Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 36

51 3 0
By zieeerendipity

"A-aleighna..." ani Naya habang nag-aalala akong tiningnan.

Oh great. Who can fool them?

"Louise mamaya na lang tayo mag-usap. Aayusin ko lang ang mga gamit ko," ani ko at hindi ko na siya hinintay pang makasagot.

"Jerk! She is not your business, huh? Let's see."

Bago ko isara ang pintuan ay narinig ko pa ang sinabi ni Naya. 

Kaagad kong pinalis ang mga takas kong luha. I can't anymore weaker. Kung ano man ang dahilan ni Nazaire para masabi ang lahat ng iyon ay kailangan kong intindihin. 

I don't want to give him up as much as I don't want him to push me away. 

Huminga ako ng malalim bago ko napagpasayahang ayusin ang mga damit na dinala ko ngunit nang buksan ko ang bag ko ay nagulat ako nang bumunga sa akin ang folder na inabot ni Iana sa akin kagabi.

Kunot ang noo kong tiningnan iyon bago ko kunin ang kahon na nasa ilalim ng kama ko. Isinama ko roon ang folder bago ito ibinalik sa ilalim.

Those information are nothing right now. It won't change a thing about my decision. 

I know that things between me and Nazaire will not be easy but I need to remain as the strong person that I was and I will not give him to this academy.

Ilang oras akong nagbabad sa bathtub bago ko napagdesisyunang umahon na dahil kailangan kong pumunta sa detention office. 

Nanginginig ang kamay kong kinatok ang pintuan bago ko pihitin ang door knob at tumambad si Nazaire at Axel na nakatayo sa platform at ang tatlo pang estudyante.

Kaagad na natigil sa pagsasalita si Axel nang makita ako. Malamig ang mga mata ni Nazaire nang tiningnan ako ngunit kaagad din itong umiwas. Pakiramdam ko ay tinusok ng nagyeyelong espada ng puso ko dahil sa ipinapakita niyang pakikitungo sa akin.

He is acting now like we do not know each other. Na para bang ordinaryong estudyante lamang ako rito na hindi kailanman napalapit sa kanya.

I heard Axel faked his cough, "Have a seat, Aleighna," ani Axel.

Nakatungo ako habang tinatahak ang pinakadulong upuan. Patuloy lang na nagsasalita si Axel habang tagos sa magkabilang tainga ko ang mga sinasabi niya.

Nanatili ang tingin ko kay Nazaire habang nasa mga papel sa kanyang harapan ang buong atensyon niya. Muli kong naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib at pangingilid ng aking mga luha.

We are inside one room but he is too far away. We are steps apart but I still cannot reach him.

Kaagad kong iniwas ang tingin ko nang inangat niya ang kanyang paningin at siya naman ngayon ang nagsasalita.

Even his voice is too different. It seemed that the ice defeated his fire. 

"Mr. Fabian, thirty six hours of community service. You will help the registrar. Same hours of community service will go to you, Miss Lawrel and Mr. Perelio. Miss Lawrel, you will help our cafeteria while you will be assigned in the accounting, Mr. Perelio. As for you Miss Lowrie," umangat ang tingin ko kay Nazaire.

How can he be this cold? Normal lang sa kanya ang lahat. Hindi siya apektado na parang wala lang talaga to sa kanya.

"Eighty four hours of community service," sandali siyang tumigil habang binabasa ang nasa papel at nakita kong kumunot ang noo niya bago ipinagpatuloy ang sinasabi, "...at the cafeteria."

Bahagya akong napapikit. It's fine. I know I am at fault.

"Your consequences depend on your violations. You will start after lunch. Meeting is done," ani Nazaire at isa-isa nang nagsialisan ang tatlong estudyante.

Nagliligpit pa silang dalawa habang nanatili akong nakaupo roon.

Damn! Heaven knows how bad I want to talk to him, how bad I want to hug him and how bad I want to be in his arms.

Suminghap ako atsaka tumayo. Hindi ko pa kaya. I can't take another rejection from him. At least not now.

"Where have you been?" 

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang malamig niyang boses at ramdam ko ang kalabog ng aking dibdib nang dahan-dahan ko siyang lingunin. Nakahalukipkip lamang siya habang matalim akong tinitingnan.

"Leaving the academy without a permission and returning back two days after the deadline is a disgrace and an act of  irresponsibility. I don't want this to happen again."

Bumagsak ang mga balikat ko nang dugtungan niya ang kanyang tanong. Nilagpasan niya ako at napapikit na lamang ako kasabay ng pamamalisbis ng aking luha.

How can he carry my hopes so high and drop it in an instant? 

"Tissue Leigh," sinamaan ko ng tingin si Axel nang hablutin ko ang inabot niyang tissue.

"Can I... Can I hug you, Axe? Kahit isang minuto lang?" tanong ko at ng tumango siya at agad kong lumapit para yakapin siya.

Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at doon ako umiyak. Hindi ako nagsalita at ganoon din si Axel.

I thought crying can ease one's pain. But mine is just becoming more and more painful.

"Huwag mong sabihin na dinala mo ako rito para lang pag-masdan 'yang fountain?" saad ni Axel na nakaupo sa aking tabi.

Dinala ko siya rito sa circle dahil ayaw ko pang bumalik sa dorm ko. Mas lalo ko  lang mararamdaman ang sakit kapag ikinulong ko ang sarili ko sa apat na sulok ng silid na iyon.

"I told him that I love him, Axe, and I really do. And I thought he would say the same but... but he just told me that I can't love him," saad ko matapos ang napakahabang katahimikan.

Tumingin ako sa langit upang pigilan ang nagbabadya na namang luha ko. Nakakapagod din pala ang limang araw ng pag-iyak. 

"He did?" tanong ni Axel.

Nilingon ko siya at tumango ako.

"I have always been curious. At alam mo 'yan. And I know that Heartfilia Academy is unlike any other college schools. And Nazaire is unlike any other SCB President. It's weird. And he even told me that if I get to know, who he really is, I will eventually leave him. Fuck him. How dare him na pangunahan ako."

Mapait akong nginitian si Axel at nakakunot-noo na siyang tinitingnan ako.

"Sagutin mo nga ako, Axe. Is there something about him that can make me walk away if I happen to know?" tanong ko sa kanya.

Bumagsak ang mga balikat ni Axel nang iiwas niya ang tingin niya sa akin. Naglakbay ang mata niya sa circle nang hindi sinasagot ang tanong ko.

"I have known Nazaire for years, Aleighna, at kaming anim, Leigh, magkakapatid na ang turingan namin. Halos kilala na namin ang bawat isa. And I want to be honest with you, Aleighna... Masyado ka nang napalapit sa amin," bumaling si Axel sa akin, "Nazaire is the most dangerous among the six of us."

"Dangerous like how? Like he can defeat eight people with his bare hands?" tanong ko kay Axel dahil gustong-gusto kong malinawan. 

Tumagos ang tingin niya sa akin at kaagad na nag-alab ang nag-aalala niyang mga mata. He suddenly pulled me down. Naramdaman ko ang paghapdi ng aking balikat at sa tingin ko ay tumama ito sa bench.

"Shit! Dito ka lang Aleighna! Huwag kang aalis!" saad niya sa akin at kaagad na tinakbo ang direksyong kanina niya pa tinitingnan.

Napasinghap ako nang makita ang dugo sa aking balikat na dulot ng daplis ng isang matulis na bagay. Nabaling ang atensyon ko sa maliit na panang nakabaaon sa dulo ng bench.

Tumayo ako at binunot iyon. May papel na nakasabit sa dulo nito at kaagad ko itong binuklat.

"The king is still alive. The queen must sacrifice. You are the pawn who turned to a queen. And for the king to die, you must, too. This will not end without blood. - Q"

Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang mabasa ang tila bugtong na iyon. Hindi ko iyon lubos na maintindihan ngunit ang huling pangungusap ang nagbigay ng matinding takot sa akin. 

Kaagad kong ibinulsa ang sulat nang marinig ang mga yabag ni Axel palapit sa akin.

"Aleigh- shit!" 

Napamura siya nang makita ang nagdudugo kong braso at nabaling din ang tingin niya sa hawak kong pana. Nagtiim-bagang si Axel nang maingat itong kinuha mula sa akin. 

"Kailangan kitang dalhin sa clinic," aniya at inalalayan ako habang tinatahak namin ang daan patungo sa clinic habang hawak-hawak sa kabilang kamay ang pana.

"Get out of our way!" singhal niya sa mga estudyanteng nakakasalubong namin na punong-puno ng pagtataka.

"Axel? Aleighna?" pareho kaming napalingon ni Axel nang marinig ang boses ni Joseph.

Lumipad ang tingin nito sa nagdudugo kong braso na ngayon ay may tali na ng dulo ng damit ni Axel na pinunit niya kanina.

"Tell Nazaire to go to the clinic," utos niya kay Joseph at hindi niya ito hinintay na makasagot pa.

"Anong nangyari, Axe?" narinig ko ang boses ni Nazaire habang nilalagyan ni Nurse Amfeil ng benda ang daplis ko ng pana matapos niya itong linisan.

"Dahil sa palagi mong pagpunta rito, namumukhaan na kita," ani Nurse Amfeil habang tinatapos ang paglalagay ng benda.

"May umatake si circle," naririnig kong saad ni Axel.

"A bow? Whose blood is this?" tanong ni Nazaire.

"Aleigna's-"

"What? Where is she? How is she?"

"Ginagamot na siya ni Nurse Amfeil."

Tumahimik sila sa labas at may kung anong kumurot na naman sa puso ko. Ano ba 'tong ginagawa niya? Kung tingnan niya ako kanina ay parang wala lang pero ngayon ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya.

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa ngunit hindi ko na ito marinig dahil humina na ang mga boses nila. Alright. He will not go and see me here.

Lumabas na ako sa silid at tanging si Axel at Nurse Amfeil na lamang ang nadatnan ko roon. Kaagad na bumaling si Axel sa akin nang maramdaman ang presensya ko.

"Na-nakita mo ba kung... sino ang may gawa noon?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko siya nahabol, Leigh. Masyado siyang mabilis. Iwasan mo na lang muna ang pagpunta sa circle. It's no longer safe," paalala niya sa akin habang minamasahe ang sentido.

"I heard you have been haunting this person for months. Anong nangyayari sa inyo, Axel? Wala pa rin kayong ideya kung sino," napalingon ako kay Nurse Amfeil nang bigla itong magsalita ngunit nakatuon lang ang atensyon niya sa ilang mga gamit na inaayos niya.

"We are working on it, Nurse Amfeil," tanging sagot ni Axel at niyaya na ako upang umalis doon ngunit bago niya maisara ang pintuan ay narinig pa namin ang pahabol niyang sinabi.

"Ang matinding hagupit ng bagyo ay nasa buntot at wala sa gitna. Ngunit ang kalmadong mata nito ay siya ring mapanira."

Habang inihahatid ako ni Axel sa aking kwarto ay malalim ang iniisip ko dahil sa sinabi ng nurse. 

"Leigh, iwanan na muna kita rito. May aasikasuhin lang ako at please, huwag ka nang pupunta sa circle."

Tumango ako sa sinabi ni Axel, "Salamat."

Naiwan akong mag-isa sa dorm ko. Muli kong binasa ang nakasulat sa papel na nakuha ko kanina.

"The king is still alive. The queen must sacrifice. You are the pawn who turned to a queen. And for the king to die, you must, too. This will not end without blood. - Q" 

Minasahe ko ang aking sentido ngunit hindi ko pa rin ito maintindihan. He once said that I was his pawn and now I'm already a queen. 

Kumunot ang aking noo nang mapagtagpi-tagpi ito.

Is it possible that Nazaire is the king? And I became the queen for being with him?

 "And for the king to die, you must, too. This will not end without blood."

Marahas akong napailing. Malinaw na sa akin ngayon ang pinupunto ng taong ito. He wants Nazaire dead.

Muling sumagi sa isip ko ang journalist na naglagay ng hidden camera rito sa aking silid. No, it cannot be him. Wala na siya rito sa academy at paniguradong hindi na siya papayagang makapasok muli rito.

And Herom Monterio... Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon ngunit panigurado ring hindi na siya hahayaang makabalik dito sa loob matapos ang ginawa niya kay Nazaire.

Inilagay ko ang sulat sa kahon at muli iton ibinalik sa ilalim ng aking higaan. Who could this person be? 

Can it be Cleo?

Nang mag-ala una ay napagpasyahan kong pumunta na sa cafeteria. Nagsuot ako ng pullover upang maitago ang benda sa aking balikat.

Nang makarating ako roon ay tinuruan ako ni Ate Esyl sa mga kailangan kong gawin. Ilang taon lamang ang tanda niya sa akin at siya rin ang nagsabi na ganoon na lamang ang itawag ko sa kanya. Isa siya sa mga namamahala sa buong cafeteria at may pagka-istrikta rin siya.

Tuwing may umaalis na estudyante ay nililinisan ko ang iniwan nilang lamesa kagaya ng sinabi ni Ate Esyl. 

Dalawa kami ni Karmie ang naglilinis sa mga lamesang naiiwan ng mga estudyante. At iniisip ko kung paano ito ginagawa ni Karmie mag-isa araw-araw.

"May iba pa bang taga-linis bukod sa'yo, Karmie?" tanong ko sa kanya habang wala pa kaming ginagawa.

"Hindi Leigh. Tatlo kami rito. Kaso si Aelyn, nagbakasyon at iyong si Lawrence naman ay nag-aasikaso ng clearance niya kaya ako lang ang natira rito," aniya at kumunot ng bahagya ang aking noo.

"Lawrence? Iyong freshman?" tanong ko at kaagad siyang tumango.

"Oo. Naku. Sobrang sipag ng taong iyon. Siya nga pala, ikaw, Leigh? Hindi ka ba mag-aasikaso ng clearance mo?" biglang tanong niya sa akin.

"Bukas na lang siguro. Hindi ka na ba nag-aaral Karmie?" tanong ko ulit.

"Ano ka ba, graduate na ako. Mas pinili ko nga lang na magtrabaho rito kasi malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa mga Heartfilia. Pero baka sa susunod na taon aalis na rin ako, sayang din kasi ang pagkuha ng midwifery kung hindi ko rin magagamit."

Natigil ang pag-uusap namin ni Karmie nang bigla kaming tawagin ni Ate Esyl.

"Trabaho o kwento?" kaagad ng tanong niya nang makalapit sa amin at kaagad kaming humingi ng pasensya ni Karmie at bumalik na sa trabaho.

Mahigit dalawang oras kong ginawa iyon at nararamdaman ko na ang pagkirot ng aking braso at ng tila pangangalay ng aking balikat dahil sa aking sugat. Hirap din akong buhatin ang tray ng mga pinagkainan dahil nasa kanang braso ko ang sugat at hindi ako sanay na ang kaliwa ang gamit ko.

"Leigh, huwag mo sanang masamain, ha? Anong nangyari riyan sa mukha mo? Bakit ang dami mong pasa?" tanong niya nang magkasabay kami sa pagliligpit at nginuso pa ang aking mukha.

Sandali akong napatigil sa ginagawa. Tinanggal ko na rin kasi ang band aid dahil mas nakakaagaw ito ng pansin ng iba.

"Ahh wala 'to," ani ko at pinunasan na ang lamesa.

"Hindi ka naman siguro sinasaktan ni Nazaire, ano?- Hala ka!"

Kumalampag ang nagkandahulugang pinggan at baso nang mabitawan ko ito at naagaw ng ingay noon ang atensyon ng buong tao sa cafeteria.

"Ano ba!? Hindi ka ba marunong mag-ingat!?" singhala sa akin ng babaeng natapunan ng tirang iced tea.

"Sorry miss, hindi ko sinasadya," paghingi ko ng paumanhin.

Sinamaan lang ako nito ng tingin at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng banggain niya ako at saktong ang braso kong may sugat ang natamaan niya.

"Leigh? Okay ka lang? Hala. Namumutla ka Aleighna," ani Karmie nang lapitan ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa labis na kirot na nararamdaman ko sa aking braso.

"Aleighna?" 

Napamulat ako nang marinig ang boses ni Ate Esyl.

"So-sorry Ate Esyl," paghingi ko ng pasensya sa kanya at umupo na ako upang damputin ang malalalaking piraso na basag ng pinggan.

"O siya. Linisin mo na 'yan at magpahinga ka pagkatapos. Namumutla ka," aniya at iniwan na rin ako.

Nang makabalik si Karmie ay may dala na itong dust pan at walis.

"Ako na, Karmie. Pakidala na lang nito," saad ko at inabot sa kanya ang tray.

Habang winawalis ko ang bubog ay ramdam ko pa rin ang tila pagtibok ng aking braso dahil sa labis na pagkirot nito. Mabigt din ang paghinga ko at nagsisimula nang umikit ang paningin ko ngunit bago pa man ako bumagsak ay may kamay niyang sumalo sa akin.

"Water please!" rinig kong sigaw ng taong sumalo sa akin at doon ko lang napagtantong si Ross iyon.

Kaaga niya akong pinaupo at bigla ko na lamang naramdaman na may nagpapaypay sa akin.

"Leigh? Inumin mo muna 'to," ani Ross at tinulungan ako sa pag-inom ng tubig.

"Is she Nazaire's girlfriend? Brew, puntahan mo muna si Nazaire," saad ng isang lalaki sa gilid ko at doon ko lamang napagtanto na baseball players pala ang pumapalibot sa akin.

"Huwag na. Ayos na ako," pigil ko sa kanila.

Nang malingunan ko ang lalaking nag-utos kay Brew ay doon ko lamang napagtanto na si Colby iyon, ang team captain nila.

"Salamat Ross, okay na ako. Huwag mo na lang din sabihin kay Louise," ani ko sa kanya matapos ang ilang minuto nilang pagpapaypay sa akin.

Mabuti na lamang ay hindi na rin nagpumilit si Ross na dalhin ako sa clinic at umalis na rin sila kaagad.

Si Karmie na ang naglinis nang mga tirang bubog. Bago pa man ako makapasok sa dressing room ay pinahinto na ako ni Ate Esyl.

"Dumudugo ang braso mo, Aleighna. Pumunta ka na muna sa clinic. Bumalik ka na lang dito kapag ayos na iyan," ani Ate Esyl at hindi na ako nakatanggi nang agad niya akong tinalikuran.

Napagpasyahan kong pumunta na rin sa clinic dahil bumakat na sa kulay gray kong pullover ang dugo ng aking sugat.

"Nurse Amfeil..." ani ko nang makapasok ako at nilingon ako ni Nurse Amfeil.

Tumigil ang tingin niya sa aking braso at pinagtaasan pa ako ng kilay.

"Accident prone ka talagang bata ka. Halika rito," aniya at pinaupo ako sa sofa.

Kinuha niya ang ang mga gamit panggamot at hinubad ko naman ang suot kong pullover. Kaagad akong napalingon sa pintuan nang magbukas ito at bumungad sa akin ni Nazaire habang buhat ang isang estudyante. 

Nagtama ang paningin naming dalawa at may kung anong kumurot sa aking dibdib. Will I be selfish kung hihilingin ko na ako na lang sana ang hawak niya? Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.

"Nazaire?" gulat na tanong ni Nurse Amfeil nang makita si Nazaire roon.

"She fainted," tipid na sagot niya ngunit ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin.

"Put her to the bed. Mukhang conscious na naman siya. Uunahin ko muna si Aleighna or she'll lose more blood," ani Miss Gryzel at naglakad na ito palapit sa akin.

Nilagpasan na kami ni Nazaire at dumiretso sa mga isang silid.

"Anong nangyari rito, Aleighna?" tanong ni Miss Gryzel habang dahan-dahang tinatanggal ang benda, "Didn't I tell you to take a rest first? Bakit ba ang titiga na ng ulo ng mga bata ngayon?"

Patuloy lamang siya sa pagsermon sa akin. Pinalis ko ang mga takas kong luha. I missed my mom. It was almost a year ago since we last saw each other.

"Attend to her, Nurse Amfeil. I'll take care of her," napalingon ako kay Nazaire nang magsalita.

Nakatupi ang kanyang damit hanggang sa ibaba ng kanyang siko at nanatili lamang ang mga kamay niya loob ng kanyang bulsa.

"Marunong ka naman sigurong maglagay ng benda, hindi ba?" ani Nurse Amfeil at inabot kay Nazaire ang benda.

Naiwan kaming dalawa sa tanggapan ng clinic. 

"Ako na," ani ko habang pinipigilan ang pagpiyok ng aking boses at inilalahad ang kamay ko upang hingin ang benda sa kanya ngunit sa halip na iabot iyon sa akin ay naglakad lamang siya palapit at umupo sa aking tabi.

Halos takasan ako ng hininga dahil sa lapit naming dalawa. Libo-libong boltahe ang naramdaman ko nang hawakan niya ang aking braso at dahan-dahang inikot ang benda sa aking sugat.

I won't deny it. I miss his warmth. I miss him.

Sa bawat pagdampi ng kanyang balat sa akin ay pakiramdam ko binabalik ako sa panahong maayos pa ang lahat sa aming dalawa. O kung naging maayos nga ba. 

Nakatingin lang ako sa seryoso niyang mukha habang ginagawa niya ang paglalagay ng depende. I know that he is always on his straight face but I have seen him smile already and I even heard him chuckle. I wish I could see and hear it again.

"Forget about your consequence. Do not go back to the cafeteria." 

Continue Reading

You'll Also Like

181K 8.9K 42
After going through a number of disasters I realized that actually I am reborn as the villainess character, more of a brat, Chloe Bourgeois, in a chi...
11.9K 199 54
In light of Danganronpa S Ultimate Summer camp being announced I thought I'd dump the old imagine/ x reader requests I got from tumblr here! Cover ar...
3K 100 11
Build must think of a way to prevent his home world from being destroyed by the Aeons who are attracted to his power. Zi-O gave him a solution and wa...
117K 4.1K 41
Y/N was a teenage introvert who enjoyed having her own space and being alone. She loved listening to music in her room, which was a great escape for...