✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

QUINQUE

6.8K 392 88
By NoxVociferans

Tick..tock. Tick..tock...

Tanging ang nakabibinging tunog ng mga orasan ang namayani sa katahimikan ng pagawaan. The shadows danced upon the hands of time, alluring and deadly all the same. Lumalalim na ang gabi, ngunit nakatitig pa rin si Mr. Boswell sa mga piyesa ng pinakabagong orasan na pinagkakaabalahan niya. The clock he was making is a magnificent craft of narra wood, painted black and adorned with silver details for numbers. Napadungaw siya sa labas ng bintana nang dumaan ang ilang mga kabataan sa harapan ng kanyang tindahan.

'Pitiful..they won't know what it feels like to be obsessed with time,' he thought and returned to his work.

Pero hindi pa rin niya maalis sa kanyang isipan ang pagtakas ni Snow at sa paglipas ng bawat segundo, tila ba nadaragdagan ang galit niya sa nangyari. "She won't be able to escape..not fully, that is." Namalayan na lang niya ang pag-iibang anyo ng kanyang mga nilikhang orasan. Humalo na sa mga anino ang kanilang mga anyo at tila ba nagkaroon ng sariling buhay. Napalitan ng sigawan ang kanina'y nakabibinging tunog ng mga ito at naging patalim ang paintbrush na nakapatong sa kanyang lamesa.

"Hindi mo ako matatakasan, Snow..kung akala mong ligtas ka na sa puder nila, nagkakamali ka."

The clockmaker threw the elegantly made narra clock against the opposite wall. Umalingawngaw ang tunog ng nabasag na orasan sa gitna ng kadiliman at naglaho na ang binata kasabay ng pagpatak ng alas-dose ng gabi.

*
Tick..tock. Tick..tock...

Tinakpan ni Snow ang kanyang mga tainga, nagbabaka-sakaling maibsan ang sakit na dulot ng nakabibinging tunog ng mga orasan. She closed her eyes, desprately drowning out the sound. "Saan ba nanggagaling ang ingay na 'yon?!" nang magmulat siya ng mga mata para hanapin ang salarin, napasinghap siya nang makita ang bakal na rehas na naging tahanan niya sa loob ng ilang taon.

"N-Nandito ulit ako.."

Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Suddenly, she found herself back in that small metal cage, being held captive like a worthless animal. Malamig ang mga rehas sa ilalim ng kanyang mga kamay, ngunit sa pagkakataong ito, kusa nang bumukas ang kulungan niya. Walang inaksayang oras si Snow at mabilis na tumakbo papalabas ng kulungan at tinahak ang daan papalabas ng silid.

"Bakit ako napunta dito?!" Hingal na pagtataka niya.

Nang mapadpad naman siya sa madidilim na pasilyo, napansin niya agad ang pag-iiba ng paligid. Her eyes widened in horror when she saw a spiral staircase in front of her. 'Kailan pa nagkaroon ng ganito sa Clockwork's?' The spiral staircase led to a bottomless pit. Nang sinilipin niya ito, napaatras siya sa kadilimang nasa ibaba. Magbabaka-sakali ba siya?

"You can run, but you can never hide, little Snow..."

Nawala ang pag-aalinlangan ng dalaga nang marinig ang boses na iyon. Footsteps echoed all around her as she fled towards the staircase---down, down, down. Parang walang katapusan ang hagdan at ni hindi niya makita kung anong nasa ilalim nito. Patuloy pa rin siyang tumatakbo, ang pagtunog ng mga orasan ang tanging ingay na maririnig liban sa kanyang puso na para bang gusto nang kumawala sa kanyang dibdib.

Suddenly, fire erupted from down below.

Napasinghap siya nang makita ang nagngangalit na apoy na halos lumamon na sa mga pader. Sinubukan niyang lumayo pero nahagip ng apoy ang kanyang prosthetic leg. Napadaig siya sa init na dulot nito at mabilis na kumalat ang apoy sa kanyang balat. Snow felt the shearing pain as it intensified.

"Damn! T-Tulong.."

Tick..tock. Tick...

"Tock. How does it feel like to burn alive, Snow White?"

Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang muli ang lalaking laging nasa mga bangungot niya. Snow glared at Mr. Remi Boswell who calmly watched her burn. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga, "Burning alive is better than living a sensless life. Ano pang silbi ang mabuhay kung wala na rin naman akong rason?"

Bumuka ang bibig ng lalaki, ngunit wala na siyang maunawaan sa sinabi nito. The blazing flames of hell engulfed her, at isang nakakapanindig-balahibong sigaw ang kumawala sa kanyang bibig kasabay ng sakit na alam niyang uukit sa pagkatao niya.

"AAAAAAAHHHHHHH!"

Snow woke up.

Hinihingal niyang sinapo ang noo at pinakiramdaman ang paligid. It was only a nightmare...again. Huminga siya nang malalim at papakalmahin na sana ang nawawalang puso nang mapansin niya ang bulto ng isang lalaking nakapatong sa kanya. In the darkness, she adjusted her eyes and gasped upon recognizing...

"Lust? A-Anong ginagawa mo dito?!"

Isang pilyo at nakakaakit na ngiti ang gumuhit sa labi ng binata. He shifted slightly and encaged her with his muscular arms. Nakatitig ito kay Snow na para bang isang leon na lalapain na ang isang tupa. "Bakit parang kinakabahan ka? You should be thankful that I'm keeping you company while you were having nightmares. Magpasalamat ka sa'kin."

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki at marahang tinulak papalayo sa kanya.

"Pasasalamatan kita kung tatanggalin mo ang kamay mo sa loob ng pajamas ko."

Hindi siya nagpatinag nang kumindat si Lust at inalis sa hita niya ang mainit nitong kamay. So, does he really think that she wouldn't mind having his hands all over her? Ganoon kababa ba ang tingin nito sa kanya? This is crazy. Nang mapansin ni Lust na seryoso pa ring nakatingin sa kanya si Snow, he innocently raised his hands up in defense.

"Hindi ko napansin na napunta doon ang kamay ko! Believe me, I'm as harmless as a sheep, love." He smirked.

"Really?"

"Tsk. Look, among all my stupid brothers, ako ang pinakamapagkakatiwalaan. Cross my virginity and hope to die!"

Umirap si Snow at naupo sa kama. She scooted away from Lust and frowned, "You're not fooling anyone, Lust. You're a damn wolf in a sheep's skin kaya tigilan mo na nga ang pagpapanggap mo!"

Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mapupulang labi ni Lust. Only now had she realized that he was actually topless. Pilit niyang hindi binigyan-pansin ang bagay na iyon. In all honestly, Lust is the perfect personification of sin and temptation.

'If only he could keep his hands to himself,' napabuntong-hininga na lang si Snow at tinabig ang malikot na kamay ni Lust na bahagyang gumagapang sa binti niya. "Bakit ka ba nandito? Ang alam ko sa kabilang dulo pa ng hallway ang kwarto mo."  Ss buong maghapon ng paglilinis ng mga pasilyo ng mansyon (na mukhang ilang siglo nang hindi nalilinisan) Snow discovered that the rest of the brothers' rooms are located in the right wing at the second floor. Sa kasamaang palad, tanging ang silid lang nila ni Wrath ang nasa bahaging ito at katapat pa mismo niya ang kwarto ng lalaking 'yon.

'Dapat talaga ako mag-ingat na 'wag galitin ang isang 'yon..'

Umusog si Lust papalapit sa kanya at malokong tinuro ang kabilang silid, katabi ng kay Snow.

"My Pleasure Room is just next door. Nagliliwaliw ako doon tuwing gabi, so if you ever feel lonely, all you need to do is moan my name, babe." Lust licked his lips, his eyes darting to her chest again.

"W-What?!"

Napanganga sa gulat ang dalaga. Pleasure Room? Sa dami ng mga kwartong naka-lock sa mansyon, bakit ba hindi niya naisip na mayroong solong kwarto si Lust para gawin ang makamundo niyang mga gawain? At katabi pa mismo ng silid niya! This is madness to the next level! She would never imagine what horrors reside within his Pleasure Room. Natawa si Lust sa reaksyon niya.

'Nakakahawa naman ang tawa niya..'

Lust may be a little too intimate, but she has to admit, he's charming. Snow found herself smiling at the thought until the man suddenly asked, "You were having nightmares earlier. Tungkol saan? O baka naman nagkakaroon ka na ng wet dreams tungkol sa'kin?"

Nag-iwas ng tingin si Snow. Sa kadiliman ng silid, ramdam niya ang mga titig sa kanya ni Lust habang hinihintay ang sagot nito. Hindi niya inaasahan ang tanong at lalong hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"It's nothing."

Lust snorted, "Nothing? Ah, kaya pala halos magwala ka na kanina. Halos hindi ka na makahinga at para bang takot na takot ka..sabihin mo, ano ba ang ikinatakot ng isang mortal na kagaya mo?" Bahagyang lumapit ang mukha ni Lust sa kanya, isang mapaglarong kinang sa kanyang mga mata. His amusement irritated her more.

"It doesn't matter. A-Ayokong pag-usapan. Pwede bang umalis ka na sa kwarto ko?"

Pero ni hindi gumalaw si Lust.

"Minsan ang mga bagay na ayaw mong pag-usapan pa mismo ang kailangang pag-usapan. You can't run away from your fears, love. It doesn't work that way."

Isang matalim na tingin ang pinukol niya sa binata, "You're a demon! How would you know anything about fear? Hindi mo ako naiintindihan, k-kaya umalis ka na." Snow White mentally cursed herself when her voice wavered. Pinilit niyang ipakita na hindi siya natatakot sa lalaking harap niya. Pinilit niyang kalimutan ang panaginip niya at ang nakakapanindig-balahibong tunog ng mga orasan. May mga bagay talagang mahirap takasan.

Napailing na lang si Lust at marahang hinawakan ang kanyang braso. Babawiin na sana ito ni Snow, pero hindi niya ito ginawa. There's something different from the way Lust holds her arm. His touch is no longer tempting or seductive. Sa pagkakataong ito, malumanay lamang ang hawak sa kanya ni Lust. Warmth crawled from his skin, calming down her anxiety.

Hindi pa rin inaalis ng prinsipe ang kanyang mata kay Snow.

"Hanggang kailan ka ba magiging matatag, Snow? Hanggang kailan mo ba tatakasan ang makasalanang mundo?"

Sa sinabi niyang iyon, dumako ang mga mata ng dalaga sa pulsuan niya. Bahagya palang tinabig ni Lust ang sleeves ng damit niya, now exposing her wrist---full of scars, some wounds deeper than the others. Naaalala niya ang mga panahong inuukit niya ang mga sugat na iyon sa kanyang balat. Naaalala niya kung paano umagos ang sariwang dugo mula sa kanyang maputing balat. These scars are masterpieces and she loved hiding them.

She pulled her wrist away from him.

Lust sighed.

"By the way, mukhang kailangan mo nang palitan ang prosthetics mo... It looks older than this mansion."

Nanlaki ang mga mata ni Snow sa sinabi niya. Agad siyang bumangon sa kama at humakbang papalayo kay Lust. 'Nalaman niya!' Patay na talaga. Ano na lang ang gagawin ng magkakapatid kung matutuklasan nilang may deperensiya pala ang nakuha nilang alipin? Fear crept into her. Paniguradong itatapon siya ng mga ito! Baka nga patayin pa siya! Nanginginig na sumiksik sa sulok ang dalaga. Her body felt numb, trembling from anxiety. Katapusan na niya..

She's a handicap. Isang patapon. Hindi na siya magtataka kung hindi siya tanggapin ng mga demonyong...wala naman talagang tumanggap sa kanya noon pa man. She's useless, at habang buhay nang nakatatak ang isipan ni Snow ang bagay na iyon--her despicable mother made sure she remembers that.

"Wala ka talagang silbi! Bakit pa ako nagkaroon ng abnormal na anak? Tangina naman..ang malas na nga ng buhay ko, dumagdag ka pa!"

Paulit-ulit ang mga salitang ito sa isip niya. She could barely recall her mother's face, but her painful words had been enough to haunt her everywhere.

"H-Hindi niyo na ako kailangan.."

Lust eyed her, confused. "Ano bang sinasabi mo?"

"Ano pang hinihintay mo? Isumbong mo na ako sa kapatid mo para matapos na ang paghihirap ko.. Just kill me, I want to be in peace."

Kusa nang lumabas sa bibig ng dalaga ang mga katagang iyon. Nakatulala siya sa kawalan habang natatakpan ng kadiliman ang kanyang mukha. The moonlight coming from the lone window didn't even reach her. Ngayong alam na ng Seven Sins na isa siyang patapon, paniguradong papatayin siya ng mga ito..tulad ng ginawa nila sa iba pang mga alipin. Snow's heart constricted in pain.

They won't accept her. No one will.

Mas mabuti na nga sigurong patayin na lang siya ng mga ito. Mas mabuti nang tapusin ang isang kwento bago pa ito magsimula.

*
Napasimangot si Lust sa ikinikilos ng dalaga, but he couldn't blame her. Lalapitan na niya sana ito pero sa ganitong pagkakataon, alam niyang mas makabubuti kung iwan na muna niya si Snow. She needs to overcome her demons by herself. Tinitigan itong maigi ni Lust. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay at bahagyang sumilip ang prosthetic leg niya mula sa kanyang pagkakaupo. Luma na ito at halatang napaglipasan na ng panahon. Snow's eyes remained shut, as she murmured things that only she can hear.

'Kailangan kong makausap si Pride.'

Lust hesitantly left her and vanished in thin air.

Lumitaw siya sa private study ni Pride, at sa hindi inaasahang pagkakataon, naroon din ang mga kapatid niya. 'Bloody hell, mukhang ako na lang ang hinihintay,' he grinned mischievously at them and sat on the couch. Nakasandal sa pader si Sloth na mukhang inaantok pa, samantalang naglalaro ng baraha ang kambal. Lust turned to Pride, "Am I late for the meeting, brother?"

"Actually, you are. Five minutes and thirteen seconds late, to be exact. Saan ka ba nanggaling?" Pride sat at his favorite chair, adjusted his eyeglasses and glared at him.

Umirap naman si Lust sa inaakto ng lecheng kapatid. 'He's too damn bossy! Minsan talaga ihahagis ko sa Pacific ocean ang isang 'to!' himutok niya sa kanyang isip, "I was busy watching porn in my room. Wanna join me?"

Kalmadong umiling si Pride at nagsalita, nangingibabaw ang boses niya sa silid, "Nitong mga nakaraang araw, pakaunti na nang pakaunti ang mga kaluluwang nakokolekta natin. I've checked the statistics and it displeases me. How is that so?" He glared at his brothers who now turned to addressed him with seriousness. Kahit si Lust, isinantabi muna ang pagpaplano para ihagis sa Pacific ocean ang mayabang na kapatid at napilitang makinig.

"Is it possible that humans found a way to delay their death? To live longer?" Suhestiyon ni Greed.

"That's fucking impossible! Hindi magagawang dayain ng mga mortal ang kamatayan. They may be able to invent those twisted machineries with technology, but their expiration date cannot be postponed!" Nanahimik sandali ang lahat dahil sa namumuong galit ni Wrath. 'Short-tempered prick as usual,' kumento ni Lust sa isip niya.

"He's right," lumingon sila sa direksyon ni Sloth na ngayon lang nagsalita, "kahit pa gumamit sila ng mga gamot o sumailalim sa mga operasyon, hindi nila matatakasan ang kamatayan. Their sinful souls should be in our possession already."

Huminga nang malalim si Lust. Mukhang may problema nga sila sa trabaho. Ang akala talaga ng mga mortal, kapag nagpapagamot sila o sumasailalim sa mga walang-kwentang operasyon, humahaba ang buhay nila. No, that is not the case. Lahat sila ay may expiration date at hindi na magbabago pa ang mga petsang iyon. Kung halimbawang naging "matagumpay" ang isang operasyon ng isang mortal at gumaling siya sa isang sakit, iyon ay sa kadahilanang hindi pa talaga niya oras. His expiration date still remains.

"There's nothing to worry about. Baka naman sadyang bumabait na ang mga mortal na 'yon kaya nagkakaproblema tayo sa koleksyon. No big deal. Pwede na ba akong bumalik sa pagkain?" Sabi naman ni Gluttony na mukhang kanina pa kating-kati para bumalik sa dining hall. Lust rolled his eyes, 'kahit kailan talaga, mahirap istorbohin si Gluttony sa kanyang midnight snacks. Psh. Bastard'.

"Bumabait? I highly doubt that possibility. Hindi nagbabago ang bilang ng mga makasalanan kada henerasyon, at hindi iyon dapat magbago ngayon.." Pride sighed, "kung hindi, baka mawalan na talaga ng balanse ang mundo."

Balanse.

Lust almost snorted at the thought.  'Balance, my ass.' Hindi na uso 'yon! Pero pinili niyang 'wag na kumibo at baka kung ano pang gawin sa kanya ni Pride---not that he's scared, of course. Hindi takot si Lust kay Pride. No. Hindi talaga. "Ako pa nga ang dapat katakutan ni Pride.."

"Anong binubulong mo diyan? Gusto mo isumbong kita?" Pang-aasar ni Envy na nasa tabi na pala niya.

"Screw off, brother!"

Tinawanan lang siya nito.

Lumipas ang pagpupulong nila nang  nagbabangayan lang. They spent half of the time arguing and the other half trying to stop the twins from burning Pride's private study room. Wala naman talagang pakialam si Lust lalo't noon pa man ay nagkakaroon na sila ng panandaliang mga problema sa trabaho. They've been doing this job for centuries! Ano bang posibleng problema ang hindi nila masosolusyunan? They're the notorious Seven Deadly Sins for pete's sake!

Nang bumalik na sa kanya-kanyang mga gawain ang mga kapatid niya, Lust stayed and watched Pride gaze out the window. Nakadungaw ito sa buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim na kalangitan. Alam niyang malalim na naman ang iniisip ng nakatatandang kapatid.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

"Pride, noon bang dinala mo si Snow dito, alam mong----"

"Oo."

Lust frowned. Alam na pala niya na may "disability" ang dalaga, bakit ginawa pa niyang alipin? Minsan talaga hindi niya makuha ang logic sa utak ni Pride. "If you have nothing else to talk about Lust, pwede ka nang umalis." Mahina at walang emosyong sabi ni Pride na tila may malaki pa ring pino-problema. Umirap na lamang si Lust at inis na lumabas ng private study---not before flashing a middle finger at his irritatingly calm brother. Kaso hindi naman niya ito napansin dahil nakaharap pa rin ito sa pesteng bintana.

What is it with people wanting him to leave? Tsk. Mukhang nawiwili na ang mga tao sa pagpapalayas sa kanya.

"That bastard."

After slamming the door, lumiko si Lust sa isang pasilyo para tahakin ang hagdang paakyat ng pangalawang palapag nang may magsalita sa kanyang gilid.

"You shouldn't bother about the girl. Hindi rin naman siya magtatagal dito."

'Isa pa 'tong lecheng ito', humarap ang prinsipe ng temptasyon sa kapatid na ubod ng katamaran. Medyo nagulat pa nga siya at hindi ito dumiretso sa lungga nito at bumalik sa pagtulog. "Sa tingin mo ba hindi ko alam ang bagay na 'yon? Wala namang tumagal sa'tin na alipin eh. Karamihan sa kanila 'aksidenteng' napatay nina Wrath at Pride samantalang ang iba naman nilamon ng mga nilalang sa kwarto mo. Some died of hunger because Gluttony ate their meals. The others committed suicide dahil hindi nila nakayanan ang nakamamatay na mga laro ng kambal---"

"---at ang iba naman, namatay dahil sa STDs na dala mo." Pagtatapos ni Sloth sa kanyang sinasabi. Lust smirked, "That's not true! Well, atleast naligayahan sila bago sila namatay. It's their fault for being attracted to me."

"You're a hopeless case, brother."

"Said the one who's been staying in his room for a century."

Napailing na lang si Sloth at naglakad na papunta sa kabilang direksyon. Napapailing na lang si Lust at bumalik na lang sa kwarto niya. Minsan talaga alam niyang wala ring silbi ang makipag-usap sa kanyang mga kapatid. They never agreed on anything and perhaps, they never will.

*

Kanina pa sumikat ang araw pero wala pa ring balak umalis sa sulok si Snow. To say that she's terrified is an understatement. Umiikot sa utak niya ang mga posibleng gawin sa kanya nga magkakapatid ngayong alam na nilang may depekto ang alipin nila. 'Paniguradong sinumbong na ako ni Lust..' Snow couldn't even imagine how the others would react. Lalo na si Pride.

"Sana pala nagpakamatay na lang pala ako noon..." Pero huli na para magsisi.

Her bedroom felt empty.

Alam niyang anumang oras ay papasok na ang mga lalaking panandalian lamang niya nakasama at kakalakarin siya palabas ng mansyon. Mayhe they'll even burn her alive, at malamang katulad ng sa panaginip niya, papanoorin lamang siya ng mga ito habang nasusunog siya. 'Just like what Mr. Boswell always did in my nightmares'. Huminga siya nang malalim at hinimas ang kumikirot na tuhod, kung saan bumabaon na ang knee joint ng prosthetics niya.

Bakit ba kasi siya abnormal?

Gusto niyang manisi ng tao, pero ilang ulit na niyang napatunayan na wala siyang pwedeng sisihin sa kamalasang ito.

"A woman should never wear a frown for her make-up, mademoiselle."

Nag-angat siya ng ulo sa boses at nagtama ang mga mata nila ni Greed. He smiled at her warmly. Nakasuot ang lalaki ng kulay pulang turtle neck sweater at nakalahad ang kamay nito sa kanyang harapan. Napakurap-kurap siya.

"Bakit ka nandito? A-Anong kailangan mo sa'kin?"

Wala siyang tiwala sa kanya o sa kahit sino sa kanilang magkakapatid. Hindi na niya kayang magtiwala pa sa kahit sino---maging prinsipe man ng impyerno o hindi. When Snow didn't accept his hand, lumawak pa lalo ang ngisi ni Greed, "Wala pa kaming pagkain at kanina pa nagwawala sa dining hall si Gluttony. Minabuti ko nang sunduin ka."

Mas isiniksik ni Snow ang sarili sa maruming sulok, "Para saan pa? Itatapon niyo rin naman ako. No need to act like everything's fine when it's clearly not."

Matagal siyang tinitigan ni Greed bago ito napabuntong-hininga. "We need to turn your frown upside-down, and I know just the trick... HOY ENVY! PASOK! HINDI GUMANA ANG PLAN A NATIN!"

Napapitlag ang dalaga nang bigla na lang pumasok sa kanyang silid si Envy na malawak rin ang ngiti; pero hindi iyon ang nakapukaw ng kanyang atensyon kung hindi ang hawak nitong lubid. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang lumapit sa kanya ang kambal, nakakalokong mga ngiti sa kanilang mga labi.

"T-Teka, anong gagawin niyo?!"

"Chill, Chione. We're just helping you."

"My ugly twin is right, mademoiselle. Hindi ka namin sasaktan...masyado."

At hinawakan na siya ng mga ito. Snow screamed and tried struggling but it was no use. "G-GET OFF OF ME! AAAAH!" Pero ano pa nga bang aasahan niya? She's no match, especially with the twin demon princes of hell...

Namalayan na lang ni Snow na nakatali na pala ang kanyang mga kamay at paa. May busal rin ang kanyang bibig habang sinasamaan niya ng tingin ang dalawang lalaking naglagay sa kanya sa sitwasyong ito. The other brothers stared at her weirdly. 'This is crazy!' sigaw ng utak niya habang pilit na kumakawala sa kanyang mga tali. Narito siya ngayon sa dining hall, kaharap ang mga prinsipe---nang nakabitin nang patiwarik.

Oo, nakabitin nang patiwarik si Snow White.

She hung upside-down from the ceiling, ni hindi niya maalala kung paano nagawa ng kambal na isabit sa kisame ang makapal na lubid na nakatali sa kanyang mga paa. At habang gumagalaw siya para makakawala, para siyang kiti-kiti sa ere.

"Um...bakit nga ulit nakasabit nang ganyan si Snow?" Hindi makapaniwalang tanong ni Wrath na mukhang gulong-gulo pa rin sa nangyayari. Hinilot naman ni Pride ang kanyang sentido na para bang sumasakit na ang ulo niya sa sitwasyon.

Envy and Greed grinned mischievously and pulled the cloth from her mouth. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa magkapatid. Her frown deepened. 'Ano bang trip ng dalawang ito?!'

"Pwede bang pakipaliwanag kung bakit ako nakabitin na parang baboy dito?!"

At hindi nakakatulong ang pagsulyap ni Lust sa kanyang mga hita dahil sa pagtaas ng kanyang pajamas. Now her shameful prosthetic leg is exposed! Humakbang papalapit sa kanya ang kambal at mahinang ipinaliwanag.

"Kagabi ka pa kasi nakasimangot kaya naisip namin ni Greed na pasayahin ka."

Halos mapamura ang dalaga sa sinabi nito, "PASAYAHIN?! NABABALIW NA NGA KAYO!" Natatawa naman ang magkakapatid dahil sa hitsura niya. Mas lalo lang siyang nainis.

Greed winked, "We turned your frown upside-down, didn't we? Oo nakasimangot ka, pero sa anggulo namin, mukha ka nang nakangiti. Our plan is successful."

"Iyan ang problema sa inyong mga mortal. Try seeing things at a different angle and you'll find yourself smiling even in the most difficult situations...kahit pa nakabitin ka nang patiwarik." Envy winked at her.

Napahinto sa paggalaw si Snow dahil sa mga sinabi nila. Natahimik siya at pinagmasdang maigi ang dalawa. Sa hindi malamang dahilan, unti-unting nawala ang inis niya. Huminga siya nang malalim at nag-iwas ng tingin. "Itatapon niyo na ako, hindi ba? Wala akong kwenta.. Ebidensya na rin ang binti kong artipisyal. If you're going to kill me, might as well just get over with it."

Ayaw na niyang patagalin pa ang kanyang paghihirap. Alam niyang hindi naman siya tatanggapin ng mga ito.

Natahimik ang magkakapatid at nagtinginan sila. Ilang sandali pa, kay Pride na dumako ang kanilang mga mata. He's the authority in this mansion kaya hindi na rin nakapagtatakang nakabatay sa kanya ang desisyon nilang lahat. Pride's eyes bored into hers.

"You have five minutes left to cook our breakfast."

---

What is our life? A play of passion,
Our mirth the music of division,
Our mother's wombs the tiring-houses be,
Where we are dressed for this short comedy.
Heaven the judicious sharp spectator is,
That sits and marks still who doth act amiss.
Our graves that hide us from the setting sun
Are like drawn curtains when the play is done.
Thus march we, playing, to our latest rest,
Only we die in earnest, that's no jest.

---"Life",
Sir Walter Raleigh

Continue Reading

You'll Also Like

105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
471K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
1.9K 131 48
She can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Start...
458K 20.8K 26
"I've seen a lot of ghosts, but this one is different" A story about a girl who keeps seeing ghosts since she was a kid. She never paid attention to...