✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

UNQUADRAGINTA

3.3K 244 8
By NoxVociferans

Huminga nang malalim si Lust habang nakalapat sa itim na buhanginan ang kanyang hubo't hubad na likod. His chest heaved up and down as he took in breaths, his messy hair lightly stuck on his forehead. 'Being here feels like an orgasm,' napangisi na lang siya sa naiisip. Dumako ang mga mata ng prinsipe sa kulay pulang kalangitan. Blood red. Ilang sandali pa, biglang nag-iba ang kulay nito---a shade darker than before--at narinig na naman niya ang nakabibinging sigaw ng paghihinagpis mula sa malayo. Napapailing na lang si Lust. "Suicide Beach is getting boring.. Kung tumambay na lang kaya ako sa kwarto ni Snow?"

Recently, things happening in the mansion are becoming too stressful, even for the Prince of Temptation. Dumadalas na ang pagbisita niya rito at mukhang dito na rin yata siya titira dahil sa lumalalang kalagayan ng panganay nila. 'Still, I hope that that control-freak survives whatever shit he's suffering..' Hindi na naitago ni Lust ang pag-aalala sa kapatid.

"Frankly, Pride is the last demon I could imagine getting an unusual illness." Napabuntong-hininga siya.

Pero dahil wala silang ideya sa kung ano talaga ang nangyayari kay Pride, ang tanging magagawa na lang ni Lust ay tumakbo pabalik sa lugar na 'to--sa Suicide Beach. Atleast here he could dwell on his own thoughts and hear mortals suffer from their own wrongdoings. Napapanatag si Lust kapag naiisip na hindi lang siya ang naghihirap sa mundo. It somehow, in a twisted way, makes him feel alive and aroused.

Tumayo na siya't pinagpag ang katawan.

"Yeah. Pupunta na lang ako kay ganda. Maybe she needs some company." Naaaliw niyang isip. Lust needs to relax. Nakakasira ng sperm cells ang stress.

Nagpapasipul-sipol pa siya habang naglalakad pabalik sa lagusan nang biglang yumanig ang lupa. 'What in the name of condoms was that?' Lust's eyes shot back up to the waves. Napaawang ang kanyang bibig nang makitang lumalaki ang mga alon, tila ba gustong lamunin ang kung sinumang magtatangkang pumaroon. Lust felt a difference in the atmosphere and when he saw the sky, the sex addict froze on spot.

Matagal na niyang alam na kada may nagsu-suicide sa mundo ng mga mortal, lalong nagiging kulay pula ang langit..

But the sky over Suicide Beach had never been this red before.

*

Nanghihinang tumayo si Snow mula sa pagkakasalampak sa sahig. Una niyang naramdaman ang pagbaon ng ilang bubog sa kanyang mga braso. "Shit!" Napadaing sa sakit ang dalaga at tinitigan ang dugong dumadaloy mula sa mga 'to. Snow forced herself not to scream as she stood on the shards of glass beneath her feet. Dagdag pa sa kanyang pasanin ang sakit ng katawan. Hindi na niya maalala ang nangyari kagabi matapos maghasik ng kaguluhan ang halimaw na kumontrol sa kanya. She can vaguely recall the feeling of quickly shifting to various locations---all around the world.

"Damn it.. I need to find a way to break this curse." Hinihingal man, napasinghap siya sa gulat nang biglang gumalaw ang mga piraso ng nabasag na salamin. The mirror then magically reassembled itself, like nothing happened at all. Panandaliang tiningnan ni Snow ang kanyang repleksyon. Her appearance is a mess! Her clothes had been torn at the seams, making it look like a rag inside of an elegant medieval wear.

Nang makita niya ang tattoo sa kanyang leeg, nanlata ang dalaga. Her heart pounded nervously as she studied the tattoo.

Ito pa rin ang nakaimprintang hourglass sa kanyang balat, pero ang ipinagkaiba--ngayon ay anim na lang ang beads na nasa itaas. One bead fell to the bottom, like sand set as a timer.

A timer.

'Mukhang ito ang purpose ng tattoo na 'to.. Mr. Boswell wants me to be reminded of how many days are left.'

Sumakit ang kanyang ulo nang biglang bumalik sa dalaga ang mga alaala ng nakaraang gabi. She stole those souls! "N-No.." Napahakbang siya papalayo, pakiramdam niya ay malapit na rin siyang masiraan ng bait. Hindi na niya naawat ang mga katanungang gumulo sa isip niya. Among these, one question surfaced: Had the monster been successful in stealing all the sinners' souls last night?

"K-Kailangan kong makausap ang magkakapatid!"

But fate had other plans for her.

Biglang nagliwanag ang salamin, isang nakakasilaw na ilaw ang pumuno sa kanyang silid. Chandresh replaced her reflection and glared at her. "Hindi mo sinabi sa'kin ang tungkol diyan! What the heck is going on, Snow?!" Well, mukhang narinig nito ang pinagsasasabi niya mula pa kanina. His violet eyes were worried, but they was soon masked by anger. Alam niyang galit ang binata dahil hindi nito agad nasabi sa kanya. Pero paano ba makakahanap ng tiyempo si Snow kung puro pangangaral at panlalait sa Seven Sins ang ginagawa ni Chandresh kada mag-uusap sila? It was toxic, indeed.

"C-Chandresh.."

"Snow, you are in grave danger. Siguro naman alam mo na 'yon! But if you continue to keep things under lock and key, mas lalong lalala ang sitwasyon!"

"Sa tingin mo ba, hindi sumagi sa isip ko 'yan?!"

"I want to help you, darn it! Pero paano naman kita tutulungan kung ni hindi mo matulungan ang sarili mo?!"

Snow gritted her teeth in annoyance. Naglakad siya papalapit sa salamin at tiningnan nang masama ang binatang nakakulong dito.

"Akala mo ba, madali lang sa'kin ang lahat?! I'm turning into a monster, Chandresh and I'm not happy about that! Ngayon, kung sisigawan mo lang ako at wala kang planong tumulong sa kalagayan ko, then I guess you're worse than Boswell!"

Natigilan si Chandresh sa sinabi nito. Matagal nilang hinamon ang tingin ng isa't isa bago umiwas ng tingin ang lalaking nasa salamin. Mas mahinahon na ito ngayon at napabuntong-hininga, "I'm sorry." Kitang-kita ni Snow ang pagsisisi nito sa kanyang ekspresyon. Napapailing na lang ang dalaga at sabay hawak sa salamin. Her hand only felt cold glass, mukhang walang paraan para mailabas si Chandresh doon.

"Natatakot ako sa mga posibleng mangyari, Chandresh. T-This curse.. Boswell marked me with it. Now I'm bound to transform into a monster every night." Kapag naiisip niya ang bagay na 'yon, para siyang binabalikan ng mga bangungot ng nakaraan. Kailan ba siya makakahanap ng kapayapaan? It seems that the world loves making Snow White suffer in agony.

"Pitong gabi. Then, it's over for the Seven Sins," she closed her eyes and forced her emotions back, "I know that you don't like them.. Pero kung may alam ka lang na paraan para mailigtas natin sila mula sa halimaw na nasa loob ko, I'd exchange my soul for it. P-Please." At hindi na nagawang kontrolin pa ni Snow ang mga luhang lumandas sa pisngi niya. Iniisip pa lang niyang siya ang magiging dahilan ng pagkawala ng magkakapatid, pinapatay na siya ng kanyang konsensya.

Silence followed.

'She's having an emotional breakdown.' Isip-isip ni Chandresh at tiningnan ang kamay ni Snow na nakalapat pa rin sa salamin. He sighed and raised his hand. Sa kabilang bahagi ng salamin, inilapat ni Chandresh ang kanyang palad sa kamay ni Snow. The glass separating them felt solid enough to keep them away. Isang salaming nagsisilbing hadlang sa pagitan nila.

Ngumiti si Chandresh kay Snow.

"Don't cry, Your Majesty. Tutulungan kitang makahanap ng paraan. Magpakatatag ka lang, Snow White."

Snow White's eyes met his. Pinilit nitong ngumiti sa kanya. Ramdam ni Chandresh ang bigat ng pasanin ni Snow. Hindi niya lubos akalain na natagalan pa nito ang mansyon ng ilang buwan, pero ngayon, mukhang nalalapit na ang hangganan ng pananatili ng dalaga dito.

Still, something bothered Chandresh. Tiningnan niya ang marka sa leeg ni Snow. Parang nakita na niya ito dati? 'Pero saan?', pilit niyang inaalala.

Masama ang kutob ni Chandresh sa mga pangyayaring ito.

*
Matapos niyang magligpit ng pinagkainan, Snow White immediately went straight to the hall that led to Pride's private study. Hanggang sa mga oras na ito, pakiramdam niya ay sinusundan siya ng tingin ng mga estatwa at paintings na naka-display. Sa bawat hakbang niya papalapit sa silid, nararamdaman ni Snow ang pagdoble ng kanya kaba. 'Mangangamusta lang naman ako.. Wala namang masama doon.' And hopefully, if Pride is feeling better, she'll tell him everything. Kahit pa kumikirot pa rin ang mga sugat na nakuha niya mula sa nabasag na salamin. It was a miracle that her magical cabinet supplied her with first aid necessities. Ayaw na niya masyadong dumepende sa kambal para pagalingin ang mga sugat niya.

'Speaking of which, nasaan ba 'yong mga 'yon?'

Kanina lang ay hinahanap ni Snow ang iba pang mga kasalanan, pero hindi niya mahagilap ang mga ito. Naabutan na lang niya sa dining hall ang pinagkainan ni Gluttony. It was unlikely for them to just disappear like that, right?

She knocked on the door.

Knock! Knock! Knock!

Nang walang sumagot, huminga nang malalim si Snow at mahinang tumawag, "Um.. P-Pride? Pwede ba akong pumasok?" Inilapat na niya ang tainga sa pinto pero wala pa rin siya narinig na kahit ano. Snow's hand immediately held the doorknob, realizing it was unlocked. 'Hindi naman siguro masamang sumilip, 'di ba?' Nang sipatin niya ang loob ng silid, napansin niyang walang tao roon---maliban na lang sa isang lalaking natutulog sa sopa. Maingat na pumasok sa loob si Snow at pinagmasdan si Pride na mahimbing ang pagtulog.

Kapansin-pansin ang pamumutla ni Pride, his eyeglasses resting on the lone coffee table. Naalala niya ang panghihina at pagbagsak nito sa Conference Room. Her chest ached at the memory.

"Kasalanan ko 'to, Pride."

Napayuko na lang si Snow at pilit na isinalba ang sarili. Nakapagdesisyon na siya..

She sat on the floor right next to where he laid, and told Pride everything.

"Pride, n-nanggaling ako sa puder ng kalaban..." Panimula niya at naikwento na ang lahat.

Oo, alam ni Snow na hindi ito ang tamang oras para aminin ang lahat ng mga nalalaman niya pati na rin ang tungkol sa sumpa. Oo, alam ni Snow na hindi ito ang tamang oras para humingi ng tawad sa panganay at ilahad ang mga importanteng detalye rito na sana ay nagamit nila ng maaga para matalo si Mr. Boswell. At oo, lalong alam ni Snow na walang silbi ang pagpapakumbaba niya ngayon sa harapan ni Pride na mukhang may iniinda pa ring sakit. Pero anong magagawa niya? She just hopes that Pride can hear everything she's saying. Mas mainam na ring tulog si Pride ngayon, para mapaghandaan ni Snow ang parusang ipapataw nito sa kanya.

Nonetheless, she can just hope for the better.

"...magpagaling ka na, Pride. Your brothers need you," Napaiwas ng tingin ang dalaga, "I need you."

Napabuntong-hininga ulit si Snow White at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. She gazed at the eldest sin once again before lightly kissing his forehead.

*

Nakakapanibago.

Iyon ang unang salitang tumatak sa utak ni Snow nang lumipas ang maghapon. The sins were nowhere to be found at nag-aalala na siya sa mga ito. Posible kayang kinidnap na sila ni Mr. Boswell? Ayaw nang isipin ni Snow ang posibilidad na 'yon. 'Maybe they're inside their rooms?' Buong araw, naglibot lang siya sa mga pasilyo, nagbabaka-sakaling makabunggo niya ang isa sa mga ito. Snow ended up inside the Music Chamber where the soft glow of the chandelier did nothing to ease away her worries.

Naupo siya sa tapat ng grand piano.

"Ano nang gagawin ko nito? Mamaya-maya lang, bigla na naman ako magiging halimaw.." Mapait niyang sabi sa sarili. Out of hopelessness, sinimulang pindutin ng dalaga ang piano keys. She winced at the noise she was making. Hindi nga pala siya marunong ng ibang instrumento---flute lang.

"Kahit ang piano, ayaw sa'kin.."

Aalis na sana siya sa silid nang biglang may magsalita sa kanyang likuran.

"E 'di gawan natin ng paraan para magustuhan ka niya."

Hindi na nilingon pa ni Snow ang binata. Soon enough, she felt him sit next to her. Nakatitig lang rin ito sa piano na para bang ito ang pinakainteresanteng nilikha ng mga mortal sa mundo. "A peaceful mind and a passionate heart are the key ingredients of music. Mukhang wala ka ng pareho."

Umirap si Snow sa sinabi ng katabi, "It surprises me that being lazy isn't a requirement."

Ngumiti sa kanya si Sloth at sinimulan nang tugtugin ang piano. Snow can easily recognize the piece from Moonlight Sonata. Napapikit na lang siya sa malamyos na musikang pilit sumusuyo sa kanyang puso't isipan. 'How can a demon play the piano so marvelously?' Tanging si Sloth lang talaga ang nakagagawa nito. Ilang sandali pa, sa kalagitnaan ng paghehele sa kanyang diwa, the music stopped.

"Pinatawag kami ni Lust. We had an emergency meeting earlier."

She stared at him, her nervousness resurfacing.

"M-May problema ba?"

Malungkot na ngumiti si Sloth. Noon lang napansin ni Snow ang eyebags sa ilalim ng kanyang mga mata. Wala na naman ba siyang tulog?

"Lust was alarmed by the sudden events in Suicide Beach. May kung sinong mortal ang nagpakamatay kanina, pero hindi namin malaman kung ano talagang nangyari o kung sino ang mortal na 'yon. Greed suspects it as a sign for something life-threatening. Bukod doon, mukhang may plano kaming patayin ni Boswell. We suspect that he's behind the soul-stealing business last night. Wala kaming nakolekta."

Snow White averted her eyes away from his, "This is bad.."

Mahinang natawa si Sloth sa sinabi niya. "Nasa Tartarus na ngayon sina Wrath at Envy. Our hot-headed brother wanted to investigate things in Hades' castle. May hinala siyang doon dinadala ni Boswell ang mga kampon niya ngayong wala na ang Clockworks. Hades' involvement is a bigger threat than anything since he can influence the other creatures."

"P-Pero paano kung patuloy kayong mawalan ng koleksyon?"

"That's one of the reasons why Wrath wanted to sneak into Hades' castle. Na-realize namin kanina na posibleng may iba pang tumutulong kay Boswell para magnakaw ng mga kaluluwa. As of now, we're hunting that monster down.."

Parang nalunok na ng dalaga ang kanyang sariling dila. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. 'Damn it! Mukhang mas malaki na rin ngayon ang panganib sa buhay ko..' Sinubukan ni Snow na pakalmahin ang sarili. Paano na lang kung malalaman ng magkakapatid na ang halimaw na hina-hunting nila ay ang sarili nilang katulong? Sa ngayon, hindi pa siya masyadong delikado. Only Pride and Chandresh know about her curse. Ang kailangan na lang na gawin ngayon ni Snow ay mag-ingat habang naghahanap sila ng paraan ni Chandresh para matigil ang sumpa.

Sana nga lang, makahanap sila ng paraan--bago pa mahuli ang lahat.

"Snow, ayos ka lang?"

She snapped back to reality when Sloth spoke to her. Ngumiti siya ng alanganin at tumango. "Is it too late for my piano lessons?" Pag-iiba niya ng usapan. Sloth smirked and moved closer to teach her the basics.

---
He prefers the deepest sleep
Not the nightmares of reality
Just vivid dreams when darkness calls
Remembrance of his better days

He sees her, that sweet aura
Feels her gentle touch in times of need
He recalls that she would comfort him
But he stirs, and then awakes

So he feels the cold winds blow
And rises slowly to his knees
The street life is not for him
Huddled against the prolonged freeze.

---"Dreamer"
crowfly

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 266K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
110 11 10
A COLLABORATIVE WORK WITH @darkchives "The university? Check! The course to take? Check! The things to bring? Check! The place to stay? Um... not sur...
99.9K 5.4K 26
C O M P L E T E D --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng k...
16 1 1
A doppelganger isn't someone who just resembles you, but is an exact double, right down to the way you walk, act, talk, and dress. Isa sa nabiktima r...