Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4.1K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 37

56 2 0
By zieeerendipity

 "Forget about your consequence. Do not go back to the cafeteria." 

Kaagad siyang tumayo nang matapos sa ginagawa at walang ano-anong lumabas sa clinic kaya agad ko siyang sinundan.

"Is that it Nazaire?" namamaos na saad ko.

Napatigil siya paglalakad at muli na namang namalisbis ang aking luha. How many times do I have to see his back?

"You are stopping me from loving you and you will just help me with my wound? I hope you're not forgetting, Nazaire. A person that  loves is the same person that hopes. I won't stop this fucking game as what you have said because I am not playing," I sniffed and took a deep breathe, "I'll go back to the cafeteria."

Tinalikuran ko siya at naglakad na ako pabalik sa cafeteria. 

I love him and I love that he cares for me. Pero hindi iyong ganito na mag-aalala siya at pagkatapos ay wala na naman. 

Dumaan muna ako sa aking dorm upang mapalit ng damit. Kinuha ko ang ang kulay maroon kong pullover na may nakatatak an Karringstyn Beetles.

"Leigh? Okay ka na ba?" kaagad na tanong ni Karmie sa akin nang makabalik ako at tinanguan ko na lamang siya.

Nang sumapit ang alas singko ay bilang na lamana ang mga estudyanteng nasa cafeteria kaya nakapagpahinga na rin kami ni Karmie.

"Nakakapagod din pala, 'no?" ani ko sa kanya at umupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria.

"Sanayan na lang," tugon ni Karmie at nagkwentuhan na lamang kami roon.

Nang mag-alas sais ay tinawag kami ni Ate Esyl dahil wala nang estudyante sa loob ng cafeteria.

"Aleighna, gusto kong ipakita sa iyo ang pagluluto namin dito sa cafeteria," ani Ate Esyl habang nakasunod kami ni Karmie sa kanya sa loob ng malawak na kitchen, "Araw-araw ay may sinunod kaming menu. Iba-iba 'yan. Pero minsan ay nauulit din lalo na kung mabenta ito sa inyong mga estudyante. Ayan si Amira at Rouie sila ang cook namin dito," saad ni Ate Esyl at itinuro ang dalawa na sandaling lumingon sa amin at ngumiti.

"Silang tatlo naman ang dishwasher namin. Ito si Lamiel, si Tarria at si Keilton," pagpapakilala niya sa tatlo.

Ganoon lang ang ginawa namin ni Karmie roon sa loob. Hinayaan din kami ni Ate Esyl na manood habang nagluluto ang mga cook niya. Namayani ang amoy ng mga niluluto nila sa kusina at tila natakam ako.

"Karmie, Aleighna, hali kayo," tawag sa amin ni Ate Amira, "Kayong tatlo na rin. Tikman niyo ito. Ngayon ko lang ginawa ito eh."

Naglagay si Ate Amira ng pagkain sa mangkok at amoy pa lang ay nakakatakam na.

"Naku Amira. Baka masaway ka ni Ma'am Drein, ha? Hindi ka na naman sumunod sa menu," rinig kong saad ni Kuya Rouie habang bahagyang tinatawanan si Ate Amira.

Totoo nga ang sinabi ni Ate Esyl kanina, puro ate at kuya lang ang tawagan nila rito maliban sa kanilang manager.

Hindi siya pinansin ni Ate Amira at sa halip ay tinanon lang kami nito kung kamusta ang luto niya. Sabay-sabay kaming nagsabi ng masarap at sumilay ang malapad niyang ngiti.

"To taste is to believe, Rouie," pagkikibit-balikat niya kay Kuya Rouie at nagtawanan na lamang kami.

Mahigit isang oras din bago sila natapos sa pagluluto. Tumulong na kami ni Karmie sa paglalagay ng mga ulam sa counter. Marami-rami na rin ang mga estudyanteng nasa cafeteria nang lumabas kami.

Nanatili lang kami ni Karmie sa loob nang matapos naming ilabas ang lahat ng ulam. Kumain na rin sila roon ngunit tumanggi ako dahil hindi pa naman ako nagugutom kaya't nakisali na lamang ako sa kwentuhan nila.

"Siya nga pala, Leigh. Sa hapon na ako papasok bukas. Si Lawrence muna ang makakasama mo sa umaga," baling sa akin ni Karmie.

"Aleighna."

Hindi na ako nakasagot pa nang lumabas mula sa pintuan si Ate Esyl at kaagad akong napatayo.

"Po?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.

"May naghahanap sa iyo sa labas. Pangatlong lamesa sa kaliwa. Doon sa mga glass wall. Puntahan mo muna," pahayag niya.

"Si-sino po?"

"Ah basta. Puntahan mo na lang," saad niya at tinalikuran na ako.

Lumingon ako sa mga kasamahan ko at nagpaalam na sa kanila. Tinungo ko ang pwesto na sinabi ni Ate Esyl at kaagad na nagtagpo ang mga mata namin ni Nazaire habang tinatapik tapik niya ang kanyang baso gamit ang kutsara.

"Stop that! Ang sakit sa tainga," saad ni Naya sa kanya.

"Leigh!" naagaw ni Louise ang atensyon ko at doon ko lamang napansin na bakante ang limang lamesa na nakapalibot sa kanila, "Halika na. Hindi ka paraw kumakain. Sumabay ka na sa'min."

Tipid kong nginitian si Louise at tumuloy na ako sa paglapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Justine at nasa harapan ko si Nazaire. 

"Zel tayo na bumili ng pagkain, dali," yaya ni Louise sa pinsan at kaagad silang tumayo at umalis.

"I heard what happened, Aleighna. Kamusta na ang sugat mo?" ani Justine na binasag ang katahimikang bumabalot sa aming apat.

Naalis ang tingin ko kay Nazaire na nakatingin lamang sa kanyang baso.

"It's fine, J. Thanks," tugon ko sa kanya at kunot-noo akong tiningnan.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang aking baba at bahagya niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin.

"Tsk. Halata pa rin ang mga pasa mo. Hindi dapat ako nagpatiunang naglakad sa'yo. Sasamahan naman kita sa circle eh. Masyado lang akong ma-pride para huwag kang pansinin pero doon na dapat ako pupunta," sunod-sunod na saad niya bago bitiwan ang aking baba.

Si Axel naman ay nagpipigil lang ng kanyang tawa at kulang na lamang ay hampasin niya ang lamesa.

"Can you wake up tomorrow morning? We can still go," pahayag niya pa at mas lalo pang kumunot ang aking noo.

Natigil ang tunog ng pagdampi ng kutsara sa babasaging baso at bago pa man ako makalingon kay Nazaire ay sandali akong nanigas nang ilapit ni Justine ang kanyang bibig sa aking tainga.

"I heard what happened to you and Nazaire. Let him and act cool. He'll eventually melt. But I'm serious, we can watch the sunrise tomorrow," bulong niya at inilayo niya na ang kanyang mukha sa akin.

Bumagsak ang kutsara sa aming lamesa at natigil si Axel sa pagtawa. Gulat ang nasa aking mga mata nang makitang nakabaluktot na ito at sa dulo nito ay ang nakakuyom na kamao ni Nazaire. Doon ko lamang napagtanto ang ibig sabihin ni Justine.

I told him already, that I will not end this game. But if he really treats this as a fucking game, then I will play with some tricks. But I will not give him up. He is the card that I will not draw.

"Kuya J, Kuya Axe, tulungan niyo muna kami ni Ate Andreia sa pagbubuhat ng tray," napalingon kami sa nagsalitang si Nyazel.

Pipigilan ko na sana ang dalawa ngunit huli na dahil kaagad silang umalis and the awkward atmosphere enveloped me and Nazaire.

"As what I was expecting, you will not listen. You still went back," napatingin ko kay Nazaire at may kung ano akong naramdaman nang magtama ang mga mata namin.

"You can't just tell me what I need to do just like how you can't make me stop loving you. I am just an exchange student, Nazaire. I am not a full blood Heartfilian and I don't follow rules from anyone except from the Karringtsyn University," saad ko sa kanya at kaagad siyang umiwas ng tingin.

"Stubborn," rinig kong bulong niya at saktong namang dumating ang apat habang bitbit ang mga tray ng pagkain.

I know I am risking too much. But never in my life I became this sure.

Kinamusta lamang ako nina Louise at Naya tungkol sa unang araw ko rito sa cafeteria.

Alas nuebe y media nang matapos kami ni Karmie sa paglilinis.  Nagpaalam na kami sa isa't isa at mag-isa kong tinatahak ang daan pabalik sa aking dorm. Hawak ko ang aking braso na may sugat dahil nararamdaman ko pa rin ang pagkirot nito.

Maya't maya akong napapatigil sa paglalakad dahil sa pakiramdam na may nakasunod sa akin. Bigla kong naalala ang sulat na natanggap ko kanina kaya mas lalo ko na lang binilisan ang paglalakad.

If what I had come up was right, in order for that person to get to Nazaire, he will first come to me.

Saka lang guminhawa ang pakiramdam ko nang makarating ako sa dorm at dahil sa pagod dala ng pagtatrabaho ko sa cafeteria ay kaagad akong nakatulog matapos kong maligo.

Nang magising ako kinaumagahan ay dumaan muna ako saglit sa cafeteria upang magpaalam na baka sa hapon na ako makapasok dahil kailangan kong asikasuhin ang clearance ko. Noong una ay nag-alangan pa ako nang mapagtantong si Lawrence lang ang mag-isa ngayon ngunit kailangan ko talagang asikasuhin ang clearance ko para sa darating na enrollment.

Pinuntahan ko na ang mga subject teachers ko at mabuti na lamang ay hindi ako nahirapan sa pagpapapirma sa kanila dahil sinabi ko ring kailangan kong makabalik kaagad sa cafeteria at may community service akong kailangang gawin.

Alas onse nang mapagpasyahan kong ipagpabukas na lamang ang ilang natira. Sa adviser na lamang ang kulang ko at sa mga offices kagaya ng registrar, accounting, admission at sa head ng student formation.

Nang makarating ako sa cafeteria ay madami  na ang ginagawa nila dahil malapit nang mag-lunch. Kaagad kong kinuha ang apron bilang uniporme namin at saka ko dinaluhan si Lawrence.

"Sorry Lawrence ah. Natagalan ako," ani ko sa kanya habang nililinis ang katabing lamesa.

"Ayos lang Leigh. Tumutulong din naman si Ate Esyl kapag marami ang naiiwang maduming lamesa," tugon niya at muli kaming nagpatuloy.

"Sige. Dadalhin ko muna ito roon," paalam ko kay Lawrence habang bitbit sa kaliwang kamay ko ang tray ng mga pinggan.

Tumango lamang siya at nagsimula na akong maglakad. Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong si Fiarrah. Makahulugan niya akong tinitingnan at saka umiling bago ako nilagpasan.

Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang makaupo siya sa isa sa mga bakanteng lamesa.

"Akin na nga 'yan. Halatang hirap kang buhatin," kaagad na nabaling ang atensyon ko kay Karmie nang kunin niya sa akin at tray, "Huwag mo kasing punuin ang tray. Pwede mo namang balikan na lang."

Naka-bihis panglakad pa siya nang dumating at halatang pagod sa pinuntahan dahil pawis sa kanyang noo. Nagpasalamat na lamang ako sa kanya dahil hindi ko na rin naman nabawi ang tray sa kanya nang bitbitin niya iyon.

"Hey. Ikaw!" 

Magkasabay kaming napalingon ni Karmie nang marinig ang malakas ng boses ng isang babae.

"You look at what you did to my dress. Nagmantsa ang natapon na juice kahapon dahil sa katanagahan mo. I want you to wash this," aniya sa akin at inihagis sa akin ang dress niya.

Kaagad akong dinaluhan ni Karmie. Naramdaman ko ring nasa amin na ang atensyon ng mga tao sa cafeteria. 

Hawak-hawak ko ang kanyang dress na itinapon niya sa pagmumukha ko at pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko habang nakapikit at humihinga ng malalim.

"Calm down, Aleighna. She is a freshman," paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko.

"How could this elite school hire a clumsy staff like you?" aniya.

"Miss... ano... Kaunti lang naman yata ang mantsa ng damit mo. Madaling matatanggal iyan at may laundry naman ang academy saka-"

"Shut up. Hindi ikaw ang kausap ko. O kung gusto mo ikaw na ang maglaba?" 

Hindi niya pinatapos si Karmie sa pagsasalita at dumilat na ako nang maramdamang kaunti na lang ay mapapigtas na ang pasensya ko.

"Leave this to me, Karmie. Kasalanan ko naman," saad ko kay Karmie ngunit sinalubong lang ako ng nag-aalala niyang tingin.

"Oh great! Good thing na hindi mo ikinaila. Kailangan ko iyan mamaya at subukan mong gasgasan iyan. I will make sure that you will be out of this academy," napapitlag ako nang marahas niyang hablutin ang kamay ko na may sugat. Napansin ko ring nagulat si Karmie sa ginawa nitong freshman sa akin.

"Just so you know, I am a daughter of a business man. A tycoon," patuloy niya habang pinipilit kong bawiin ang kamay ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya rito at wala akong sapat na lakas dahil sa kirot na nararamdaman ko. Naramdaman ko na rin ang pagbakat ng kanyang kuko ngunit pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko.

"I do not allow anyone to lay a hand on my staff. Let go of her or I will send you to the detention office," saad ni Ate Esyl na matalim nang nakatitig sa kanya.

Kaagad ding lumapit si Lawrence at sinubukang tanggalin ang kamay ng babae ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin at hindi ko na napigilan ang pagdaing.

"And who are you to order me? I am an Alcantara," matalim na sagot niya kay Ate Esyl na mas lalong nagpadilim sa tingin niya rito.

"Le-let go of me, please. Aah!" ani ko nang idiin niya pa lalo ang kanyang kuko sa aking balat.

Nakapalibot na rin sa amin ang mga estudyante at lahat sila ay gulat sa nangyayari. Who would have thought na magkakaroon ng ganitong gulo sa Heartfilia Academy?

Nakarinig ako ng mga bulung-bulongan sa kanila ngunit dahil hindi iyon ganoon kalakas at halos sabay-sabay sila ay wala rin akong maintindihan.

"I am not yet done with you!" mabigat na saad niya at naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha dahil sa kirot na dulot ng nakabaon niyang kuko.

I even heard Ate Esyl told someone to call Nazaire. Will he even come to save me? Will he protect me this time?

"Sa susunod na banggain mo ulit ako-"

Naputol ang sinasabi niya nang may biglang sumingit sa pagsasalita niya.

"Sa susunod na banggain mo ulit siya, I will not hesitate to break every bones of you," pareho kaming napatingin sa aming kanan at nagulat ako nang makita si Fiarrah doon at nakahalukipkip siya habang matalim ang tingin sa freshman, "Now, get your hands off fucking her."

Umismid ang babaeng may hawak sa akin at marahas akong binitiwan at sa lakas nang pagkakatabig niya sa braso ko ay muntik na akong matumba, mabuti na lamang ay nasalo ako ni Lawrence. Kaagad niyang hinawakan ang palapulsuhan kong dumudugo dahil sa kuko ng freshman. 

I have no idea what keeps me refraining myself from fighting back when I can slam her on the floor with my one unwound hand. Mariin akong napapikit nang ininda ang mga sugat ko.

Halo-halong sigawan ang bumalot sa buong cafeteria nang bigla na lamang ulit hablutin nang babae ang aking buhok at walang ano-ano ay hinila ka.

"Fuck!" usal ko habang hinahawakan ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa buhok ko at mas lalo lang akong nasasaktan dahil sa pagpilit nina Ate Esyl na ihiwalay sa akin ang babae.

"You'll pay for this!" aniya at bigla ko na lamang naramdaman na may humbalot sa akin at wala na ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa aking buhok.

Tumahimik din ang buong cafeteria at malalim na paghinga lang ang nararamdaman ko.

"Oh my god, Aleighna!" rinig kong saad ni Louise at nang iangat ko ang paningin ko ay tumambad sa akin sina Justine at Axel habang hawak-hawak ang babae.

Nang tumingin ako sa taong may hawak sa akin ay ang madilim na mga mata ni Nazaire ang sumalubong sa akin.

Bigla bigla na lamang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya at kaagad akong binitiwan. Kasabay ng paglalakad niya sa gitna namin ng freshman ay siyang pagdalo sa akin nina Naya at Louise.

"Aah!" mahinang daing ko nang mahawakan ni Louise ang braso kong may sugat at bahagya pa itong nagtaka.

Nakapamewang si Nazaire habang pinagmamasdan ang buong cafeteria.

"This is not how we raised each one of you inside this academy. I am so disappointed with everyone here," mabigat na pahayag niya at tumigil ang paningin sa akin, "And you should not bring a fight here especially with someone who is younger than you."

Napawaang ang aking bibig at bumagsak ang balikat ko. 

"What the hell, Nazaire? Ni hindi mo alam kung anong nangyari," singhal ni Louise at kaagad kong binawi ang kamay ko sa kanilang dalawa ni Naya.

Matalim kong tiningnan si Nazaire habang pinipigil ang mga luha ko. Madilim na mga mata niya lamang ang sumalubong sa akin.

"If I had known that you would accuse me for starting this damn cat fight, then I shouldn't have reprimand myself from grabbing her hair and slamming her on the floor," kasing bigat ng mga salitang binitiwan ko ang pagtibok ng puso ko.

Tinalikuran ko silang lahat at ini-lock ang sarili ko sa loob ng dressing room. I even heard Naya and Louise knocking and shouting my name from the outside. Binalewala ko iyon. Ini-lock ko rin ang pangalawang lock ng dressing room para kahit buksan iyon ni Ate Esyl ay hindi pa rin sila makakapasok.

Marahas kong pinahid ang mga luha ko na sunod-sunod ang pagpatak. I am not asking him to be on my side but damn him for being that asshole! 

Naramdaman ko ang pamamanhid ng kanang braso ko at hindi ko na alam kung ano ang una kong iindahin.

Kaagad akong nabaling sa aking harapan nang bumagsak ang pintuan at bumungad sa akin ang nag-alalang mga tingin nina Lawrence, Louise, Naya, Karmie at Ate Esyl.

Mas pinili kong manatili sa cafeteria sa halip na bumalik sa dorm ko. Sila Karmie at Lawrence na muna ang nag-asikaso sa gawain namin habang nakaupo ako sa sulok kasama si Fiarrah. Nagpaalam na rin kanina sina Louise at Naya dahil kailangan nilang asikasuhin ang mga clearance nila at kahit na sinabi nilang maaari namang ipagpabukas iyon ay pinilit ko sila dahil maayos na naman ako.

"You won, Fiarrah. He is avoiding me. Now, tell me what do you want," matalim na saad ko kay Fiarrah na kaagad akong dinaluhan nang makaalis sina Louise at Naya.

Wala na sa kanyang ekspreyon ang Fiarrah na huli kong nakausap. Ang nasa harapan ko ngayon ay ang Fiarrah na tumayo bilang class president namin.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita, "I did not intend to cause you any harm, Leigh. Yes. I threatened you with my words but...," pumungay ang mga mata niya, "I don't know Aleighna. I'm sorry. I need to go," saad niya at kaagad na tumayo.

Agad din akong tumayo upang pigilan siya.

"Why did you save me?" diretsong tanong ko na siyang nagpatigil sa kanya.

"Because I was wrong," sagot niya habang tumataas at bumaba ang kanyang balikat.

"Then why did you tell me to stay away from him?" matapang na tanong ko kahit na takot ang nanalaytay sa aking sistema.

I know that she would say the same. Na ipapahamak ko lang si Nazaire. But I wanted to know more. Gusto kong maging malinaw ang mga bagay-bagay. 

"I may be wrong Aleighna but telling you to stay away from Nazaire was the right thing to do. It's too risky for you to be with him and so for him... and for the academy."

Iniwan ako ni Fiarrah ng may isang malaking katanungan and she left me the eagerness of finding what is in the core of Heartfilia Academy.

Habang nag-aayos kami nina Karmie at Lawrence ay tumunog ang pintuan ng cafeteria ngunit inabala ko lamang ang sarili ko sa pagwawalis. It must be Ate Esyl. Itinuon ko na lamang ang buong atensyon ko sa paglilinis dahil gusto ko na matapos itong araw na ito.

Nang matapos kami sa paglilinis ay itinabi ko na ang ginamit kong walis at dustpan. Naiwan sina Lawrence at Karmie na nagma-mop at gustuhin ko mang tulungan pa sila ay sinabihan nila akong mauna na. Hindi na rin ako nagpumilit pa dahil masakit pa rin ang aking braso. 

Kinuha ko na ang bag ko sa dressing room at nagpaalam na ako sa kanila. Habang tinatahak ang daan palabas ng cafeteria ay marahan kong hinahaplos ang bagong sugat ko. Naging hugas buwan ang dulot ng pagbakat ng kuko niya.

"Stop doing the community service," napalingon ako kay Nazaire at nakita ko siyang nakasandal sa hamba ng pintuan.

Tila nanlambot ang maliit na pader na itinayo ko. Bago pa man ako tuluyang bumigay ay nilagpasan ko na siya ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay naramdaman ko bigla ang pagpulupot ng kanyang kamay sa aking tiyan at ang malalim na paghinga niya sa aking batok. 

He was hugging me from behind. I closed my eyes while feeling his warmth. How I wish that the clock would stop, kahit ngayon lang. I just wanted to be with him. I wanted us to stay like this.

"I am sorry Leigh... but I need to let you go."

Continue Reading

You'll Also Like

33.2K 734 39
Now you gotta ask yourself. What would it be like to find out that the people you love and would die for, turn out to be self centered assholes who w...
17.3M 541K 77
Enid is moving across the world to attend university. Away from all that she knows, she soon finds herself at the center of three men's unyielding a...
42K 903 33
Jhocey !!Disclaimer!! •This story are made pure imagination. Please seperate friction to reality. •This story contains Spg scenes like s*x, and k*...
The Whole Truth By jaxharlow

Mystery / Thriller

448K 20.4K 52
Adele knows she witnessed a murder - what she doesn't know is just how personal it is. ...