✔Snow White and the Seven Dea...

By NoxVociferans

471K 29.9K 3.7K

Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could... More

NOX
Snow White and the Seven Deadly Sins
UNUM
DUO
TRES
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]
CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS
More Stories by Nox
"Napkin"
"7 ROSES"
"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"
"The Writing Habit"
"Drinking Day: An Untold Story"
"Runaway"
"Japanese Flag"
"Birthday"
"How life is?"
"Gehanna"
"Twisted Fairytale"
"Tale Of Snow White And The Forgotten Deadly Sins (Apple Of Memories)"
"Be Mine"
"This Is Not A Mother's Tale"
SWATSDS2: QUEEN OF SINS
QOS: PROLOGUS
QOS: UNUM
QOS: DUO
QOS: TRES
QOS: QUATTOUR
QOS: QUINQUE
QOS: SEX
QOS: SEPTEM
QOS: OCTO
QOS: NOVEM
QOS: DECIM
QOS: UNDECIM
QOS: DUODECIM
QOS: TREDECIM
QOS: QUATTOURDECIM
QOS: QUINDECIM
QOS: SEDECIM
QOS: SEPTEMDECIM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDEVIGINTI
QOS: VIGINTI
QOS: VIGINTI UNUM
QOS: VIGINTI DUO
QOS: VIGINTI TRES
QOS: VIGINTI QUATTOUR
QOS: VIGINTI QUINQUE
QOS: VIGINTI SEX
QOS: VIGINTI SEPTEM
QOS: DUODEVIGINTI
QOS: UNDETRIGINTA
QOS: TRIGINTA
QOS: TRIGINTA UNUM
QOS: TRIGINTA DUO
QOS: TRIGINTA TRES
QOS: TRIGINTA QUATTOUR
QOS: TRIGINTA QUINQUE
QOS: TRIGINTA SEX
QOS: TRIGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUADRAGINTA
QOS: UNDEQUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA
QOS: QUADRAGINTA UNUM
QOS: QUADRAGINTA DUO
SWATSDS: SPECIAL ANNOUNCEMENT
QOS: QUADRAGINTA TRES
QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR
QOS: QUADRAGINTA QUINQUE
QOS: QUADRAGINTA SEX
QOS: QUADRAGINTA SEPTEM
QOS: DUODEQUINQUAGINTA
QOS: UNDEQUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA
QOS: QUINQUAGINTA UNUM
QOS: QUINQUAGINTA DUO
QUEEN OF SINS: EPILOGUS
QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA
SINNER'S DAY
Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves
SWATSDS Book (Pre-order)
About the SWATSDS book

QUATTOUR

8.1K 434 54
By NoxVociferans

Magulo. Iyon ang unang salitang pumasok sa utak ni Snow sa tuwing sisiksik siya sa pinakamadilim na sulok ng kanilang pinagtagpi-tagping bahay. Punit ang kanyang bestidang puno at may ilang bakas ng dugo mula rito. She closed her eyes and covered her ears---tried so desprately to block off the yells and screams. Ganito lagi kapag umuuwing lasing ang tatay niya. As usual, she'll see enough blood for the next few minutes habang ginugulpi ng lalaki ang asawa. Napamulagat na lang si Snow nang may bumagsak sa paanan niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang inang puno ng pasa ang mukha, umiiyak habang nakahiga sa kahoy na sahig ng kanilang munting tahanan. Para siyang mawawalan ng malay, anumang oras. The light coming from the lamp casting a dangerous glow on the face of the man who stared at her demonically. Lumapit ito sa kanya. Nanginginig na ang mga kamay ni Snow at pilit na isinisiksik niya ang sarili sa sulok.

She was only six years old.

"Halika dito, anak.."

Nakabibingi ang mga yabag nito papalapit sa kanya. Naiiyak na ang batang si Snow habang pilit na tinatabig ang mga kamay ng ama.

"W-Wag..a-ayoko!"

"Shhh. Wag kang maingay, natutulog ang nanay mo..."

"LUMAYO KA SA'KIN!"

Sa isang iglap, nagliwanag ang lahat. That's when Snow White opened her eyes and sat upright. Mabilis ang pintig ng kanyang puso at ramdam niya pa rin ang labis na takot sa kanyang sistema. Natataranta niyang inilibot ang mata sa paligid, pilit na hinahabol ang kanyang paghinga.

Walang tao.

Huminga siya nang malalim. She hates it when her past haunts her at night. Para bang isang pilat na hindi na niya maalis sa kanyang katawan. Itinuon na lang niya ang atensyon sa paligid. "Where am I?"

The crisp morning sunlight crept between the gap in the curtains.

Dinama niya ang malambot na higaan. She's resting on a large canopy bed, made out of polished black wood with detailed floral carvings. Mayroon itong itim na telang satin na nagsisilbing kurtina sa kanyang mga gilid. Pinasadahan niya ng kamay ang malambot na mattress at mga unang may ginintuang hibla na nakaburda upang bumubo ng maliliit na mga rosas. Even the bedsheets felt ridiculously elegant. "Para yata sa reyna ang kamang ito," she mused and stared at her dress. Ito pa rin ang itim niyang bestida.

Paired with this black and white (with a hind of gold) bed, she looks like a damn doll! Velvet black ribbons, beads and laces adorned her body, and she can't help but wonder if she had always been dressed like this.

"Pero paano ba ako napunta dito?"

Pilit niyang inaalala ang mga detalye sa mga nagyari kahapon. Naaalala niya ang sawayan, ang musika at ang pagpapakilala sa kanya ng pitong magkakapatid, pero kada aalalahanin niya kung paano siya napadpad sa silid na ito, para siyang nagkakaroon ng migraine. The dull pain throbbed at her temples, draining her of her energy.

"After effects iyan ng ilusyon. Normal lang na makaramdam ka ng sakit."

Snow's eyes darted at the man who was leaning against the doorframe. Hindi niya napansin ang pagdating nito. Pilit niyang inaalala ang pangalan niya, hanggang sa lumabas na lang ito sa kanyang bibig.

"Envy."

Ngumiti ang binata. There's something intimate with the way he stares at her---intimidating and sweet, like the calmness before a storm.

"Isang ilusyon ang nangyari?"

Tumango ito.

May hinala siyang isang ilusyon nga lang ang lahat. It was too good to be true, pero may maliit na tinig sa kanyang loob na nagkasasabing higit ito sa isang ilusyon. Naglakad papalapit sa kanya si Envy. Sa normal na okasyon, baka tumakbo na papalayo ang dalaga. He's a devil, of course he's dangerous, but for some reason, Snow White chose otherwise. Nanatili lang siyang nakaupo sa kama at pinagmasdan ang pag-upo naman ni Envy sa gilid nito. That smile never leaving his tempting lips.

"Pride had to put you in an illusion to keep you occupied, para itong anesthesia. Wala kang naramdaman habang isinasagawa namin ang ritwal kagabi, dahil nakakulong ka sa isang ilusyon."

Snow imagined the ritual to involve demonic chats and sigils. Nagpapasalamat siya't hindi niya nasaksihan ang bagay na iyon. Pilit na lang niyang iniwasan ang topic, instead she asked, "and you and your brothers found an opportunity to introduce yourselves to me while I as stuck in my own head? Clever."

Nagkibit ng balikat ang kausap, "We got bored." Huminga nang malalim si Envy bago muling nagsalita, "You were having nightmares, I assume?"

"It's none of your concern."

Lumawak ang ngiti ni Envy, "It is, especially now that you're staying in the mansion."

Umiling ang dalaga. Ayaw niyang mapalapit sa kahit kanino, dahil alam niyang balang araw pagsisisihan niya ito. Snow White will try to save herself from a greater pain, because she was never a princess locked up in some shitty tower. She will never be the damsel in distress. Mapait siyang ngumiti sa lalaki, "Sometimes, I want to die one day and see if my fucking mother would even care to attend my funeral." Kung sabagay, baka nga manguna pa ang ina ni Snow sa sugalang magaganap sa lamay niya. Napapangiwi na lang siya sa ideya.

Siguro kapag namatay si Snow, ni walang mag-aaksaya ng oras para dalawin siya. Not that she knows a lot of people, of course.

Mahinang natawa si Envy.

"Life is full of bullshit. Minsan malalaman mo na lang kung sinong may pakialam kapag inuuod ka na sa ilalim ng lupa. That's how it goes for mortals. A sad ending, indeed."

Ilang sandaling binalot ng katahimikan ang silid. Wala itong ibang kagamitan maliban na lang sa canopy bed, at isang maliit na desk na mayroong salamin. Kahit ang mga pader na napapalamutian ng kulay puti at itim disenyo ay malungkot tingnan. Her large Victorian-styled bedroom that elegantly outshines every single room she had ever seen in her life, suddenly became so empty.

"May kailangan na ba akong gawin bilang alila ninyo?"

"You need to cook our breakfast in about an hour. Sa ngayon, samahan mo muna ako sa garden."

Hindi na nakapalag pa si Snow nang hilahin siya ni Envy papunta sa hardin. They passed by the empty corridor, out of the grand mahogany double doors. Ngayong maliwanag ang paligid, kitang-kita niya ang makukulay na bulaklak sa bakuran. It was a large square garden, with a black iron fence and rose hedges. Lilies, stargazers, tulips, orchids, and many more vibrant flowers are in bloom---a stark contrast to the black Gothic mansion with gargoyles behind them.

"Mas maganda pala dito kapag araw. Last night, I thought I'd be seeing a graveyard in your lawn."

Envy tilted his head to the side, "Oh? The graveyard is at the third floor. Hindi mo naman sinabi na gusto mo palang makakita ng mga nitso't kalansay."

"R-Really?"

Nanlaki ang mga mata ni Snow sa sinabi niya. Her eyes sparkled with confusion and curiosity. May sementeryo sa loob ng mansyon?! Sabagy. Sa lahat ng mga nangyayari sa kanya ngayon, malamang kahit ano paniwalaan na niya.

Nagpalakad-lakad sila sa hardin. Snow noticed that it is actually bigger than it appears to be. Mas matataas na sa kanila ang ilang mga bulaklak (the giant sunflower is twice as tall as she is) at may itim na mga bato pang nakadisenyo sa lupa. Sa gitna ng hardin, napansin niya ang isang maze na gawa sa mga halaman at bulaklak. Madilim doon at para bang matagal nang walang napapadpad sa parteng iyon ng hardin. She couldn't see anything from the darkness beyond. It gave her a chill that can't be explained.

"May namatay na ba doon?" Hindi niya alam, pero iyon ang unang lumabas sa bibig niya.

Ngumisi si Envy, a devilish smirk that cannot be trusted, "Maybe, maybe not. It's better not to know, Chione." She cringe at the name.

"Sinasabi mo bang mas magandang maging ignorante?"

"Hindi. Sinasabi kong mas maganda kung ikaw mismo ang makakadiskubre ng mga sagot. Don't worry, I'll attend your funeral when you die."

May pilyong kinang sa kanyang mga mata. Snow felt hypnotized by his eyes, hanggang sa mapansin niyang papalapit na nang papalapit ang mukha nito sa kanya. She hurriedly pushed him away and turned to trace the trail they came from.

"I think I need to cook breakfast."

Sa kanyang likuran, naririnig pa rin niya ang malakas na pagtawa ni Envy.

"Aww.. You're no fun, Chione! Hahaha!"

Chione. Damm him and the way he calls her real name like it's nothing. Naiinis siyang bumalik sa loob ng mansyon, pilit niyang isinasawalang-bahala ang sensasyon na parang nakasunod sa kanya ang mata ng mga estatwa. She climbed up the marble steps and pushed open the mahogany doors. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Pride, nakahalukipkip at mukhang suplado. 'I wonder what happened to him?'

"You weren't in your room."

Napalunok siya at tumingin sa ibaba, "Pasensya na. Envy dragged m---"

"That is not a valid excuse."

Napapitlag siya tono ng boses nito. Ngayon niya lang naaalala na si Pride nga pala ang kausap niya---he is arrogance and dignity wrapped up in an attractive demon wearing eyeglasses. Nang hindi makasagot si Snow, binasag ng binata ang katahimikan.

"Look at me whenever I talk to you."

"O-Opo, pasensya na---"

"Never use that word again! Ipinagbawal ko ang magagalang na papanalita sa masyong ito. Everything nice and holy irkes me to the core." nang matama ang mga mata nila, nakita niya ang iritasyon sa likod ng mga ito. Nanliit si Snow sa titig sa kanya ng lalaki. Ilang sandali pa, napabuntong-hininga si Lust. He adjusted his eyeglasses and snapped his fingers.

Biglang nag-iba ang suot ni Snow White.

'Is he some sort of fairy godmother?'

Pero imbes na magarbong damit o anupaman, napakunot na lang ng noo si Snow nang makita ang maid costume na suot niya. It was a Old English-styled maid attire, a long black dress with a white rufflled overlay. May suot na rin siyang kulay itim na headpiece sa ulo. When she looked at him again, Pride seems pleased with her appearance.

"It suits you, princess."

Napasimangot si Snow, "Hindi ba parang ang ironic na tinatawag mo akong prinsesa samantalang nandito para maging alipin ninyo?"

Pride winked at her, "Precisely."

Snow White sighed when Pride vanished in thin air. Nakalimutan pa niyang tanungin sa kanya kung saan ang kusina. How can they expect her to navigate her way in this labyrinth they call a mansion? Nagpasikot-sikot sa mga pasilyo si Snow. Sinubukan niyang buksan ang mga pinto pero karamihan sa mga ito ay nakasara. Nadaanan niya ang music chamber, kung saan niya itong nakita si Sloth kahapon. She half-expected to see him there, baka sakaling pwede niya itong mapagtanungan kung nasaan ang kusina nila pero walang katao-tao roon.

Habang naririnig niya ang tunog ng orasang hindi niya alam kung saan nagmumula, mas lalo siyang natataranta. 'Nasaan ba kasi ang kusina dito?!'

She ventured all alone in the empty hallways. Pasikot-sikot ang mga ito at madilim dahil natatakpan ng satin na kurtina ang kakaunting liwanag na nagmumula sa bintana. Snow White ignored the feeling that shadows were following her. Sa wakas, may nakita siyang pinto na bahagyang nakabukas pero nang silipin niya ang silid dito, agad siyang nagulat.

"What the hell?"

Mas madilim sa loob ng silid, at para bang walang-buhay ang loob nito. Snow breathed heavily upon seeing several bodies hanging from the wall. Mahina siyang napamura nang mapagtantong katawan ng tao ang mga ito. She pushed open the door further, ano ba ang kwartong ito?

"May tao ba dito?" Napangiwi siya nang mabunggo niya ang isang bangkay na nakasalambitin, blood staining her forearm, "um.. m-may tao bang buhay dito?" The deafening silence scraped her ears. Tanging malalamig na bangkay lang ang nakikita niya at pinipilit niyang hindi tingnan ang mga mata ng mga ito. 'What is this place?' Para itong isang slaughter house, pero nakapagtatakang wala halos dugo sa sahig at mga pader.

And then, she heard someone breathing.

Napahakbang papaatras si Snow. Someone was watching her, that's for sure.

"Got lost, Snow?"

Malalim ang boses at tila ba mas malapit ito kaysa sa inaasahan niya. Snow White hurried staggered back. Sa gitna ng kadiliman, pilit niyang hinahanap ang pintong pinaggalingan niya, pero wala na ito. A familiar sense of fear knocked on her emotions. "S-Sino ka?! Pakawalan mo na ako dito!" Kung papatayin man siya ng kung sinumang halimaw ang kasama niya sa silid, she won't back down without a fight.

"How amusing."

Pagkasabi ng mga salitang iyon, biglang lumiwanag ang paligid. A single orange light bulb lit up in the room. Nagulat ang dalaga nang makita ang lalaking nakaupo sa isang silya sa gitna ng silid. That wicked smile and displeasing eyes were an immediate give away. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao para matigil sa panginginig ang mga ito.

"Wrath.. Anong ginagawa mo dito? At bakit," napahinga na lang nang malalim si Snow nang bumagsak ang isang bangkay mula sa pagkakasabit nito, "bakit ang daming patay dito?"

Nagtaas ng kilay si Wrath at noon lang napansin ng dalaga ang hawak nito---isang machine gun. Napalunok siya nang di oras.

"I might ask you the same. This is my room, Snow---my torture chamber, to be exact."

Torture chamber. Bakit ba hindi na siya nagulat na mayroong ganito sa mansyon? Inilibot niya ng mata ang mga pader na bahagyang naliliwanagan ng maliit na bombilya. Over a thousand deadly weapons---from assault rifles, hand grenades, katanas, guns, and whips---are displayed neatly on the four walls. Sa dami ng mga ito, halos wala nang espasyo sa pader. 'This demon is crazy!' Pilit na tinapangan ni Snow ang kanyang loob, pero nang ibalingan niyang muli kay Wrath ang kanyang mga mata, she gasped when he was standing in front of her.

Nakatutok na ang malaking machine gun sa kanyang noo.

"It would be best if you actually answered my question, Snow," he growled, like a wolf stalking his prey, "anong ginagawa mo sa silid ko?"

His eyes were intense. Para bang nakikita na niya ang apoy ng impyerno sa mga mata ng binata.

"I-I was looking for the kitchens."

"Talaga? Well, it seems like you're in the wrong place... O baka naman, gusto mo na talagang tapusin ang pagdurusa mo kaya pinili mong mapadpad sa torture chamber ko? I can kill you in the blink of an eye, Ms. Snow, and you wouldn't imagine how much red would be stained on this floor."

Kaba at takot na naman ang naramdaman ng dalaga sa kanyang loob, pero hindi niya ito ipinakita kay Wrath. Marahan niyang tinabig ang machine gun sa noo niya at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Kung kanina mo pa sana tinuro sa'kin kung nasaan ang kusina imbes na pagbantaan ang buhay ko, e di sana kanina pa ako nakapagluto ng almusal niyo."

Wrath scowled at her, "Point taken. Magluto ka na dahil nangugutom na ako at wala akong ganang makipag-agawan kay Gluttony.. Round the corridor on the left, straight ahead tapos kapag naamoy na ang masangsang na amoy ng nabubulok na mga bangkay, kumaliwa ka. That would be the kitchen."

"Wait..masangsang na amoy ng bangkay?" Bigla siyang kinabahan sa naiisip.

Wrath waved a hand dismissively, looking irrirated, "Doon ko tinambak ang patay kong mga kaaway last week. They got on my nerves, and now they're all rotting flesh. Ano pang ginagawa mo dito? Get moving!"

"Salama----"

"Tsk. Just go and cook, I'll kill you some other time. Pero kapag hindi masarap ang luto mo, asahan mong may bonding time ulit kayo ng machine gun ko." Ilang sandali pa, bumukas ang pinto sa kanyang likuran. Dali-dali siyang humakbang papalayo at tumakbo papalabas ng silid. The elegant black door of the torture chamber slammed shut. Noon lang nakahinga nang maluwag si Snow. She then hurried off to the kitchens. Hindi na niya pinansin ang pagiging engrande ng kusina at mabilis na nagluto.

She's not much of a cook. Sa sandaling panahong kasama niya ang ina niya, kaunti lang ang natutunan ni Snow sa pagluluto. Her mother never taught her how to cook---especially since they have nothing to eat anyway---but she managed to pick up a few basics. Snow is a good observer, and that is a burden until now.

Nang matapos siya, agad niyang sinilip ang orasan. Malapit nang mag-alas otso ng umaga. Snow White wiped the bead of sweat on her forehead and grabbed the tray of freshly cooked bacon, eggs and toast. Sinamahan na rin niya ito chicken soup. 'I find it quite creepy to see such normal ingredients in a demon's mansion',  isip-isip niya. Pero nang lalakad na sana siya papalabas, agad siyang napapitlag nang sumulpot ang isang lalaki.

Nabitiwan niya ang tray.

The man's eyes widened in horror, "DAMN IT! SAVE THE FOOD!" At sa isang kisapmata, nasalo ng misteryosong lalaki ang tray ng pagkain. He even caught the soup and bacon just in time before they hit the floor! Napanganga ang dalaga sa bilis ng reflexes ng binatang ito. Halatang hindi tao.

"Phew! Buti na lang nailigtas ko sila sa kapahamakan!" Napabuntong-hininga ito at sinipat ang nilalaman ng tray. His eyes sparkled with joy upon seeing the food, mouth almost watering.

Snow cleared her throat, "Almusal niyo 'yan, Gluttony. If you'd be so kind to tell me where the dining hall is, I'll be more than thankful." Pekeng ngiti ang ibinigay ni Snow dito. Halata namang hindi ito nakikinig sa kanya dahil nakapokus lang ang atensyon nito sa pagkain. Nang akmang aagawin na sana ni Snow ang tray sa kanyang kamay, Gluttony hurriedly dodged her hands and grinned. "Samahan na kita! Siguradong gutom na rin naman na ang mga kapatid kong puro ipinaglihi sa sama ng loob."

She eyed him suspiciously. Parang may maliit na boses sa kanyang loob na nagsasabing 'wag na 'wag niyang pagkakatiwalaan ang isang ito pag dating sa pagkain, pero wala na siyang nagawa nang nanuna na si Gluttony palabas! He even covered the food with a steel bowl and whistled merrily. "Baka naman napa-paranoid lang ako.. Maybe they're not all evil," mahinang bulong niya sa sarili.

*

They ventured through the twisting corridors, Snow following closely behind. Nang marating nila ang dining hall, agad siyang nakaramdam ng kaba nang makita ang ilan sa magkakapatid. Pride sat at the head of the long table while the twins---Greed and Envy---were causing havoc with the silverware.

Malaki ang dining hall, ang mataas na kisame ang siyang sumusuporta sa malaking chandelier sa gitna ng silid. Some cadelabras displayed on the black designed wall. The blood red carpet felt expensive under her worn out black shoes at kapansin-pansin ang mahabang lamesa na napapalamutian rin ng nalantang mga bulaklak na tahimik na nakamasid mula sa kanilang mga plurera. Behind Pride, the minute-hand of a clock struck eight. Umalingawngaw sa kainan ang alunig ng orasan.

"About time." Pride elegantly adjusted his table napkin.

Greed winked, "Can't wait to eat you----"

"Eat her? Hahahaha! You sound like Lust, brother. That's sinful." kumento naman ni Envy na binigyan siya ng makahulugang titig.

Umirap naman si Greed, "I was going to say 'eat your cooking' but it seems that a certain green-minded bastard took the spotlight...again. Pasikat ka talaga kahit kailan. Inggit ka lang eh."

"May pinapahiwatig ka ba?!"

"Bakit, wala ba?!"

At nag-away na naman sila.

Huminga nang malalim ang dalaga at kinuha kay Gluttony ang tray. She walked closer towards them and placed it on the table. Nanlalalmig na ang kanyang mga kamay. 'Paano ba ulit ako napunta sa ganitong sitwasyon?' sigaw ng isip niya, pero kada maaalala niya ang buhay niya sa pananatili sa maliit na kulungan sa Clockworks, hindi na siya nakakaangal. 'Serving breakfast to twisted demons is way better than being encaged like an animal'.

Pride eyed her expectantly.

"Ano?"

"Aren't you going to say something, princess?" Binigyan siya nito ng tingin na nagsasabing "you're a damn slave in this house". Suddenly, the endearment "princess" sounds much more ironic. Huminga siya nang malalim at bahagyang yumukod sa harapan nila. Hindi na niya pinansan ang mapang-asar na tingin sa kanya ng kambal.

"I-I apologize for the delay.."

"I can't hear you." Pride smirked and leaned back against his chair.

Pinigilan ni Snow na dapuan ng masamang tingin ang prinsipe. Kailangan niyang mag-ingat sa mga ito at baka bukas-makalawa, hindi na siya humihinga. She might even be one of those bodies hanging in Wrath's chamber. Mas nakakakilabot isipin iyon.

"I'm sorry."

"Again."

'Namumuro na talaga ang isang 'to!'

"I'm sorry! Pasensya na at natagalan ako sa pagluto ng almusal niyo! Kung sana nagbigay ka ng mapa ng mansyon, e di sana nahanap ko agad ang kusina." Napatakip na lang siya ng bibig. Snow silently hoped that Pride doesn't burn her here and now. Baka magalit ito sa ginawa niyang pagsagot!

The man rolled his eyes, "First offense; for now I'm giving you a warning. The next time you displease me, it's a night in the dungeons for you. Sa third offense naman.." Sumiklab ang apoy sa likod ng mga salamin ni Pride, the demon within him surfacing, "..sabihin na lang natin na maglalaho ka."

Pinilit ni Snow na magpakita ng tapang sa harapan ng lalaking ito. He's making it clear to her---Pride is the authority in this household. Tumango na lang ang dalaga bilang paggalang. Nagulat na lang din siya nang tumayo na si Pride at naglakad papalayo.

"T-Teka! Yung almusal mo..."

Huminto ito sa paglakad, "No need. Mukhang wala na rin namang natira sa almusal namin." At tuluyan na itong naglaho. 'Ano bang sinasabi niya?' Mabilis na tinanggal ni Snow ang steel cover ng tray at tuluyan nang nalaglag ang kanyang panga nang makitang wala nang laman ang mga plato. Not even a bread crumb. "W-What the heck?" Sa gilid niya, humalakhak ang kambal at tinuro ang ilalim ng mesa.

"Beware of the monster under the dining table. He eats breakfast faster than you can say his name." Envy taunted.

Galit na sinilip ni Snow White ang ilalim.  There, hiding under the table, Gluttony devoured food and grinned sheepishly at her. Nakita niya ang mga platong wala nang laman sa tabi ng lalaki. Mas lalong lumakas ang tawanan ng kambal at napapailing na lang sa galit si Snow. 'That sly dog!' Himutok niya at sa loob-loob ng dalaga, ilang ulit na niyang sinagasaan ng ten-wheeler ang tusong demonyo.

"GLUTTONY!"

---
Mademoiselle,
take some ice, take come snow, take a month of rain
and you would gutter in the dark, cracking up your brain.

---Angels of the Love Affair,
Anne Sexton

Continue Reading

You'll Also Like

99.9K 5.4K 26
C O M P L E T E D --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng k...
6.1M 267K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
Adrasteia By CG

Paranormal

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...