Dear Diary

By iammissblue

6.3K 60 10

( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... More

Dear Diary
Chapter 1: Mr. Ray-ban
Chapter 2: Fireworks
Chapter 3: Kiss
Chapter 4: Family
Chapter 5: "I Like you"
Chapter 6: Ano nga ba?
Chapter 7: Masquerade
Chapter 8: Numbness
Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...
Chapter 10: Birthday Wish
Chapter 11: "Ama"
Chapter 13: "Ina"
Chapter 14: Torn between two lovers
Chapter 15: Jake
Chapter 16: Twilight
Chapter 17: Pagpapatawad
Chapter 18: Somebody that I used to know
Chapter 19: Someone like you
Chapter 20: Maling akala
Chapter 21: Unexpected
Chapter 22: Baby Austin
Chapter 23: Sunset
Chapter 24: Ex-girlfriend
Chapter 25: That should be me
Chapter 26: it's my Insecurities...
Chapter 27: I love you... will you...?
Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]
Chapter 29: Mr. Hernandez
Chapter 30: Surprise!

Chapter 12: about to lose

155 1 0
By iammissblue

Chapter 12: about to lose

Naglalakad ako sa school papunta sa library nang makita ko si Jake mula sa malayo. Ayun, balik normal na siya, alam ko at alam niya na nakita niya ko pero umiwas kagad siya ng tingin sa’kin. Hindi ko alam kung maiinis ako oh hindi ko na lang papansinin kasi tutal, ganun naman talaga siya sa’kin eh. Bumait lang siya sa’kin, one time, nung birthday ko last week.

Pumasok ako sa library at inikot ang mata ko para makahanap ng mauupuan ko pero sobrang puno ang library, hindi ako makakaidlip nito, so lumabas na lang ako ulit. At nung pagtulak ko ng pinto bigla na lang ako napaatras dahil may natamaan pala ako. Agad-agad naman akong lumabas para silipin kung sino ang nabangga ko.

“Ay sorry po.” Then nakita ko, si Jake pala.

Inantay ko ang gagawin niyang pangookray o reaction niyang malupit pero wala. Hinimas lang niya ang braso niyang natamaan ko at tinignan ako saglit. Seryoso ang mukha niya.

“Sorry.” sabi ko, pero this time, malumanay boses ko

“Okay lang.”

Ang lamig naman ng pakitungo niya sa’kin.

Sinundan ko siya ng tingin habang unti-unti na siyang nakakalayo sa’kin. Naasar na lang ako bigla.

“Tse!”

Tanda ko pa yung mga oras na palabas na ko ng school... yung para bang yung nakikita ko sa movies. Slow motion ang lahat at parang napaka-serene ng paligid ko.

Paglabas ko ng school, nakita ko si Christian na nakasandal sa itim niyang sasakyan at may kausap sa phone. Inantay ko siyang mapalingon sa’kin bago ko siya kinawayan mula sa malayo. Kumaway din siya pabalik at nakangiti pa. Then sympre, Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko muna bago ako nagsimulang tumawid, tulad ng isang responsableng tao pero kahit sabihin mo pala na maging maingat ka, pag talagang tadhana mo na ‘yun ang mangyari sa’yo, mangyayari at mangyayari ito sa’yo.

Dear diary,

Alam mo ba ang feeling ng... wala kang maalala kungdi ang pangalan mo?

~

Bigla-bigla na lang na nagdilim ang paningin ko. Tulog ata ako? Naramdaman ko na lang na parang umaalog ang katawan ko then unti-unti kong naririnig ang sigawan ng mga taong hindi ko kilala. Para silang natataranta, may sumisigaw pa ng pangalan ko...

Dinilat ko ng dahan-dahan ang mata ko pero wala akong makita kung hindi puti, masyadong maliwanag, hindi ko kaya ang liwanag, mahapdi sa mata.

“Nasan ako?” bulong ko

Walang sumagot. Huli ko na lang atang narinig ay sinabihan ako ng isang babae na huminahon daw ako at gagawin nila ang lahat iligtas lang ako basta, wag na wag daw ako matutulog.

Sinubukan ko, pero hindi ko kinaya. Tuluyang kong pinikit ang mata ko para magpahinga. Ang sakit-sakit ng katawan ko na kahit hanggang panaginip ata nararamdaman ko pa rin.

“Kamusta naman po siya Doc?” tanong ng isang babae

“Wag po kayong mag-alala misis at okay naman po ang anak niyo.”

“Pero bakit hindi pa rin siya nagigising?” tanong ng isang binata

“Ganyan po talaga ‘yun. Magugulat na lang po kayo niyan at magreresponse na po siya...”

Sino kaya sila?

Tumahimik bigla, bigla rin akong nagising.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaking nakapolo, nakahiga sa sofa at mukhang tulog na tulog. Inikot ko pa ang mga mata ko at nakita kong nasa hospital ako at balot ng kung anu-anong wire at dextrose.

Sinubukan kong gumalaw pero naramdaman ko na kumirot ang braso ko, dun ko napansin na may mga sugat ako, mga gasgas, maraming gasgas. Nagpanic ako ng makita ko ang mga sugat ko, pati sa ibang parte na rin ng katawan ko.

“Chloe?” sabi ng gwapong lalaki sa may sofa. Tumayo siya at nilapitan ako, kinamusta niya ko.

Kinusot ko ang mga mata kong nasisilaw sa sobrang liwanag, “A-Anong nangyari?”

“Naaksidente ka... coma ka for two days. But everything’s okay, you’re back...” sabay ngiti niya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko Kagad, syempre hindi ko siya kilala eh.

“A-Ak... aksidente?”

“May masakit ba sa’yo?”

“Wala naman po...” bulong ko

“Po?” kinagulat niya ang magalang kong pagsagot.

“Sorry po pero, sino ka po ba?”

Bigla siyang natigilan. Tinignan niya ko saglit, inaakala niya siguro nagbibiro lang ako. “You’re joking right?”

“Huh?” umiling ako ng dahan-dahan

Then biglang bumukas ang pinto at bumungad sa’kin ang apat na taong gulat na gulat na makita ako. Niyakap ako kagad nung babae, na parang kasing edad ko lang. Sa sobrang saya niya na makita raw ako ng gising ay hindi niya mapigilang umiyak.

“Thanks but... Sino ka ba?”

“What? Chloe, ang korni mo!” sabi ng babae

“Chloe...? kilala mo ko?”

Natawa siya. “Oo naman, best friend kita! Ano ka ba?”

“Beth,” sabi nung lalaki kanina, “Hindi ka niya kilala...”

“Ha? Anong hindi kilala?”

“Wala atang naaalala si Chloe...”

“Christian, Hindi magandang biro yan!”

Napasandal sa pader yung lalaking nakapolo at natahimik na lang. Actually,Natahimik ang lahat at napatitig na lang sa’kin Habang yung isang lalaki sa likod na parang kasing edad ko rin ay biglang lumabas at tumawag ng doctor.

Dali-dali din namang may dumating na doctor at nurse after a few minutes.

“Doc, akala ko ba okay lang ang anak ko?” sabi ng matandang lalaki

Nilapitan ako ng babaeng doctor at tinignan ang lagay ko. Tinanong niya rin ako kung ano ang mga masakit sa’kin at ano ang mararamdaman ko.

~

After ng ilan pang test, dinala ako sa isang private room, kasama nung dalawang lalaki na hindi ko kilala habang yung magulang ko, I think, ay nandun sa labas kausap ang doctor tungkol sa mga naging resulta nung test.

“Sino kayo?” tanong ko sa dalawa

Nagtinginan sila muna then nagsimulang magsalita yung lalaki kanina na una kong nakita.

“Ako si Christian, siya si Jake.”

“Ahm... okay. Kaano-ano ko kayo?”

“Ako school mate mo ko, kapatid ko siya...” paliwanag nung Jake

“Eh ikaw?” tanong ko kay Christian

“Boyfriend mo siya.” Sabat nung Jake. “Okay na na sabihin ko ng malakas yun, alam na ng mga magulang mo.”

“Boyfriend...?”

“Jake, tama na... hayaan mo muna siya... hindi muna natin siya pwedeng biglain sa mga bagay-bagay na hindi niya naaalala.”

“Fine!” tumayo yung Jake at lumabas ng kwarto.

Naiwan akong magisa kasama yung Christian. Gusto ko sana siyang kausapin at tanungin sa mga pwede niyang ikwento sa’kin pero may point siya na hindi pa pwede biglain ang utak ko. Baka mabaliw pa ko kakapilit na maalala ang lahat.

Buong oras na nandun kami sa private room, nandun lang siya at nakaupo, nagbabasa ng libro, paminsan naman sa phone niya.

Hindi ko maiwasang magtaka kung paano ko siya naging boyfriend kasi, well, gwapo siya at mukhang mayaman pero, parang matanda siya sa’kin? Hindi ko rin maiwasang titigan siya.

“May gusto ka bang tanungin?” bigla niya sabi sabay sarado ng librong hawak niya.

Nagulat ako. “W-Wala...” napayuko ako sa hiya.

“Alam kong hindi mo ko naaalala pero...” umpisa niya, “I’m glad na buhay ka. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung...” natigil siya sabay masahe ng ulo.

Pumasok yung matandang lalaki at nakasimangot. Napatitig ako sa kanya at bigla na lang may mga nagflaflash ng images sa utak ko, memories ko with the old man... with my father?

“Ahm... Ano po sabi nung doctor ko?”

Tinignan niya ko. “Pansamantala lang daw yan, baka daw may natamaan o naipit na part ng brain mo caused by the aksident. Pero pag totally na daw naghilom ang lahat. Unti-unti rin daw babalik ang lahat.”

Maya-maya, may dumating pang isang lalaki, alalang-alala siya nung nakita niya ko. Kinamusta niya ko at tinanong ng kung anu-ano gaya nung iba kanina, pero pinaliwanag naman kagad sa kanya ni Christian ang mga sinabi ng doctor. Kurt ata ang pangalan niya, kuya ko daw siya, well, step brother daw. Nagulat pa ko nang nasabi niya yun kasi nung nakita ko yung magulang ko kanina, parang okay naman sila.

Siya Kuya Kurt ang nagbantay sa’kin nung araw na ‘yun at mga sumunod na araw dahil yung iba, well, may kanya-kanya silang buhay at dapat mga gawin. pinangako na lang ni Jake at Beth na tutulungan nila ko sa school after ko daw makarecover totally. Habang for Christian naman, pati mga magulang ko may trabaho so... yun.

At dahil kami lang ng kuya ko sa hospital na ‘yun at walang magandang palabas sa cable, pintay ko ang TV gamit ang remote at nagsimulang itanong kay Kuya ang mga bagay-bagay about sa’kin, sa amin, at sa kanila, lahat ng alam niya tungkol sa’kin.

Una niyang kinwento sa’kin of course yung mga magagandang part ng buhay ko at hinuli niya yung sa mga bagay na kinakagulo ng utak ko.

Grabeh pala ang buhay ko, parang teleserye lang sa hapon. Puno ng problema, action at drama. Award winning actress na nga daw ako sa sobrang emo ko daw eh.

“Eh yung sa family natin, naayos na ba?”

Natawa siya. “Ikaw na rin may sabi na hindi na maaayos ang pamilya natin.”

“Talaga?”

“Yup... you kept trying for almost half your life but nothing... sumuko ka na... napagod ka na.”

“Pero ba’t parang kung umasta sila kanina...”

“Ganun sila, isa yun sa kinagalit mo nung nangbirthday ka last week.”

“Birthday?”

“Wala ka ba talagang natatandaan kahit ano?”

“Hmm... alam ko pangalan ko then the rest... blur. Basta ang alam ko, gaya ng iba may pamilya ako at nagaaral ako. Tas pag sinusubukan kong tandaan... walang pumapasok sa utak ko.”

“Mahirap yan...”

“Oo nga eh... pero sa’yo, hindi gaya nung sa iba... komportable ako sa’yo. Bakit?”

“Close tayo eh... tayo magkadamay sa halos lahat ng bagay.”

“Tagala, eh paano magulang mo?”

“Si mama, ayun, umalis na sila ulit ng bansa ng asawa niya...”

“Oh... so kaya binigay satin condo nila ganun?”

Tumango siya.

“Dun tayo ngayon?”

“Bakit? Gusto mo bumalik sa bahay nila Papa?”

“Ayaw.” Sagot ko kagad. “Ayoko baka pag bumalik pa memory ko at nandun ako mabaliw ako.”

~

Ang hirap pala pag may amnesia ka. Lahat nang nakakasanayan mong gawin hindi mo magawa plus dagdag pa eh yung nakikita mo yung mga tao sa paligid mo na nahihirapan din dahil feeling ko pa din stranger ang lahat. Kaya sa araw-araw siguro na iniiwan ako ni Kuya sa bahay, wala ako ginawa kung hindi tignan lahat ng gamit ko, basahin at tignan kung ano ang babalik pag nakita ko o nabasa ko yung mga sulat, mga litrato... lalo na ang diary ko.

Pero ang totally na nakatulong sa’kin ay yung mga pictures na nasa laptop ko. Nakaarrange sila by date so sunod-sunod sila, kaya pag pinipreview ko para ko din nirereplay ang buong buhay ko, well, half ng buhay ko sa isang click lang ng mouse ko.

It’s a lot to take in but it will help me recover agad kaya ko ginawa. Nakatulong na nga yung iba eh, kasi sa ibang picture na nakikita ko ay napapareact ako ng bongga. Pero isang part lang ata ang hindi natulungan ng pictures na nakasave sa laptop ko, ang love life ko.

Sabi ni Kuya, Boyfriend ko daw si Christian, tama yun, hindi lang daw niya alam paano kami nagkakilala maliban sa wedding ng kapatid ni Beth. Nakakadoubt tuloy.

Then habang tinitignan ko pa yung ibang pics, nakita ko ang picture ni Christian na nakaupo mismo sa salas kung saan ako nakaupo. Napatingin ako sa tabi ko, kung saan siya exactly nakaupo dun sa may picture. Inimagine ko na nandun din siya kaso may nakakuha ng atensyon ko bigla, isang papel. Hinila ko yung papel na isang letter pala. Of course gaya nung kung sino man makakita nang sulat eh, binasa ko ‘to.

Alam ko gusto mo nang malaman kung sino ako, sa tagal ko nang nagpapadala nang mga bulaklak sa’yo. At sa panahong hindi ako sumulat sa’yo, pinagisipan kong mabuti kung dapat na kong magpakilala. May mga bagay lang na humadlang pero nangibabaw ang pagtingin ko sa’yo sa takot ko na malaman mo ang katotohanan.

Gusto kong malaman mo na, matagal na kitang gusto... simula nang makita kita sa may corridor ng school noon, simula noon, hinangaan na kita. Sinubukan kitang kilalanin noon, ilang beses akong nagtangka, promise pero nung nagkaroon na ko ng lakas ng loob... nakilala mo na ang kuya ko...

sana, kapag nabasa mo na ang sulat na ‘to, magreply ka kagad. Gusto ko malaman ang reaksyon mo sa pagamin ko na ‘to. Please.

Jake

Natulala ako sa nabasa ko.

Si Jake? Kapatid ni... ng boyfriend ko?

Habang tinitignan ko ulit ang mga salitang nakasulat sa papel, hindi ko maiwasang maguluhan. Hindi ko rin alam ba’t ako naguguluhan. Kung mahal ko si Christian ba’t ganito? Naapektuhan bas a aksidente ang feelings ko? O kahit noon pa may feelings na ko kay Jake, hindi ko lang pinapansin?

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
Flower Boy By John Yuan

General Fiction

77.7K 692 7
Flower Boy By: johnyuan Ano ang dapat na uunahin, mga pangarap ba o ang pintig ng damdamin? O pwede naman kayang pagsabayin?
2.1K 145 11
❝Sana nung una pa lang pinakita ko na sa kanya na mahal na mahal ko siya.❞ • -🍃- • Meanie Ff • -🍃- • written by: woozinology- (studies about the ma...
2.7K 129 7
Mahal kita since Grade 1 Sa panulat ni Hari Sakura Panimula: Ang aklat na ito ay nagtatalakay sa kwento ng isang estudyante na nagngangalang Philipe...