Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 44

49 1 0
By zieeerendipity

Pinaupo ako ni Mommy sa tabi niya na agad ko namang ginawa.

"Pero madalas kaming nagtatalo. I accepted him but I was always worried. I knew that Luna Empire's bullets were always after everyone who was under West Imperium. Hanggang sa isang araw kasama ang daddy mo sa ambush na ginawa sa mga Luna."

Hinawakan ni Mommy ang mga kamay kong nakapatong sa aking hita. Ramdam na ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya at mas lalo lang nadepina iyon ng mga namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.

"Napatay nila ang isa sa mga namamalakad sa Luna Empire at isa si Emilio sa mga natandaan nila. Araw-araw nakakatanggap ng death threat ang pamilya natin kaya napagpasyahan ni Ginoong Sebastian na dalhin tayo sa isla nila dahil mas ligtas doon."

Sa bawat salitang binibitiwan ni mommy ay siyang pagkalabog ng aking dibdib.

"Hanggang sa sinugod tayo roon," dagdag ni Mommy.

Kaagad akong napapikit. 

"Naging komportable ang lahat dahil ligtas ang isla kaya walang kahit na sino ang naging handa sa pagsugod nila," dagdag niya pa.

Naramdaman ko ang pamamalisbis ng aking luha at tila unti-unting luminaw ang malalabong imahe na nakikita ko sa mga panaginip ko.

Tunog ng mga nagpapalitang bala ng mga baril ang gumising sa akin. Kaagad akong napatayo sa aking higaan at nilingon ko ang kapatid kong payapa pa ring natutulog.

Kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Tumakbo ako palapit kay Allen.

"Allen gising," ani ko sa kanya habang niyuyugyog ang kanyang balikat.

Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata at mapupungay ang mga ito habang tinitingnan ako.

"Ate? Bakit?" tanong niya at bigla na lamang kumunot ang kanyang noo, "Ate ano 'yong maingay? Nasaan si mommy at daddy?"

Bigla niyang tanong sa akin at natataranta na rin siya. Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya.

"Halika rito, Allen," ani ko sa kapatid ko at tinungo namin ang sikretong pinto patungo sa kwarto kung saan kami madalas maglaro ngunit bago ko pa man ito mabuksan ay malakas nang bumukas ang pinto ng kwarto namin.

Pareho kaming napalingon ng kapatid ko at mahigpit kaming napahawak sa isa't isa habang tinitingnan ang isang lalaki na may hawak na baril.

"Aleighna? Allen?" saad niya habang naglalakad palapit sa amin at doon ko lang napagtanto na si Tito Niccolai iyon.

Dahil sa takot ay mabilis kaming tumakbo palapit sa kanya at mabilis niya kaming binuhat ni Allen sa magkabilang kamay.

"Kailangan niyong makaalis dito," saad niya at agad na lumabas mula sa aming silid.

Maingat siyang naglalakad at isang malakas na putok ng baril ang nagpaiyak kay Allen. Naramdaman ko rin ang pangingilid ng aking luha. Nagmula ang putok na iyon sa unang palapag ng bahay.

Agad kong inilibot ang paningin ko kasabay ng mga nangingilid kong luha. Hindi pa rin tumitigil ang tunog ng mga baril at ganoon din ang pag-iyak ni Allen.

Dumaan kami sa backdoor at kaagad kaming sinalubong ng dalawa naming body guards. Palingon-lingon sila sa paligid habang inilalahad sa amin ang daan. Ang malamig na hangin ang bumalot sa akin habang mabilis na naglalakad si Tito Niccolai.

"Tito Niccolai si daddy," ani ko sa kanya at naramdaman ko bigla ang pamamalisbis ng aking luha.

"Ma'am Letizia," saad ni Tito Niccolai at nang lingunin ko ang tinitingnan niya ay nakita ko si Mommy sa loob ng isang yate, umiiyak.

Kaagad kaming iniabot ni Tito Niccolai sa kanya ngunit bago pa man ako makuha ni Mommy ay nagpumilit akong makawala sa mga kamay ni Tito Niccolai at tumakbo na ako pabalik sa bahay namin.

Narinig kong isinigaw nila ang pangalan ko kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Kailangan kong balikan si daddy.

Nakita ko siya kaninang tumatakbo habang may humahabol sa kanya.

"Aleighna!"

Kaagad akong napalingon nang marinig ang boses ni Daddy ngunit bago pa man ako makahakbang palapit sa kanya ay may bumuhat na sa akin.

"Daddy!!!" sigaw ko nang itakbo ako palayo ng lalaking may hawak sa akin.

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni daddy. May dugo rin siya sa kanyang balikat. Madaming tao sa paligid namin at hindi ko halos maintindihan ang mga nangyayari.

Habang tumatakbo si daddy palapit sa amin ay may lalaki sa kanyang likuran at nanlaki ang mga mata ko nang itutok nito ang kaniyang baril kay daddy at kasabay nang pag-alingawngaw ng putok ng baril ay ang pagbagal ng takbo ni daddy.

Nakita ko ang ilang tao na tumatakbo palapit sa kaniya habang ginagantihan ng putok ng baril ang lalaking bumaril kay Daddy kanina.

May isang lalaki pa ang tumakbo patungo kay daddy at pinakawalan nito ang bala ng kanyang baril.

"DADDY!!!!!!"

Kasabay ng pamamayani ng aking pagsigaw ay ang pagkatumba ng aking ama.

Tila bumagal ang takbo ng oras. Kitang-kita ko kung paano bumagsak si daddy.

Sunod-sunod na bumuhos ang luha ko nang makasakay kami sa speedboat. Hawak-hawak ako ng lalaking bumuhat sa akin kanina habang may isa sa harapan ang mabilis na nagmamaneho nito.

Hindi pa man kami nakakalayo ay kaagad na sumigaw ang dalawang lalaki na kasama ko at nang lingunin ko ang tinitingnan nila ay tila bola ng apoy ang sumalubong sa akin.

Kaagad na tumalong ang lalaking may hawak sa akin habang hawak-hawak pa  rin ako at mabilis na niyakap ng malamig na tubig-dagat ang katawan ko.

Nakita ko kung paanong sumabog ang speedboat na sinasakyan namin kanina at nagtalsikan ang ibang bahagi nito sa amin.

"Mo...mmy! Dad-da...ddy!" umiiyak na sigaw ko habang pinipilit na umahon sa dagat.

Madilim at wala akong makita na kahit na ano maliban sa apoy ng speedboat sa di kalayuan na unti-unti ring nilalamon ng dagat.

Hindi ko na makita ang mga kasama ko at nararamdaman ko ring unti-unti na akong nawawalan ng hininga.

Labis na takot ang nararamdaman ko habang pinipilit na tawagin si Mommy at Daddy.

Nagpalutang-lutang ako sa dagat hanggang sa naramdaman kong tumama ang ulo ko sa matigas na bahagi at unti-unti na akong nilamon ng dilim.

"How's my daughter, Zaiede? Tell me she's waking up, soon, please!"

Iba't-ibang boses ang naririnig ko gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit hindi ko iyon magawa. Naramdaman kong masakit ang buo kong katawan at hindi ko alam kung ilang oras na akong natutulog ngunit namayani ang sakit sa aking ulo.

"I am doing my best Letizia. For now, let's wait for her body to respond."

Naririnig ko ang boses ni mommy na umiiyak. I wondered why. Nakahiga lang naman ako rito... hanggang sa naramdaman ko ang pamamalisbis ng aking luha.

Gusto kong isigaw ang pangalan ni Daddy pero hindi ko magawa. Alam kong kanina ko pa siya hinahanap pero bakit parang nablangko ang memorya ko? Nasaan si Daddy?

Nagising ako isang araw nang maramdaman ko ang isang kamay ni humawak sa akin. Saka ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako dahil sa kamay na dumapo sa aking pisngi at pinupunasan ang mga takas kong luha.

"Gumising ka na, Leigh. Mommy's waiting..."

Saka ko lang napagtanto na ang mommy ko iyon. Bakit hindi ko siya makita? Bakit dilim lang ang bumabalot sa akin?

Nang tuluyan akong magising ay dinala ako ni mommy sa ibang lugar. Hindi ako sigurado kung nasaan ako pero alam kong nasa malayo kami.

Tatlong araw na kami rito ngunit tanging si Mommy lang at ang ilang nurse ang nakikita ko. Wala si Daddy at si Allen.

"Daddy! Daddy!" paulit ulit na sigaw ko at bigla na lamang akong nagising nang mahigpit akong yakapin ni mommy.

"Aleighna," aniya at narinig ko siyang humihikbi.

Ilang gabi na paulit-ulit kong napapanaginipan si Daddy. Lagi ko siyang hinahabol pero paulit-ulit din siyang nawawala sa dilim at nagigising na lamang ako na isinisigaw ko ang pangalan niya.

"Mom, I want to see Allen..." saad ko habang pinapakain ako ng mansanas ni Mommy.

"I'm sorry, Leigh, natutulog pa ang kapatid mo," aniya at nginitian ako bago isinubo sa akin ang sliced apple.

Iyon ang laging isinasagot sa akin ni Mommy tuwing sinasabi kong gusto kong makita ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakakulong sa silid na ito.

Paminsan-minsan ay may bumibisita sa akin, isang lalaki at isang babae. Sa tingin ko ay kaedad sila ni mommy ngunit hindi ko sila kilala. 

"Daddy!!!"

Hinihingal ako nang magising ako isang tanghali habang hinahagod ni Mommy ang aking likuran. Napansin kong umiiyak siya. Napansin ko rin ang paglapit ng isang babae na madalas na nandito tuwing nagigising ako.

"Mommy gusto ko po makita si Daddy," saad ko nang umayos ang lagay ko.

Malungkot  na mukha ni mommy ang sumalubong sa akin at agad na naglandas sa kanyang pisngi ang mga luha niya.

"Stop it, Aleighna, please. Your dad is gone..." saad ni mommy habang umiiyak.

Kumunot ang aking noo sa sinabi niya ngunit unti-unti itong prinoseso ng aking utak.

Nalaman kong ang benda sa aking ulo ay dahil sa sugat na natamo ko nang mabangga ang kotse na sinasakyan namin. Iyak lang ako ng iyak habang niyayakap si mommy. Hindi ko matanggap na patay ni si Daddy.

Naging maayos ang kalagayan ko matapos ang ilang bwan. Madalas na kaming naglalaro ni Allen kasama si Yaya Celine habang wala si Mommy ngunit madalas ay kumikirot ang aking ulo. Madalas na umiiyak ako dahil sa sobrang sakit at kapag pinapinom ako ni Yaya Celine o ni Mommy ay nawawala rin ito.

"I am sorry Aleighna if I lied."

I was pulled back from that reverie when I heard my mom's voice. Ramdam ko ang bigat at sikip ng aking dibdib at ang walang tigil na pamamalisbis ng aking mga luha. Tila hinahabol ko ang paghinga ko dahil sa sobrang bilis nito.

"Sobrang hirap lang anak na dalhin ko ang pagkamatay ng daddy mo habang nakikita kitang nahihirapan. Kasi sa ating tatlo nina Allen, ikaw ang nakakita kung paano nawalan ng buhay ang daddy mo."

Kaagad kong niyakap si Mommy nang hindi na rin niya napigilan ang paglabas ng mga luha niya. I never thought that Dad's death would be this painful.

Tila nabuhay ang sugat ng nakaraan na unti-unti nang naghihilom.

"You got traumatized at hindi ko na alam ang gagawin ko noong mga panahong iyon. But I needed to be a mother na kahit mahirap at masakit na wala na ang daddy mo ay kailangan kong magpakatatag para sa inyo ni Allen."

Inihiwalay ako ni Mommy sa pagkakayakap niya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko upang matingnan ako ng diresto.

"I love you anak. I love you and I always do," aniya at mahigpit kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

My mom has been carrying this pain for sixteen years. Mag-isa niyang hinaharap ang sakit ng pagkamatay ni Daddy.

Sandaling nanahimik si Mommy at pinunasan niya ang basa kong pisngi. She even told me to stop crying. Pinunasan niya rin ang mga takas niyang luha.

"I was so devastated when you decided to stay in the Philippines kasi natatakot akong magtagpo ang mga landas niyo ng mga Heartfilia pero hindi kita pinilit na sumama sa amin dito ni Allen. Because I wanted you to live the life that they took away from your father. Gusto kong maging masaya ka anak."

Hinawakan ko ang kamay ni mommy. I wanted to tell her a lot of things. 

She sighed, "We should stop crying. Your daddy won't like this."

Pinilit na ngumiti ni Mommy at ramdam ko kung gaano niya kagustong kumawala sa sakit ng nakaraan.

"I entrusted you to the Cerezas because I knew that they could take care of you that was I was horrified when I found out from Sheiana that you were in Heartfilia Academy kaya kaagad akong nagpabook ng flight."

Suminghap si Mommy at muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi. I know that she is sad but that was her genuine smile. Ramdam kong totoo ang ngiting iyon ni mommy.

"When Emilio died, I told myself that I will not let the Heartfilias to have any of you. Good thing that Sebastian did not insist the Mafia's role in our family. He understood how painful your father's death was for me. Same thing goes with Lambierto's daughter. Sheiana was freed, too, because of our family. Dahil nakita iyong rason ni Savana upang ilayo ang nag-iisang anak niya sa ano mang kapahamakan na maaaring idulot ng Mafia."

Ibinaling ni Mommy ang paningin sa malawak na tanawin at saka ito tumayo. Lumapit siya railings ng veranda habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aming bahay.

"I meant it when I said that I did not want neither Allen nor you in the mafia."

Tiningnan ko lang si Mommy habang nakatalikod siya sa akin.

"But you know what, honey," she said as she faced me while crossing her arms, "Your dad valued the West Imperium so much that he could even risk his life for the mafia."

Muling huminga ng malalim sa mommy at ibinalik ang tingin sa malawak na tanawin.

"And I think it's time to let your father go. It has been years. I need to accept it. Besides, I can still love him wholeheartedly even if I let him go now."

Kaagad akong tumayo at dinaluhan si Mommy. She is really a strong woman.

"Here," aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sobreng iniabot niya sa akin at hindi ko na alam kung saan iyon nanggaling.

"W-what's this mom?" takang tanong ko.

"Open it," aniya at matamis akong nginitian.

"A plane ticket?" Hindi makapaniwalang saad ko at tiningnan ko lamang siya bago ibinalik ang tingin ko sa ticket, "This is one way mom..." tila wala sa sariling saad ko.

"Sa buong panahon na nakasama ko ang daddy mo at nakasalamuha ko ang West Imperium, kabutihan ang ipinakita nila. But that is really life, laging kailangang may magsakripisyo. They are a mafia organization and everyone's life is at stake," makahulugan niyang litanya.

Lumingon si Mommy at ang malungot na ekspresyon niya kanina ay napalitan ng mukha na madalas kong makita sa kanya tuwing seryoso siya.

"But I am not doing this for the Heartfilias, Aleighna. I am doing this for the two great friends that were with me when your father died. Napag-isip-isip ko na ang sinabi ni Niccolai, anak. The mafia that your father risked his life for needs their son. And their son needs you."

Umaliwalas ang mukha ko sa narinig mula kay mommy. I could not believe that she is letting me now. Na siya mismo ang magsasabi sa akin nito.

I just wanted her to tell me the truth but having her tell me to come back for Nazaire is too much. What more can I ask?

"I also heard from Allen what you have with the Bernards' eldest at hindi kita pwedeng ikulong dito sa Australia kung nasa Pilipinas ang puso mo."

Kaagad kong niyakap ng mahigpit si mommy. I am so and beyond grateful. Alam kong mahirap ang naging desisyon ito para sa kanya pero nagawa niya pa rin.

"Now, promise me one thing," she said fiercely, "That I will not going to lose a child."

Kahit sumapit na ang gabi ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Mommy. Having everything in a day is overwhelming. But I am not dreaming. It really happened.

I knew that my mom's decision is a risk but she remained the woman that I would always look up to.

She was even too strong to finally let go of dad. 

Alam kong hindi rin magugustuhan ni Daddy kung mananatili kami sa sakit ng nakaraan. He always wanted us to be happy, at siguro panahon na rin upang unti-unti namin siyang pakawalan.

I know that dad will always have mom's heart. 

"As much as I wanted to go with you, I know that mom needs me here," masungit na saad ng kapatid ko habang nasa airport kami.

Ngayon ang araw ng balik ko sa Pilipinas.

"You better stay with mom before you find a girl," saad ko sa kanya at ginulo niya na lamang ang buhok ko.

Bumaling ako kay Mommy na masaya kaming pinagmamasdan ni Allen.

"Take good care, Aleighna. Don't make me wait here for nothing," saad ni Mommy at agad ko siyang niyakap.

I know what she meant.

"I won't mom. I promise," I assured her.

Niyakap ko na silang dalawa at muling nagpaalam. 

My real life will start now. I have already uncovered my past and I know that it's time to face the reality.

Right after I checked in, I called Iana via face time.

"I'm going home, S," nakangiting bungad ko sa kanya at nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

"What!? For real!?" tanong niya na para bang hindi makapaniwala.

Nakarinig ako ng iba't ibang boses at doon ko lang napagtanto na kasama niya sina Weiss ngayon. Kaya pala pamilyar ang background niya. It must be the monitoring room.

Hindi ko kaagad nasabi kay Iana na uuwi ako nang ibigay ni Mommy sa akin ang ticket noong nakaraang linggo. I wanted to surprise them but I could not help it.

Alam kong sa oras na makabalik ako sa Pilipinas ay hindi na magiging normal ang lahat. Ngayong nasa iba't ibang pahayagan na ang Heartfilia Academy dahil sa sunod-sunod na trahedyang nangyayari at natanggap ko na kung ano ang koneksyon namin sa West Imperium, alam kong katulad ng sinasabi ni Iana ay iba ang nangyayari roon.

Hindi na ito death threat natatanggap ko dahil nangyayari na ito. 

Habang paakyat sa eroplano ay biglang sumagi sa isipan ko ang Luna Empire. Sila ang pumatay kay Daddy at sila rin ang gustong kumuha sa akin. Do they know I am Emilio Lowrie's daughter?

But still, what is inside the H Atrium Extension that keeps them go after me is still a question to me. Even my mom does not know about it. Kahit na si Allen ay wala ring alam.

Nagising ako sa kalagitnaan ng byahe habang hinahabol ko ang aking hininga. Nilingon pa ako ng katabi ko at agad akong humingi ng pasensya.

Pareho panaginip na naman ang dumalaw sa akin.

Nazaire was calling me but I could not see him and it always ends after I could see him while someone is pointing a gun at him.

Ilang minuto na lamang ay lalapag na kami sa Pilipinas. Isang Deluxe flight ang kinuha ni Mommy sa akin kaya halos labintatlong oras lang ang tinagal ng byahe.

Habang papalapit ng papalapit ay mas lalong umiigting ang kabang nararamdaman ko at hindi na ito nawala hanggang sa makalapag ang eroplano.

Ang una kong  ginawa ay itext si Mommy na nandito na ako. I saw one of Tito Lambierto's men at agad akong lumapit sa kanya. 

Sumakay ako sa nakabukas na pintuan ng sasakyan at dahil wala naman akong gaanong dala ay mabilis kaming nakaalis sa airport.

I was away for four months. At sa apat na buwan na iyon ay alam kong madami na ang nangyari rito.

Tahimik ang naging byahe ngunit naging maingay ang aking isipan.

"Ma'am, may nasabihan ba kayo ng pagdating niyo ngayon?" nabasag ang katahimikang iyon nang magsalita ang driver habang diretso lamang ang tingin niya sa kalsada.

"Si Iana lang po kagabe. Bakit po?" tanong ko ngunit iba na rin ang nararamdaman ko.

Nilingon ko ang likuran namin at may kotse roong sumusunod. Akala ko ay nagkakamali ako ngunit naramdaman kong bumilis ang pagtakbo ng sinasakyan at kaagad na nagsalita ang driver sa kanyang walkie talkie.

"Hans, itim na kotse. Nakikita niyo ba?"

"Oo Lacus. Nasingitan kami," ani sa kabilang linya.

"Liliko kami sa Esterville. Kayo na ang bahala."

Hindi niya na hinintay pang makasagot ang kausap at agad na binilisan ang pagpapatakbo ng kotse habang diretsong nakatingin sa dinaraanan.

Nang matanaw ko ang Esterville ay agad siyang lumiko roon. Nilingon ko ang kotseng sumusunod sa amin at nakitang lumagpas na nga ito habang sinusundan ng isa pang sasakyan na sa tingin ko ay siyang tinawagan niya kanina.

"Kailangan na talaga nilang malaman kung sino ang traidor sa organisasyon bago pa mapahamak ang marami," naagaw ng driver ang atensyon ko.

Sinilip niya ako sa rearview mirror at tumango lamang siya na para bang nabasa ang tanong sa isip ko. Tama nga si Mommy... ang lahat ng mga tauhan ng mga myembro ng West Imperium ay parte rin ng Mafia.

Kaya rin maraming alam si Yaya Celine dahil minsan na rin siyang nagtrabaho sa West Imperium.

"W-wala pa rin po bang suspect?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kumikilos ang batang Bernards na siyang inaasahan ng mga Heartfilia."

Habang nasa byahe kami papunta sa mansyon ng mga Lambierto ay lumilipad ang isip ko kay Nazaire. Paano niya nagagawang pabayaan ang lahat ng ito?

Continue Reading

You'll Also Like

165K 6.9K 84
A girl whom I thought as my best friend standing before me with a knife to kill me. She stabbed the knife onto my chest and told me "He will not like...
112K 2.6K 12
حسابي الوحيد واتباد 🩶 - حسابي انستا : renad2315
1.3K 421 58
Skyla spent most of her days either studying or thinking of a way to make a bit of extra money. Her one goal to pay back her dad for everything he ga...
1.4M 1.2K 1
𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 '𝐃𝐞𝐜𝐞𝐢𝐭𝐟𝐮𝐥 𝐑𝐨𝐲𝐚𝐥𝐬' 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ★✯★ "Secrets are lethal, especially when they come dripped in murder." Trinity...