Relationship Status: It's For...

By chamchamwatty

1.1M 12.8K 3.5K

I just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KU... More

I love you, Kuya?
Chapter 1- My Kuya
Chapter 2- Monggy's Revenge >.<
Chapter 3- He really did?? >///<
Chapter 4- Chenelyn Eklavu+Keme=Monggay
Chapter 5- Coffee Crumble
Chapter 6-The Dream
Chapter 7-The Gift
Chapter 8- He is Sick, I'm Jealous!
Chapter 9- First LQ?
Chapter 10-My new found friend
Chapter 11-Nicolai and Kevin
Chapter 12- Our Night
Chapter 13- She's a bitch!
Chapter 14- 2 months.
Chapter 16-Possibility
Chapter 17- Me, Him and THEM
Chapter 18- Lost Angel
Chapter 19- Moving On
Chapter 20-Engagement Party?
Chapter 21-New Beginning
Chapter 22-Under the Tree
Chapter 23- Monthsary
Chapter 24- Truth
Chapter 24.5
Chapter 25- He's not my brother.
Chapter 26- Breathless :">
Chapter 27- Addicted
Chapter 28-Andrei VS Martin (part 1)
Chapter 29-I love him, too
Chapter 30- Changes
Chapter 31- It's a YES
Chapter 32- Our Baby and my UNlucky day >.<
Chapter 33- I'm her Fiancé (part 1)
Chapter 34-I'm her Fiancé (Part 2); The Monggy is back!
Chapter 35-Save the date
Chapter 36-Flashback
Chapter 37-The Accident
Chapter 38-Wide Awake
Chapter 39- Wedding Day.
Chapter 40- Fake Fiancé
Chapter 41-Dream and ... hurt again
Chapter 42- The guy who can't be moved
Chapter 43-Love is sweeter the second time around
Chapter 44-The Other Woman-Sheena Raphaela.
Chapter 45-Secret to Tell
Chapter 46-The EX and Secret Lovers
Chapter 47- Leave
Chapter 48-In sickness and in health?
Chapter 49-On This Day
Epilogue- Farewell.
HEP HEP HOORAY!

Chapter 15-He's Back. Signs. Past

23.3K 259 76
By chamchamwatty

Clarence’s POV

 

“Sige po Aling Stella, una na po kami, salamat talaga sa pagpapatuloy niyo”-ako.

“Walang anuman yun iha, basta pag gusto mong mamasyal dito wag kang mahihiya ha? Mag-ingat kayo” sa huling pagkakataon, niyakap niya ako.

Ang sarap sa pakiramdam ng hug niya.

“Makakaasa ka po. Sige po.” Binalingan ko ng tingin tong isang to “tara na huy” pero para siyang sinasapian dahil ang sama niyang tumingin kay Kuya Anjo.

Ewan ko ba diyan pero ang init ng dugo niya kay Kuya Anjo, tipong nag-uusap kami bigla siyang sisingit. O di kaya naman nilalayo niya ako.

Kala ko nga magsusuntukan sila kagabi kasi sabi ni Kuya Anjo dun na daw ako matulog sa kwarto niya. Eh itong isa naman iba din mag-isip! Hindi niya kasi pinatapos magsalita eh ang ibig sabihin pala ni Kuya eh kami ni Aling Stella ang matulog dun kasi mas malaki daw yung kwarto niya.

“Tara na nga” bigla na naman niya akong hinila!!

“Bye po!! Salamat po ulit!” sigaw ko habang kumakaway sa kanila.

KUNG HINDI LANG TOPAK TONG SI MONGGY MAMAYA PA AKO UUWI EH!!

Malayo pa pala yung lalakarin namin. Tsk! Tapos topak pa kasama mo, ay grabe lang ang buhay =___=

“Gusto mo ba siya?!!”-Monggy,

“Ha? Sino?” kahit alam ko yung tinutukoy niya.

“Si Unggoy”

“Maka Unggoy naman to, hindi noh!!” kung pwede lang tong batukan ginawa ko na eh

“Mabuti naman”

“Naku~~ Selos ka lang eh!!” tumigil siya sa paglalakad saka humarap sa akin. Nauuna kasi siyang maglakad.

Alam mo naman pala eh. “ sabay talikod ulit.

Seriously,

Natatanga na ako minsan sa pinagsasasabi ng taong to.

Di ko alam kung seryoso ba siya o ano eh.

>.<

“Magpapabuhat ka pa ba ha?” A-ANO DAW?!

“Tse! Eto na!!” inirapan niya ako bigla. Hay sa wakas! After 1 year nakarating na din kami sa sasakyan niya.

“Nagpasalamat ka ba kay Kuya Anjo?” at bigla na namang may bumalot na maitim na aura sa katawan niya.

“Why would I?”-Monggy

“Anong why would I? eh siya kaya gumawa ng paraan para makargahan tong sasakyan mo!”

“Psh, dapat lang na gawin niya yun, sa kanila tayo nakituloy eh and pwede ba STOP SAYING HIS NAME?!” inirapan ko na lang siya.

Ang sama talaga ng ugali ng lalaking to. May sanib talaga eh, bigla ko na namang naalala si Aling Stella, lalo na yung kinwento niya about kay Seline, yung anak niya ..

Flashback

 

Habang pinapakita niya sa akin yung mga gamit na para sana kay Seline eh patuloy lang siya sa pagsasalita.

“Sa mismong araw na pinanganak ko si Seline, dun siya sapilitang kinuha sa amin. Hindi ko magawang makalaban dahil sa mahina pa ako noon”-Aling Stella.

“Eh si Kuya Anjo po? Or yung asawa niyo bakit wala silang ginawa?”

“Si Anjo masyado pang bata nun, tanging nagawa na lang niya ay ang umiyak at ang mister ko naman ..” napayuko siya bigla.

“Aling Stella” lumapit ako sa kaniya saka siya hinimas sa likod.

“Matagal na niya kaming iniwan” lalong lumakas ang pag-iyak niya.

“Sorry po” aish! Ang daldal mo kasi Clarence eh!!

“Wala na akong balita sa kaniya, maging kay Seline wala din.”-Aling Stella.

“Kilala niyo po ba kung sino yung mga kumuha kay Seline?”

“Hindi. Pero sa mukha oo.” –Aling Stella.

“Wag po kayong mag-alala, kung may maitutulong po ako gagawin ko para mahanap ang anak niyo” tumingin siya sa mga mata ko.

“Salamat anak.”

End of Flashback

 

Alam ko ang imposible naman masyado diba, pero nung nakita kong umiyak si Aling Stella gusto ko talaga siyang tulungan.

“Monggy, nakakaawa si Aling Stella noh?”-ako.

“Somehow” napatingin ako sa kaniya bigla.

“Anong somehow?” adik talaga neto,hindi ko dapat to kinakausap eh.

“Hindi lang naman si Aling Stella ang nakakawa dito, pati na din yung anak niya.”-Monggy.

“Pero mas masakit yun sa part ng magulang na mahiwalay sa kaniya yung anak niya”-ako.

“Hindi lahat ng magulang ganun”-Monggy.

“Ano bang problema mo? So ibig mong sabihin na may ibang magulang na walang pakielam sa anak nila?”-ako.

“Oo.” Diretso niyang sagot.

“Hindi sa lahat ng pagkakataon, magulang ang laging nasasaktan, paano yung anak na nahiwalay sa kanila? Ano yun sila manhid para hindi makaramdam ng sakit? Tandaan mo, pareho lang silang nawalan.” Again, napatanga na naman ako sa sinabi niya.

Bakit ganito tong si Monggy pag napag-uusapan eh about sa family?

Kung hindi bitter, galit tapos parang may pinaghuhugutan.

Hindi kaya ..

“Wala ka na bang pamilya?” bigla niyang napreno yung sasakyan.

Hinanda ko na yung tenga ko sa sigaw niya

O di kaya isang malutong na pitik sa ilong

Pero  ..

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

“Oo. At alam ko kung anong pakiramdam ng maiwang mag-isa”

 

“A-ahm “ shocks!! Hindi ko inaasahan na ganun yung isasagot niya!! Kaya pala ganun siya kay Julian sa ampunan. Yung feeling na ayaw niyang masaktan yung bata kahit umasa siya ..

 

“Huwag mo kong kaawaan dahil hindi ko yan kelangan” pinaandar na niya ulit yung sasakyan.

Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya >.< Kasi naman … wah! Ang hirap talagang isipin, ang dami kong gustong itanong sa kaniya eh kaso nahihiya ako. Baka mamaya lalo siyang magalit sa akin.

Kanino kaya siya tumuloy? Paano siya nakasurvive sa loob ng maraming tao-

Teka. .

Eh diba pinsan niya si Ellaine?

So ..

Hindi totoo yun?!!

Malamang Clarence!!

Tumingin ako kay Monggy na seryosong nagdadrive. WAAAAAH!! Katakot. Eh kasi naman bakit pa ako nakipagtalo sa kaniya >.< tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan saka sinandal yung ulo ko.

Haaaaaaay, kamusta na kaya si Mahal? Gusto ko na siyang makita. Pinikit ko na yung mga mata ko, sana talaga makita ko na siya

**

“Mahal” waaaaaaaaah!! Ang boses na yun!

“Mahal, gising na” shet! Ayokong dumilat!!! Ang gandang panaginip naman neto oh, grabe!!

“Asar ka, sandali lang ako nawala may umaaligid na sayo. Dapat na ba akong kabahan?” WAAAAH!! NAGSESELOS SIYA SA PANAGINIP KO!

Maya maya naramdaman kong may yumakap sa akin. Astig na panaginip talaga to!! Hindi na ako gigising!!

“Sa wakas, nayakap na din kita” tapos lalong humigpit yung yakap niya. Dahil sa nakatalikod eh humarap na ako sa kaniya, siyempre nakapikit pa din ako. Alam na!

“Sana hindi na ako magising kung ganito lang din panaginip ko. Haaay” niyakap ko na din siya. Kelan pa ako nagkaroon ng unan na hugis tao?!

“Mas maganda kung gigising ka para malaman mong totoo ako” ano daw?!!

Dahan dahan kong dinilat yung mga mata ko, para suspense

O____________________________________________O

“Ku-kuya!” SHOCKS!!! SHOCKS!!!

“Panaginip pala ha?” then binigyan niya ako ng isang smack sa lips!!!

“So … to-totoo nga?!”-ako.

“Oo nga” tapos kiniss niya ulit ako..

“Baka nananaginip lang ako @_@” this time tumawa siya ng malakas.

“Hahahahahahahaha!! Ikaw ha, abuso ka na. pero sige, dahil mahal kita ikikiss pa ulit kita” hinawakan niya muna ako sa mukha saka unti unting nilapit yung mukha sa akin until I felt his lips touching mine.

Napapikit na lang ako sa sobrang saya.

God, sobra ko siyang namiss ..

Umibabaw siya sa akin habang hinahalikan ako. Slow and careful.

“Namiss kita” he said while looking straight to my eyes.

“Namiss daw eh ang tagal mo ngang hindi tumawag or nagtext! Ganun ba yung namiss ha?!”

“Sorry, sobrang busy lang kasi ako eh.” Saka ko lang nakita yung balbas at bigote na tumutubo na sa mukha niya.

“Grabe, kala ko ba inaalagaan ka ng BRUHANG yun eh bakit mukhang pumayat ka? Naku makakatikim talaga sa akin yung babaeng yun!!!” tatayo na sana ako sa kama ng lalo siyang dumagan sa akin!

“Bumukod ako ng bahay sa kaniya. Ayoko siyang makasama sa iisang bahay, buti sana kung ikaw yun” edi ako na! ako na kinikilig!!

“Teka nga .. paano pala ako napunta dito eh-“

“Kinarga ka ni Martin.”  Biglang sumeryoso yung mukha niya.

Oo nga pala, nakatulog na ako sa byahe, eh malay ko bang bubuhatin niya ako?! Sana man lang diba ginising niya ako diba? AT HINDI KO INAASAHAN NA ANDITO NA ANG MAHAL KO!!

“Alam mo ba, dapat susundan na kita sa America. As in”-ako.

“Eh bakit kasi ang tagal mong sumunod dun? Kala mo ba a week after andun ka na eh lumipas yung isang buwan wala ka pa din”-Kuya.

“Eh kasi .. aray, alis ka muna ang bigat mo” ewan ko ba pero feeling ko pagod na pagod ako. Kung sa bagay malayo din kasi yung napuntahan namin -__-.

“Naligo ka na ba?” inamoy niya yung sarili niya.

“Oo naman! Kala mo saken?” inamoy niya ulit yung sarili niya.

“Ang baho mo kaya, grabe.” Nagtakip ako ng ilong. Iba amoy niya eh. Iba talaga.

“Ah! Ibang pabango kasi ginamit ko. Mabaho ba? Hindi kaya”

“Ayaw ko niyan, ang baho eh. Waaaah!! Nagutom ako bigla. Ipagluto mo naman ako oh? Please?? *O*”

“Dapat ako pinagluluto mo eh. Tsk. Tara na nga” sabay kaming pumunta sa kusina.

Pinagmamasdan ko siya habang nagluluto.

Perfect.

Just by looking at him naiinlove ako ng bongga. Iba siya pag nakasuot ng apron. Ibang iba.

“Matagal pa ba yan?” nagrereklamo na mga alaga ko sa tyan eh!!

“Sandali na lang po. Malapit na” sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.

“Nga pala, asan si Daddy?” pansin ko lang kasi parang hindi niya kasama si Daddy?

“Luto na” hinain na niya sa lamesa yung niluto niya. WAAAAAH!!! ANG SARAP!

“Ang sarap naman!!!” sunod sunod yung subo ko. Waah!!

“Ang OA mo ha eh pancit canton lang naman yan” tinignan ko siya ng masama,

“Masarap to kasi luto mo! Oh kilig ka na naman.” Saka ko tinuloy yung pagkain ko, may magic spell atang nilagay dito si Mahal eh!!

“Pasaway, dun lang muna ako sa sala. Okay?” tapos tumayo na siya saka umalis ng kusina.

Grabe! Busog na ako eh. Wew! Kaso parang gusto ko pa? paluto ulit kaya ako sa kaniya? Bwahaha!!

Tumayo na ako saka naglakad papunta sa sala. Nakita ko siyang nakaupo habang nanunuod ng  t.v.

“Mahal, luto mo ulit ako ng cantooooon~” tumabi ako sa kaniya sa sofa.

“Ha? Eh 3 na yung niluto ko hindi ka pa din busog?” amp! tatlo ba yun? Parang isa lang eh.

“Hindi eh, sige na please? Please? Please??? Luto ka na ulit” huminga siya ng malalim. Bwahahaha!! Ipagluluto ako niyan, promise!

“Sa labas na lang tayo kain gusto mo?”

“WAAAAAAAAH!! Sige! Uhm, gusto ko sa buffet tayo ha?” grabe naeexcite ako!! Makakakain ako ng maraming marami! Yebah!!

“Ang takaw mo?! Teka nga” tumayo siya saka ako hinila patayo. Ay kung makatingin lang parang imbestigador? Kulang na lang magnifying glass!!

“Oh anong problema mo?” hindi siya nagsasalita! Nakatingin lang siya sa katawan ko. >.<

“Wala, magbihis ka na. magbibihis na din ako” tapos umakyat na siya.

Anyare dun? Ano bang mali sa katawan ko?!!

Tsk tsk >.<

Siguro naninibago siya sa akin? I mean, diba iba ang built ng katawan ng mga girls sa US compare to Asian? Naku ha!! Baka naliliitan na siya sa akin!! Kung sa bagay maliit naman talaga ako >.<

Dahil sa feeling ko ang dugyot dugyot ko eh naligo ulit ako at nagbihis ng bonggang damit. Echos!

“Ano kaya dito?” hindi ako makapagdecide kung anong susuotin ko? Kung jeans and shirt or tong floral dress??

Hay! Eto na nga lang dress.

Pumunta ulit ako sa banyo para magbihis.

O___________________O

Bakit ang sikip neto??? Amp!! last year ko lang to binili tapos maluwag pa to saken!

Tumataba ba ako?!

\\(^_^)//

MAGDIWANG!!

Dapat ko tong sabihin kay Mahal!! Bwahahaha!! Lagi niya kasi akong inaasar nung bata kami na payatot daw ako! Saranggola daw T_____________________T.

Lumabas na ako ng kwarto saka umakyat sa kwarto niya. Nasa attic kasi eh.

“May sasabihin ako sayooooo!”

EH???

Tulog?!!!

Ampness!!

“Huy!” tumabi ako sa kaniya sa kama, tamo tong taong to. Nagsabing aalis kami tapos matutulog lang?!!

“Huy gising!!” inaalog ko na siya, waaaaah!!

“Hmmmm” tapos dumapa siya.

“Gumising ka nga diyan! bakit ka ba natulog eh sabi mo aalis tayo?!!”

“Pwede maya ng konti? Inaantok ako eh. Please?” tapos nagtakip siya ng unan!!

“Ngayon naaaaaaaa. Nakabihis na ako eh, dali na bangon ka na diyan. nagugutom pa din ako eh. Sige naaaaaa” para akong nangangabayo ,hinihila ko yung likod ng tshirt niya.

“Oo na . oo na. tsk” tapos tumayo na siya sa kama.

I WON!!

“Dalian mo ha? Hintayin kita sa baba” lumabas na ako ng kwarto niya at nagpunta sa Sala. Sana lang bilisan niya diba nagugutom na ako eh.

Andrei’s POV

 

“Ayoko na” pagrereklamo niya sa akin,.

“Oh? Kala ko ba nagugutom ka pa? nakakailang subo ka pa lang ha?!” lalong nalukot yung mukha niya.

“Eh ayoko na nga eh, anong gagawin ko pipilitin kong ubusin yan?”

Bakit ang sungit neto? Galit kaya to saken?

“Gusto mo ba ng ibang pagkain?”

“A.yo.ko. alis na nga tayo dito. Ang baho eh” nauna na siyang tumayo kesa sa akin.

Mabaho? Paano mangyayari yun eh centralized yung aircon and to think na high class restaurant to.

Wala namang naninigarilyo dito or kung ano …

Teka nga, may iba talaga sa kaniya eh.

Aish!! Ano ka ba Andrei!! Wag ka ngang mag-isip ng kung ano!!

Tumayo na ako at sinundan ko siya sa labas. Baka mamaya kung saan pumunta yun eh.

“Wah ang cute mo naman. Hihihi” nakita ko siyang may buhat buhat na bata.

“Naku, pasensya na sa abala miss ha?” tapos kinuha na ng babae yung baby, I think siya yung mommy??

“Ok lang po ^___________^. Bye baby Pampam” kaway niya habang papalayo ang mag-ina.

“Lapad ng ngiti mo ha?” tumingin siya sa akin.

“Ang cute nung bata diba? For sure pag laki niyan eh maganda yan katulad ko!”

“I’m sure of that. Tara na?” She nodded as her answer.

Kwento lang siya ng kwento about kay baby Pampam, kesyo tumatawa daw yun pag kinukulit niya, ang cute daw ganito ganiyan.

Buti na lang nabago mood niya, kanina kasi ang sungit eh.

“Oh bakit?” bigla kasi siyang huminto sa paglalakad.

“May bruha” tumingin ako sa tinitignan niya,

Si Ellaine?

Paanong –

“Hi Andrei, Hi Clarence” kasama niya si Martin.

Akala ko hindi pa siya uuwi?

Clarence’s POV

 

ANONG GINAGAWA NG BRUHANG TO DITO!?!

“Andito din pala kayo”-Ate Ellaine.

“Oo. Obvious naman diba?” simula nung araw na yun, hindi ko na alam ang salitang ‘respeto’ pag siya ang kaharap ko.

“Clarence” then she held my hand “I’m sorry kung nagkaroon tayo ng misunderstanding before ha? I’m really sorry”-Ate Ellaine.

Eeeeeeeew!! Ang  bruha halatang plastic!!

“Totoo ba yan?”  mean ba? Medyo lang naman.

“Of course, I’m really sorry” then she hugged me!! Waaaaaaah!! Germs!!

“You don’t need to hug me” tinulak ko siya ng pagkalakas lakas! Chos! Medyo lang naman.

Dun ko napansin na masama ang tingin sa akin ni Monggy ..

Goosebumps!!

“You don’t need to push her”-Monggy.

“Coz she hugged me. Nagulat lang ako” depensa ko. Pero joke lang yung nagulat ako siyempre.

“Then why you didn’t push me when I hugged you?!”-Monggy

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

Maging si Bruhang Ellaine nagulat.

What more sa katabi ko?!

“Wha-what?!”- Kuya.

“I don’t have to repeat, I know you heard it”-Monggy.

Oh-oh!! I can feel the heat between them!!

“Niyakap mo si Clarence? Bakit mo ginawa yun?”-Kuya.

“Coz I did something wrong to her. Bakit? Masama bang yakapin ko ang kapatid mo?”-monggy.

Si kuya, mahaba ang pasensya niyan pero pag nasagad. Good luck!!

“Oo masama. Ano to, may gusto ka ba sa kapatid ko ha?” halata na sa boses ni Kuya ang galit.

“Oo. Meron nga.”-Monggy.

“What Martin? Gusto mo talaga si Clarence?!” bruhang Ellaine.

“Enough!” biglang sumigaw si Kuya! Yung mga tao nakatingin sa amin!

“Kuya” kahit natatakot akong hawakan siya ginawa ko pa din. Pero nagulat ako ng tinapik niya yung kamay ko!

“You want Clarence ha?” lumapit siya kay Monggy, te-teka!!

“Oo, huwag mong sabihin na porket kapatid ka niya hindi kita papatulan”-Monggy.

Yung tingin nila sa isa’t isa parang magpapatayan na!!

“Hey Andrei, Martin umayos nga kayong dalawa pinagtitinginan na tayo dito oh” tumingin ako sa paligid. Oh-oh!!

Tama nga ang bruhang to, kahit papano pala may nasasabi pa tong totoo noh?? Shocks!!

Si Monggy na yung unang lumayo kay Kuya. Lumapit siya sa aming dalawa ni bruha.

“Let’s go” nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Monggy!!

“Hey!! Ano ba san mo ba ako dadalhin?!!” nilingon ko si Kuya.

And I saw him running towards us!!

PAK!

“Kuya!!” napatumba si Monggy dahil sa suntok ni Kuya!! Agad bumangon si Monggy at sinuntok din si Kuya!!

“Hey!! Stop!!!” Inawat ni Bruha si Martin and ako naman si Kuya,

“Ano ba kayong dalawa ha! Magpapatayan ba kayo?!” kahit isang suntok lang pumutok yung labi nilang pareho!!

“Pagsabihan mo yang pinsan mo Ellaine!!”-Kuya habang nakaduro kay Monggy.

“Ako pa?! ikaw tong unang nanuntok diyan.”-Monggy.

“Fck you!”-Kuya

O___________________O

Oh oh, I really have to take this guy home.

“Kuya enough, tara na” tapos tumingin ako kay Monggy,. “I’m sorry about what happened. See you tomorrow, pagamot ka na lang ha?” kahit papano siyempre concern pa din ako sa kaniya.

Hinila ko na palabas ng mall si kuya! My God!! Sumakay na kami ng sasakyan niya at sandali lang din eh nakarating na kami sa bahay.

“Dapat sa hospital na tayo pumunta para mapagamot na yang sugat mo”nasa kotse pa din kami. Walang gustong bumaba sa amin.

“Is it true?” then tumingin siya sa akin. “Is true na niyakap ka niya?!” galit niyang tanong.

“Uhm.. ka-kasi may nangyari lang nun-“

“Then tell me!” nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw!

“I thought malulunod na siya so I saved him!” nasagot ko ba yung tanong niya?!!

“So that’s his way of saying thank you?! Ang yakapin ka?!”

“Oo, pwede ba wag ka ngang mag-isip ng ganiyan pwede? Kaibigan lang naman ang tingin ko sa kaniya”

“But sa kaniya na mismo nanggaling na he likes you!!”-Kuya

“I know! He told me that dati pa, pero wala naman saken yun eh. Please wag ka ng magalit, kakauwi mo lang tapos mag-aaway pa tayo”

“Tsk” he held my hand “I’m sorry, natural lang naman na maging ganun yung reaksyon ko diba? Hindi kita nakasama ng 2 months at halos mabaliw na ako kakaisip sayo then malalaman kong niyakap ka niya?! Pinalagpas ko na yung pagbubuhat niya sayo dahil akala ko ayaw niyang maistorbo ang pagtulog mo. Pero mahal, it almost killed me.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko siya.

“Mahal, promise, hinding hindi na yun mauulit.” Naramdaman kong niyakap niya din ako.

“I just love you that much Clarence, halo halo na eh, bilang Kuya at Boyfriend mo” muntik na akong matawa! Oo nga pala, kuya ko pala to. CHOS! Nakalimutan eh noh? XD

“Ang drama na natin, baba na tayo napagod ako sa pag-awat sayo” tinulak niya yung noo ko gamit yung hintuturo niya.

“Payatot ka kasi!” tapos lumabas na siya ng sasakyan! Ano daw?! Ako!? Ako payatot?! Bumaba na din ako ng sasakyan.

“Ang kapal mo! Tumaba na kaya ako! Look oh~” nakita ko siyang may kausap na lalaki,.

“Hahaha! Akalain mo yun after ilang years nagkita tayo” sabi ni Kuya, sino ba yun? Natatakpan niya kasi yung kausap niya.

“Kuya” tawag ko sa kaniya.

This time, humarap siya sa akin dahilan para makita ko yung lalaking kausap niya ..

O____________________________O

“Clarence, I want you to meet Anjo, he’s my friend and Anjo this is Clarence, my sister”

TE-TEKA!!

PAANO SILA NAGKAKILALA?!!

“Clarence, naaalala mo ba yung kinwento ko sayo dati? Siya yun ..

Yung batang naging kaibigan ko sa hospital.”

 

****************************************************************

Chammie’s note

SO AYUN! SALAMAT SA MGA NAGBABASA NETO, SA MGA NAG ComVo (Comment and Vote) PATI SA NAGLAGAY NITO SA READING LIST/ LIBRARY NILA. PATI NA DIN SA NEW FANS! SUPER THANK YOU GUYS. AND I’M VERY SORRY KUNG HINDI KO MAREPLYAN YUNG COMMENT NIYO HA? PERO I MAKE SURE NA NABABASA KO YUN. DAGDAG INSPIRATION KASI YUN EH :”>

AND ABOUT THE LAST 2 CHAPTERS. HAVEY LANG ANG PANLALAIT KAY ELLAINE! HAHAHAH! KUNG NAKAKAMATAY LANG SIGURO YUNG MGA SINABI NIYO MALAMANG GUTAY GUTAY NA SIYA. HAHAHA! AND IT SHOWS NA AFFECTED KAYO, MAGING AKO >.< THANK YOU GUYS!

AND TENEEEEEEEEEEEN, ABOUT SA PAGDATING NI ALING STELLA,  DAMI DING NAGCOMMENT NA BAKA SIYA ANG TUNAY NI CLARENCE, AMPON BA SI CLARENCE?  GANIYAN. PERO ETO LANG MASASABI KO. MADAMI PANG MANGYAYARI AND NAG-UMPISA NA YUNG TWIST NG STORY NA TO,

MADAMI PANG MANGYAYARI, I’M PLANNING TO MAKE THIS SHORT. HEHE. MGA 30-40 PARTS? EWAN KO LANG. >.<

AT ANONG SABI NG NOTE KO? NOBELA LANG? HAHAHA! PERO AYUN NGA, SANA SUPPORT NIYO PA DIN, AND FEEL FREE TO COMMENT. WALANG BAYAD GUYS! ^_^

 PS: PICTURE NI KUYA ANJO SA SIDE! ^_^

THANK YOU ULIT!! I LOVE YOU ALL!!

#Babe.

Continue Reading