Endless Love (COMPLETED)

Blythe_Baby द्वारा

38.2K 545 8

This is a work of fiction. A Fan Fiction of Ricci Rivero and everything on this story are solely based on my... अधिक

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Epilogue
Author's Note:

Chapter 44

456 6 0
Blythe_Baby द्वारा

*Ricci POV*

*FIVE YEARS LATER*

"Son kailan ka ba uuwi sa bahay natin? Namimiss ka na ng mga kapatid mo, namimiss ka na din namin ng daddy mo."

"Mom isang buwan pa lang akong hindi nakakauwi sa bahay natin kung makapagsalita ka akala mo ilang taon akong hindi umuwi." Nakangiting sabi ko kay mommy.

"Basta matagal na din mula ng huling beses kang umuwi dito. Sige na anak umuwi ka naman dito sa bahay. Hindi ko na nakikita ang sahia ko." Bakas ang kalungkutan sa boses ni mommy.

"Sige mom susubukan kung umuwi diyan, pero hindi ngayon. Kakatapos lang din kasi ng game namin kahapon, tapos sabi ni coach yeng mamayang gabi na daw ang celebration. Tapos dadalawin ko pa yung mga branch ng bar at restau ngayong umaga tapos yung gym pupuntahan ko pa."

"Okay son, basta promise mo this week makakauwi ka na sa bahay. By the way congrats sahia dahil napanalo niyo ang pilipinas. Grabe hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kasali ka na sa gilas pilipinas. You are right son kailangan mo din puntahan ang mga business mo, hindi yung puro basketball ka na lang." nangiti ako sa sinabi ni mommy.

"Okay mom uuwi ako within this week, promise. Syempre mom dapat champion ang pilipinas, sa dami ba naman ng mga magagaling na players ng bansa natin ngayon. You know mom na pangarap ko ang makapaglaro to represent our country. Ball is life mom, but business provides money and money runs everything." Nakangising sabi ko.

"Asus sige na sahia alam ko magyayabang ka nanaman na ikaw ang pinaka magaling sa lahat ng players. Congrats son I'm so proud of you sahia! Ball is life but money is lifer!" Tumawa pa siya sa kabilang linya.

"Thank you mom, sige na papatayin ko na to medyo marami akong pupuntahan ngayon mom. Mag iingat kayo diyan, I love you and I miss you mom. Pakisabi kay dad at sa lahat ng mga bro's ko diyan na mahal na mahal ko sila at namimiss ko na sila."

"I love you more son, we love you and we missed you so much. Mag iingat ka palagi sahia, always smile son. Sige na alam ko busy ka ngayon."

"Bye mom, I love you." After that pinatay ko na din yung tawag niya.

Time fly so fast! Grabe limang taon na din pala ang nakalipas, parang kailan lang. Sobrang dami na din ng nangyari sa buhay ko sa loob ng limang taon.

Natupad na nga ang pangarap kong makapaglaro sa gilas pilipinas. Sobrang bless ko dahil nabigyan ako ng chance para maging part ng line up. Kahapon yung championship game namin tapos ang kalaban namin is Iran. Hindi din ganun ka dali na manalo sa game kahapon dahil magagaling din naman ang kalaban namin. Pero gaya nga ng sabi ni coach yeng kahapon, deserve namin ang panalo namin kahapon dahil lahat naman kami binigay namin ang best namin at sobrang dami na din naming sinakripisiyo para sa team. Yes pilipinas po ang nag champion and hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kami ang nanalo kahapon. Ang maging part ng line up ay sobrang bless na ako non at ang maging champion ang pilipinas isang malaking karangalan na para saming lahat yun.

Hindi lang din naman puro basketball ang nangyari sakin. Dahil after ko makapagtapos I decided to put up a business and sobrang ganda naman ng kinalabasan ng decision kong iyon. Dahil ngayon meron na akong tatlong Restaurants, tatlong branch na din ang bar na meron ako ngayon, tapos tatlo na din ang fitness gym na napatayo ko. Actually may bagong branch ako ng restaurant pang apat ko na to pero hindi pa siya tapos, maybe next month mag bubukas na din yun. Yung pangalan ng restaurant ko is Love's Restaurant tapos yung bar naman is Aki Bar then yung fitness gym is AkiCci Fitness Gym. Yes nasabi na din sakin ng mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan ko na ang corny daw ng mga pangalan ng mga pinatayo kung negosyo. So what ako naman ang mag gagastos kaya ako din ang masusunod. Yan ang pinili ko dahil siya ang dahilan kung bakit ko pinatayo lahat ng mga yan.

Panibagong limang taon nanaman ang lumipas mag mula ng umalis siya ng walang pasabi. Pero this time alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit siya umalis at nirerespeto ko ang decision niyang iyon. Limang taon ko na siyang hindi nakikita, hindi nakakausap, hindi nahahawakan at hindi nayayakap. Miss na miss ko na siya sobra pa sa sobra. Gusto ko man siyang puntahan hindi ko naman magawa dahil hindi ko naman alam kung nasaan siya. Ayaw sabihin sakin ni Brent at ni Samantha kung na saan sila. Nagkaayos na din kami ni Brent at ni Samantha, nagkikita kami pero minsan na lang dahil sobrang busy ko na din at ganun din silang dalawa.

Gusto ko sana kausapin ang mommy ni Akisha nung nalaman ko ang totoo pero sabi ni Brent mas mabuti na lang daw na wag na muna akong magpakita sa kanya dahil baka ano pang magawa niya sakin. Nasabi din ni Brent na sumama na daw ang mommy ni Akisha sa papa nitong si tito Joaquin pabalik sa states nung umalis si Akisha kasama ang daddy niya. Alam ko na din kung sino si tito Joaquin at kung ano ang totoong relasyon niya sa mommy ni Akisha.

Natupad na ang pangarap ko na makapaglaro sa gilas pilipinas, natupad na din ang pangarap kung magkaroon ng sarili kung negosyo. Isa na lang ang hindi ko natutupad sa mga pangarap ko. Yun ay ang makasama si Akisha Jade hanggang sa huling hininga ko. Ngayon kikilos na ulit ako para matupad ko na din ang pangarap kong iyon.

Sana pag nagkita ulit kami, sana mapatawad niya ako sa lahat ng mga ginawa ko sa kanya noon. Sana mahal niya pa din ako, sana hindi pa huli ang lahat para sa amin.

***

Isang restaurant na lang ang pupuntahan ko at makakapag pahinga na din ako. Nakakapagod din palang pumunta sa lahat ng branch ng mga business mo pag maraming branch ang negosyo mo. Pero isa na lang at matatapos na din naman ako. Yung huling branch na pupuntahan ko is yung dito sa manila.

Time check it's already 4:30, mamayang seven pa naman ang celebration kaya alam ko makakaabot pa din naman ako. Gusto ko pa nga sana na sa bar ko lang kami mag celebrate pero ayaw ni coach, gusto niya daw sa hotel na para pag nalasing ang buong team hindi na uuwi dahil may kinuha naman siyang room.

Sa wakas nandito na din ako, actually gusto ko lang naman makita kong okay ba yung restaurant ngayon at kung madami bang pumupunta dito.

Sa main door na ako pumasok at pag pasok ko napangiti ako ng makita kong maraming taong kumakain dito ngayon. Tama lang ang decision ko na dito mag lagay ng isang branch kasi malapit ito sa isang hotel at mukhang ito lang ang restaurant na maraming tao. Tsaka malapit din kasi ito sa isang mall.

Pumunta muna ako sa kusina para e-check at para makita ang mga chef.

"Good afternoon po sir Ricci." Bati sakin ng isang lalaking waiter.

"Good afternoon din." Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pagpasok ko sa kusina na amaze ako dahil organize na organize talaga ito, alam kasi nilang ayaw ko sa magulo at isa sa mga rules ko ay dapat organisado ang lahat ng mga bagay.

"Good afternoon po sir Ricci." Sabay na bati sakin ng mga chef na nandito.

Ngumiti naman ako sa kanilang lahat. "Good afternoon din sa inyong lahat, sige lang ipagpatuloy niyo lang ang mga ginagawa ninyo."

Nag si tango naman silang lahat sakin at bumalik na sila sa mga ginagawa nila. Nag ikot ikot lang ako sandali sa kusina at maya maya pa lumabas na din ako. Pumunta naman ako sa mini office ng restaurant na to para kausapin ang manager na nilagay ko dito.

Pag pasok ko sa loob nakita kong busy siya sa mga ginagawa niya at mukhang hindi niya ako napansin.

"Aheem." Kunwaring napaubo ako.

Napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin siya sakin.

"Good afternoon po sir, sorry po nandiyan pala kayo hindi ko po kayo nakita." Inayos niya naman yung mga folder na nasa mesa niya.

"Magandang hapon din sayo, hindi okay lang kakapasok ko lang din naman. Mukhang busy ka yata ngayon?" Ngumiti ako sa kanya at lumapit ako.

"Nako sorry talaga sir. Medyo busy nga sir lately kasi mas dumadami ang customers natin." Nakangiting sabi niya.

"Well it's a good news then, so kamusta naman ang takbo ng restaurant?" Umupo ako sa sofa kaharap niya.

"Bago po ang lahat sir tatanungin ko lang po kung kumain na po ba kayo?" Umupo din siya sa isang sofa na kaharap ko ngayon.

"Oo kanina pa, gusto ko man sanang kumain ngayon pero mukhang wala na akong mapaglalagyan pa ng mga pagkain na kakainin ko." Ngumisi ako sa kanya.

"Ganun ba sir mukhang busog na busog nga kayo. By the way sobrang okay naman po yung restau ngayon, especially nung nag open na yung hotel na malapit dito." Nakangiting sabi niya.

"Kanina ko pa napapansin ang pag tawag mo sakin ng sir, diba sabi ko hindi mo naman na kailangang tawagin akong sir. Well mabuti na din kasi maganda ang epekto ng pag open ng hotel na malapit satin." Ngumiti ako tsaka tumayo ako para ikotin ang mini office niya.

"Kasi nahihiya akong hindi kayo tawagin na sir." Tapos yumuko pa siya at napangiti na lang ako.

"Ano ka ba okay lang sakin na kahit Ricci na lang. By the way kamusta na pala sila nanay Shella?"

"Ayos naman po sila sir- I mean Cci." Nahihiya niya pang sabi.

"Well mabuti naman kung ganun, sa tingin mo ba tine kaya pa ni nanay Shella na mag trabaho?" Seryosong tanong ko.

Napatingin naman siya sakin at bumalik ako sa sofa na katabi nito.

"Depende po yata sa trabaho." Sabi nito.

"Papayag ka ba kung kukunin ko siyang mag trabaho? Hindi naman mabibigat ang trabahong gagawin niya." Seryoso siyang napatingin sakin ng sabihin ko yun.

"Anong trabaho po ba yun?" Seryosong tanong niya.

"Yung bahay kasi na pinagawa ko this month matatapos na yun, then habang hindi pa tapos yun hahanapin ko pa yung babaeng makakasama kong titira doon. So pwede bang si nanay Shella na muna ang tatao doon. Tsaka pag nakita ko na yung babaeng mahal ko makakasama na kami ni nanay Shella sa bahay na yun. Tapos magluluto lang naman siya para samin. Ayokong bigyan siya ng mabigat na trabaho baka kasi mapagod agad, alam mo na medyo tumatanda na din." Tapos napangisi pa ako sa kanya.

"Talaga sir- I mean cci? Nako matutuwa si nanay niyan sa gusto mo. Namimiss na din ni nanay si Jade." Masayang sabi nito.

Yes si nanay Shella yung dating yaya ni Akisha, kaya gusto ko kung kukuha man ako ng kasambahay na sasama samin si nanay Shella yun dahil alam ko kilalang kilala niya si Akisha at napalapit na din siya sakin. Anak ni nanay Shella si Cristine kaya nga siya yung kinuha kung manager kasi gusto kong makatulong sa kanila. Nung nag apply dito si Cristine at nalaman kong anak siya ni nanay Shella at nakita ko naman na nakapagtapos siya at may kakayahan naman siyang imanage ng mabuti ang restaurant ko, kaya ayon siya na ang pinili ko.

"Oo, kaya mamaya pag dating mo sa bahay niyo yan agad ang sasabihin mo kay nanay Shella I know matutuwa yun." Nakangiting sabi ko.

"Sige si- Cci sasabihin ko yun sa kanya. Salamat talaga ng malaki, sobrang dami mo ng natulong samin." Tapos niyakap niya ako.

Niyakap ko din siya. "Tulong lang ang binibigay ko sa inyo at wala akong hinihinging kapalit. Sobrang bait ng pamilya niyo at deserve niyo ang lahat ng mga natatanggap niyo ngayon, tsaka isa pa dahil din sa pagsisikap mo kaya kayo nakaangat ngayon."

Then kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Naramdaman ko naman na nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko naman ito sa pantalon ko.

From: Paul

Bro Angel's Hotel daw yung venue ng celebration natin sabi ni coach Yeng😍. Balita ko maganda daw doon tsaka bigatin daw ang mga guest nila doon😎. Sige bro kitakits na lang mamaya, ingat ang daan sayo haha😝😂!

Napangiti naman ako sa text ni Paul, hilig talaga nito sa mga emoji. Teka Angel's Hotel? Wow sadyang pinagpala talaga ako, mukhang hindi ko na kailangan na umuwi ngayon. Yung Angel's Hotel kasi yun yung hotel na malapit dito sa restaurant namin.

"Sige na tine aalis na ako may pupuntahan pa kasi ako." Ngumiti ako sa kanya.

Ngumiti din siya sakin at tumango. "Sige Cci mag ingat ka sa daan, tsaka sana makita mo na si Jade."

Ngumiti na lang ako at lumabas na ako. May mga damit naman ako sa kotse kaya doon na lang ako mag bibihis sa hotel mamaya. Tsaka may room naman na kinuha si coach kaya doon na lang ako may aayos.

"Oo na nandito na ako ibibili na nga po kita madam... Oo na alam na alam ko na ang oorderin ko madam... Sige na baka hindi mo pa ako papasukin diyan... Always welcome madam"

Napalingon ako sa boses na yun at tama nga ang hinala ko.

"Juan?"

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
83.7K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
174K 2.5K 102
A Joe Gomez de Liaño Fan Fiction. [completed]
89.9K 1.9K 42
UAAP FF 2 Kamila Raye is quite literally a ray of sunshine for the people around her. Everywhere she goes is a happy place. It's safe to say that she...