Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 3

228K 4.1K 430
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 3

Umuwi ako sa bahay na lutang na lutang ang pag iisip, nakuha pa akong harangin ni Ara dahil gabi na daw ako umuwi. Pero madali naman akong nakatakas sakanya, grabe hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung mainit na labi ni Ethan!

Shocks, hindi ko akalain na nakakawala pala ng ulirat ang lintik na halik ng isang Ethan Luke Cando!

Mabilis kong tinawagan ang pinsan kong si Jenica at nang sagutin niya iyon ay wala akong ginawa kundi ang pumalirit ng pumalirit! Panay naman ang suway niya saakin dahil sa kagagahan ko.

"My god! Seryoso?" Natatawang tanong niya, tumango tango ako na para bang nakikita niya ako!

Sa tatlong taon na pagkagusto ko kay Ethan lahat na yata ng pinsan ko nasabihan ko na ng tungkol sakanya, syempre maging ang best friend kong si Ara na panay ang suway saakin.

"Oo! Seryoso, grabe Jenica, kung alam mo lang yung pakiramdam na para kang lumilipad sa langit? Grabe, kung alam ko lang na ganito pala ang feeling na mahalikan ng taong gusto mo hay nako! Matagal ko ng sinunggaban si Ethan! Juice colored! Isa pa." Humahagikhik na kwento ko kay Jenica, panay naman ang halakhak niya saakin.

"Gaga ka! Hoy, mag ingat ka pa rin sa Cando na yan. Balita ko marami nang naloko yang magkapatid na yan, saka teka nga ano yung nabanggit mo kanina? Ipapain mo si Ara kay Marcus Cando?" Paninigurado niya.

Ngumisi ako, "Hindi naman ipapain, bibigyan ko lang ng magandang love life ang best friend ko. Alam mo na, masyado ng boring ang buhay ni Ara, saka nawalan siya ng scholarship, kaya naman andito ako para tulungan siya." Natatawang kwento ko.

"Hay nako Claire, sa tatlong taong paghihintay mo nahalikan ka na rin ng kinababaliwan mo." Tumatawang sabi niya.

Hindi ko akalain na sa ganung paraan ko lang pala makakausap ulit si Ethan, grabe thank you Lord! Another chance 'to para sa isang Cando!

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ethan dahil panay nanaman ang bangayan nila Ara at  Marcus, kaya naman pumagitna na kami ni Ethan doon sa dalawa dahil nagiging sentro nanaman sila ng atensyon.

Hinila namin sila sa cafeteria at doon kinausap, natatawa ako, paano ba naman nagkunyari kami ni Ethan na saamin galing ang five hundred thousand pesos, pero ang totoo ay galing iyon sa Daddy nila.

Pero sa huli napapayag din namin ang dalawa sa isang pustahan, na sa tingin ko ay magiging magandang resulta para sa best friend ko.

"Saan mo gustong pumunta?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon, isinara ko ang locker ko at lumingon ako sakanya. Napalunok ako ng sunod sunod dahil sa napaka gwapo niyang mukha, naka white shirt at pants lang siya ngayon pero bakat na bakat ang matipuno niyang katawan. Hinila niya saakin ang librong hawak ko at muli niya akong tinitigan sa mata.

"Nagawa natin kahapon, napagsundo natin yung dalawa. Ngayon naman, ayusin natin yung saating dalawa. Yung date na gusto mo ibibigay ko, ilang araw ba?" Dire diretsong sabi niya, at halos mapasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko at magkasabay kaming lumabas ng university, heto nanaman yung pakiramdam na para akong lumulutang sa ere.

Nang makarating kami sa parking area kaagad kong nakita ang motor niya, ito pa rin yung bmw niya nung gabi na inangkas niya ako tatlong taon na ang nakakalipas.

"Saan?" Ulit niya.

"Ha? Ah, eh, k-kahit saan." Wala sa sariling sagot ko, nagsalubong ang kilay niya at tinitigan niya ako ng mariin.

"Kahit saan?" Nakangising tanong niya, napatango naman ako ng sunod sunod.

"Fck, paano kung sa hotel kita dalhin? Hindi ka ba tatanggi?" Ngumingising aniya na nagpakalabog sa puso ko, namilog ang mata ko at napaawang ang bibig ko.

"Utang na loob Claire, itikom mo yang bibig mo." Aniya kasabay non ang paghugot niya ng napakalalim na paghinga, mabilis ko naman siyang sinunod.

"E-ethan, ayaw ko sa hotel." Damn! Ano bang sinasabi ko?

Nginisian nanaman niya ako, yung seksing ngisi na yon, nakita ko na yon sakanya nung una ko siyang makilala. Sinuotan niya ako ng helmet at kinuha niya yung bag ko atsaka inilagay iyon sa compartment ng motor niya, muli siyang bumaling saakin, napapamura ako sa kagwapuhan nitong nilalang na ito!

"Are you still a virgin baby?" Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya saakin at para akong tanga na napailing iling!

Isang marahan na ngiti ang ibinigay niya saakin, hala ang tanga ko! Virgin pa ako! Ano bang sinasabi ko kay Ethan? Pero yung utak ko hindi na virgin ikaw ba naman magkaroon ng pinsan na katulad ni Jenica, magiging virgin pa kaya ang utak mo?

"I see..hindi ka na virgin." Nakangising sabi niya at halos magtayuan ang balahibo ko nang humaplos ang mainit na palad ni Ethan sa balikat ko pababa sa kamay ko.

"Aangkas ka ba saakin o hindi?" Mapang asar na tanong niya saakin, "Ethan!" Hiyaw ko sakanya, natatameme ako sakanya, lahat ng mali naisasagot ko sakanya. Gosh, hindi ako ganito, nagiging tanga ako kapag siya na yung kaharap ko.

Marahan siyang humalakhak, "Sumakay ka na, sa opisina ko nalang tayo." Malamig na sabi niya atsaka nauna na siyang sumakay, opisina? sumunod nalang ako sakanya at humawak ako sa magkabilang balikat niya.

"Hindi ka ba marunong umangkas sa motor? Bakit ganyan ka humawak?" Panunuya niya, sinusubukan talaga ako nitong lalaking ito. Kung hindi ko lang siya mahal.

"Okay fine." Nakangising sabi ko at umakap ako sakanya! Nanlaki ang mata ko dahil masasabi kong mas gumanda ang hubog ng katawan niya ngayon, may nahahawakan na akong abs.

"Better." Masungit na sabi niya at mas lalo akong napayakap sakanya nang mabilis niyang pinaharurot ang motor niya!

May mga estudyante pang nagsitabihan dahil muntik na silang masagasaan.

"Hindi ka naman bastos?" Bulong ko sa tainga niya at napangiti ako ng pilya nang makita kong tumayo ang balahibo niya sa batok.

"Don't talk to me Claire, nagmamaneho ako." Malamig na suway niya saakin, sus palusot pa siya, hindi nalang niya aminin na kinikilig siya sa boses ko, okay napaka ambisosya ko nanaman.

"Hindi ba magaling naman ang mga Cando sa kahit anong bagay? Bakit sa pagmamaneho ng motor medyo tagilid yata kapag may kausap." Panunuya ko sakanya at mas hinigpitan ko ang paghaplos ko doon sa lintik na abs niya, nakakawala sa sarili pero nakakatuwa sa pakiramdam.

"Sinusubukan mo ba ako Claire?" Ang seksi lang niyang ngumisi, nakakainis.

"Sinusubukan saan?" Pagtataka ko.

"Yung kamay mo, wala dapat diyan." Tumatawang sabi niya at napapitlag ako nang itaas niya ang kamay ko patungo sa dibdib niya, nanlaki ang mata ko dahil hindi ko namalayang medyo bumaba na pala ang kaliwang kamay ko. Nararamdaman ko naman ngayon ang pamumula ng mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"H-hindi ko sinasadiya yon ha!" Hiyaw ko sakanya.

"Whatever you say baby.." Bulong niya, napalunok ako ng sunod sunod dahil sa endearment na iyon, hindi ko pinangarap na tawagin ako sa ganung paraan dahil nababaduyan ako, pero bakit nung siya na ang tumawag saakin kakaiba ang epekto?

Nang makarating na kami sa isang malaking building na may pangalan talaga ng Cando mabilis lang akong sumunod sakanya. May mga sumalubong sakanya at may mga ipinapaliwanag, may mga papers siyang binabasa at mukhang importante ang mga yon. Titig na titig lang ako sakanya ngayon dito sa loob ng elevator dahil napaka professional ng dating niya, ang lakas ng hatak niya saakin.

Nang makababa sa 7th floor ang ibang employees, isinara ulit ni Ethan iyon, sa 15th floor pa kami bababa. Tinitigan ko pa rin siya, grabe hindi nakakasawang tignan ang mukha niya.

"Hindi kaya matunaw ako?" Biglang untag niya na nagpabalikwas saakin.

"Hindi kita tinitignan." Pagtanggi ko, ngumisi siya at marahan na isinara ang folder na hawak niya at tumingin saakin.

"Kung ganoon, anong tawag sa ginagawa mo?" Nakangisi pero masungit na tanong niya, hindi ako nakasagot.

"Pinagnanasaan mo ba ako Claire?" Sht, halos mamilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Isang mahinang paghalakhak lang ang ginawa niya at umiling iling, sasagot na sana ako sakanya pero bigla nang tumunog ang elevator.

Sumunod lang ako sakanya, pumasok kami sa isang malaking opisina at halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang nakaukit na pangalan niya doon sa table.

"N-nagtatrabaho ka na?!" Hiyaw ko sakanya, pero hindi niya ako pinansin.

Inilibot ko ang panangin ko sa buong opisina niya, may mahabang couch doon at may single couch din, sa gitna non ang isang table na maliit. May book shelves siya at masasabi kong it's all about the business.

Umupo ako sa kaharap ng table niya at parang may binabasa siya doon sa laptop niya.

"Sht!" Sigaw niya na nagpagulat saakin, doon ko nakita ang isang napakagandang ngiti sa labi niya, totoong totoo iyon at masasabi kong sobrang saya niya. Mabilis niyang ikinonnect ang printer doon sa laptop niya at pinirint iyon.

Tumayo siya at mabilis na lumabas ng opisina niya, hindi niya isinara ang pintuan kaya naman nakita kong doon siya pumasok sa katapat na opisina niya.

"I'm so proud of you son!" Narinig kong may boses ng isang lalaki, excited na excited ang boses ni Ethan sa pagbalita.

Napatayo ako nang pumasok sa opisina niya ang lalaking may pagkakahawig sakanya, ito siguro ang Daddy niya. Napatingin ito saakin at nginitian ako.

"H-hi po." Nahihiyang bati ko.

"And who is she?" Nakangiting tanong niya kay Ethan, napatingin naman siya saakin at para bang bigla niyang naalala na kasama niya ako.

"Ah, her name is Claire Lataza, Dad." Pagpapakilala saakin ni Ethan.

"Your girlfriend?" Nakangiting tanong ng Daddy niya, "N--" Pero dahil sa kapilyahan ko pinutol ko ang gagawing pagsagot ni Ethan.

"Yes sir!" Ngiting ngiting sagot ko, nakita ko naman na halos pandilatan ako ni Ethan ng mata pero dinilaan ko lang siya.

Tumawa ang Daddy niya, "Welcome to the family hija, I'm your Tito Kyle." Aniya, meet the parents lang ang peg ko ngayon, lumapit ito saakin at niyakap ako.

Sobrang sama ng tingin saakin ngayon ni Ethan habang kumakain kami dito sa Shabu Shabu, niyaya kasi kami ng Daddy niya para daw icelebrate yung napakalaking deal na nai-close ni Ethan, napaka intelligent naman niya kaya mas lalo akong humahanga sakanya.

"Haay, h'wag mo akong titigan ng masama, sige ka makikita ka ng Daddy mo." Patay malisyang sabi ko sakanya atsaka sumubo ulit ako ng pagkain gamit ang chopstick, nasa labas kasi ng restaurant ang Daddy niya dahil may nakasalubong itong kakilalang businessman.

"Girlfriend? Are you fcking kidding me Claire?" Kunot noong sabi niya, ngumiti ako sakanya at nilagyan ko ng hipon yung cup of rice niya.

"Oo, bakit? Hihingi hingi ka ng pabor saakin tapos ayaw mo ng may kapalit." Matapang na sabi ko sakanya.

"Date lang ang hiningi mong kapalit Claire." Gosh, ang sarap talagang marinig mula sa bibig niya na tinatawag niya ako sa pangalan ko.

"Ganun na rin yon noh? Hoy, pasalamat ka nga nakipag boyfriend ako sayo. Ang dami kayang naghahabol saakin." Bulyaw ko sakanya.

Ngumisi siya na parang asar na asar saakin, "Ang tanong, nagkaboyfriend ka na ba Claire? Do you even know the meaning of a real relationship?" Naiinis na tanong niya saakin, napaubo ako ng sunod sunod kaya naman uminom ako ng ice tea.

Ang totoo niyan, hindi pa ako nagkakaboyfriend. Siguro mga ka m.u lang, pero simula kasi ng mabaliw ako sa lalaking kaharap ko ngayon, idineklara ko na, na siya ang mapapang asawa ko.

"Oo! Marami na akong naging boyfriend noh!" Pagsisinungaling ko, ngumisi ulit siya, sht nakakalaglag panty yung ngisi niya.

"Really? Ilan?"

"Basta madami!" Sigaw ko sakanya.

"You're kidding. You don't even know how to make love." Titig na titig na sabi niya saakin na nagpabilog sa dalawang mata ko.

"Ni hindi ka marunong humalik." Dagdag niya.

"Hoy! Ang kapal ng--"

"Answer me Claire, naranasan mo na bang makipag make love?" Diretsong tanong niya na nagpaawang sa bibig ko, umakto pa siyang lalapit ang mukha saakin pero mabilis akong nakalayo.

"O...oo! Make love lang pala eh! Natry ko na kaya yan!" Sigaw ko sakanya, tumingin siya sa paligid at napangiti siya dahil halos lahat ng kumakain ay nakatingin saaming dalawa, halos mamula at mag init ang mukha ko sa kahihiyan.

"Alright, ibang iba kasi ang itsura mo nung unang beses kitang nakita sa bar. You are 18 years old back then, manang ka pa. Pero ngayon, ang laki na ng ipinagbago mo." Nakangising sabi niya.

"Siguro nga nakipag make love ka na." Dagdag pa niya ng hindi inaalis ang tingin saakin, magsasalita pa sana ako pero biglang dumating ang Daddy niya kaya naman natigilan ako.

Hindi ako makapaniwala, si Ethan ang una kong pinapahiya kanina, pero nabaliktad ang lahat, ako ngayon ang napapahiya. Nginitian niya ako at pinagtaasan niya ako ng kilay, bwisit na ngiti yan nanginginig ang kalamnan ko.

Nagpaalam saamin ang Daddy niya dahil may meeting pa daw ito kaya kaming dalawa nalang ang naiwan dito sa Shabu Shabu Restaurant.

Siya na ngayon ang maganang kumakain, at ako naman ngayon ang tulala.

"Come on, kumain ka pa. Para may lakas ka mamaya kapag nag make love tayo." Panunukso niya saakin, binato ko siya ng tissue.

"What?" Ngumingising aniya.

"Make labin mo yung mukha mo, gagapang ka muna ng sobrang layo bago mo maangkin ang katawan ko." Naiinis na suway ko sakanya na nagpangisi sakanya ng wagas.

"No, girlfriend kita diba? Boyfriend mo ako, ikaw nga ang nagconfirm kay Dad hindi ba? Panindigan mo, tandaan mo kapag nag g-girlfriend ako sinisigurado kong may mangyayari saamin, hindi pwedeng wala." Mapang asar na sabi niya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako namamawis ang dalawang kamay ko.

Pagkatapos niyang kumain naglapag siya ng pera doon sa table at tumayo na siya, lumapit siya saakin at marahan niya akong hinila patayo, napasinghap ako nang pumulupot ang braso niya sa baywang ko at humaplos ang kamay niya sa puson ko, nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa init ng palad niya.

"Let's make a night to remember baby.." Bulong niya sa tainga ko na nagpahugot saakin ng sobrang lalim na paghinga.

Sunod sunod na paglunok ang ginagawa ko ngayon dahil sa sobrang kaba, nandito na kami ngayon sa elevator ng isang tower ng condo na sa tingin ko ay pagmamay ari din nila dahil may mga tumawag sakanya para magbigay nanaman ng mga paper works. Sa pinakataas nanaman kami bumaba, hanggang ngayon hindi pa din niya inaalis ang paghapit niya sa baywang ko at nang bumukas ang elevator nagpatianod ako sakanya palabas at isang insert lang niya ng key card sa pintuan ay bumukas na ito, mabilis kaming nakapasok sa loob at halos mapasinghap ako nang isara niya ang pintuan at isinandal niya ako sa likod nito.

Hinawakan niya ang batok ko at napapikit ako nang halikan niya ako ng sobrang bagal, nakakabaliw, nakakabaliw yung rhythm ng labi niya sa labi ko, mabagal pero nakakapanindig balahibo, bumaba ang mainit niyang palad mula sa batok ko patungo sa likod ko. Sa hindi ko malamang dahilan sinundan ko ang pag galaw ng labi niya, nakakalasing, para nanaman akong lumilipad sa ere at nanghihina nanaman ang tuhod ko.

Kasabay ng pag galaw ng mainit niyang labi ang pag galaw ng katawan niya sa harapan ko, pero huminto rin siya kaagad at napaawang ang bibig ko nang parang bigla akong narinig na tumutunog na cellphone, ganoon kalakas ang epekto saakin ng halik ni Ethan? Nabingi ako ng ilang segundo dahil sa halik niya?

"Hello?" Kunot noong sagot ni Ethan doon sa tumatawag sa cellphone niya, mariin niya akong tinitigan sa mata ko bago niya ako tinalikuran.

Kitang kita ko ang pag galaw ng muscle niya sa likod dahil sa paghugot niya ng malalim na paghinga. "Alright, papunta na ako." Narinig kong sagot niya bago niya tuluyang pinatay ang cellphone.

Muli niya akong hinarap at hindi ko nanaman kinaya ang malalim na pagtitig niya saakin at halos mapaawang ang bibig ko nang sabihin niyang....

"Dito ka matulog, may pupuntahan lang ako."

****

Continue Reading

You'll Also Like

670K 23.6K 33
Grim Reaper Series #1 (Story Completed) Si Van Kyle Chua ay isang lalaking "happy-go-lucky" at kung magpalit ng girlfriend ay parang nagpapalit laman...
10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
12M 167K 57
Published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P199.00 Kaya mo pa bang magmahal kung sobra sobra kang sinaktan ng unang taong pinakamamahal...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...