✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

SEPTEMDECIM

4.7K 289 27
By NoxVociferans

Sa emperyong nakakubli sa mata ng mga mortal, umalingawngaw ang galit na sigaw ni Hades na naging sanhi para magsitakbuhan papalayo ang mga alipin. In the depths of hell, Hades cursed under his breath and stared out the window. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at nagliyab ang asul na apoy ng mga sulong nakapalibot sa kastilyo. The ground shook under his feet and if one could look closely, makikita na nila ang lawa ng apoy sa ilalim nito.

"I'll kill that reckless prince and make his head an ornament! Tingnan na lang natin kung maiisahan niya pa ako!"

Sa kanyang tabi, umirap si Persephone na halatang nababagot na sa galit ng asawa. The queen's eyes glimmered different shades from pale gray to obsidian black. "You can just summon another monster to guard your empire. Hindi kawalan ang asong iyon."

Isang masamang tingin ang ipinukol ni Hades sa babae. "Hindi ito usapin ng kung ano ang kaya nating palitan. That little brat stole my pet from under my nose! Ang lakas ng loob niya para lapastanganin ang hari ng impyerno!"

She frowned, "I wouldn't say that if I were you. Tandaan mong si Lucifer pa rin ang may-ari ng lahat ng ito. You are just his mere representative, my king."

Pagkarinig sa pangalan ng kanyang amo, agad na nanahimik panandalian si Hades at pinigilan ang sarili. Ayaw na niyang alalahanin pang may mas nakaaangat sa kanyang posisyon sa lupaing ito. It was true, the infamous fallen angel is the boss of hell, pero ni minsan ay hindi pa ito nagpapakita sa kanya. Lucifer just assigned him to reign his empire, without giving any hints why. 'Paano ko naman paniniwalaan ang isang nilalang na hindi ko nakikita? Paano ko naman susundin ang mga utos niya kung hindi siya nagbibigay ng rason para rito?' Paulit-ulit itong gumugulo sa isipan ni Hades at pakiramdam niya ay malapit na siyang mabaliw.

'Hindi pa ba?' He laughed menacingly to himself.

Dinama niya sa kanyang ulo ang koronang ilang siglo nang nakapatong doon. The black crown made of red gems is said to be crafted by a hundred demons in the lake of fire. Nakapagbibigay ito ng kapanatagan at kapangyarihan kay Hades. Ang nakakairita lang ay ang isiping ito ay hindi kanya.

He was just Lucifer's mere "representative" afterall. 'One day, I'll take him down,' pangako ni Hades sa sarili. Hindi na siya mabubuhay pa sa anino ng isang iyon kahit kailan. Kahit ang mga mortal ay matagal nang nalinlang at inisip na si Lucifer at Hades ay iisa, not even knowing that they are two different entities here in the Underworld.

Persephone sighed. "Ano nang plano mo ngayon?"

Tumingin sa labas ng malaking bintana si Hades, kung saan natatanaw niya ang Tartarus. May kutob siyang may mangyayaring interesante sa mga susunod na araw. Tumayo siya mula sa kanyang trono at naglakad papasok sa isang pasilyo. "We will have to wait, my queen. Fate is on our side of the chessboard."

"Saan ka na naman pupunta?"

"May kailangan lang akong tingnan."

*

In the dim lighting within the walls of the private study, a Victorian fireplace sat still with burning embers ablaze. Sa kadilimang 'yon, tanging maririnig mo lang ay ang tunog na nililikha ng pagtama ng mga daliri sa marangyang mesa. Impatient fingers associated with an impatient man. Marahang inayos ni Pride ang salamin sa matangos na ilong at nagsalita matapos ang sampung minuto ng nakabibinging katahimikan.

"Ito ang pangalawang pagkakataon na hindi ko nagustuhan ang paninilbihan mo, princess. Should I need to remind you what happens after the second offense?"

Isang pilyo at mapanganib na ngisi ang sumilay sa mga labi ng binata. Sa malamlam na liwanag, napansin ni Snow ang benda sa ulo ng pangunahing kasalanan. She tried to break free and run away, but the twins managed to chain her to a chair. Naaalala niya ang mapang-asar nilang hitsura kanina habang kinakadena siya ng mga ito. They almost looked sympathetic and amused at the same time. 'How is that even possible?!'

"Don't try to escape, mademoiselle. Mas mahihirapan ka lang. You should know by now that it's a waste of energy." Mahinang bilin ni Greed kanina habang hinihigpitan ang kadena sa kanyang binti.

"We really do want to help you, Chione.. But the thing is, kapag nag-utos na si Pride, even the devil himself can't do anything about it." Malungkot na tinig naman ni Envy habang hinahawi ang kanyang buhok mula sa pagkakaharang sa kanyang mukha.

Napapairap na lang si Snow kapag naaalala ang sinabi ng kambal. 'Bipolar bastards', she thought angrily. Sumilip siya sa dalawa na nakasandal sa pader at sa likod ng kanilang mga mata, sigurado ang dalaga na naaaliw ang mga ito. May nakakaaliw ba sa sitwasyon niya ngayon? Tsk. The last time she saw Pride this angry is when she cooked their breakfast way too late. Iyon ang unang araw niya sa mansyon at magmula noon ay hindi na inulit ni Snow ang pagkakamali.

Until now..

"You chased that hell dog around my mansion, ruined the fucking carpet, broke several antique vases and statues, and most importantly, YOU HIT ME WITH A BONE!"

Naiinis na sabi sa kanya ni Pride habang sinasalinan siya nito ng tsaa. Agad na napangiwi si Snow nang mapansing nag-uumapaw na pala ang tsaa sa tasa habang matalim ang tingin sa kanya ng binata. Napalunok siya at pakiramdam ni Snow, namumuo na ang pawis sa noo niya. This is worst than a hotseat!

"I said it was an accident! H-Hindi ko naman alam na matatamaan k-----!"

"Your explanation won't change the fact that I was injured, now does it?"

Napapikit na lang si Snow White. Hindi niya alam kung magi-guilty ba siya sa nangyari kay Pride o maiinis dahil sa pagiging prideful nito. Malamang nga ay wala siyang maipapanalong verbal war sa prinsipe ng pagiging mapagmataas. His ego is higher than Mt. Everest itself.

'Paano nga ba ulit ako napunta dito?'

Pagkatapos ng kanilang "date" ni Lust sa Suicide beach, nabigla na lang siya nang isako siya nina Wrath at Gluttony pagkalabas nila ng pintuan. Hindi niya magawang manlaban sa kanila at sa isang iglap, napadpad na siya sa silid na ito habang ginagapos siya ng kambal. Huminga nang malalim si Snow at nagmulat ng mga mata. Alam niyang maaari siyang parusahan o patayin ni Pride dahil sa gulong dulot niya, but she won't back down on this. He can't just put all the blame on her plate!

"Pride, kung hindi kinuha ni Cerberus ang binti ko, none of this would've happened!"

"Are you saying that I don't know that? Alam ko ang mga nangyayari sa mansyon ko!"

At doon, tuluyan nang nawala ang pagtitimpi ng dalaga.

"Talaga lang ah? I doubt it! Ni hindi mo nga sana nalaman na ako ang bumato sa'yo kung hindi lang sinabi ni Gluttony!"

Mabilis niyang binalingan ang isang binata na nag-peace sign pa sa kanya habang ngumangata ng waffle. Siguro nga kasalanan rin niyang hindi siya nakapagluto ng almusal nito kanina. Kapag namayat si Gluttony, baka siya pa ang sisihin ng sanlibutan.

But knowing Pride, wala na itong pakialam hangga't walang kinalaman sa kanya.

Pride cursed under his breath, halatang malapit na ring maubos ang pasensiya niya. Indeed, this is a rare case.

Magsasalita pa sana ang kasalanan nang biglang may lumitaw mula sa kabilang bahagi ng silid. "It was my fault. Kinailangan kong gamitin ang aso ni Wrath para sunduin siya sa date namin kanina." Snow's eyes landed on Lust who smirked at her. Tila ba naaaliw rin itong makita na nakakadena at nasa "paglilitis" ni Pride. Bakit nga ba kahit sa mga imposibleng pagkakataon ay nagagawa pa rin nilang maging masaya kapag may nagdurusa sa kanilang harapan? Tsk. Once a demon, always a demon.

'But at least this jerk admitted his mistake,' iyon na lang ang naisip ni Snow.

"HOW MANY FUCKING TIMES DO I HAVE TO TELL YOU THAT CERBERUS IS A PUPPY, YOU WORTHLESS ASSHOLE?!"

'Uh oh..' Napatingin ang lahat sa direksyon ni Wrath na galit na tumayo mula sa pagkakaupo sa isang sopa. Napalunok ang iba pang magkakapatid nang lapitan nito si Lust na halatang walang pakialam sa sinabi nito.

"Do I look like I give a shit, brother?"

"SAY THAT AGAIN!"

Sa mga sandaling ito, nagtawanan na ang kambal at mabilis na pumagitna sa kanila, hindi para umawat, kung hindi para mas lalong paguluhin ang sitwasyon. "Away na 'yan! Away na 'yan! HAHAHAHAHA!" Napasama na rin sa gulo si Gluttony nang agawin ni Envy ang waffle na kinakain niya. "HEY! GIVE ME MY WAFFLE BACK!" The food-lover went berserk at tila ba naging isang wrestling arena ang private study ni Pride.

Hindi makapaniwala ang nakatatandang kapatid sa kanyang nakikita. Inis niyang hinimas ang sentido at bumulong sa sarili, "Why the hell do I have a bunch of idiots for brothers?"

Tipid na ngumiti si Snow. Mukhang nawawala na rin sa katinuan si Pride sa mga nagaganap dito.

"The sex addict's right."

Napatigil ang lahat nang may bagong boses ang bumasag sa ingay na likha nila. They all turned to Sloth who just came out from nowhere. Seryoso ang mukha nito at lumapit sa kinaroroonan nina Snow. "As much as I want our little slave to learn her lesson, hindi rin naman niya kasalanan ang nangyari. Stop being dramatic, Pride. Kanina pa naghilom ang injury mo." Isang tamad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Sloth nang samaan siya ng tingin ni Pride.

Lalo lang napasimangot si Snow. "Oo nga pala. Demons have healing abilities, right?"

Napabuntong-hininga si Pride. "Still! Kailangan pa rin kitang parusahan. Hitting a prince of hell with a ham bone isn't a normal occurence, princess. If I let this slip, baka isipin ng ibang nilalang na hindi ako epektibong pinuno."

Sabay na umirap sina Snow at Sloth.

"You're just living up to your name, brother. Hindi ang katawan mo ang na-injure, ang ego mo." The lazy-ass yawned.

Mula sa kanyang kinauupuan, nakikita ng dalaga ang pagpapakalma ni Pride sa sarili. Hindi niya alam na ganito pala ang nangyayari sa kanya kapag napapahiya o tatatapakan ang dignidad niya. Magmula nang dumating si Snow sa mansyon ay nakilala niya bilang isang kalmado at lohikal na nilalang si Pride, but it seems that at times like these, pati siya ay apektado ng kanyang "sin". He's being vulnerable, protecting his ego. He's being a bit too prideful, Snow White concluded. Napakagat si Snow ng kanyang labi, at mayamaya pa ay nagsalita...

"Pride, I'm sorry."

Sandaling huminto ang kaguluhan sa paligid. Nag-angat ng tingin si Pride sa narinig.

"Alam mo namang iligal ang pagsasabi ng mababait na salita sa mansyong ito, hindi ba?"

"Yes."

"And I am not demanding your apology. So, why are you suddenly breaking the general rule I made? Alam mo namang pwede kitang parusahan pa dahil ginawa mong ito.." Panghahamon ng binata kay Snow. He leaned closer to her, the table separating them.

Hindi natinag ang dalaga, kahit pa bumabaon na sa kanyang balat ang mahigpit na mga kadena.

"Sometimes an apology heals injuries faster."

Sandaling natahimik ang magkakapatid. Hinihintay ang magiging reaksyon ni Pride sa sinabi niya. Tumayo ang binata at inayos ang salamin. His eyes are like ebony pools that pulled her in. Ilang sandali pa ay pinitik ni Pride ang kanyang mga daliri at naglaho ang mga kadenang nakagapos sa kanyang katawan.

"Bumalik ka na sa kwarto mo."

*

Hindi niya alam kung anong oras na, pero wala na rin siyang pakialam. The mansion seems to be negligible to time. Ngayon niya lang napansin na tuwing titingin siya sa mga orasan dito sa mansyon, para bang iba iba ang bilis ng pagtakbo ng mga kamay. It will be 7 p.m., a minute after, the time will read as 12 midnight and back to 7 p.m. again. Sinukuan na ni Snow na intindihin ang magulong mansyong ito. Nakahiga na siya sa kama nang biglang lumitaw sa salamin si Chandresh.

"You look exhausted. Want to talk about it?"

Puno ng sensiridad ang tinig ng binatang nakakulong sa loob ng salamin. His violet eyes calmed her down. Pero hindi niya pa rin alam kung mapagkakatiwalaan nga ba niya ang lalaking ito.

"Bakit naman ako makikipag-usap sa'yo? You're a stranger."

Ngumiti si Chandresh. "You know my name. I'm not a stranger, anymore."

"Hindi ganoon kadali iyon."

"Don't you want someone sane to talk to in the midst of this madness?"

Sandaling napaisip dito si Snow White. Hindi naman siguro siya mapapahamak kung kakausapin niya paminsan-minsan ang lalaking ito, hindi ba? Tumitig sa kisame ang dalaga. Ang malambot na matress sa kanyang likuran at ang salamin sa kabilang bahagi ng silid. She then started to narrate the events that happened within that day. Mula sa paglalaro nila Greed at Envy ng "chess" hanggang sa paghahabol niya kay Cerberus at ang "date" nila ni Lust sa Suicide beach. All the while, Chandresh laughed when he needed and smiled in her silence.

Hindi maipaliwanag ni Snow, ngunit magaan ang loob niya sa isang ito.

And in that moment, she knew she found a friend in him.

*
In Eastwood, a screeching sound of tires tore through the stillness. Napahinto ang isang sasakyan sa gitna ng madilim na kalsada. Nagtataka naman ang mga pasahero ng SUV kung bakit biglang tumigil sa pag-andar ang kanilang nirentahang service.

"Manong, anong problema?"

"Bakit tayo huminto?"

Namumutla ang driver at mabilis na bumaling sa kanila. Pinilit nitong pakalmahin ang sarili at nagkamot pa ng ulo, "A-Ah, wala. May dumaan lang na pusa." Pero kapansin-pansin ang kaba at pagkabahala sa likod ng mga mata nito.

Ang totoo niyan ay hindi niya alam kung ano ang nahagip ng kanyang mga mata. 'Imposibleng pusa 'yon..' paulit-ulit niyang sabi sa sarili at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho. Para kasing may kung anong halimaw na gawa sa kahoy ang lumitaw sa gilid ng kalsada kanina pero nang tingnan niya itong maigi, naglaho agad ang imahe. Napailing na lang si manong driver sa kanyang iniisip.

Baka kulang lang siya sa tulog. Tama, imposibleng magkaroon ng ganoong halimaw sa mapayapang lugar ng Eastwood, hindi ba?

Samantala, sa madilim na eskinita sa gilid ng Clockwork's, huminto sa paglakad ang malalaking paa. The air felt heavier here than any other place in the town. Halos hindi na ito maabot ng mangilan-ngilang streetlamps sa abandonadong kalye. Mr. Boswell frowned upon his creation, "Nakita mo ba sila?"

Umiling ang clockwork monster, gawa sa kahoy ang buong katawan nito at ang mukha ay kahalintulad sa mukha ng isang antigong orasan. The spikes from his back grew sharper with every passing minute.

"Mukhang nag-iingat na ngayon sa trabaho ang seven sins.." Mr. Boswell mused and ushered the monster inside the shop along with the others. Naiwan siyang nakatayo roon sa kadiliman, nagsindi ito ng sigarilyo at tumingala sa kalangitan. He couldn't find the moon anywhere. Napangisi siya sa naiisip. 'Those who do not want to be found, can't be traced.' Pero madali namang mabago ang bagay na iyon.

Hindi naman siya nagmamadali sa kanilang laro. Mr. Jeremy Hans Boswell knows that he is now playing a game of hide and seek with the seven notorious vices of hell. Mahihirapan siya, ngunit nakalahad na ang kaniyang mga plano. Sinipat niya ang suot na relo, alas-dos ng madaling araw. 'Let them run.. Let them hide...'

"..because we have all the time in the world."

---
I visited the place where we last met.
Nothing was changed, the gardens were well-tended,
The fountains sprayed their usual steady jet;
There was no sign that anything had ended
And nothing to instruct me to forget.

---Absence,
Elizabeth Jennings

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
Adrasteia By CG

Paranormal

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
6.1M 267K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...