✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

QUATTOURDECIM

5.1K 329 48
By NoxVociferans

Knock! Knock! Knock!

Hindi mapakali si Snow. She shifted on her feet from time to time habang nakatayo sa harapan ng isang pinto. Napadako ang mga mata niya sa bintana sa dulo ng pasilyong ito, sumilay ang matamlay na liwanag ng bukang-liwayway. The sky barely gradiated from pale blue to pastel yellow, enough to indicate that it was too early for such actions. Kahit hindi niya tingnan ang orasan, alam niyang tulog pa rin ang magkakapatid. 'Baka nga tulog pa pati siya,' isip niya habang nakamasid sa pintong ni hindi gumalaw.

Napabuntong-hininga si Snow. "This is pointless. Paano ko naman mapapaamo ang demonyong aso na 'yon?"

Nasa right wing siya ngayon ng second floor, kung saan matatagpuan ang kwarto ng iba pang magkakapatid. Hindi talaga nakakatulong sa sitwasyon niya ang katotohanang nasa kabilang wing ang silid nilang dalawa ni Wrath. Earlier, she had to tiptoe down the hall, worried that the violent sin would chase her with an axe if she made a sound. Huminga nang malalim ang dalaga at nagsimulang maglakad papalayo nang biglang bumukas ang pintong kanina niya pa tinititigan.

"Don't you think it's too goddamn early for knocking on my door, princess?"

Nagpakurap-kurap si Snow. 'Bagong gising ba ang isang 'to? He still looks immaculately sinful even at a time like this,' pag-anim niya sa sarili at ngumiti sa binata. "Pride, kailangan ko ng tulong mo."

Tumaas ang isang kilay ng pangunahing kasalanan, marahan niyang iniayos ang salamin at nagsalita, "Para saan? I am not assuring you that I'll help. Hindi ko ugaling makihalo sa problema ng iba; I need a logical reason to do so."

Logical reason? Muntik nang napairap si Snow. May mas ilo-logical pa ba sa kadahilanan niya?

"Alam mo ba kung paano paamuhin ang isang dambuhalang asong may tatlong ulo?"

Napangisi si Pride, "And all this time, I thought you have been literate enough to survive this mansion."

"What are you talking about?"

Isinandal ni Pride ang ulo sa doorframe, nakatitig ang malalalim niyang mga mata sa dalaga na para bang ito ang pinakainteresanteng specimen sa buong daigdig, "Hindi madaling paamuhin ang tagapagbantay ng harang ng impyerno. The only time Cerberus acts like an angel is when he's accepting mortal souls into hell for their eternal torture. A canine sadist, and he also guards Hades' empire. Mas madalas nga lang na nagiging halimaw ang asong iyan dahil maraming kaluluwa ang nagtatangkang umalis ng impyerno, mas malala pa siya sa diyablo sa mga pagkakataong iyon."

Nanindig ang balahibo ni Snow sa narinig. May nabasa niya siya noon patungkol dito, "Anyone can have an easy access to hell, but no one can leave once you're inside." Mahina niyang bulong ngunit tila na narinig rin ito ni Pride. Tumango ang binata at humalukipkip, "Pero tulad ng ibang mga halimaw, may kahinaan rin si Cerberus. In historical documents, a few people managed to get passed him successfully."

Mas lalo nang naguluhan si Snow. "Akala ko myths lang ang mga iyon?"

Pride chuckled, "Princess, sometimes the truth is concealed to keep it safe. Kung tatanungin ba kita kung masaya ka sa pananatili mo sa mansyong ito, isasagot mo ang totoo?"

"No."

"Exactly. Hindi mo sasabihin ang totoo dahil alam mong may consequences ang pagsabi ng katotohanan. You protect the truth in an attempt to save yourself from damage, just like how the ancient is protecting Cerberus' weakness in order to save hell from humanity."

Napasimangot na ang dalaga sa sinabi niya. "Save hell from humanity? Hindi ko alam na sadyang may kinatatakutan rin pala ang impyerno."

Snow White saw a flash of seriousness in Pride's eyes, ngunit bigla rin itong nawala na tila ba isang bahagharing naglaho sa kalangitan.

"Believe me, there is nothing more terrifying than humanity."

Napalitan ng katahimikan ang pasilyo. Sa mga sandaling iyon, para bang nauunawaan na ni Snow ang nais iparating ni Pride. Hindi na niya namalayan na nakakuyom na pala ang kanyang mga kamao, inaalala ang mapait na nakaraan at ang buhay na iniwan niya sa Eastwood---kung buhay nga bang maituturing ang manatili sa isang kulungan at magkubli sa kadiliman. Until now, "freedom" still remains a foreign word on her tongue. Napalunok siya sa naiisip, "Are you done lecturing me? Baka pwede mo nang sabihin kung paano ko mapapaamo ang hudas na alaga ng kapatid mo."

Pride stared at her for a few seconds before nodding. "Of course, princess." At sa isang kumpas ng kanyang kamay, lumitaw ang isang lumang aklat sa kanilang harapan. Pinalutang niya ito papunta kay Snow, "Just review your Greek Mythology. You'll find the answers within those pages."

Pinasadahan ni Snow ng kamay ang lumang pabalat. Mukhang kasing tanda na ng mansyon ang librong ito. Pinigilan niyang magpasalamat sa binata, at tumango na lang. 'Good words are forbidden in this household', pagpapaalala niya sa sarili. Bago pa man siya makabalik sa kabilang bahagi ng palapag, Pride's smooth and dominant voice echoed once again.

"Kamusta pala ang prosthetics mo?"

Napatingin si Snow sa kanya. Hindi niya alam kung paano magpapasalamat dito nang hindi nagsasabi ng ipinagbabawal na mga salita, "Ayos naman. Hindi ko inaasahan na concern pala kayo sa kapakanan ng alipin ninyo." May halong galak ang kanyang mga salita, ngunit para bang hindi ito nagustuhan ni Pride. Agad na nawala ang katiting na emosyong nakita ni Snow kanina. Tumikhim ito at ipinagtabuyan na ang dalaga, "Concern is illegal in this mansion. Sinigurado ko lang na magiging maayos ang paninilbihan mo rito sa pamamahay ko. Can't have our slave limping while doing chores now, can we?"

A devious smirk on his lips. Napabuntong-hininga ang dalaga.

"Right. S-Sige, aalis na ako."

Snow White expected that response from him. Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan sa prinsipe ng pagiging mapagmataas? Wala na siyang nagawa kung hindi tahimik na bumalik sa kabilang dulo ng palapag. Nang mapadaan siya sa tapat ng silid ni Lust, pilit na isinawalang-bahala ni Snow ang makamundong mga ingay na nanggagaling doon.

"A-Ahh! L-Lust---!"

"Shit---Uhh! Yes, moan for me, babe!"

Moans and groans, and she could even hear his bed breaking! Ayaw na niyang alamin kung ano ang ginagawa nila ng babae niya sa loob ng silid na iyon. 'Ganito kaaga? Lust is really a hormonal bastard!', namula si Snow sa naiisip. Mukhang wala ring pinipiling oras ang mga pangangailangan ni Lust. Masyadong mapanganib.

Napalunok muli si Snow at mabilis na umalis doon. Kung wala lang siyang hawak na libro, malamang nagtakip na siya ng tainga.

Hindi pa man siya nakakalayo, may narinig na naman siyang ingay. Hindi ito ungol o ano pa mang kababalaghan. Ang tunog na naririnig ni Snow ay para bang malalalim na paghinga ng isang dambuhalang nilalang. She stared up the hallway, recognizing the figure blocking her path.

"Great. Isang tulog na aso ang nakaharang sa daanan ko. Can't my life get any worse?" Mahina niyang bulong sa sarili at pinagmasdan ang malalaking pangil ng asong humihilik pa. Mabuti na lang sana kung normal na aso lang ang nasa harapan niya. Ang problema nga lang ay ang fifteen-feet nitong laki, mabangis na hitsura at ang nakakaasar nitong tatlong malahiganteng ulo na kayang-kaya siyang lapain anumang oras.

Pigil-hininga si Snow habang naglalakad papalapit sa halimaw na ito. Bakit ba pinayagan ni Wrath na matulog dito si Cerberus?!

"Almost there..."

Maingat na humakbang si Snow sa espasyong nasa pagitan ng malalaking paa ng aso---o 'tuta' kung tawagin ng demonyong si Wrath. Tumulo ang pawis sa noo ni Snow nang bahagyang humikab ang isang ulo ni Cerberus. Halos masuka na siya sa amoy nitong nabubulok na laman. Pakiramdam ng dalaga at tuluyan nang babaliktad ang sikmura niya!

Nakalagpas ang dalaga kay Cerberus nang hindi ito nagising. Snow smiled and let out a deep breath, hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman niya. Magpapatuloy na sana siya patungo sa kanyang silid nang may lumitaw ang isang malaking ahas sa likuran ng aso.

The black serpent had white eyes, staring at her like she was a prey. Nanlaki ang mga mata ni Snow at mabilis siyang tumakbo papalayo, but unfortunately, she wasn't fast enough to get away. The giant snake hissed and coiled itselt around her legs. Napasigaw sa gulat ang dalaga habang pilit kumakawala.

"Hisss.."

Humigpit ang pagkakapulupot sa kanya ng higanteng serpente.

"AAAAAH! DAMN IT! GET AWAY FROM ME!"

Ngunit sadyang kumakapit ang kamalasan kay Snow, isang aninong hindi umaalis sa tabi niya. The horrible snake curled tighter around her, at kasabay nito ay ang pag-angat ng tatlong ulo ni Cerberus---tuluyan nang nagising dahil sa ingay. Three pairs of eyes from hell studied her. Mukhang hindi nagustuhan ng aso ang paggising sa kanya. Mayamaya pa, ay papalapit na sa ulo ni Snow ang malalaking ngipin ng aso. Ang isang ulo ay tumahol habang ang isa naman ay nagbuga ng pulang apoy. Napasinghap ang dalaga nang daplisan siya ng init nito, bago pa man siya makaiwas, naramdaman niya ang paso sa kanyang balat. Cerberus growled.

"Tsk. Galit ka dahil nagising kita? Hindi ko kasalanan kung bakit ka nakaharang sa daanan!"

"Grrr.. Woof! Woof!"

"Kung ililibing mo ako ulit, siguraduhin mo namang mamamatay ako! I'd prefer to just die and get this over with!" Pilit na sinalubong ni Snow ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang niya, ngunit sa mga naranasan ng dalaga, alam niyang para na rin siyang dumaan sa impyerno. Ano pa nga bang saysay ang mabuhay? Lagi man niyang ipinapaalala sa sarili na hindi niya kailangan ang ibang tao, hindi nito maitatago ang katotohanang.. siya ang hindi kailangan ng ibang tao.

Nobody needs her. That's the painful truth of it all.

"WOOF!"

Napasigaw muli si Snow nang tangayin na naman siya ni Cerberus patungo sa madidilim na pasilyo. Tumalon ang aso pababa ng hagdan at nagpaikot-ikot. Hilong-hilo na si Snow at halos mawalan na siya nang malay. Wala na rin siyang lakas nang inihagis siya sa ere ni Cerberus na para bang tutang nakikipaglaro. Alam ba nitong hindi isang laruan si Snow White? Maaari siyang mabalian ng buto sa ginagawa ng halimaw na ito.

Paulit-ulit na tumilapon sa ere ang katawan ng dalaga. Snow's screams tore through the halls at halos hindi na niya matandaan ang pakiramdam ng pagbagsak. She tightly shut her eyes, and waited for the fall.

'I fucking hate my life!'

Pero imbes na sa bibig ni Cerberus o sa kapit ng malaking serpente, naramdaman ni Snow na sa bisig ng isang binata siya bumagsak. Nanginginig na iminulat ni Snow ang isang mata at sinilip ang kung sinumang nagligtas sa kanya. Her blurred vision adjusted, the clear image of Greed's charming smile in front of her. "If you play the role of the damsel in distress, I'll gladly be your prince charming, mademoiselle." Mapanuksong inilapit ni Greed ang mukha sa dalaga.

Hindi pa rin nagbabago ang impresyon ni Snow sa lalaking ito. At any angle, he reminded her of a brave prince in those shitty fairytale books. Maamo ang kanyang mukha, at kung hindi kilala ni Snow ang demonyong ito, baka napagkamalan na niya itong isang anghel. 'Even the devil himself was once an angel,' she recalled reading those lines from a poetry book. Posible kayang dating mga anghel ang pitong kasalanan? Paano nga ba sila nabuhay noon?

Marahan niyang iniiwas ang paningin. "You can let go of me now, Greed."

"What if I don't want to?"

Imbes na sagutin ang kanyang tanong, nagpalinga-linga si Snow sa paligid. "Nasaan si Cerberus?" Umirap si Greed sa kanya, "Ako ang nandito pero ang tutang iyon ang hinahanap mo? I don't know if I should feel offended or what."

Napasimangot si Snow. "Bitiwan mo na ako at kailangan ko pang magluto ng almusal ni Gluttony."

Sandaling nanahimik si Greed, napansin ni Snow ang paghigpit ng hawak sa kanya nito.

"Ngayon naman si Gluttony ang iniisip mo? Are you intentionally provoking me, mademoiselle?"

Huminga nang malalim si Snow at tipid na ngumiti. Ano bang kadramahan ng isang 'to ngayon? "Greed, ano bang gusto mo?"

"Atensyon mo." Seryoso nitong tugon.

Napamaang si Snow sa narinig. Magsasalita pa sana siya nang unahan siya ng kasalanan, "May chess game kami ng siraulo kong kakambal ngayon. You'll have the front seat, Snow." Nanlaki ang mga mata ni Snow sa sinabi niya. 'Maglalaro lang sila ng chess, kailangan pa may audience?!' Reklamo niya. Pilit niya itong nirarason kay Greed, pero mukhang tuluyan na itong nabingi sa mga hinaing niya. Greed greedily carried her away into the central hallway. Tahimik lang ang binata habang naglalakad, tila ba hindi nabibigatan sa kanya. Snow White stared at him, confusion plastered on her face.

Did he just called her "Snow" instead of "Mademoiselle"? Nakakapanibago.

Tinitigan niya ang prinsipe ng kasakiman. Mukhang malalim ang iniisip nito. That's another fact about the twins: Kapag magkasama sila, puro kalokohan at pareho silang easy-go-lucky. Pero kapag makahiwalay sila, para bang nagiging seryoso at nag-iiba ang personalidad nilang dalawa. Mas tahimik sila kapag magkahiwalay. Napailing si Snow. Why is she thinking such things?

'Kung sabagay, marami naman akong iniiwasang isipin..'

Biglang bumalik sa alaala niya ang pag-uusap ng magkakapatid sa Conference Room.

"Kailangan nating alamin kung sino ba ang Mr. Boswell na ito. I will assign you for that task. In the meantime, ipagpatuloy lang natin ang trabaho."

"Pride, iniisip mo bang ang mortal na 'yon ang dahilan kung bakit nagkakaproblema tayo sa koleksyon?"

"Totoo ba ang hula ng matakaw na 'to? Are you suspecting Mr. Boswell for being reponsible with our crisis?"

"A mortal interfering with immortal affairs? Imposible!"

"I can't agree with you more, brother. Baka naman nagkataon lang? At ano naman ang motibo ng gagong iyon?"

Mr. Jeremy Hans Boswell. Pinilit ni Snow na hindi alalahanin ang pangalan ng lalaking umampon sa kanya noon, ang lalaking laman ng kanyang mga bangungot. Hindi siya makapaniwalang ginugulo niya ang Seven Deadly Sins, ang pitong kasalanang kumikitil sa buhay ng maraming mortal. He even managed to hurt Wrath! 'I always knew he wasn't normal.. And his obsession with clocks is equally disturbing', pagninilay ni Snow sa sitwasyon. Ano bang ginagawa niya sa pitong magkakapatid? Ano bang balak niyang mangyari? Snow forced herself to ignore it, but somehow, her past always finds a way to catch up with her...no matter where she goes. It haunts her. He haunts her.

'Is he after me? Is he going to kill me for good this time?'

Nababaliw na ang Mr. Boswell na iyon. Ano bang halaga ni Snow? Wala. Pero kahit pa patuloy na umiikot ang mga tanong na ito sa kanyang isipin, mas pinipili niyang manahimik na lang. Panandaliang napapikit ang dalaga, hirap huminga. 'Kung sasabihin ko sa magkakapatid na ako ang puntirya ni Mr. Boswell..baka tuluyan na akong paalisin dito sa mansyon,' and that is the bitter truth she is willing to protect.

Sa ilang linggo niyang pananatili sa mansyong ito, ayaw mang aminin ni Snow White, ngunit nakahanap siya ng kapayapaan sa kaguluhang ito. She found sanity in the midst of insanity, and Snow is willing to trade her soul to the devil to keep it that way. Hindi niya alam kung anong kahihinatnan ng walang kwenta niyang buhay kung hindi siya pumasok sa mansyong ito.

"Besides, hindi naman niya matatalo ang seven sins.." Sana.

"What are you talking about, mademoiselle?"

Napamulat siya ng mga mata sa boses ni Greed. Nang rumehistro kay Snow ang naguguluhan nitong mukha, agad siyang napangiti. "Wala. May iniisip lang ako."

Greed sighed, "I'm here. You don't need to think about me."

'The heck?'

Bago pa man makasagot ang dalaga, bumukas ang mga pinto ng tinatawag nilang Leisure Room. She was blinded by the pale orange light of the chandelier. Katulad ng ibang parte ng mansyon, sadyang nakakamangha ang silid na ito.

Ang Leisure Room ay isang malaking silid na gawa sa marmol. Para itong loob ng isang malaking cube na napupuno ng iba't ibang kasangkapan sa paglalaro: fencing equipment, arnis, baseballs, bows and arrows for archery, pingpong, badminton and every single sport you can think of! May dalawang sopa rin sa magkabilang bahagi ng silid, halatang nilikha para sa kambal. May mangilan-ngilang obra maestra ring nakasabit sa mga pader. The room smelt of wood and perspiration---the musculine kind that makes women go nuts. At sa gitna ng silid na ito, nagtagpo ang mga mata nila ni Envy na nakakunot ang noo. The frown on his face wasn't a usual sight to her.

"Env---" Snow was interrupted.

"I wasn't informed that you'd drag her along, brother. Kailangan mo ba talagang buhatin siya papunta rito? The last time I checked, may paa naman si Chione."

Isang mahina at nang-aasar na pagtawa ang iginawad ni Greed bago ibinaba si Snow. Nagkibit-balikat siya, "Bakit? Inaasahan mo bang hahayaan kong ikaw lang ang maka-solo sa kanya? That's madness, my selfish little twin!"

"Greed, if she gets hurt----!"

"She won't."

Napabalik-balik ang tingin ni Snow sa dalawa. Wala siyang ideya sa pinagsasabi ng dalawang ito. "Akala ko ba maglalaro lang kayo ng chess? Why do you two make it sound like a life and death experience?"

Nagkatinginan ang kambal at sabay na natawa. "You'll see." Sabay nilang sabi, sa isang creepy at nakakairitang paraan.

Noon lang napansin ni Snow ang estilo ng sahig.

They were standing on a giant chessboard, the tiles black and white..tulad ng mga tiles na nasa pasilyo papunta sa private study ni Pride. Snow White's eyebrows furrowed. Nang tatanungin na sana niya ang kambal, napansin niyang nasa magkabilang dulo na pala sila ng higanteng chessboard. Her eyes widened when they raised a similar timer in their hands. Sabay nila itong pinindot, at tila ba nanghina na si Snow sa mga sumunod na nangyari.

Pagkapindot na pagkapindot nila ng timer, bigla silang nilamon ng sahig.

Snow White screamed as she was engulfed by the black and white tiles, pero kalmado lang ang dalawang magkapatid, may ngisi sa kanilang mga labi.

"GREED! ENVY! A-Anong nangyayari?!"

Sa mga sandaling iyon, nilamon sila ng kadiliman. Tuluyan nang lumubog ang katawan nilang tatlo at sa hindi inaasahang pagkakataon, naramdaman muli ni Snow na tila ba nahuhulog siya mula sa langit. Yes, Snow White is falling from the sky. 'KAILAN PA NAGKAROON NG LANGIT SA ILALIM NG SAHIG?!' Tuliro niyang reklamo sa isip.

And just like what happened earlier, naramdaman na lang niya ang pagsalo sa kanya ng dalawang bisig. Envy's amused face greeted her. "How's the trip to our chessboard, Chione?" Nagpakurap-kurap si Snow. Kailangan niyang makasigurado na totoo ang nakikita niya.

Dahil tila ba nasa ibang dimensyon na naman siya.

This time around, they were in a deserted land, walang puno o halaman. Tanging ang puti at itim na lupa ang nasa talampakan nila. The sky is a marvelous shade of gray, with black clouds layered above them. Pero hindi iyon ang nakapukaw ng atensyon ni Snow.

"Um.. Envy, bakit ganyan ang suot mo?"

Envy wore a different set of clothes. Nakasuot ito ng damit ng isang hari, puting-puti na napapalamutian ng ginto. His elegant face was painted with a golden letter 'E' on the side of his cheek. May suot rin siyang pilak na korona na napupuno ng mga diyamante. At nakakapagtaka lang talaga na nakasakay sila ngayon sa isang puting kabayo!

Tumawa si Envy.

"My dear Chione, this is our chess game. We don't live by the rules, we live by the roles. Sa ngayon, ako ang hari ng puting kaharian at dahil kami ang unang aatake, maiwan na muna kita."

Ibinaba siya ni Envy sa lupa at mabilis na nagtungo sa...

"No way." Napanganga si Snow nang makita ang mga kawal na naghihintay kay Envy. Lahat sila ay nakasuot ng kulay puting kasuotan ng mga sinaunang tao sa kaharian. She's not familiar much with chess, but she can recognize the pieces personified.

Pawns.

Knights.

Bishops.

Rooks.

Envy as their King and..

Teka, bakit walang reyna?

"We never play with a queen, mademoiselle."

Napalingon si Snow sa kanyang likuran. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa mukha ni Greed. Katulad kanyang kakambal, nakasuot ng tradisyunal na damit ng hari si Greed. His clothes are ebony black, with silver decorations delicately placed. Isang silver "G" naman ang nakapinta sa gilid ng kanyang mukha, habang nakapatong sa kanyang ulo ang gintong korona. Nakasakay rin siya ng kabayo at nang silipin ni Snow ang mga tao sa likuran ni Greed, hindi na siya nagtaka nang makita niya ang kaparehong hanay ng mga tao katulad ng kay Envy. But of course, the only difference is that they're all clad in black.

Envy as the King of the White chess pieces.

Greed as the King of the Black chess pieces.

Pero wala silang reyna.

"Bakit ba wala kayong reyna? Shouldn't a chess game have a queen in it?"

Kuminang ang mga mata ni Greed. "Sabi ko naman sa'yo, nasa front row ka, hindi ba? We never played with a queen, but the tides have changed, my mademoiselle."

Hindi alam ni Snow kung anong tumulak sa kanya at sinilip niya ang suot niyang damit. Halos takasan na siya ng bait nang mapagtantong nagbago rin pala ang suot niya!

She's wearing the queen's clothes.

Ang pinagkaiba lang, ay hati ang kulay nito. Kalahating itim at kalahating puti ang kanyang damit. White on her left, black on her right. Nakasuot rin siya ng pilak at gintong alahas, ang kulang na lang ay...

"Ang korona."

Greed nodded. "Nakadepende iyon sa kung sino ang mananalo mamaya. But of course, I'll make sure that you'll be my Black Queen, mademoiselle," kinuha ng binata ang kamay ni Snow at iniangat ito patungo sa kanyang mga labi.

His lips touched her skin.

"I'm a greedy of your attention, remember?"

---
I have been one acquainted with the night.
I have walked out in rain --and back in rain.
I have outwalked the furthest city light.

I have looked down the saddest city lane.
I have passed by the watchman on his beat
And dropped my eyes, unwilling to explain.

I have stood still and stopped the sound of feet
When far away an interrupted cry
Came over houses from another street,

But not to call me back or say good-bye;
And further still at an unearthly height
One luminary clock against the sky

Proclaimed the time was neither wrong nor right.
I have been one acquainted with the night.

---Acquainted with the Night,
Robert Frost

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
51 4 2
With each thread they pull, their lives become entangled in a nightmare from which they may never escape. Will they discover a way to break free from...
22 9 1
a one-shot posted on Nox' FB timeline last 2022.
27 8 1
a one-shot posted on Nox's FB timeline last June 2021.