halakhak niya at talaga namang nagiging sentro na kami ng atensyon ng mga estudyante dito.

Sisigaw na sana ako pero natigilan ako nang marinig kong may sunod sunod na nagbusina, lumingon ako at halos manlaki ang mata ko nang makita ko si Ethan na nakasakay sa motor niya, titig na titig siya saakin at halos kumalabog ang puso ko dahil sa mga titig niya. Messy ang buhok ni Ethan dahil siguro sa hangin habang nagmamaneho siya ng motor.

"B-bitawan mo ako!" Hiyaw ko, mukhang napansin naman ni Jerome si Ethan, marahan niya akong pinakawalan sa mga yakap niya at kahit ganoon ay nakangisi pa rin siya.

Inayos ko ang dress ko at humarap ako kay Ethan, sandali niya muna akong tinitigan bago siya bumaling kay Jerome. Napalunok ako ng sunod sunod dahil hindi ko mabasa ang emosyon niya, isa iyan sa pinaka mahirap makita kay Ethan, napaka galing niyang magtago ng nararamdaman.

Inalis niya ang helmet na nakasabit doon sa manibela niya at inabot niya saakin yon. "Sakay." Halos manginig ang tuhod ko sa lamig ng boses niya, marahan kong inabot iyon at kasunod non ang pagkuha niya sa libro ko. Sinuot ko naman ang helmet na inabot niya saakin.

Bumaba siya para buksan ang compartment ng motor niya at nilagay niya doon ang libro ko, maging ang bag ko ay kinuha niya.

"Sakay." Utos niya.

Pero natigilan siya nang mapatingin siya sa hita ko, nakasuot kasi ako ng floral dress na lagpas tuhod.

Napalunok siya ng sunod sunod, hinubad niya ang suot niyang itim na jacket at nanlaki ang mata ko nang mapansin kong nakaputing sando lang siya sa loob na fitted sakanya, nakarinig ako ng hiyawan ng kakabaihan mula sa malayo dahil siguro sa paghanga nila sa pangangatawan ni Ethan.

Inayos niya sa pagkakatayo ang motor niya, "Sakay!" Ulit niya na mabilis ko namang sinunod, kasabay non ang pagpatong niya ng jacket niya sa hita ko.

Nakatingin lang saamin si Jerome at panay ang iling niya, pero iniwasan ko nalang iyon. Sumakay na rin si Ethan at kagaya ng dati, halos mapahiyaw ako nang mabilis niyang pinaharurot ang motor niya paalis sa University.

Napayakap ako mula sa likod niya at hindi ko talaga maiwasang punahin ang bango ng pangangatawan niya. Sobrang init din ng katawan niya na para bang kahit anong oras eh mapapaso ka, pero wala naman siyang lagnat.

"Bakit hindi ka pumasok?!" Hiyaw ko sa tainga niya pero imbis na sagutin niya ako ay hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sakanya.

"I told you, h'wag mo akong kausapin kapag nagmamaneho ako." Seryosong bulyaw niya, at halos mapangiti nanaman ako dahil sa balahibo doon sa batok niya na nagtayuan.

Hindi ko maiwasan ang pangingiliting hatid ng tiyan ko sa puso ko sa tuwing maiisip kong ganung kalakas ang epekto ko sakanya.

Ala siyete na ng gabi nang tumigil si Ethan sa isang restaurant,mukhang madalas na siya dito dahil binati siya ng mga staff nito.

Doon kami naupo sa labas, napangiti ako dahil sa string lights na kulay dilaw ang ilaw, at maging yung dagat sa katabi nitong restaurant na ito ay maganda sa paningin ko. Rinig na rinig ko rin ang malakas na hampas ng alon mula doon.

"Ang ganda naman dito." Bulong ko habang patuloy ang pagmamasid ko sa buong paligid, may ilang mag kasintahan din doon na masayang kumakain, may isang buong pamilya.

Tinignan ko si Ethan at halos mapapitlag ako dahil nakatuon lang ang mga mata niya saakin, mabilis siyang nag alis ng tingin saakin at humithit siya ng sunod sunod doon sa yosi niya, kahit na nauusukan ang mukha niya bakit parang ang hot pa din niyang tignan?

"Anong gusto mong kainin?" Biglang sabi niya, sa menu na nakatuon ang mga mata niya,kaya naman kinuha ko na rin ang menu na nasa harapan ko.

"Wow, mukhang masarap 'to ah." Bulong ko habang tinitignan ang isang pasta doon.

"Nakakain ka na ba dito?" Usisa ko sakanya, "Oo." Matipid na sagot niya.

"Anong masarap?" Sabi ko atsaka tumingin ako sakanya, nagtaas siya ng tingin saakin at halos manlaki ang mata ko dahil nakangiti na siya ngayon. Damn, bakit ba ganito siya?

"Anong masarap?" Ulit niya sa tanong ko, napatango naman ako ng sunod sunod.

Ngumisi siya at humithit ng yosi bago niya pinatay iyon sa ashtray, bumuga muna siya ng usok bago niya ako sinagot, "Don't ask me Claire, alam mo kung anong isasagot ko." Nakangising sabi niya, namula ang mukha ko.

"Napaka mo Ethan." Bulyaw ko sakanya, pero ngumisi lang siya. Gustong gusto ko kapag nginingisian niya ako, para bang ako lang ang nakakapag pangiti sakanya ng ganon.

Lumapit saamin ang isang server at masasabi kong wala siyang pakialam saakin dahil kay Ethan lang siya nakatingin.

"Ribeye saakin, 16 oz, medium well." Sabi ni Ethan doon sa server, "H-how about for your drinks sir?" Mabulol bulol na tanong ng server.

Tumingala siya sa server at halos mamula ang mukha nito dahil sa titig sakanya ni Ethan. "Alam mo nanaman kung anong gusto kong inumin." Sagot niya dito.

"Bigyan mo siya ng 10 oz na fillet, make it welldone." Sabi ni Ethan patukoy sa kakainin ko, "Eh, drinks po?" Parang nawalan ng gana ang babae dahil sa pag order saakin ni Ethan ng fillet.

Bumaling siya saakin, "What do you want beb?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ah, eh kagaya nalang nung sayo." Sabi ko sakanya, "Alright." Aniya at sinabi iyon sa server.

"Beb?" Kunot noong tanong ko sakanya, pero parang wala siyang narinig.

"Suot mo yung jacket, malamig." Sabi niya, nakalagay kasi sa hita ko ang jacket niya. Mabilis ko naman siyang sinunod dahil nakaramdam nga ako ng lamig dahil sa hampas ng hangin aa katawan ko.

"H-hindi ka ba nilalamig?" Usisa ko sakanya, paano ba naman naka sando lang siya, yung biceps niya nakakadistract sa mga mata ko.

Umiling siya at muling nagsindi ng yosi.

"Ethan, tama na." Suway ko sakanya, pero sinindihan niya pa rin iyon at hinithit, "Magkakasakit ka niyan." Pag aalala ko sakanya.

Pero nginisian niya lang ako at bumuga siya ng usok, sa naalala ko simula nang makilala ko siya nagyoyosi na siya, sa isip ko palang, kung gaano kagwapo ang itsura nitong si Ethan, ganun naman kapangit ang lungs niya.

"Ilang years ka nang nagyoyosi, masama yan." Suway ko sakanya, "5 years." Aniya, so ibig sabihin 4th year high school palang siya nag yoyosi na siya.

"Magkakasakit ka." Ulit ko sakanya, "Mahirap pigilan." Bulong niya.

"Mag candy ka nalang." Pagpupumilit ko sakanya, pero tinignan niya lang ako.

"Mahirap Claire." Humugot siya ng napakalalim na paghinga bago humithit ulit ng yosi, tumayo ako at hinablot ko yon saka pinatay sa ashtray, mukha namang nagulat siya sa ginawa ko.

Nakipag titigan ako sakanya, "Masama Ethan." Ulit ko sakanya, umawang ang bibig niya at mukhang magsasalita na sana siya pero dumating na ang drinks namin.

Sprite lang yon, at may nakabukod doon na apat na shot glass na may syrup na sa tingin ko ay cherry syrup, may nakabukod din kasing fresh cherries doon sa isang maliit na tasa.

Inilapag iyon ng server at saka umalis. Kaagad nag iwas ng tingin saakin si Ethan at ibinuhos niya sa sprite yung isang shot glass na naglalaman ng cherry syrup at kaagad niyang ininom iyon.

Tahimik lang kaming dalawa dahil nga sa pagsuway ko sakanya, pero ako na rin ang kusang bumasag ng katahimikan.

"Bakit hindi ka pumasok?" Nahihiyang usisa ko sakanya.

"May meeting ako kanina." Aniya.

"Eh paano yung mga lessons kanina? Nagtatrabaho ka tapos bukod pa yung mga papers na inaaral mo, mabuti hindi ka bumabagsak sa school." Sabi ko sakanya, huminga siya ng malalim at kinuha niya ang isabng cherry atsaka sinubo niya iyon at tinanggal ang tangkay gamit ang kanang kamay niya.

"Time management Claire." Sagot niya saakin, tinitigan ko lang siya habang ngumunguya ng cherry, hawak hawak niya pa rin ang tangkal non.

"Uminom ka." Aniya at nilagyan niya rin ng cherry syrup ang sprite sa harapan ko, hinalo niya pa iyon gamit ang straw.

Ito ang unang beses na makakatikim ako ng sprite na may cherry syrup.

"Subukan mo."

Uminom ako non at talaga namang masasabi kong masarap.

"Paborito mo?" Usisa ko sakanya, tumango lang siya. Natahimik nanaman kaming dalawa at hindi ko alam kung paano ako magbubuo ulit ng salita para sabihin sakanya dahil sa ginagawa niya ngayon.

Titig na titig lang siya sa mga mata ko, sinubo niya ang tangkay ng cherry at tikom bibig niya iyong pinaglaruan.

Ngumisi siya at pagkatapos kinuha niya ulit ang tangkay ng cherry at halos manlaki ang mata ko nang makita kong nabuhol niya iyon ng napakaganda.

"Nasa harapan lang kita pero bakit parang ang layo layo mo?" Aniya, dumating na ulit ang server dala dala ang order namin, panay ang daldal ng server pero nakatitig lang saakin si Ethan.

Maya maya pa at umalis na rin ulit ang server, hindi ko maintindihan kung ano bang kumikiliti saakin sa tuwing tinitigan niya ako ng ganyan.

"Ang layo mo." Bulong niya, "Ha?" Wala sa sariling sabi ko sakanya.

"Hindi kita mahalikan." Bulyaw niya na nagpalaki sa dalawang mata ko.

Nanginig ang kamay ko dahil sa pinagsasasabi niya, kinuha ko na ang steak knife at sinimulan kong hiwain ang fillet na nasa harapan ko. "K-kumain na tayo." Sabi ko sakanya, narinig kong ngumisi siya.

Natigilan ako nang kuhanin niya ang plato ko, "Nanginginig ang kamay mo Claire." Aniya at siya na ang naghiwa ng fillet para saakin.

"Oh, kumain ka na." Sabi niya.

Tahimik lang kaming kumain kaya mabilis kaming natapos, napansin ko namang nakailang refill siya nung inumin, halatang halatang paborito niya iyon, at nang matapos namin ang pagkain namin inubos niya yung fresh cherries na inilapag kanina nung server. Binayaran na rin niya ang bill namin kanina.

Napapangiti nalang ako dahil parang bata si Ethan na binuhol lahat ng tangkay ng cherries gamit ang dila niya. No wonder, good kisser ang lalaking ito.

Napatingin siya saakin, "Stop staring." Nahihiyang sabi niya na ngayon ay kinakain na niya ang panghuling cherry.

"Para kang bata, cherries lang ba ang nakakaalis niyang topak mo?" Natatawang sabi ko sakanya, tinignan niya lang ako bago niya binuhol ulit ang panghuling tangkay ng cherries.

Nagtaas siya ng kamay at nanlaki ang mata ko nang marinig kong humingi pa siya ng cherries doon sa server.

"Seriously Ethan?" Natatawang sabi ko sakanya.

"I can't stop smoking Claire, nahihirapan ako. Ngayon pagtatawanan mo ako sa mga cherries na 'to?" Ang init lang ng ulo? Masyado ko yata siyang napikon sa pagtawa ko.

"Ang gwapo mo." Bulong ko na nagpakunot sa noo niya,mukha namang hindi niya ako naintindihan sa binulong ko dahil kumain nalang ulit siya ng cherries na inilapag ng server.

"Pero favorite mo talaga ang cherry ano? Ang galing mo ring magbuhol ng tangkay niyan." Puna ko sakanya.

"It makes me happy Claire," Malungkot ang boses ni Ethan, ewan ko mabilis kong mahalata sa boses niya kapag may problema siya o ano, pero alam kong bihira lang mangyari iyon dahil alam kong napaka galing niyang magtago ng nararamdaman.

"Hindi ko alam kung bakit masaya, noong una napaka komplikado para saakin na buhulin ang tangkay nito, kasing komplikado ng buhay ko. Pero hindi ako tumigil hangga't hindi ko nabubuhol, gusto kong magawa, gusto kong maayos." Aniya at inilapag niya doon sa lamesa ang tangkay ng cherry.

Ewan ko, pero parang may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa pananalita niya, ramdam ko, nararamdaman kong nasasaktan siya ngayon sa hindi ko malamang dahilan.

Pero hindi ako hihinto hangga't hindi ko nalalaman kung ano bang nakakasakit sakanya, hindi ako titigil hangga't hindi ko nagagawang pagaanin ang kalooban niya, hindi ako magpapaawat hangga't hindi ko nakikita ang tunay na ngiti doon sa labi niya.

"Let's go." Malamig na sabi niya atsaka tumayo na, marahan akong tumakbo at tumabi ako sakanya sa paglalakad saka hinawakan ko ang kamay niya, naramdaman ko ang pagpitlag niya dahil sa paghawak ko sakanya.

"Hayaan mo lang ako Ethan, hayaan mo lang akong gawin 'to." Bulong ko, pinagsalikop ko ang kamay naming dalawa at hinila ko na siya papunta doon sa motor niya.

Mabilis niya akong hinarap nang makarating kami sa tapat ng motor niya.

"Claire." Tawag niya saakin, tumingala ako para matitigan ang gwapo niyang mukha.

"Gusto kitang iwasan, gusto kitang layuan." Simula niya, lumunok siya ng sunod sunod.

"Nagawa ko naman diba? Nagawa kong iwasan ka nung una palang kitang nakilala sa bar." Aniya na nagpaawang sa bibig ko.

"At magagawa ko rin naman siguro ulit." Patuloy niya, "Ethan.." Tawag ko sakanya.

"I don't wanna hurt you.." Bulong niya, napapikit ako nang hawakan niya ang pisngi ko.

"You deserve a better man at alam kong hindi ako yon." Marahan kong iminulat ang mata ko, hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya,magulo ang emosyon ng mga mata niya.

"And it kills me, dahil kahit anong iwas ko, lumalapit at lumalapit pa rin ako sayo." Patuloy niya na nagpakalabog ng sobrang lakas sa puso ko.

"Lumalapit pa rin yung gagong katulad ko sayo." Dagdag niya.

"Gusto kong isipin na, pwede. Pero hindi talaga pwede Claire, tangina hindi pwede." Desperadong sabi niya.

"Hindi kita maintindihan Ethan, kung nagugustuhan mo na ako sabihin mo nalang, hindi yung unti unti mong binibigyan ng kirot yung puso ko." Bulyaw ko sakanya, hindi ko talaga siya maintindihan, hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating saakin.

Lumunok siya ng sunod sunod at tinalikuran niya ako, nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"Oo o hindi lang Ethan, gusto mo ba ako?" Diretsang tanong ko sakanya, ewan ko, pero pagdating talaga sakanya ang lakas lakas ng loob ko. Ganun yata talaga kapag mahal mo yung isang tao.

"Clai--"

"Oo o hindi lang naman Ethan." Ulit ko sakanya, kitang kita ko ang pag galaw ng muscle niya sa likod dahil sa sunod sunod na paghinga niya ng malalim.

Lumunok ako at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa isinagot niya saakin...

"Hindi."

*****

Olvasás folytatása

You'll Also Like

1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...
1.6M 25.6K 53
Si Ryle Sofia Harris, para sa lahat ay siya ang tipo na nakukuha ang lahat. Mayaman, maganda, maraming kaibigan at matalino pero para sa mga taong na...
632K 9.7K 38
Masayang masaya na si Ryle Sofia Harris. She has everything, family, friends, fame, power and a man that loves her but what if she lost something tha...
10.1M 143K 54
[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang mak...