Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4.1K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 42

46 1 0
By zieeerendipity

Pumasok si Mommy sa silid namin. Allen is just on the veranda, drinking. Naguguluhan din siya sa mga nangyayari and I wished I could answer his questions but I could not. I couldn't because I'm actually scared.

"Aleighna," ani mommy nang umupo sa aking tabi, "Did you pack your things already?"

"There's nothing to be packed mom. Don't worry, I'll go with you," I assured her.

Kinaumagahan ay maaga kami sa airport. Inihatid kami nina Iana at habang nasa byahe pa lang kami kanina ay pinipilit na niyang baguhin ang desisyon ko. But it's already firm. 

Nauna nang mag-check in si mommy at umalis na rin sina Tito Lambierto at Tita Savana habang kami nina Iana at Allen ay nandito pa rin sa labas.

Allen insisted to stay. Damn brother of mine. I guess he is scared that I will ditch this flight. Kanina niya pa rin kasi naririnig ang pagpupumilit ni Iana na huwag na akong umalis.

I cannot blame him. He does not know Iana. He does not know the Cerezas. Ngayon niya lang nakita ang mga ito.

"Aalis ka talaga, Leigh?" tanong ni Iana at tila dinurog ang puso ko dahil sa tono niya.

She already knew that my mind would not change.

"I looked for the reason to stay before I decided, S. But he did not stop me. He only bid me his goodbye," saad ko habang pinapanatiling buo pa rin ang aking boses.

"When will you come back then?" tanong niya na tila takot sa magiging sagot ko. 

Pinilit kong ngumiti kahit kabaliktaran ang nararamdaman ko.

"Ate we need to go," saad ni Allen nang marinig naming tinatawag na ang mga pasahero ng sasakyan naming eroplano.

"I'll see you again soon, S."

Hindi ko napigilan ang pagkawala ng aking luha nang yakapin ako ni Iana.

"I guess I can't change your mind anymore..." saad ni Iana sa gitna ng mangiyak-ngiyak na boses.

"I will not forget you again, don't worry," saad ko sa kanya at pareho pa kaming napatawa na dalawa.    

"Why do you love running away, Aleighna?" 

Magkasabay kaming napalingon nang marinig ang boses ni Justine at mas lalo lang akong nanghina sa kinatatayuan ko nang makita silang lima na naglalakad palapit sa amin.

"I told them Leigh. Sa tingin ko kasi mababago nila ang desisyon mo but he's not even here," ani Iana at tumango lang ako.

I did not anymore bother to ask for Nazaire. I admit that I expected him to come but reality is already in front of me. 

"Pinilit namin si Aire, Leigh, pero..." ani Axel at kahit hindi niya na tinuloy ang sasabihin ay alam ko na kung anong gusto niyang iparating.

"Ate tara na. You do not want mom to fly back alone, do you?" napalingon ako sa kapatid ko at agad siyang tinanguan.

I know that he is afraid that I can change my mind right now.

"Tell Naya and Louise that I'll miss them, too," ani ko sa kanila at kaagad naman silang tumango.

"Naku, Aleighna. Mas dadami ang mapapanood kong live brawl kasi- Aray! Fuck you, Holstein!" 

Hindi na naituloy pa ni Jax ang sinasabi dahil bigla siyang sinikmurahan ni Weiss.

"Shut up, Jax," ani sa kanya nito.

"But Leigh," it was Axel, "If he appears here now, will that make you stay?"

Tipid kong nginitian si Axel.

"He's not here. We need to go. Hope to see you again," saad ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanila.

Agad na sumunod si Allen sa akin. Bahagya pa siyang tumigil ngunit nagtuloy-tuloy lamang ako. I did not want to stop nor to turn my back. Baka biglang magbago ang desisyon ko. I can't.

I know my decision was kind of selfish but there's nothing more left to stay. I knew that Iana would understand me.

It is just too hard to stay in a place where the one you love keeps pushing you away.

Hindi rin ako pinilit ni Mommy na sumama pabalik sa kanila. She just told me. At sa tingin ko ay mahalagang sumama ako sa kanila sa ngayon.

I know that she needs me and besides, marami pa akong tanong na gusto kong mabigyan niya ng kasagutan. My queries will not end here, dahil ang totoo, mas lalo lang itong lumawak. Mas dumami lang ang tanong sa aking isipan.

"Ate have you seen my uniform? I'm running late!" bungad ng kapatid ko sa akin nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

"Check your cabinet or ask Yaya Celine. You still have not changed, Allen," sagot ko sa kanya.

Kaagad siyang nagmartsa palayo. Same old Allen. Mainipin pa rin at halos wala pa ring pasensya.

Magdadalawang linggo na ako rito sa Australia at hindi ko pa rin nakakausap ng maayos si Mommy.

She just usually locked herself inside her room or office. Minsan naman ay wala siya.

I knew that she was trying to avoid me. Na para bang may iniiwasan siyang malaman ko. Hindi ko rin siya masyadong pinipilit dahil nararamdaman kong hindi pa siya handang magsabi.

I know my mom. I may have lived away from them for three years but I know her. If there is something that she needs to tell me, she will do. Kaya sa tingin ko ay kailangan ko lang siya bigyan ng oras.

But every sunset makes me more and more scared. Ang ideyang maaaring nasa kapahamakan si Nazaire ay hindi ako lagi pinapatulog ng maayos.

He is always freaking me out. I know that the mafia got his back but that is also my problem. Hindi ko kilala ang mafia. And my mom still keeps her mouth shut. 

I went back here not because I wanted to stay here. My main reason is to ask my mother, about everything but I guess I need to wait for her to speak up.

Ayaw ko rin siyang pilitin masyado dahil kung tungkol sa pagkamatay ni daddy ang itatanong ko, alam kong sasaktan ko lang siya. Given her reaction to Retired Lieutenant Sebastian? I know that it is still painful for her.

And just like me, there is still a part of her who wants dad back. 

"Ate, tell mom that I'll use the car," saad ni Allen nang magkasalubong kami sa sala at malalaki ang hakbang nito na tinahak ang daan palabas.

"I will. Don't be a reckless driver, Allen," bilin ko sa kanya at itinaas lang nito ang mga kamay.

"Yaya, si Mommy?" tanong ko, she is also a Filipino.

"Maagang umalis, Aleighna. Hindi ko na naitanong kung saan pupunta," saad ni Yaya Celine.

Napabuntong-hininga na lamang ako. What more am I expecting?

Sinundan ko si Yaya Celine hanggang sa kusina. Matagal na siyang nagtatrabaho sa amin at sa lahat ng mga kasambahay namin dito ay siya ang pinakamalapit kay Mommy.

"Ya, can I ask something?" ani ko sa nag-aalangan na boses.

May katandaan na si Yaya Celine at kitang-kita ito sa ilang mga puting buhok niya.

"Ano iyon, anak?" tugon niya sa akin.

"About the West Imperium," diretsong saad ko.

Nakita kong nanigas siya sa kinatatayuan niya and that gave me the answer. She knows about it.

"Hi..hindi pwede Aleighna," saad niya at mabilis itong naglakad palabas.

"Yaya please, I need to know," saad ko at kulang na lang ay lumuhod ako rito.

I know that I already sound desperate but I can't help. Parang paulit-ulit lang akong tumatakbo sa thread mill na kahit pilitin kong makalayo ay nananatili pa rin ako sa pwesto ko.

"Hija, simula noong mamatay si Emilio, pinagbawalan na kami ni Letizia na banggitin ang kahit na ano tungkol sa imperium," tugon ni Yaya Celine na siyang nagpakunot ng aking noo.

"Kayo? What do you mean by that, Yaya Celine?" saad ko.

Lumingon siya sa akin at marahas na umiling.

"Hay! Si Letizia ang kausapin mo, Aleighna," ani Yaya Celine at mabilis na naglakad palayo sa akin.

Naiwan ako sa gitna ng bahay namin na tila nakalutang. What was that? Damn. All my life...

Marahas akong napailing. Alam kong gustong-gusto kong malaman ang tungkol sa West Imperium pero bakit ganito? Bakit ko itinatanggi ang impormasyong nakukuha ko?

Kinagabihan ay hinintay kong makarating si Mommy. Nanatili ako sa sala at malalim ang iniisip. Allen is probably fast asleep now.

Kaagad akong napatayo nang makarinig ng tunog ng sasakyan sa labas at ilang sandali pa ay nakita ko na si Mommy na naglalakad papasok.

"Mom," ani ko at agad siyang lumingon sa akin.

"Oh Leigh, what are you doing here? Have you eaten your dinner?" tanong niya nang niyakap ako bilang pagbati.

Tumango lang ako bago nagsalita, "Mommy, can we talk?"

Bigla na lamang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. It's the same familiar fierce reaction that no one could break.

"Aleighna, anak, not now please. And I guess it's better if you get that out of your mind," saad ni mommy at wala na akong nagawa kundi ang tingnan siya habang umaakyat sa hagdan.

The next days were the same. I always tried to ask her about the imperium pero wala kong nakukuhang sagot lagi. I know I am already pissing her off pero matapos kong marinig ang sinabi ni Yaya Celine ay mas nadagdagan lang ang tanong ko.

I felt like I am in a labyrinth and my mom's the key but she just wouldn't let me out.

I also decided to cut my connection with Iana for a while. I did not open any of my social media accounts to avoid any connection with them. Dahil ayaw kong malaman sa kanila ang mga gusto kong malaman.

I want everything to come from my mother. Alam kong kung tatanungin ko si Iana ngayon ay masasagot niya na ang mga tanong ko. But I want my mother's story. I want the whole story.

"Wala ka bang balak na lumabas ng bahay?" Allen asked me one weekend.

Nasa poolside lang ako nakaupo habang nagpapalipas ng oras.

"Where will I go? My life is not here," tipid na sagot ko sa kanya habang tinatampisaw ang mga paa ko sa pool.

"Then why did you come with us?"

Napalingon ako sa tanong na iyon ng kapatid ko. Hindi ko siya nasagot kaagad. I do not want to drag him in my situation. I know that this is among our family but I want this to stay between my mom and I.

"I lied, Ate. I know everything."

Kaagad akong napalingon sa kanya. Noong una ay hindi ko pa maintindihan ang ibig niyang sabihin ngunit nang sumilay ang ngisi sa kanyang labi ay kaagad na nanlaki ang mga mata ko.

"I came with mom not to help her take you back but I wanted to see our world," saad niya na parang wala lang ito sa kanya.

"W-what..."

Hindi ko makapa ang mga gusto kong sabihin kay Allen. I was dazed and shocked.

Nang muli siyang lumingon sa akin ay naging sersyo na ang kanyang ekspresyon.

"I have someone watching after you that was why I knew what was happening to you everyday. But it became limited when you entered Heartfilia Academy. Nalalaman ko na lang ang nangyayari sa'yo tuwing nasa labas ka."

"Hold on, Allen," pigil ko sa kanya habang pinipilit kong intindihin ang sinabi niya, "Do you mean, you also know about the West Imperium?"

"Of course I do."

"Does mom know this?" tanong ko sa kanya na hindi pa rin makapaniwala.

"She does not and I do not want her to know. It will break her heart, Aleighna, trust me. The last thing that she would do is to let us get engaged with the mafia."

"God, Allen. Paano mo nalaman?"  tanong kong muli na naguguluhan.

How can my brother who spent his whole life here in Australia knows what is happening in the Philippines?

"That's a secret I will not tell you," saad niya at lumusong ito sa pool.

Pinanood ko lang siya habang lumalangoy patungo sa kabilang dulo. 

Malaking katanungan ang namayani sa isipan ko.

"Allen," bungad ko nang makabalik siya, "Alam mo ba kung paano namatay si Daddy?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

If my mom will not tell me, then I will have my brother. I know that I already said that I do not want him in pero kumpara pala sa akin ay mas madami siyang alam.

"It is still a question to me. Kung may natatandaan lang sana ako... but I was just three that time. The memories are blurry and I never asked mom nor anyone. I want to find the answer with myself when we went to the Philippines but I got nothing," sagot niya sa akin nang makaahon siya.

Iniwan na ako ng kapatid ko roon at pumasok na ito ng bahay. Great! How can he make me this bothered? And since when did he become like that?

I waited for Allen to open his door. Ilang minuto rin akong nakatayo sa labas ng kanyang kwarto bago niya ito buksan.

"Let's solve this case, Allen. I want to know everything, too," bungad ko sa kanya.

Bahagya siyang napatigil sa pagpupunas ng tuwalya sa kanyang buhok at mataman akong tiningnan.

"I told you that mom won't like it, Ate," saad niya at tinalikuran ako.

Iniwan niyang nakabukas ang kanyang pintuan kaya agad din akong pumasok.

"Then we'll work secretly," I told him.

"If you want answers without asking our mother, then go back to the Philippines," aniya at diretso akong tiningnan sa mga mata.

"I know that you were too close, Ate. But you chose to leave that is why you're back to square one. I won't help you, I'm sorry."

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Allen. 

"But it's a lot easier if we work with this together," giit ko sa kanya ngunit pinagtaasan niya lamang akong ng kaliwang kaliway.

"I started this alone, I will finish this alone," aniya at lumabas na ito ng kanyang kwarto.

"Allen!" saad ko ngunit malalaki ang hakbang na ginawa niya.

Fuck! How did my mom raise him? I tried to follow him pero mabilis lang ang pagmamaneho na ginawa niya.

One month and things remained the same. Laging umiiwas si Allen sa tuwing gusto ko siyang kausapin tungkol sa bagay na ito. Even my mom. 

Hindi ko alam kung makakabalik ba ako kaagad ng Pilipinas. I just want all of these done but people who can give me the answer is not letting me to know a thing.

Dahil hindi ko na natiis ay sa unang pagkakataon simula nang makabalik ako rito sa Australia ay nag-log in ako sa face time account ko. Good thing that Iana is online. 

Akmang tatawagan ko pa lamang siya nang bigla itong magring at kaagad kong sinagot ang tawag niya.

"Goodness Aleighna Cassidy! After almost two months!" bungad niya sa akin.

She is just inside her room. Her background shows it. 

"Iana I need to know something," ani ko na hindi binibigyan ng pansin ang kanyang sinabi.

Alam kong mali na ito ang ibungad ko sa kanya matapos na hindi ako magparamdam sa loob ng halos dalawang buwan. But I can't help. I'm going insane.

"I went here to talk to my mom but she just keeps on avoiding me whenever I try to open things up," dagdag ko pa at tila nakuha niya na ang ibig kong sabihin.

"Hold on, Aleighna. Okay, listen. My dad did not allow me to enter the organization," panimula niya at bahagya akong nagtaka.

"Yes, the first time I learned about this I refused. But then I realized that I needed to embrace our world. But even my mom did not allow me. Kaya pala wala silang sinasabi sa akin tungkol sa West Imperium," she continued.

Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. And then realization hit me. Why I continued doing this? Bakit nga ba gustong-gusto kong malaman ang lahat ng nasa likod nito?

Is it still about Nazaire? Or is this about my father's death. Am I up for a revenge?

No. No.

Ilang beses kong ipinilig ang aking ulo. 

"Are you okay, Leigh?" tanong ni Iana sa akin nang mapansin ako.

Bumaling ako sa kanya at bumuntong-hininga bago nagsalita, "I found out that Allen knows about the imperium."

"Oh. Does it mean nalaman mo na ang totoong nangyari kay Tito Emilio?" 

Iana sounded hopeful but it eventually fade away when she saw my face. Umiling ako.

"I am sorry Leigh. If only I can help... But I tried asking Weiss, too, at wala rin siyang alam tungkol sa nakaraan. I guess they already closed the case," Iana said.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gulong-gulo na ako dahil hindi ko na rin alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit patuloy ko itong ginagawa. 

"Kailan ka pala babalik dito?" tanong niya matapos ang mahabang katahimikan na namayani sa aming dalawa.

"I don't know," sagot ko at inihilamos na lamang ang aking mga palad sa aking mukha, "As soon as I found out the truth?"

Nakita kong pumungay ang mga mata ni Iana.

"Is this still about Nazaire, Leigh?"

Hindi ako agad nakasagot sa kanyang tanong. Tiningnan ko lang siya sa screen ng laptop.

"Look, I know that you still long for your dad and now you just want the truth. And you're doing all of these to find the root so that you can do something for Nazaire..."

I felt Iana's words strike me.  

"I do not want to tell you this, Leigh. But I guess he needs you to be fixed," ani Iana na biglang nagbigay sa akin ng kakaibang kaba.

"W-what do you mean?" kinakabahang tanong ko.

Umayos pa ako sa pagkakaupo upang ihanda ang sarili ko sa anumang sasabihin niya. 

"Weiss told me that Heartfilia Academy is in a critical condition now. Two weeks ago, the main building was on fire. Bigla na lang nagkasunog doon and later that week, the whole academy lost its electricity. Which is according to Weiss, very unusual because they have generators but it did not work."

Pinagsiklop ko ang mga kamay ko habang nakatingin kay Iana.

"What are you saying, Iana?" I asked even though I already have a hunch of what is going on.

"There is a sabotage that is happening inside. There is a traitor inside. They are still working on it pero wala silang mahanap na kahit anong ebidensiya. Magaling maglinis ng kalat ang gumagawa noon."

Pareho kaming nanahimik ni Iana na tila ba nagpapakiramdaman. Does it have something to do with Q?

"Just yesterday, ang daming na-food poison... and Nazaire is doing nothing about it."

Kaagad akong napalingon kay Iana.

"Parang wala na siyang pakialam sa academy, Leigh. And that started when you left."

Hanggang sa tinapos namin ni Iana ang tawag ay ang sinabi niya pa rin ang tumatakbo sa isipan ko. 

Nazaire cannot do that. His life is the academy... paanong papabayaan niya na lang iyon? And how about Naya and Louise? I know he won't risk their lives but...

Simula noong mag-usap kami ni Iana ay tila gumulo na ang mundong ginagalawan ko. 

"Alieghna, para sa'yo. Iniwan daw sa main gate sabi ni Drence."

Naagaw ni Yaya Celine ang malalim kong pag-iisip nang magsalita siya hindi kalayuan sa akin habang nakaupo ako sa sala at hinihintay ang pagdating ni Mommy at Allen. 

"Kanino po galing?" tanong ko habang tinitingnan ang pulang kahon na hawak-hawak niya.

Nagkibit-balikat lamang si Yaya Celine at inabot sa akin ang box.  Kaagad akong umakyat sa kwarto.

I seldom went out here that was why I had no idea where this box came from. For a while I thought na nagkamali lang si Yaya Celine and this is really for Allen but when I turned the note card, my name was the only thing written on it.

Binuksan ko iyon at ang isang nakatuping papel kaagad ang nakita ko. Kaagad ko iyong binuklat at biglang nanalaytay ang kaba sa aking buong sistema.

"I can kill him now, but I will wait for you. The game will not be exciting without the two of you. But if you will take long, I will lead him to his grave all alone. - Q."

Kinuha ko ang isa pang bagay sa loob ng kahon na nakatakip sa pulang tela  at agad kong nabitawan ang frame nang makita iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

49.8K 2K 16
Book 2 of the ๐•ฑ๐–Ž๐–Œ๐–๐–™๐–ˆ๐–‘๐–š๐–‡ series {Duology} ๐–ค“ ๐•พ๐–”๐–’๐–Š ๐–’๐–Š๐–’๐–”๐–—๐–Ž๐–Š๐–˜ ๐–“๐–Š๐–›๐–Š๐–— ๐–‘๐–Š๐–†๐–›๐–Š ๐–ž๐–”๐–š๐–— ๐–‡๐–”๐–“๐–Š๐–˜. ๐•ฟ๐–๐–Š๐–ž ๐–‡๐–Š๐–ˆ๐–”๐–’๐–Š ๐–•๐–†๏ฟฝ...
27.4K 3.7K 36
แ€˜แ€ฌแ€žแ€ฌแ€•แ€ผแ€”แ€บแ€žแ€ฐ - แ€…แ€ฝแ€ฒแ€Šแ€ญแ€ฏแ€ทแ€กแ€žแ€„แ€บแ€ธ
41.1K 880 33
Jhocey !!Disclaimer!! โ€ขThis story are made pure imagination. Please seperate friction to reality. โ€ขThis story contains Spg scenes like s*x, and k*...
310K 9K 101
Can you never think of a sassy comeback worth of Minho? Well you've come to the right place! Welcome to comeback haven, and sass village. Insults are...