✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

DUODETRIGINTA

4.4K 291 84
By NoxVociferans

They say that humans cannot be immortal. Pagak na natawa si Mr. Boswell sa naiisip. Sa ilalim ng kanyang pagawaan, maririnig mo ang paulit-ulit at nakabibinging tunog ng mga orasan. Tick-tock, tick-tock. Sa kadiliman ng silid, nakakatuwang isipin na naaaninag pa rin niya ang iritasyon ng mangkukulam. In the heavy darkness of the shop, Morticia's cat-like eyes glared at him.

"Why don't we just kill her?! Naiinip na ako sa mga plano mo!"

Walang ganang umiling ang lalaki at sinilip ang napakaraming orasan sa silid, all in different sizes and shapes. "Patience. Walang mangyayari kung magpapadalos-dalos tayo ng kilos. I've already figured out a way to reach her inside that sinful mansion. By then, everything will go as planned." Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, his eyes a whirlpool of chaos. Kasabay nito ay ang pagkawasak ng isang daang orasan sa kanilang paligid, sending shards of wood and minute hands flying in the air.

Tuluyan nang tumahimik si Morticia kasabay ng pagpipigil ng galit. Huminga na lang siya nang malalim at hinayaan ang clockmaker sa paggawa ng pinakabago nitong orasan.

*

"Drinking Day?"

Hindi makapaniwalang pag-uulit ni Snow habang tinititigan ang isang lapida na halos hindi na mabasa ang pangalan ng bagay o bangkay na nakabaon doon. Beside her, Envy laughed his head off and nodded. "It's an annual celebration among the Seven Deadly Sins! Kaya mas maigi nang maghanda ka ng sampung kandado sa pinto mo mamaya dahil baka manyakin ka pa ni Lust kapag nalasing na siya," pero agad rin siyang napatigil, "Err.. Unless he uses teleportation."

Napalunok si Snow nang marinig ang pangalan ni Lust. Hindi niya alam kung bakit, pero pareho silang nababaliw na ni Wrath. 'How could those bastards kiss me like that?!' Naiinis niyang isip. Napabuntong-hininga na lang siya sabay tanaw sa malawak na sementeryo sa kanilang harapan. Katulad nga ng sinabi sa kanya ni Envy noong unang pasok niya rito sa mansyon, mayroon ngang graveyard sa third floor.

Fortunately, Envy owns this room.

Unfortunately, dinala niya si Snow dito.

Ang masama pa ay ngayon pa talaga niya piniling ayain ang dalagang magliwaliw sa sementeryo---ngayong mayroon siyang tinatawag ng mga mortal na kababaihan na "dalaw". Yes, today Snow White is on her menstrual period. The most terrifying, awful and nerve-wrecking time of the month for men when women transform into monsters when they have mood swings.

Kung alam lang sana ito ni Envy, malamang ay hindi na ito nanggambala pa ng mga ilang araw sa dalaga.

Kaninang umaga lang kumatok ito nang malakas sa pintuan ng kanyang silid at kamuntik nang magsisisigaw si Snow dahil sa sobrang inis. Hindi na niya ito nagawa dahil sa lawak ng pagkakangiti ni Envy (at sa katotohanang puro demonyo nga pala ang kasama niya sa mansyon kaya malamang ay papatayin siya ng mga ito kapag umiral ang kanyang mood swings). Nonetheless, after cooking breakfast and doing some chores, Envy dragged her along the flight of stairs and ushered her inside this hell. Gusto raw nitong ipakita kay Snow ang koleksyon niya ng mga kabaong.

Binasang muli ni Snow ang nakasulat sa isang lapida.

"In the loving memory of Greed's 167th leprechaun, Dolly. May leprechaun pala si Greed?" Nagtatakang tanong ni Snow sa binatang nagbubungkal ng lupa.

Envy nodded, "Who do you expect guards his treasure island? Isang siglo na ang nakakaraan nang napagdesiyunan ng siraulong 'yon na mag-alaga ng leprechaun para may bantay ang kayamanan niya." Kibit-balikat nito.

"Bakit sila namamatay?"

"Chione, they have shorter life spans. We're immortals, we're cursed to see others die while we live for as long as an eternity goes."

Sandaling natahimik si Snow. Kung tutuusin, hindi talaga masayang mabuhay nang higit sa normal. Ilang siglo nang namamalagi ang Seven Deadly Sins sa mundo at hangga't may mga makasalanang mortal na namamatay, patuloy silang mabubuhay. That's the irony of it all.

Pinili niyang ibahin na lang ang itatanong, "Bakit parang hindi ko pa nakikita?" She'll admit it: gusto niyang makakita. 'Well, surely, it's not everyday that you'll have a chance to spot a mythical creature!' Kumento niya sa isip at sinundan si Envy sa mahabang columns ng mga lapida. The graveyard's pale gray light isn't enough to illuminate everything. She can barely see the outlines of several birch treets at a distance, hindi pa nakatulong ang makapal na hamog sa lugar.

It took a moment before Envy replied, "Leprechauns are shy. Madalas invisible sila at hindi umaalis ng silid." Tinanaw ng prinsipe ng pagkainggit ang distansya at malawak na napangiti. "We're here." Anunsyo nito. Nang sipatin ni Snow ang tinitingnan niya, halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang bundok ng mga kabaong. Literally. The coffins of different materials and designs are carefully stacked ontop of one another to reach the gray heavens of the room. Halos hindi na matanaw ni Snow ng dulo nito. 'Hindi siya nagbibiro nang sinabi niyang may koleksyon siya ng mga kabaong!' Nang lapitan nila ang mga ito, halos manlata si Snow nang makita ang isang glass coffin na katulad ng nasa bakuran. Naalala niya bigla noong pagkamalan siyang buto ni Cerberus at walang awa siyang ibinaon sa lupa.

"Bakit ba hindi ako namatay doon? Shouldn't I die of suffocation?" Pang-uusisa niya kay Envy at pinapakintab ang isang kabaong na gawa sa leather.

"These are enchanted coffins, Chione. Don't expect anything here in the mansion to be normal."

She thought so. "Ano bang gagawin natin dito?" Tanong niya sabay katok ng ilang kabaong. Baka kasi mamaya may nakakulong rin pala doon. Lumawak ang ngiti ni Envy sabay labas ng isang notebook at fountain pen. Inihagis niya ito kay Snow sabay deklara, "Chione, you'll be spending the rest of the morning helping me with inventory!" Tuluyan nang napanganga si Snow, "I-Inventory.. Lahat ng 'to?!" Sabay tanaw niya sa hindi matanaw-tanaw na tuktok ng bundok ng mga kabaong.

"Yup! Isn't it awesome? HAHAHAHA!"

Minsan talaga napapaisip siya kung bakit parang nagkakasundo ang magkakapatid na gawing impyerno ang buhay niya. 'Bastards!'

Tiningnan niya ang ekspresyon ni Envy at baka naman nagbibiro lang ito, pero seryoso na nitong sinisipat ang ilang mga kabaong. Snow White sighed and started taking notes. Tutal naman, wala siyang training sa araw na ito (because of the brothers' stupid Drinking Day), might as well make the use of it...

Makalipas ang ilang oras ng paglilista ng libu-libong kabaong ni Envy (ang ilan ay yari sa makikintab na bato, diyamate, dahon at gintong kakorte ng kalansay), Snow finally found exhaustion taking its toll on her. 'Paano ba nagagawang i-inventory ni Envy ang lahat ng 'to mag-isa?!' Napapailing na lang siya sa naiisip.

"Chione, 2 pieces of Standard Hand-molded Marble and Ruby Coffins!"

Hinihingal na napatingin sa taas si Snow. Kumaway sa kanya si Envy na halos nasa tutok na ng bundok. Dahil sa dami ng koleksyon niya, napilitan sina Snow na akyatin ang taas nito. 'Climbing a mountain of coffins! Great.' Tumango na lang siya dito at hirap na kinuha ang listahan. Nanginginig na ang kanyang mga kamay habang sinusulat ito sa papel. She cursed under her breath when the pen fell down. Pinanood niya itong maglaho sa hamog na nasa ibaba, hanggang sa mahina nitong paglagapak sa sahig ng sementeryo. This side of the mountain looks like a canyon, an endless pit of despair. Tumulo ang kanyang pawis sa noo at umupo sa isang eggshell coffin.

"Envy! Nahulog 'yung ballpen!"

Pero wala na ang binata sa kanyang pwesto. Kumunot ang noo ni Snow. "Damn it.. Nasaan na ang isang 'yon?" Sumilip siya sa matarik na bahagi ng bundok, she's a hundred feet above ground, "and how am I suppose to get down from here?"

Bahagyang yumanig ang lupa. Nagulantang si Snow nang makitang gumugulong pababa ang mga kabaong. She stared up ahead, just in time to see an avalanche of coffins stumbling towards her!

"Shit!"

Sinubukan niyang umilag pero mukhang wala siyang takas sa delubyong ito. Snow then found herself screaming on the top of her lungs while rolling down Envy's collection. Bahagyang nawasak ang ilang kabaong habang bumubulusok pababa. Kasabay nito ay ang paggulong pababa ng katawan ng dalaga.

"AAAAAAAAHHHH!"

Isang himala na nakakagalaw pa rin si Snow White matapos ang pangyayaring iyon. When she hit the ground, una niyang nakita ang makintab na black shoes ni Envy. Nag-angat siya ng tingin at inis na sumigaw, "I COULD'VE DIED THERE! NASAAN KA BA KANINA?!" Ngumiti nang inosente si Envy at ipinakita ang hawak niya.

"Kinuha ko yung fountain pen. Sayang eh."

Galit na tumayo si Snow at pinagpag ang damit. Alam niyang mukha na namang pugad ng ibon ang kanyang ulo, but in a twisted place like this, it's impossible for the female species to worry about a silly thing like a hairbrush. Natawa si Envy sa hitsura ni Snow at nagsimula nang maglakad papalayo, "Our job here's done. I still need to attend the Drinking Day ceremony.. Baka ubusan na naman ako ni Gluttony."

"Umiinom din pala si Gluttony?"

Envy shot her a meaningful look, "Believe me, you wouldn't want to encounter a drunk Gluttony."

At umalis na sila ng sementeryo.

*
Sa hindi malamang kadahilanan, namalayan na lang ni Snow na nakakulong na siya sa apat na sulok ng kanyang silid. Pride refused to explain the details, pero alam niyang may kinalaman ito sa kanilang "Drinking Day" celebration. 'Mapanganib ba talaga ang Seven Deadly Sins kapag nakakainom?' Ayaw na niyang isipin pa. Kung noon pa nga lang mapanganib na ang magkakatapid na 'yon, kamusta pa kaya ngayong magkakaroon ng alcohol sa kanilang sistema. Nevertheless, she double locked her room.

"That's useless if those heartless monsters use their powers."

Dumako ang mga mata niya kay Chandresh na nakahalukipkip na sa kanyang direksyon. Lumapit si Snow sa binatang nakakulong sa salamin. "You still dislike them." Kumento niya rito.

He rolled his violet eyes. "Dislike them? If you mean wanting those vile monsters to rot in hell and chop off their heads is 'disliking' them, then yes. Yes, I dislike them."

Nasanay na lang si Snow sa pananalita ni Chandresh. "Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa'kin kung bakit ka galit sa kanila.. Are they the ones who trapped you inside that mirror?"

Hindi umimik si Chandresh.

Sinubukan ulit ni Snow ang magtanong, "Chandresh, ano ang pagkakakilala mo sa Seven Deadly Sins? Dati ba silang.." Umiwas ng tingin ang dalaga. She knows that it's just plain crazy to think about their origins, pero hindi niya maiwasan ang kuryosidad sa isipan niya. Matagal na niyang gustong tanungin kina Pride ang bagay na ito, but the eldest sin seems so distant sometimes. Nakakatakot siyang baka parusahan siya nito dahil sa pagtatanong ng mga bagay na wala namang katuturan.

"Sina Pride, Envy, Lust, Greed, Gluttony, Wrath at Sloth.. Dating ba silang----?!"

"Kung tatanungin mo kung dati ba silang mga mortal, I'm afraid I'd have to break that little fantasy of yours."

"One thing you need to understand Snow, is that 'sins' aren't born; they are made." Panimula ni Chandresh na para bang nahihirapang ipaliwanag ang lahat, "In fictional terms, nakakaakit nga sigurong isipin na ang pitong kasalanang nagiging dahilan ng pagkawasak ng sangkatauhan ay dating mga mortal, but in this story, that's not the case. The Seven Cardinal Sins or Vices of Hell are as old as Earth."

Tahimik lang na tumango si Snow at pinakinggan si Chandresh.

"Nabuhay ang Seven Deadly Sins mula sa mga kasalanang unti-unting pumipigil sa tao para makuha ang tinatawag nilang 'kapayapaan' sa sarili. Mula sa mga kasalanang ito, sumibol sa impyerno at nagkaroon ng katauhan ang mga pagkakasala ng tao. They are created out of sinners' blood and suffering. No matter how much you want to sugarcoat things, they're still demons, Your Majesty."

"Mga imortal sila, hindi ba?"

Pagak na natawa si Chandresh. "Hangga't patuloy nilang kinukuha ang natitirang life span ng mga makasalanang inihahatid nila sa impyerno, nagagawa nilang mabuhay nang walang hanggan. Unless, someone steals the sinners' remaining life and use it for his own immortality.. Pero imposible namang magawa ng kahit sino ang bagay na 'yon."

Lumakas ang kabang namumuo sa dibdib ni Snow. Masama ang kutob niya dito. "Si Mr. Boswell."

"That guy you were saying the brothers had a problem with? Mortal siya, hindi ba?"

"Oo. These last few weeks, he's been fighting off the brothers with his clockwork monsters. Paniguradong siya rin ang may kinalaman sa pagbaba ng nakukuhang koleksyon ng magkakapatid. It's too much to be a mere coincidence.." Ngayong naiisip ni Snow ang bagay na ito, mukhang hindi naman siya tatantanan ng isa pang katanungang gumugulo ngayon sa isip niya. Bakit gustong maging imortal ni Mr. Boswell? Bakit niya gustong sirain ang Seven Deadly Sins?

Sumasakit na ang ulo ni Snow sa kakaisip. That's when they heard a loud crash downstairs. Agad siyang tumayo at napabuntong-hininga, "I'll go check on them. Baka nagpapatayan na sila."

*

"GLUTTONY! DAMN IT, 'WAG MO NAMAN KAMING UBUSAN!"

Umalingawngaw sa dapat na "tahimik" na dining hall ang galit na boses ni Wrath. Bago pa man niya masugod ang kapatid, agad siyang hinawakan sa magkabilang braso ng kambal.

"Woah! Chill, brother, Wrathy.. Hindi ka pa ba nasanay kay Gluts?" Natatawang sabi ni Envy sabay sinok, nasa kabilang kamay nito ang bote ng beer.

"My demonic twin is right---" sabay gewang ni Greed kaya kinailangan niyang ibalanse ang sarili "---relax ka lang, 'tol! Magtaka ka kung hindi matakaw si... Teka, sino nga ulit?" Baling nito sa kakambal.

"Err.. Hindi ko na maalala, Greedy boy, eh!"

"Sige, 'wag na nating alalahanin!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay natawa ang kambal at tuluyan nang binitiwan si Wrath. On the other hand, the Prince of anger and violence grinned like the devil he is at the food-lover. "Patay ka sa'kin ngayon." At mabilis nitong dinampot ang isang bote ng champagne sa gilid. He hurled the bottle towards Gluttony's direction, barely missing him.

Nagawa itong ilagan ni Gluttong habang tumutungga ng alak sa bote ng Jack Daniels. Tumalim ang tingin nito kay Wrath, his eyes ablaze. "Who the heck told you to attack me like that? Gusto mong mabalian ng buto?" Inosente nitong ngiti na para bang tinanong niya lang si Wrath kung gusto niyo ng candy.

Hindi naman natinag si Wrath na halos wala pang naiinom. Magsasalita pa sana sina nang biglang hinablot ni Lust ang hawak niyang wineglass. The prince of temptation immediately groaned and poured the wine all over his bare chest. The liquid slid down teasingly towards his muscled abdomen. "Damn it! This is why I hate Drinking Day! It's too damn fucking hot in here." He then started opening another can of rootbeer (a not so alcohol-ish drink) when Pride kicked him under the table.

"Ouch!"

"Why is it that every goddamn year, sinasayang mo ang ilang galon ng alak dahil halos ipaligo mo na 'to sa katawan mo tuwing nalalasing ka? Tsk."

Lust blinked. "Um.. Pride?"

"What is it now, you ungrateful lunatic?"

"Bakit nasusunog ang kurtina natin?"

"Well, shit."

Mabilis nilang binalingan ang kurtinang nasusunog. Napasapo na lang si Pride sa kanyang noo nang makita si Gluttony na sinisilaban ito. He was laughing like a madman while playing with fire! Pilit siyang pinipigilan ni Sloth na gising na gising pero hindi ito maawat.

'Again, why do I have such idiotic brothers?' Mapait na isip ng kanilang panganay.

With a wave of his hand, the fire extinguished and Gluttony was chained to his chair. Napabuntong-hininga naman si Sloth na tumatalon-talon pa habang may hawak na shot glass na naglalaman ng brandy. "Yehey! Ang galing mo po talaga, Kuya Pride!"

'Bullshit, Sloth!'

He's too energetic and childish for Pride's liking. It's quite disturbing to see him like this whenever he's drainking liquor.

'Mamaya na naman, lupasay ang anim na 'to and I need to drag them up to their bedrooms again!' Napabuntong-hininga na lang si Pride.

Ang "Drinking Day" ay isang selebrasyon ng Seven Deadly Sins. They just made that up. Ginagawa nila ito taon-taon para matanggal ang stress sa pagtatrabaho at maramdaman naman nila ang "kalasingang" nararamdaman ng mga mortal. Unfortunately, the alcoholic drinks of humans don't affect them. Kaya naman, kinakailangan nilang maglaho ng espesyal na potions na binibili nila sa Tartarus para maramdaman nila ang "pagkalasing" tuwing umiinom sila. Sadly for Pride, he has the highest alcohol tolerance.

Dumako ang mga mata niya sa mesa at sa sandamakmak na mga boteng walang laman. Outside window (doon sa parteng nasunog ang kurtina), natanaw ni Pride si Cerberus na hinahabol na naman si Mr. Bones sa may bakuran.

"Anong nangyari dito?"

Bumaling si Pride sa boses ng isang dalaga. At the far end of the hall, Snow White came and stared at the mess. Kapansin-pansin na noong nakita siya nina Wrath at Lust, bahagyang umayos ng pagkakaupo ang dalawang ito. Pride frowned.

"Do us a favor and refill this wine bottle, princess. Pulutin mo na rin ang ilang basag na bote sa sahig."

Inilahad ni Pride ang isang bote ng aged wine. Tinitigan muna ito ni Snow bago kinuha sa kanyang mga kamay.

Lumapit si Lust at inakbayan ang dalaga, amoy na amoy sa kanyang katawan ang alak.

"Hey, baby! Missed me?" Sabay sinok at tawa.

Pero mukhang hindi nagustuhan ni Wrath ang pagkilos ng kapatid dahil bigla itong naglabas ng assault rifle at butcher's knife mula sa ilalim ng mesa. "STAY BACK, YOU FUCKING PERVERT!"

"Pervert? Me? Oh, please. Atleast I don't sleep with deadly armalites and knives for teddybears!"

"DO NOT!"

"DO TOO!"

Napahimas sa kanyang sentido si Pride at mabilis na pumagitna sa kanilang dalawa. "Sit down before I flush your heads down the toilet! You're giving me a damn headache!"

*
Napagdesisyunan nang pulutin ni Snow ang mga kalat sa sahig. Ayaw na niyang makisangkot pa sa gulo ng magkakapatid. Habang nagpupulot ng mga basag na bote ng alak, napansin niya ang isang maliit na botilya. She grabbed it and exited the dining hall before rushing towards the kitchens. Tinitigan niyang muli ang maliit na bote na naglalaman ng transparent na likido. Hindi niya mabasa ang nakalagay dito.

"The language isn't English or Filipino. How odd."

Binuksan niya ito at umalingawngaw ang mabangong amoy ng rosas. She smiled. 'Maybe they use this to add aroma to their wine?' Nagkibit na lang siya ng balikat at isinama ito sa laman ng wine bottle. She gingerly refilled the blood red wine and mixed it with the clear liquid.

Nang bumalik siya ng dining hall, nakita niyang ubos na ang iniinom ng magkakapatid.

"Finally." Pride announced and grabbed the wine bottle before pouring it into seven wineglasses

"A toast to the Seven Deadly Sins."

Ganadong tinungga ng magkakapatid ang alak at pinanood ito ni Snow mula sa malayo. Hawak niya pa rin ang bote ng likidong inilagay niya. Panigurado namang kahit lason pa ang ilagay niya, mabubuhay pa rin ang mga siraulong ito. Iniikot ni Snow ang bote sa kanyang mga kamay. Noon niya lang napansin ang isang maliit na sulat sa ilalim ng bote. It was faintly written in English:

ANTI-AGING LIQUID

Nang basahin ni Snow ang maliit na description sa ibaba nito, napamura na talaga siya. She's made a grave mistake.

'Shit!'

Mayamaya pa, isang malakas na pagsabog ang bumulabog sa dining hall, kasabay ng paglitaw ng pitong paslit na nasa dating pwesto ng mga binata.

These seven toddlers stared at her with tearful eyes.

---
I want you to show me
every twisted,
frightened thought
you've ever had.
I want your eyes to crack
my bones;
I want your words
to tear
my skin
apart.

---Anonymous

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
99.9K 5.4K 26
C O M P L E T E D --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng k...
110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
132K 10K 74
A Paranormal-Love Story *** Sa mundong lahat ay posible. Harapin ang takot. Tuklasin ang natatagong lihim. Sa mga katanungan na hahanapan ng kasag...