Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 49

65 4 0
By zieeerendipity

Maayos ang plano para sa mga mangyayari sa susunod na linggo. Nagpatuloy sa pag-de-decode sina Iana at Warnell at naging abala naman sina Retired Lieutenant Sebastian sa papalapit na transaction.

I did not tell my mom but I already crossed my line. I already entered my father's world.

"Leigh, I do not want you to leave my sight tomorrow," ani Nazaire habang inaayos na ang mga susuotin niya sa gaganaping graduation bukas.

"I won't... I promise..." tugon ko.

Alam kong bukas ay isa sa pinakamalaking araw para sa buong Heartfilia.

Nagbubunyi ang lahat ng mga mag-aaral ng Heartfilia Academy para sa pagtatapos nila bukas. Isa ito sa araw kung saan marami ang magtitipon-tipon sa malawak main atrium. Pero kaming nasa West Imperium, ay hindi mapawi ang pag-aalala para sa mga posibleng mangyari at sa maaaring pagdanak ng dugo.

Until now, wala pa rin kaming balita kung nasaan si Jax. I, myself, have no idea. Pero alam kong hindi niya nadala sa pagtatago niya ang nag-aatikabong digmaan sa pagitan ng West Imperium at Luna Empire.

Luna Empire will never stop until West Imperium's entire generation ends. I have heard inside that Don Lennar killed their highest that was why they have always been after Heartfilias' blood.

"Aire..." tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon, "I can now feel my mother's fear whenever my dad was fighting out there."

Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay.

"I will end this war for you, Aleighna."

He enveloped me inside his hug and I just closed my eyes while trying to drown all the fears for tomorrow.

Because tomorrow will be a do or die and a leave or fight day. If the frozen water will start to boil tomorrow, then either of the two mafias will be burnt. One should raise the white flag. One must win and one must lose.

"Aire?" tawag ko sa kanya habang kinukusot ko ang aking mata.

Nilingon niya ako at napatigil siya sa pagsusuot ng kanyang jacket. Nang lingunin ko ang glow in the dark na wall clock ay nakita mag-a-alas kwatro pa lamang ng umaga.

"I'm sorry. I woke you up," aniya at umupo sa gilid ng aking hinihigaan.

Nangangapa pa ang mga mata ko sa dilim dahil hindi nakabukas ang ilaw sa silid nang mapansin kong tila aalis siya.

"Aalis ka?" tanong ko at umupo.

"Weiss called me. Iana and Warnell have finally decoded it," aniya.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nagmadali akong nagtungo sa banyo at pagkalabas ko ay isinuot ko na ang jacket na inilagay niya sa higaan.

"Where are they?" tanong ni Nazaire sa sumalubong sa amin at tinuro nito ang isang silid.

Mabilis kaming nakarating sa head quarter dahil hindi na kami nag-aksaya pa ng oras ni Nazaire. Narinig ko rin kanina sa labas na nakaalis na sina Retired Lieutenant Sebastian, Dr. Zaiede at Tito Lambierto patungo sa isang port kung saan mangyayari ang transaction.

"Iana," ani ko nang makausap kami at hinawakan ang balikat niya.

"Hi, Leigh. I never thought being in this mafia would be this tiring," aniya na natatawa pa.

"What is it?" tanong ni Nazaire na ang ipinupunto ay ang code.

Tumingin si Warnell kay Iana at tumango ito. I know that they already decoded it but Iana still repeated it for us.

"I figured out what's this negative sign here means," panimula ni Iana at naging seryoso na ang boses niya, "20/1 means 20 subtracted by 1 is 19. The 19th letter is S, so the first pair is T/S."

Sinulat iyon ni Iana sa isang papel. Muli akong napatingin sa code at sa mga naunang letra na naisulat ni Warnell noong unang beses silang nag-decode.

- (20/1:6/-13:15/-5:6/1:19/7:20/19)

T, F, O, F, S, T.

"Then 6 minus negative 13 is 19. It's the same letter but the combination now here is F/S. 15 minus negative 5 is 20. The 20th letter is T. 15/-5 is O/T."

Kinuha ko ang isang lapis sa tabi ni Warnell at ang isang papel. Isinulat ko rin ang mga nasa papel ni Iana.

T/S

F/S

O/T

F

S

T

May tatlo letra pa ang walang kasunod.

"Same process. 6 minus is 1 is 5. This 6/1 is F/E. 19/7 will have a difference of 12 so this will become S/L. Then 20/19 is T/A," tinapos iyon ni Iana at nakahalukipkip na nag-angat ng tingin sa amin.

"T/S, F/S, O/T, F/E, S/L and T/A," nakakunot noo kong binanggit ang mga letra.

"Just what I have said the first time, the first numbers are the placements of the letters," ani Jax at tumayo pa ito.

Magtatanong pa sana ako dahil wala na namang numero rito ngunit nakuha ko rin ang punto niya nang pasadahan ko ng tingin ang mga naunang letra.

One. Two. Three. Four. Five. Six.

Mabilis kong isinulat muli ang mga letra ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito at ramdam ko ang mga tingin nila sa akin.

O - T

T - S

T - A

F - S

F - E

S - L

"TSASEL," basa ko at tumingin sa kanila, "what's this?" naguguluhang tanong ko.

Kinuha ni Nazaire ang hawak kong papel at lapis at pinagpalit ang dalawang letra bago ito iniabot sa akin.

"The code does not state which of the two T and two F should come first but it's clear now. It's TASSEL," aniya at ginulo ang kanyang buhok bago mariing ipinikit ang mga mata at itinikod ang dalawang kamay sa lamesa.

Bigla kong nailapag ang hawak na papel nang mapagtanto kung ano ang mangyayari sa araw na ito. Today is the graduation day and a tassel plays a big role every graduation!

"Oh my god..." ani ko habang kinakapa ang mga salitang gusto kong bitiwan.

"Weiss, alert everyone. Pabantayan mo ang lahat ng sulok ng academy and tell Kylan to secure all the passages. And Warnell, I want you to secure your area," utos niya sa mga ito.

Kaagad na tumango ang dalawa habang si Nazaire ay matalim pa rin ang titig sa papel.

As much as I wanted to suggest na i-reschedule na lang ay graduation ay hindi na rin pwede, at kung pwede ay kanina pa nila ito ginawa ngunit umalis silang tatlo upang ipulong ang lahat ng tauhan.

I also realized that if we ever postpone the graduation day, there is still no way out. Dahil unang-una, hindi ang eksaktong araw ng graduation ang nakalagay sa code.

"Leigh dito ka na lang muna kaya? It's safer here," nag-aalalang ani Iana na ang tinutukoy ay huwag na akong sumama sa graduation.

"Hindi pwede, S. Hindi ko pwedeng iwanan si Nazaire sa loob," tugon ko sa kanya.

Alam kong magiging delikado ang mga mangyayari mamaya. Jax already reached his limit. Pinili niyang pagtaniman ng bomba ang mga lugar kung saan marami ang mga estudyante and the event later... Hindi lang mga estudyante ang naroon. There parents and faculties for goodness' sake.

Hindi na kami nagtagal pa ni Nazaire sa headquarter at bumalik na kami sa academy. Bago pa man kami makarating sa gate ay natanaw ko na ang ilang mga sasakyan sa labas na siyang mga tauhan ng mafia.

Nagsimula ang program. Nazaire was taking over the stage while giving his forewords.

Kaagad akong napatayo nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang lalaki na biglang tumayo. Tumingin ako kina Axel at Justine at maging kay Nazaire na nagsasalita ngunit hindi nila ito napansin.

"Let us all welcome, in behalf of our School Director, our Head Dean, Engineer Zyriee Hearfilia Illushia," ani Nazaire at nagpalakpakan ang mga naroroon.

Nanlaki ang mga mata ko nang may mga inihagis ang dalawang lalaki at kasunod noon ay ang pagbalot ng makapal na usok.

Narinig ko ang mga sigawan ng tao sa paligid ko at ang mga yabag ng paa. Masyadong makapal ang usok at halos sakupin na nito ang aking hininga kaya nagpasya akong umalis na. Habang kinakapa ko ang daanan ay narinig ko ang mga boses ni hinahanap si Engineer Illushia at may iilan akong nakakabangga dahil hindi na kami magkakitaan sa sobrang kapal ng usok.

Mas lalong lumakas ang sigawan dahil sa pumailanlang na putok ng baril.

Binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa bahaging hindi na masyadong mausok.

Nilingon ko ang atrium habang hawak-hawak ang aking dibdib at hinahabol ang akong hininga.

They used an extraordinary smoke bomb.

Makapal ang usok nito at kahit na nasa open area kami ay hindi pa rin ito nawawala.

"Faster! Ilang minuto na lang ang itatagal ng usok!"

Kaagad akong nagtago sa likod ng puno nang makarinig ng mga yabag.

Bahagya ko silang sinilip at lumipad ang aking palad sa aking bibig.

Bitbit nila ang walang malay na si Engineer Illushia!

Inilibot ko ang paningin ko at napansin kong ang dami na sa mga tauhan ng West Imperium ang walang malay at maging ang mga lookout sa mga building ay hindi rin naka-responde.

Fuck the inside job! Fuck whoever is behind this!

"Weiss, what happened!?"

Napalingon ako nang marinig ko ang galit na boses ni Axel habang mahigpit na hinahawakan ang walkie talkie.

"The system corrupted. Damn it! Pupunta na kami r'yan!" ani Weiss sa kabilang linya at halata sa boses nito ang pagmamadali.

"Lock up the extension!" huling sigaw ni Axel bago ito ibaba.

"Nawawala si Engineer!"

Magkasabay kaming napalingon ni Axel sa isang tauhan na hinahabol pa ang kanyang hininga.

"What!? Where's Nazaire!? Fuck!" nag-hehesteryang tanong ni Axel.

Nilingon ko ang pinagganapan ng graduation at unti-unti na ring nawawala ang makapal na usok. Ang ilan sa mga tauhan ay nagkakamalay na rin.

"Axe!" agarang tawag ko sa kanya nang akmang maglalakad na siya pabalik doon.

"Leigh!" aniya at lumapit sa akin, nag-aalala.

"I saw them took Engineer Illushia. She was unconscious," saad ko sa kanya.

Nang ituro ko kay Axel ang dinaanan ng mga unipormado at armadong mga lalaki ay kaagad siyang tumakbo papunta roon at pinasunod ang mga tauhan.

Natanaw ko ang mga ambulansyanh dumarating sa academy at kaagad na dinadaluhan at inililikas ang mga estudyante at ang kanilang mga magulang.

Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pagkakataong ito ngunit mas pinili ko na tumakbo papasok sa building kung saan nakakalat ang mga lookout habang nagkakagulo pa sa labas.

Nakarating ako sa sixth floor at bumungad sa akin ang walang malay na si Crezia na nakahiga sa sahig.

What the heck?

"Crezia! Crezia gising!" ani ko habang inaalog siya.

"Leigh?"

Ang pamilyar na boses ni Lawrence ang nagpalingon sa akin.

Habang inaalalayan kong umupo si Crezia ay dumalo sa amin si Lawrence.

"Anong nangyari rito?" tanong ko.

"Someone fucking threw a smoke bomb! Nasa'n si Kylan?" tugon ni Crezia.

"Holy shit!" gulat na saad ni Lawrence habang pinagmamasdan ang nangyayari sa baba.

Agad na tumayo si Crezia at nanlaki ang mga mata nito nang makita ang kaguluhan sa atrium.

"Fuck the traitor! Nawawala si Engineer Illushia! Let's move!"

Magkakasabay kaming tatlo na napalingon sa nagmamadaling boses na iyon ni Kylan at mabilis silang bumaba ng hagdan.

Habang mabilis kaming bumababa sa hagdanan ay tumawag si Iana sa akin.

"Hello? Aleighna! Nasa'n ka?" nag-aalalang bungad niya sa akin sa kabilang linya.

"I'm right here inside the academy. May sumabotahe sa program!" ani ko.

"Yes damn! I'm monitoring it right now. Nandyan na sila Weiss at Warren," ani uto at naririnig ko ang mabilis na pagtipa niya sa keyboard ng computer.

Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Iana dahil ibinaba ko na ang tawag.

Akmang maglalakad na ulit ako nang may biglang humablot sa aking kamay dahilan upang mapatigil ako.

"Oh god, Aleighna. Where have you been!? Didn't I tell to not leave that damn place!?"

Napapitlag ako nang tumaas ang kanyang boses at tila hindi ko na narinig ang nangyayari sa paligid dahil sa lakas noon.

"Shit!" sambit niya.

Naramdaman ko ang mabigat na paghinga ni Nazaire nang yakapin niya ako.

"Shit, Leigh. I'm sorry. I didn't mean to raise my voice," aniya sa mas kalmadong boses ngunit naroon pa rin ang tensyon.

I got him worried. Napapikit na lamang ako.

Dahil na rin sa kaba sa nangyari kanina ay mahigpit ko rin siyang niyakap pabalik ngunit agad din akong kumalas nang maalala si Engineer Illushia.

"They took Engineer Illushia," sambit ko.

Umigting ang kanyang panga at hinawakan ako sa magkabilang balikat at tiningnan ng diretso sa mga mata.

"Stay with Nurse Amfeil at huwag na huwag kang aalis sa tabi niya, Aleighna. Am I making this clear?" mabigat na tanong niya.

Tumango ako dahil alam kong kailangan niya pang ayusin ang gulo.

Pinagmasdan ko lamang ang papalyo niyang pigura bago ko tinahak ang distansyang naghihiwalay sa amin ni Nurse Amfeil.

Ginagamot niya ang ilang mga nasugatan dahil marahil sa stampede.

May ilan din siyang mga kasamang nurse.

Kagaya ng sinabi ni Nazaire ay nanatili lamang ako kung nasaan si Nurse Amfeil.

"Hay, naku! This is getting really worse!" sambit ni Nurse Amfeil habang tinatanggal ang kanyang gloves.

Humupa na ang gulo at hinatid na rin ang bawat pamilya sa kani-kanilang bahay. Ang ilang napurahan ay pinadala sa hospital na hawak din ng mga Heartfilia.

May ilang mga tauhan pa rin sa paligid ng venue nang mahagip ng tingin ko sina Nazaire na papasok sa main building.

Hindi na ako nagpaalam pa kay Nurse Amfeil at agad silang sinundan.

Napatigil ako nang makarinig ng sunod-sunod na tila pagtilapon ng mga kagamitan sa isang silid.

Sinilip ko ang silid at ang unang umagaw sa paningin ko ay ang matalim na titig ni Nazaire sa lamesa habang nakatukod doon ang nakakuyom niyang kamao.

"Someone entered my territory again. I will kill the traitor!"

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paghawak ko sa pader dahil sa kakaibanh kilabot na dulot ng mga binitiwang salita ni Nazaire.

Sunod-sunod din ang pagtaas ng balikat niya.

"Cool down, Aire. The retired lieutenant is coming. Nagkaproblema rin sa transaction at tama ang hinala. Luna Empire ang nasa likod noon," saad ni Weiss.

Kahit na pinapakalma niya si Nazaiew ay hindi na rin naitago ang frustration at galit sa kanyang salita.

"What happened, Kylan? Tell me what happened," mabibigat ang bawat salitang binitiwan ni Nazaire habang matalim pa ring nakatitig sa mesa.

"Nawalan ng malay ang mga tao kong nagbabantay sa labas at maging sa mga building kaya hindi kami naka-responde kaagad pero lintek! Nasa loob lang ang traidor dahil alam niya ang pasikot-sikot dito na maging ang mga tauhan ko ay nalapitan niya ng walang kahirap-hirap!" litanya ni Kylan.

Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa baril na nakasabit sa kanyang bewang.

Isang malakas na hampas ni Nazaire sa lamesa ang namayani hindi lang sa silid kung hindi pati na rin sa buong palapag.

"Out of here, Lowrie."

Kaagad akong gumilid sa daanan nang marinig ang maawtoridad na boses ni Mr. Sebastian. Nasa likuran niya sina Dr. Zaiede at ang iba pa nilang tauhan.

Pabalang niyang itinulak ang pintuan ng silid at ang lahat ng atensyon ay naagaw ng kanilang pagpasok.

"What the hell happened here, Bernards!? Where is my daughter!?"

Awtomatikong humakbang ang mga paa ko papasok nang kwelyuhan ni Mr. Sebastian si Nazaire at marahas na idinikit sa pader.

"Sir!" I said and held his hand that was holding Nazaire.

Matalim ang mga titig nila sa isa't isa at hindi ito naputol.

I tried calling out for help but none of them is making a move. Kahit sila Weiss ay nakatayo lang sa isang tabi.

"I entrusted the academy to you! I entrusted my daughter to you!" mabigat na saad ni Retired Lieutenant Sebastian.

"You did not entrust those things to us. You put those on our shoulder, Retired Lieutenant Sebastian," malamig ngunit matalim na tugon ni Nazaire.

Natahimik si Lieutenant ngunit ang mabibigat na paghina niya nanatili.

"Get my daughter back, Bernards."

Kaagad niyang binitiwan si Nazaire at walang pasabing nilisan nito ang silid.

"You know what will happen if you don't get her back alive," banta ni Dr. Zaiede.

"After this, I'm out."

Sandaling napahinto si Dr. Zaiede sa paglalalad nang sabihin iyon ni Nazaire ngunit ilang segundo lang ay nagpatuloy din ito.

"Damn dude! He's the boss. You know we can't make a move," ani Justine at nabaling ang tingin ko sa kanila nang lapitan nilang apat si Nazaire.

"Everyone is free to choose whether to have this fight with me or stay under Sebastian's roof," ani Nazaire habang inaayos ang kanyang kwelyo.

Sandaling nanahimik ang lahat sa loob ng silid na para bang pinapakiramdaman ang isa't isa.

"I'm in."

Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Lawrence at humakbang ito palapit kila Nazaire.

Isa-isa na ring nagtaas ng kamay ang mga tao sa loob at ang mga mata nila ay natuon sa grupo ni Kylan na tila nakikipagsukatan lamang ng tingin.

"We cover different areas of the academy, Bernards..." saad ni Kylan at humigpit ang hawak nito sa kanyang baril, "But we're a team. Now, what's the plan?"

"Let's start digging some grave then," ani Axel.

Naiwan kami ni Iana sa loob ng isang silid sa mansyon ng West Imperium.

They are already planning their attack against the Luna Empire.

Time is indeed gold right now dahil buhay ng anak ni Retired Lieutenant Sebastian Heartfilia ngayon ang nakasalalay.

"Come on, Alieghna. Nazaire won't let you come," ani Iana sa magkahalong inis at pag-aalalang boses.

"I want to see the faces of the demons that killed my father, Iana. I want to see them dying," mariing tugon ko habang matalim na tinitingan ang mga puno sa labas.

"My god, Aleighna! They are Luna Empire for goodness' sake! A mafia organization Leigh. Naiintindihan mo ba?"

Kumawala na ang pagtaas ng boses ni Iana dahil kanina pa kami paulit-ulit sa usapang ito.

"No one can bend my decision right now, Iana. Not even Nazaire. And not even you."

I am aware of how dangerous Luna Empire is. But I want to avenge my father's death.

Alam ko ring wala akong laban sa kanila but there is no stronger weapon than my anger to them and my love for my father.

Magkasabay kaming lumingon ni Iana nang marinig at pagbukas ng pinto at lumabas mula roon ang lima.

Napansin ko ang pagsulyap ni Iana sa akin at umirap pa ito.

"Talk to Aleighna, Nazaire. She just won't listen," aniya at hinila na si Weiss palabas.

Nakakunot ang mga noo ni Nazaire nang tumingin sa akin. Isa-isa na ring lumabas sina Warnell, Axel at Justine hanggang sa kaming dalawa na lamang ni Nazaire ang naiwan sa loob.

"What is it?" tanong niya sa akin kasabay ng paghakbang.

Bumuntong-hininga ako at sinalubong ko ang nagtatanong niyang mga mata.

"I'll go with you tomorrow," tugon ko.

Kaagad siyang tumigil sa paglalakad at ang nagtatanong niyang mga mata ay mabilis na napalitan ng nagbabagang titig.

"What did you say?" tanong niya na ayaw intindihin ang aking sinabi.

"I said I'll go with y-"

Hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sabihin nang malalaking hakbang ang ginawa niya palapit sa akin.

"Are you fucking insane, Aleighna!? Damn! They are not just some kind of enemies! Bullshit Aleighna! But you are staying here!"

Napaatras ako sa taas ng boses niya ngunit kasabay noon ay ang pag-igting ng aking tainga dahil sa malulutong niyang mura.

"I wasn't asking for your permission actually. I-"

"Damn! Do you even hear what you are saying!?"

"Aire, it's my father. They killed him and I want to avenge his death."

Sinabi ko na noon na hindi ako maghihiganti, na hahayaan ko na lang ang pagkamatay ni daddy pero ngayong napapalapit ako sa Luna Empire? Tila nabubuhay ang kagustuhan kong maranasan din nila ang pagkamatay ng ama ko!

"I DON'T CARE ALEIGHNA! YOU STAY THE FUCK HERE!"

"Stop shouting at me, Nazaire!" hindi ko na rin napigilan ang pagtaas ng aking boses nang mapigtas ang pasensya ko, "And you don't care? Huhh?"

Sinalubong ko ang matalim niyang titig at wala na akong pakialam kung galit siya.

"I never thought that Jax would be this right. That you only care about your goddamn responsibility in this organization. And hell. You have no idea of how painful losing a family member is because you never lost any! So stop telling me what I need to do."

I left him dazed and I slammed the door hard enough to be heard in the hallway.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 421 58
Skyla spent most of her days either studying or thinking of a way to make a bit of extra money. Her one goal to pay back her dad for everything he ga...
39.6K 835 17
Reggie x OC [Season One Completed] hadley never felt like she belonged in the world. she always felt out of place in her skin. the only times she tru...
The Whole Truth By jaxharlow

Mystery / Thriller

438K 20.2K 52
Adele knows she witnessed a murder - what she doesn't know is just how personal it is. ...