✔Snow White and the Seven Dea...

Oleh NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... Lebih Banyak

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

DECIM

5.3K 322 42
Oleh NoxVociferans

Hindi naniniwala sa astral projection si Snow White. She always found that idea creepy and impossible, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, pakiramdam niya lumulutang ang kanyang katawan sa isang espasyong walang patutunguhan. It's like her soul is slowly slipping away from her physical form, isang kaluluwang naliligaw at hindi alam kung saan pupunta. 'Ganito kaya ang pakiramdam ng mga kaluluwang nasa purgatoryo?' Naaalala niya ang mga alitaptap, ang pagmamakaawa ng mga ito na kausapin sila. Their terrifying voices bothered her, pero alam ng dalaga na wala naman siyang magagawa para tulungan ang mga ito.

'Lahat tayo, naliligaw sa mundo---in more ways than one,' pagninilay niya habang pilit ibinabalik ang sarili sa kamalayan.

She took in a deep breath.

"Nasaan ako?"

A bit cliché, yes. Pero wala siyang ibang maisip na sasabihin lalo pa't nagising siya sa isang kwartong hindi pamilyar. At ang mas nakakabigla pa, ay ang makita ang hubo't hubad na si Lust, katabi niya mismo sa kama. In the dim candlelit room, the Prince of Temptation smirked deviously. Mapang-akit at tunay ngang makasalanan.

Kuminang ang mga mata niya nang pasadahan ng tingin si Snow.

"What took you so long to wake up? Kanina pa ako naghihintay sa'yo, babe. Simulan na natin?"

Namutla ang dalaga at mabilisang umusog papalayo sa binata. Wala na siyang pakialam kahit pa mahulog na siya sa kama, basta't makalayo siya sa tuksong 'to! "W-What are you talking about? Bakit ako nandito?!" Ang huli niyang naaalala ay noong sinalo siya ni Sloth nang himatayin siya sa Library of Lost Souls. Had she lost track of time since then? May kumawala ba sa mga alaala niya?

Lust grinned and inched closer to her, his bare chest as tempting as a fire is to a moth.

"This is my Pleasure Room, baby girl. Inagaw kita kay Sloth kanina nang mahimatay ka.. I promised that I'll take good care of you.." Dumako ang mga mata ni Lust sa dibdib ni Snow, kahit pa natatakpan pa rin naman ito ng damit, "..shall we test how much I can take you? Or perhaps, how much you can take me?"

Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ni Snow ay numinipis ang kanyang saplot sa katawan. Lust's sensual eyes are enough to make her feel nude! Kinakabahan niyang sinilip ang kanyang suot---'Phew! Kumpleto pa naman'---at dali-daling tinakpan ng kamay ang dibdib. Kinakabahan siyang umilag nang akmang sasakmalin na siya ni Lust, tila isang tigreng gutom.

"T-Tama na! Marami pa akong gagawin!"

"Correction: marami pa TAYONG gagawin."

"Shit! Lust, stop seducing me!"

"Oh, am I seducing you, kitten?"

Natatarantang tumayo si Snow, hindi na niya ininda pa ang pag-ukit ng sakit na nanggagaling sa kanyang prosthetic leg. She glared at him, at nang inilibot niya ang kanyang paningin, doon lang napansin ni Snow ang kakaibang disenyo ng silid.

Mas malala pa pala ito kaysa sa iniisip niya.

Malaki ang silid at napapalamutian ng kulay itim at asul na tema. May chart ng sexual positions sa pader at isang bookshelf na naglalaman ng napakaraming aklat patungkol sa pakikipagtalik. Several naked statues of women are carved into the walls, posters of human reproductive organs displayed with models in jars. Kinilabutin siyang isipin na totoo ang mga ito. Madilim sa silid, ngunit nakapagbibigay ng liwanag ang nagkalat na scented candles.

Lust's "Pleasure Room" has several glass cabinets lined along the walls. Ang laman ng mga ito? Lahat ng maiisip mong sex toys na inimbento ng tao mula pa noong Prehistoric times! Isama pa rito ang sandamakmak na bagay na may kinalaman sa sex. 'This room is utterly crazy!' From mannequins and vibrators, to condoms and lubricants, kumpleto at maingat pang naka-display in alphabetical order! Para itong isang malawak na koleksyon at mas lalo itong nakapagpakaba kay Snow. She noticed a love-making seat in the far corner and... "B-Bakit may mga kadena at tubo ka dito?"

Several chains on the wall, handcuffs, bindfolds and other bizarre things are in here too.

Lust stood up and laughed, while flaunting his body in front of her. Suot lamang nito ang kulay itim na boxers na hindi nakatutulong upang pagtakpan ang bumabakat na kasalanan sa loob. Pinilit ng dalagang panatilihin ang kanyang mga mata sa mukha nito.

"Sometimes, my women prefer me role playing as Christian Grey. Pain equals pleasure, baby.. Want a demonstration?"

"N-No, thank you."

Tsaka niya lang napagtantong nagkalat ang porn magazines at CDs sa kulay asul na karpet. Halos hindi na makita ang sahig sa dami ng mga ito. Nagkalat pa ang mga underwear ng kung sinumang naging biktima niya rito. Napalunok ang dalaga at dahan-dahang naglakad papunta sa kulay itim na pinto. Kailangan na niyang makalabas dito! "I-I better get going! Tea time na pala ni Pride at baka magalit siya ku---"

"Sige. Maaari ka nang umalis."

Nagpakurap-kurap si Snow. "Just like that?"

"Yeah."

Nakakagulat lang at hindi na siya kinulit pa ni Lust. 'This is not like him at all!' Reklamo ng utak niya. Pero magrereklamo pa ba siya? Snow White cautiously made her way towards the door, pinagmamasdan niya ang mga galaw ni Lust na nakahalukipkip lang at nakatitig sa kanya. Masyadong madali. Masyadong kalmado. Parang may mali talaga!

And she doesn't like his smirk.

"Aalis na ako." Pag-uulit ni Snow at baka naman pinagloloko lang siya ni Lust. Nakakapanibago. Pero imbes na atakihin siya o pigilan siyang umalis, marahang tumango ang binata. "Sige, bye."

Huminga nang malalim si Snow at alertong kinapa ang seradura ng pinto. Baka mamaya kasi, may kung anong umatake sa kanya o baka naman magliyab bigla ang pinto kapag pinagtangkaan niyang umalis. But to her astonishment, nothing happened. Nothing. Napabuntong-hininga na lang siya. 'Napa-paranoid lang na naman ako..' At sinubukan niyang pihitin ang doorknob..

Pero ayaw nitong bumukas.

"What the heck?"

Natataranta niyang sinubukang buksan ang pinto, pero ayaw talaga! Napatigil na lang si Snow ang biglang tumawa si Lust mula sa gitna ng silid. She faced him and saw that smug look on his face. Isang malademonyong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha at umiling-iling, "Akala mo ba normal ang pintong 'yan? I designed this room, Snow. Sa tingin mo ba hindi ko maiisipang i-modify ang pinto para hindi makakawala ang mga babae ko?"

Nanlamig ang kanyang buong katawan. Napasimangot si Snow.

"That door cannot be opened even from the inside.. At kahit pa pasabugan mo ng nuclear bomb ang pintuang iyan, hindi siya masisira. Hindi ka makakalabas sa Pleasure Room ko. Well, not unless you use the single key that can open that indestructible door." Nagkibit ng balikat si Lust.

Ngayon, si Snow naman ang humalukipkip.

"I knew it! Tsk. May plano ka bang ibigay sa'kin ang susi o patatagalin pa natin ang lokohan dito?"

His lop-sidded grin was enough to make her nervous again.

"Syempre, ibibigay ko sa'yo. In fact, all you have to do is get it from my hiding place."

"At saan naman iyon?"

Iminuwestra ni Lust ang kanyang ibaba, a tent visibly showing in it. Nanlaki ang mga mata ni Snow bago nagsalita ang binata, sa isang mabagal at mapang-asar na boses.

"Where else to hide it? May hidden pocket sa loob ng boxers ko at naroon ang susing hinahanap mo. If you so badly want to get out of here,"  bahagyang kumendeng pa si Lust, "Come and get it, baby."

"A-ANO?!"

"I know! I'm a genius, right? Dali! Tanggalin mo na ang boxers ko. Rawr!" At tumawa na naman ito.

Pakiramdam ni Snow, tuluyan nang uminit ang kanyang mukha sa kahihiyan. 'Inside his boxers?  Nababaliw na nga ang lalaking ito!' Huminga siya nang malalim at naikuyom ang mga kamao.

'Bahala na!'

*

Pride's private study is as quiet as usual. Hindi katulad ng ibang parte ng mansyon, naiilawan ito ng malaking chandelier na binubuo ng milyun-milyong kristal na parang mga diyamante sa gitna ng silid. As the clock struck three, maingat na isinalin ni Snow White ang tsaa ni Pride sa kanyang paboritong tasa.

Ibinaba ng binata ang binabasang mga papeles at humigop ng tsaa, panandaliang dumako ang mga mata sa direksyon ng kanilang alipin.

"Namumula ka."

Snow bit her lower lip, avoiding eye contact. Ngunit, sa ilang pagkakataong nakadaupang-palad niya si Pride, alam ni Snow na hindi ito magiging madali. He's the head of the house, and avoiding him will be like trying to walk on still water.

"What did I tell you to do when I'm talking to you, princess?" Kalmado, ngunit may halong pagbabanta sa kanyang boses. Isa sa pangunahing batas sa mansyon ay ang huwag tapakan ang ego ni Pride---or else, all hell will break loose.

"L-Look at you."

"Louder."

Huminga siya nang malalim, "Whenever you talk to me, I need to look at you Pride."

'Ang ego talaga ng isang ito, kaya nang sumakop sa buong mundo,' naiinis niyang reklamo sa utak.

Nagtama ang mga mata nila ni Pride, isang ngisi sa kanyang mga labi. "Good girl. Let me guess, isa sa mga mentally unstable kong mga kapatid ang gumulo sa'yo?"

Tumango na lang ang dalaga at pilit kinalimutan ang paghihirap niyang makuha ang susi sa pinto ng Pleasure Room. Her eyes have sinned enough! Napabuntong-hininga si Pride at hinimas ang sentido, "Mabuti na lang at hindi ka pa nila pinapatay. Those nutheads are reckless and illogical as they are; though sometimes, the mansion itself kills the maids." Hindi alam ni Snow kung matutuwa ba siya o mangangamba sa narinig.

"Do you need anything else?" Mahina na lang niyang tanong sa binata.

Pride's smirk widened, at iniangat niya ang tea cup bago itinapon ang laman nito sa sahig. Mataman lang itong nakatitig sa kanya bago ibinaba ang tea cup sa tray. "I don't like the aroma. Ulitin mo."

Napanganga na lang si Snow sa ginawa ng lalaki. Panandalian siyang natuod sa kinatatayuan bago kinuha ang tray, pinipilit niyang hindi mapamura sa nangyari. 'What the hell is he doing?' Huminga nang malalim ang dalaga at tumango. "Masusunod po." Minsan talaga, iniisip niyang sinasadya ng magkakapatid na gawing impyerno ang kanyang buhay.

She repeated his tea, but every time she presented it to him, hindi ito nagugustuhan ni Pride.

"Masyadong maputla ang kulay."

"Gusto ko ng matapang na tsaa."

"You call this tea? It tastes like trash."

Pabalik-balik na siya sa pantry at konti na lang ay maibabato na niya ang tea pot sa binata. Ngayon ay ibang tea leaves na ang ginamit niya.

Ngunit nang ibinigay niya ito kay Pride, "This is Wulong tea." Panunuri ng binata sa tsaa kahit pa hindi niya pa ito tinitikman.

"Yes. I saw some in the cupbo----"

"I hate Wulong tea," at hinagis nito ang tsaa sa kanyang likuran na para bang isang basahan. The tea cup crashed and shattered into fragments upon hitting the wall. Inadjust ni Pride ang kanyang eyeglasses at bumalik sa pagbabasa, "Nawalan na ako ng ganang mag-tsaa. Maaari ka nang umalis."

Muling napanganga si Snow sa kanyang sinabi. 'Nababaliw na talaga ang mga demonyong ito!' Padabog niyang kinuha ang tray at pinulot ang basag na tea cup but before she could walk out of his room, muling nagsalita ang mapagmataas na prinsipe.

"Have you ever valued anything in your life?"

Natigil siya sa paghakbang. "Ano naman ang pahahalagahan ko? I don't even value my own life anymore. Bakit mo natanong?"

Umiling lang si Pride.

"No reason. Do me a favor and go to the anatomy room, princess."

Tinitigan niya ang lalaki na wari bang tinubuan ito ng limang ulo, "Ano?" Hindi niya maaalalang mayroong ganoon sa mansyon. Pero imbes na magpaliwanag si Pride, may kinuha siyang susi sa loob ng kanyang bulsa at inihagis ito sa kanya. Nagawa itong saluhin ng dalaga. The key is designed with a skull with one eye. Kulay itim ito at malamig sa kanyang kamay. It reminded her of the keys Gluttony and Sloth had for the Dessert Room and Library of Lost Souls. Mukhang ang bawat isang kasalanan ay may espesyal na kwarto na tanging sila lang ang nakaka-access.

"Why do you want me to go there?"

Pride shrugged, "Find out. What's life without a little adventure? Oh, and say hi to Mrs. Bones for me." Bago pa man siya makaangal, bumukas nang mag-isa ang pinto ng private study. Wala na siyang nagawa kung hindi lumayas na lang sa lungga ni Pride. 'With them, I am always left with no choice'.

Dala ang tray para sa tsaa, tinahak ni Snow ang pasilyo pabalik sa pantry ng mansyon. Nakilala niya ang pintuan ng Maze of Mirrors sa kabilang gilid kaya't mabilis siyang naglakad palalayo roon. Ayaw na niyang mapadpad pa sa magulong mundo na 'yon. She rounded a corridor, just in time when an invisible thread appeared unnoticed.

Natalisod si Snow dito, her body colliding with the cold flooring. Umalingawngaw sa paligid ang pagbagsak ng hawak niyang tray kasabay ng pagkabasag ng iba pang tea cups at pati na rin ng tea pot na naglalaman ng mainit na tsaa. "Damn it!" Dagdag naman ito sa lilinisin niya mamaya. Akmang pupulutin na sana niya ang mga ito nang narinig naman niya ang alunig ng halakhakan.

She angrily spun around and glared at the culprits.

Ang kambal.

Bakit pa nga ba siya magtataka?

"HAHAHAHAHA! You should have seen your face, mademoiselle!"

"Congratulations! First kiss mo ang sahig, Chione! BWAHAHAHAHA!"

"SAYANG! HAHAHAHAHAHA!" Chorus nila.

Halos gumulong na ang dalawa sa kakatawa. Mula sa kanyang kinauupuan, halos maimagine na ni Snow ang pagtubo ng sungay ng dalawang ito. Mas lalong tumalim ang titig niya sa kanila. "GREED! ENVY!" Nagkatinginan ang kambal at mabilis na tumakbo papalayo. Huminga nang malalim si Snow at tinitigan ang repleksyon niya sa basag na tea pot. Naaalala niya ang tanong kanina ni Pride.

"May pinapahalagahan pa ba ako?"

Alam niyang wala. Natuto na siyang 'wag pahalagahan ang kahit ano, dahil alam niyang balang araw ay mawawala rin ang lahat sa kanya. What's the use of valuing something when it's destined to break in the end? Parang tubig na sinalo sa mga palad, unti-unti itong maglalaho. It will eventually slip through your fingers, leaving you with nothing.

Nothing.

Nang mag-angat ng tingin ang dalaga, napansin niya ang isang pintuan sa kanyang harapan. Kulay itim ito at mayroong signboard na gawa sa pilak. Words were engraved on it, at nang mabasa ito ni Snow, kumunot ang kanyang noo. It's elegant calligraphy stared back at her:

"The Anatomy Room of Humans, Monsters and Everything in Between"

Naramdaman niyang uminit ang susing nasa bulsa niya. Dahan-dahan itong inilabas ni Snow at maingat na inilapat sa seradura. In one swift motion, the door swung open and she was engulfed into another strange room. Nang makapag-adjust ang mga mata ni Snow, agad siyang napaatras nang makita ang anatomy models na nakadisplay sa buong silid. Over a thousand anatomy models of different creatures are neatly arranged in the center of the room. Halos hindi na niya matanaw ang hangganan ng silid sa lawak nito. Tanging gabay lang niya ay ang mahinang ilaw na nanggagaling sa sahig. Every step she made left a bright white glow on the floor.

All kinds of weird species, having one for male and one for female.

"Werewolves, mutant frogs, witches, one-eyed Minotaurs..." Pinagmasdan niya ang mga model na tila ba buhay. Mukhang nagawa ni Pride na i-preserve ang kanilang mga katawan, making them into lifeless models for an exhibit. Napansin rin niyang maingat na naka-dissect ang katawan ng mga ito, naka-label ang lahat ng parte mula sa utak hanggang sa pinakamaliit na bituka; pati ang kanilang mga buto at balat (o fur, depende sa nilalang) organisadong naka-tag.

Pinuntahan naman niya ang kabilang bahagi ng silid kung saan mukha itong imbakan ng kasangkapan at iba pang specimen. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang napakaraming bote--maliliit at malalaki, iba-iba ang hugis---na nakalagay sa mga istante. Each bottle contained a different colored liquid. Ang bawat isang bote ay naglalaman naman ng iba't ibang parte ng katawan ng tao, halimaw o fetus ng anumang organismo. There were shelves for brains, vampire teeth, toe nails, horns, and everything you could ever imagine!

"Bakit ba ako pinapunta ni Pride dito?"

Matapang niyang sinuyod ang pinakahuling  bahagi ng silid na mukhang laboratoryo. Makalat at mukhang matagal nang hindi nalilinisan ang parteng ito. Maraming kahon, microscopes at charts ang nagkalat sa paligid. Nanlata si Snow tuwing iisipin niya ang mga kababalaghang ginagawa rito ni Pride. "He's like a mad scientist. Hindi na ako magtataka kung siya ang tunay na lumikha kay Frankenstein."

"Actually, he is. Pride possessed the scientist who made that monster."

Napabalikwas si Snow sa pagkakaupo sa isang malaking kahon nang marinig niya ang boses na iyon. Natataranta niyang hinanap ang kung sinumang nagsalita. "M-May tao ba dito?" Or monster? Hindi na niya alam. Kinakabahan niyang inilibot ang paningin sa paligid ngunit wala siyang makita. Baka naman guni-guni niya lang na naman na may nagsalita?

"In here, you brainless little human! Hindi ka ba marunong mag-isip?"

Mabilis na bumaling si Snow sa malaking kahong inupuan niya kanina. 'S-Sa loob ng box?' Kinakabahan niyang binuksan ito, at sinilip ang laman. What she saw, literally left her dumbfounded. Napaatras siya ng ilang hakbang nang biglang lumabas sa kahon ang isang kalansay ng tao. Lumabas ang katawan, tumayo at kinapa ang nawawalang ulo bago kinalkal ang kahon. Soon enough, the headless skeleton found its head, and adjusted it on top.

May hinanap muna itong kulay pink na dress na mukhang medieval pa ang disenyo. After fixing herself, the skeleton smiled at her. Napansin agad ni Snow ang kulay pulang heart na nakatattoo sa noo ng bungo.

"Hello, my name is Mrs. Bones. Since you are trespassing in my master's territory, kailangan na kitang patayin."

---

Through that window—all else being extinct
Except itself and me—I saw the struggle
Of darkness against darkness. Within the room
It turned and turned, dived downward. Then I saw
How order might—if chaos wished—become:
And saw the darkness crush upon itself,
Contracting powerfully; it was as if
It killed itself, slowly: and with much pain.
Pain. The scene was pain, and nothing but pain.
What else, when chaos draws all forces inward
To shape a single leaf? . . .

---The Room,
Conrad Aiken

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

6.1M 267K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
132K 10K 74
A Paranormal-Love Story *** Sa mundong lahat ay posible. Harapin ang takot. Tuklasin ang natatagong lihim. Sa mga katanungan na hahanapan ng kasag...
573K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
27.2M 695K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...