Dear Diary

By iammissblue

6.3K 60 10

( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... More

Dear Diary
Chapter 1: Mr. Ray-ban
Chapter 2: Fireworks
Chapter 4: Family
Chapter 5: "I Like you"
Chapter 6: Ano nga ba?
Chapter 7: Masquerade
Chapter 8: Numbness
Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...
Chapter 10: Birthday Wish
Chapter 11: "Ama"
Chapter 12: about to lose
Chapter 13: "Ina"
Chapter 14: Torn between two lovers
Chapter 15: Jake
Chapter 16: Twilight
Chapter 17: Pagpapatawad
Chapter 18: Somebody that I used to know
Chapter 19: Someone like you
Chapter 20: Maling akala
Chapter 21: Unexpected
Chapter 22: Baby Austin
Chapter 23: Sunset
Chapter 24: Ex-girlfriend
Chapter 25: That should be me
Chapter 26: it's my Insecurities...
Chapter 27: I love you... will you...?
Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]
Chapter 29: Mr. Hernandez
Chapter 30: Surprise!

Chapter 3: Kiss

209 3 1
By iammissblue

Chapter 3: Kiss

O m g! I can’t take this. It’s been 2 weeks since nangyari yung “incident”. And what I mean about the word incident was, Mr. Ray-ban... holding my hand... under the fireworks...

It’s been 2 weeks damn it! Pero hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung moment na yun.

[School corridor *locker*]

Alas dose na nung matapos yung second class ko, dumaan ako sa may locker ko para iwan lahat ng books ko dahil sabado naman bukas at wala kaming homework for this weekend. Balak ko sanang yayain magmall ulit si Beth bukas pero nung tinawagan ko siya, habang nilalagay ko yung mga books sa locker, hindi daw siya pwede dahil maga-out of town daw silang buong family kasama yung family ng napakasalan ng ate niya.

Nakakainggit.

Pagtingin ko sa relos ko, 12:30pm pa lang at mamayang 3pm pa next class ko, kaya naisipan ko munang pumunta ng library. Sinara ko yung locker ko sabay lagay ng cell phone ko sa bag ko. Hindi ko tuloy nakita dinadaanan ko kaya ayun, nakabangga tuloy ako.

“Ay sorry po!” nasabi ko. Pagtingin ko, sa kung sino nabangga ko, nagulat ako. “Pete?”

Napakunot ang noo niya ng binanggit ko pangalan niya, hindi niya ko siguro matandaan.

“Pete... si Chloe to!” paliwanag ko. “Classmate tayo nung... grade 4 or 5 tayo... Chloe Mercado!”

Napapitik siya nang maalala na niya ko. “Oo! Chloe... yung siga!”

“Oo ako nga yun!”

“Dito ka pala nagaaral... ba’t parang ngayon lang kita nakita?”

“Well... ewan siguro conflict schedules natin.” Napapailing siya habang nakatingin sa’kin, nakangiti. “Oh bakit ka nakangisi diyan?”

“Eh kasi naman... gumanda ka na... hindi gaya nung dati...” asar niya

“Ang yabang mo! Kaw din naman eh...”

Niyaya kong kumain ng lunch si Pete sa may canteen namin. Nagkamustahan kami, about sa family namin, sa school, sa mga namiss namin sa buhay ng bawat isa. Wala kami ginawa kung di tumawa ng tumawa, lalo pa’t kapag napaguusapan namin yung mga kalokohan nung mga bata pa kami tsaka yung mga nakakahiyang moments sa school. Nabansagan pa nga kaming pareho nun eh. Ako tinatawag nila akong siga kasi ako laging mahilig makipagaway noon sa mga lalaki pero hindi dahil trip ko lang, nakikipagaway ako kasi pinagtritripan ako, inaasar. Si Pete naman, tinatawag nilang iyakin o duwag, kasi hindi niya pinapatulan yung mga nangaaway sakanya kasi alam niya hindi mabuti yun.

Weird noh, magkaiba kami pananaw nun pero nagkasundo kami, kasi parehas kami nun ng problema, Parents. Ang magulang ko, well kung ano sila ngayon, ganoon din sila noon. Sa kanya naman, hiwalay ang magulang niya. Kinukutya kami about dun na hindi ko maintindihan kung bakit. But what can I say, bata pa naman kami nun.

“So kamusta na Mama mo?” tanong ko

“Okay naman... ayun single but happy. Eh kayo? Kamusta na?”

“As usual. Dad is being himself. And Mom... ayun... lalong natahimik na.”

“Eh ang kuya mo?”

Napabuntong hininga ako ng malalim.

“Hindi ba pinagtatanggol ng Mama mo ang kuya mo?”

“Bakit niya ipagtatanggol yun eh hindi naman niya anak si Kuya.” Binagsak ko yung kutsara kong hawak sa tuwing napapaalala sa’kin kung gaano ka walang pakialam si Mama sa’min ni Kuya. “I get the point why... hindi malapit loob niya kay Kuya but Jeez. Anak niya pa rin sa papel si Kuya di ba...”

“Hmm... hindi pa rin pala naaayos.”

“Paano maaayos eh ni hindi nga sinubukang ayusin. Si Papa, nambababae na naman... si Mama, puro trabaho na lang inisip... ayaw niyang harapin yung problema sa bahay. Nakakaawa na nga si Kuya, kinukulong pa sa kwarto masunod lang gusto ni Papa.”

“Kinukulong?”

“Yeah to study for his exams...”

“Whoa.”

~

By 2pm, nagkahiwalay na kami ni Pete, may klase pa kasi siya while for me naisipan ko ng umuwi. Pasakay na sana ako ng jeep pauwi ng magtext si Kuya na need niya magpabili sa’kin ng book. Nagreplay ako, sabi ko: “sige. What book?”. Then pagdating ko sa bookstore kung saan niya sinabi na may stock ng book na tinutukoy niya, napahinto ako bigla sa entrance dahil sa sobrang dami ng tao. Hindi naman sa sobrang puno dahil sale pero, ang daming nakatayo at nakaupo, nagbabasa.

Inikot ko ang buong store mahanap lang yung book na sinasabi ni Kuya, hanggang makaabot na ako sa may bandang likod. Iniisa-isa kong tignan yung mga books na nasa shelves nang biglang makarinig ako ng bulungan mula sa likod ng shelve na tinitignan ko. Napahinto ako para pakinggan kung ano yun pero hindi ko maintindihan so tinignan ko yung salamin na bilog sa may corner ng kisame. Napanganga ako sa nakita ko. May mag boyfriend at girlfriend sa kabilang space na naghahalikan ng bongga.

Napaatras ako sa gulat ko, tinamaan ko pa yung display na nakalagay sa likuran ko and syempre, natumba na naman ako. Napatingin yung ibang nagbabasa sa’kin pati na rin yung dalawang naghahalikan sa kabila ay napasilip. Nakita nila siguro expression ng mukha ko nung tignan ko sila, kaya napaalis sila.

“Ang tibay nila noh.” Biglang may lalaking tumulong sa’king tumayo. “Bakit ba sa tuwing nakikita kita lagi kang naaaksidente?”

Pagtayo ko, nakita ko kagad ang cute na mahiyaing ngiti ni Christian.

“Sir...” biglang ko nasabi

“Sir?” tanong niya pagkatapos, natawa na naman.

nakakaasar. Nakakatawa ba ako?”

“Pasyensya na...”

“Okay lang. Anyways, anong ginagawa mo dito?”

“Si kuya may pinabibili kasi sa’kin na book... need daw niya sa English subject niya.”

“What book?”

“Ahmm...” hindi ko maalala yung title, kaya hinalungkat ko muna yung phone ko sa bag. “Teka lang ha...” Nakakaasar hindi ko mahanap yung phone ko. “Ahm... may something with... fifty yung title...” bulong ko habang hinahanap yung phone ko then narealize ko nasa bulsa ko pala. “Ayun... Fifty shades series daw?”

“Ah... by E.L James.” Napatingin siya sa ibang direksyon habang nakangisi.

“Bakit?”

“You don’t know the book noh?”

Umiling ako kaagad.

“Good. nandun siya sa kabilang space...” sabay turo niya sa lugar kung saan nakatayo yung naghahalikan kanina.

Sinundan ko siya papunta dun sa kabila. Bumungad kagad sa’kin yung book na pinabibili ni Kuya so kinuha ko kagad yung set at niyakap ko which Christian finds funny.

“Bakit mo ba ko lagi tinatawanan?”

“Ayaw mo bang tinatawanan kita?”

“Well... ewan. Depende kung ano reason mo.”

“Hmm... reason?” napatingin siya sa’kin, yung para bang yung sagot nasa mukha ko. “I find you interesting... and I like to be interested.”

I was speechless. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya tinuro ko na lang yung book na hawak ko para masabi ko na, babayaran ko na yung books. Akala ko makakatakas na ko sa kanya para makahinga na ako ng maluwag pero naramdaman ko na sinusundan niya ko papunta sa cashier. Alam ko nasa likod ko siya kahit hindi ako lumingon, kasi naman, naaamoy ko yung pabango niya tas dagdag pa yung mga cashier ladies na mga nagpapacute sa kanya.

Pagkatapos kong bayaran yung book, nagpaalam na ako sa kanya na, mauuna na ko pero bigla niyang hinila yung shoulder bag ko, napaatras tuloy ako sa kanya.

“Coffee?” tapos bigla niyang hinawakan yung kamay isang kamay ko. “My treat.”

Bumilis ang tibok ng puso ko, parang gusting sumabog. Nararamdaman ko pang nagiinit pisngi ko. For sure namumula ako. “Eh... ano... kasi... si kuya...”

“Itext mo or tawagan mo... sabihin mo kasama mo ko.”

“Hindi pwede!”

“Bakit hindi pwede?”

“Kasi...” sinubukan kong alisin yung kamay ko sa hawak niya pero hinigpitan pa niya lalo. “Bakit tayo magkakape?”

“Masama ba?”

“Hindi... pero...”

“Hindi naman pala... let’s go.”

~

Kinaladkad na niya ako papunta ng starbucks. Pagupo ko sa pwestong napili niya malapit sa glass wall kung saan kita kami ng mga taong naglalakad, pumunta naman siya sa counter para umorder ng drinks naming.

Hindi ko maiwasang mapangiti kasi feeling ko para kaming nasa date pero syempre may kaba rin ako nararamdaman that time. Paano kung makita kami ng iba? Ano iisipin nila? Baka isipin niya na pakipot pa ko kahit obvious naman na may crush ako sa kanya. Alam kaya niya na crush ko siya?

Napapatulala ako sa mesa habang iniisip ang mga ‘to, napakurap na lang ako ng nakita ko nang umupo si Christian sa harap ko.

Nilapag niya ang phone and wallet niya sa mesa. “I hope you don’t mind na ako na umorder for you.”

“Okay lang. Libre mo naman.”

“Awkward ba kong kasama? Kasi tuwing kinakausap mo ko parang nagiiba aura mo...”

“Nagiiba?”

Tumango siya. “Kasi nung sa wedding, nakita ko kung paano ko kumilos with your friends... carefree... pero pag nakakausap kita... parang hindi ka humihinga.”

Natawa ako ng mahina kasi nahalata niya pala effect na nagagawa niya sa’kin. “Well... I find you intimidating I guess. Tsaka hindi ko alam kung paano ako makikipagusap sa’yo.”

“Because?”

“You’re older than me tsaka boss ka pa ni ate Mae...”

“Just because I’m 27... doesn’t mean na matanda na talaga ako.”

“Alam ko... kaso...”

“I told you... call me Chris... Christian o what ever you want. Hindi naman kita employee eh...” then pinatong niya both elbow niya sa mesa to lean forward. “Brown eyed ka pala.”

Napakurap ako at napaatras sa paglapit niya. Hindi ako sanay na may ganun kalapit sa’kin, lalo pa’t hindi ko tropa.

“Sorry.” bulong niya. “Natatakot ka ba sa’kin?”

Umiling ako. “Nawiwirduhan lang...”

Magtatanong pa sana siya nang biglang may tumawag sa phone niya. Agad naman niyang sinagot yun at agad din nagbago ang mood niya pagkasagot niya nito.

“Trabaho?” tanong ko after niya ibaba ang telepono

“Yeah... kind of. They want me to date her again.”

“Her? Yung kasama mo dati?” Napailing siya nung naalala niya yung araw na yun. “Ayaw mo sakanya?”

“Bakit? Kagulat-gulat ba?”

“Oo kaya... ang ganda-ganda nung kasama mo eh. Mukhang model pa nga... bakit ayaw mo dun?”

Napangiti siya sa tanong ko. “Ayan... relax ka ng magtanong...” sumandal siya sa kinauupuan niya tapos dun niya pinaliawanag kung bakit niya dinedate yung girl na yun.

Pareho sila ni Kuya, sumusunod lang sa utos ng magulang nila. Kitang-kita ko din sa mga mata niya yung mga nakikita ko sa kuya ko. Hindi ko tuloy maiwasang mainis at sumimangot.

“Oh ba’t ganyan mukha mo?” tanong niya bago siya uminom ng kape mula sa tasa niya.

“Wala naman...” napayuko ako at napatingin sa kamay ko.

“Tell me.”

“Long story.”

“I can make time to listen.”

Napatingin ako bigla sa kanya.

“I told you, I’m interested with you so I want to know more about you.”

“Bakit? Ano mapapala mo?”

“I can get to know you more.”

Kumunot ang noo ko sabay lunok. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig. Tsaka naguguluhan ako kung ano talaga motibo niya.

“Next time na lang. Baka hinahanap na ko sa’min.” Tumayo ako. “Salamat sa libre.”

~

Pagkauwi ko ng bahay, tinawagan ko si Beth para ikwento ang nangyari. Wala na siyang ginawa kung di magtitili sa kabilang linya. Sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, na Masaya na naguguluhan tas ang sagot niya. “In love ka na girl!” pero inisip ko naman, hindi naman pwede yun. Hindi ko pa nga siya kilala eh. Crush oo, pero love hinid pa...

After ko ibaba ang telepono, kumatok na si Kuya sa kwarto ko para kunin yung libro.

“Kuya, tungkol san ba yan?”

“Erotic book toh. Love story siya pero maraming sex scenes.”

Then naalala ko, kaya siguro natawa si Mr. Ray-ban sa’kin kanina. “Bakit yan napili mo?”

“Sabi ni prof ko eh... try something new. Ito napili ko.”

Pagalis ni kuya, bumalik ako sa kama ko at kinuha ang laptop ko. Naisip kong iresearch yung book pero napansin ko na inupload na ni ate Mae sa facebook yung wedding photos nila. Inisa-isa kong tignan yung mga sweet at nakakakilig na pics nila. Meron din pictures si Kuya na nageenjoy at sumasayaw with Beth, so tinag ko kagad sa kanya. Then after ng ilang pictures, may isang picture na nakakuha ng atensyon ko. Yung group picture ni ate Mae kasama mga co-workers niya, nandun si Christian. Nakita ko na nakatag ito sa kanya so kinlick ko yung name niya sa facebook para makita ko profile niya. Pero binalik ko din kagad sa home, kasi I feel stupid doing it.

Then after a few minutes, may notification ako, friend request at pagtingin ko, Christian Hernandez ang nagaadd sa’kin. Napaupo ako sa kama ko, nataranta ako ng super. Tinitigan ko pa ng matagal kung siya nga talaga yun. Iaaccept ko ba?

Concentrate na concentrate ako sa pagiisip ng biglang kinatok ako ni Manang at sinabing kakain na daw kami.

Kami?

Pagbaba ko, nakita ko si Papa at Mama nakaupo sa hapag kainan kasama si Kuya. Inantay nila akong makaupo bago sila nagumpisang kumuha ng pagkain nila.

“Chloe...” tawag ni Papa

“Po?”

“Sabin g tito Roberto mo, nakita ka daw niya sa mall.”

“Opo. Dumaan ako kasi may pinabibiling book si Kuya.”

“Para sa project ko Pa.” Suporta ni Kuya

“May kasama ka?”

“Po? Wala po?”

Binitawan ni Papa yung kutsara at tinidor niya at nilipat ang atensyon niya kay Kuya. Buong dinner time na naman, puro pangaral na naman kay kuya ang kasama sa pagnguya naming ng pagkain.

~

Kinabukasan, inopen ko ulit facebook ko at tinitigan yung notification kagabi. Nakadapa ako sa kama ko habang tinitignan ko ito ng paulit-ulit hanggang naisipan kong iaccept na lang ito. Then bigla-bigla chinat ako kagad ni Christian.

Christian Hernandez: Good morning

Chloe Mercado: Morning din.

Christian Hernandez: Hindi ba good ang morning?

Chloe Mercado: Okay lang.

Christian Hernandez: Any plans for today?

Chloe Mercado: Kain. Tulog. Kain ulit at tulog ulit ;p

Christian Hernandez: Nice plan :)

“Wow smiley?”

Chloe Mercado: Kaw?

Tapos biglang hindi na nagreply. Kaya naisip ko tuloy baka isipin niya feeling close ako pero siya naman una nagchat eh.

Kinlick ko yung X button ng chat nang biglang nagping ulit ito.

Christian Hernandez: Sorry. I’m in a meeting kasi. And for your question, No I don’t have any plans. Why?

Chloe Mercado: wala lang. Sige na. busy ka pa eh. Bye ;)

Christian Hernandez: WAIT

Christian Hernandez: CAN I HAVE YOUR NUMBER?

Christian Hernandez: PLEASE?

Sinundan pa ng ilan pang chat na nagmamakaawa na ibigay ko number ko kaya sa bandang huli binigay ko din. Hindi ko siya matiis eh tsaka crush mo na nanghingi number mo pagdadamot mo pa ba?

~

After ko ibigay number ko sa kanya, day and night magkatext na kami. Kamustahan sa mga ginagawa namin... mga problema niya sa trabaho at ako, sa school then lagi niya rin tinatanong kung kumain na ko o ano pakiramdam ko, sinasabihan din ako na magingat lagi... yung typical na ginagawa ng lalaki at babae pag M.U

M.U nga ba?

Ilang beses na rin kaming nagkita. Kumain sa labas, nagkape together, at namasyal lang pero hindi madalas kasi busy siya sa trabaho at ako sa school so parang tuwing lingo lang pumapatak yung mga pagkikita naming pero not every week.

Sabi nga ni Beth, para na kaming magkarelasyon pero wala lang label.

“Nililigawan ka ba?” tanong ni Beth

“Hindi. Masama ba maghang-out?”

“Hang out daw... sino niloko mo? 3 months na kayong ganyan hang out?”

“Tigilan mo nga ako!”

“Magkikita ba ulit kayo?”

“Hindi... aalis siyang papuntang tagaytay eh.”

“Naku...” sabi ni Beth sabay kurot sa tiyan ko.

Naglalakad na kami ni Beth pauwi nang biglang may tumigil na itim na kotse sa harapan namin. Then biglang lumabas si Christian mula sa driver’s seat.

Nilapitan niya kami. “Hi.”

“Di ba aalis ka?”

“Oo... ngayon.”

“Ba’t andito ka?”

“Pustahan para makita ka.” Bulong ni Beth

“Can we talk?”

Pumayag akong makipagusap kay Christian pero gusto niya sa ibang lugar kami magusap so nagpaalam muna ko kau Beth then sumakay sa kotse ni Christian. Hindi naman kami lumayo, parang naghanap lang ng pwesto si Christian kung saan pwede magpark. Then tinanong ko siya kung ano pa sasabihin niya nang bigla na lang niya kong hinalikan.

Natulala ako after. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita. Basta napasandal na lang ako sa passenger seat.

“Chloe...?”

“Hmm?”

“Can you be my girl friend?”

“Hmm?” hindi ako makapgsalita

“Hmm what?”

Napalunok ako bago nakapgsalita. “Ahm... ano?” nabingi pa ata ako, side effect ng kiss

“I said, pwede ba kitang maging girl friend?”

“Girl... Girlfriend?”

Tumango siya, seryoso ang expression niya.

“Ahm... I don’t know...” bulong ko.

“Gusto mo ba ko?” diretsa niyang tinanong

“Oo. Ikaw ba?”

“Yes. 100%.” Agad niyang sagot. “Gusto mo bang maging tayo?”

“Oo.”

“So tayo na?” tanong niya. Natawa ako bigla. “Bakit?”

“Wala naman. Ang cute mo lang tignan.”

“Chloe... I only have 9 minutes left bago ako umalis.”

“Ganun ba...”

“So ano? Tayo na?”

“Sige na nga...”

Nginitian na naman niya ako pero this time, I know na Masaya siya dahil kami na at hindi dahil nakakatawa ako.

Dear diary,

Nakaalis na si Christian papuntang tagaytay at next week pa ang balik niya.

Hay pero ang important matter rito ay, hinalikan niya ako! First kiss ko! Ganun pala feeling nun, nakakatameme. Well anyways, I feel so happy right now dahil kami na ni Christian sana walang makasira ng happiness ko na to.

Continue Reading

You'll Also Like

996K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
555 96 10
Ang spoiled bratt CEO NG PRINCE CAFFE makakahanap ng Katapat na empleyado.. Sarawat VS Tine Meet them soon! Sa IT MIGHT BE YOU SYA SI SARAWAT, ( BRIG...
115K 5.4K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]