Dear Diary

By iammissblue

6.3K 60 10

( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... More

Dear Diary
Chapter 1: Mr. Ray-ban
Chapter 3: Kiss
Chapter 4: Family
Chapter 5: "I Like you"
Chapter 6: Ano nga ba?
Chapter 7: Masquerade
Chapter 8: Numbness
Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...
Chapter 10: Birthday Wish
Chapter 11: "Ama"
Chapter 12: about to lose
Chapter 13: "Ina"
Chapter 14: Torn between two lovers
Chapter 15: Jake
Chapter 16: Twilight
Chapter 17: Pagpapatawad
Chapter 18: Somebody that I used to know
Chapter 19: Someone like you
Chapter 20: Maling akala
Chapter 21: Unexpected
Chapter 22: Baby Austin
Chapter 23: Sunset
Chapter 24: Ex-girlfriend
Chapter 25: That should be me
Chapter 26: it's my Insecurities...
Chapter 27: I love you... will you...?
Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]
Chapter 29: Mr. Hernandez
Chapter 30: Surprise!

Chapter 2: Fireworks

255 5 2
By iammissblue

Chapter 2:  Fireworks

Nung sumunod na araw, gumising na naman ako ng tahimik ang sa bahay. Si Papa panigurado nasa trabaho, Si Mama naman nandun sa Bake shop, ginagawang busy ang sarili at Si Kuya naman, ayun nagkukulong sa kwarto, nagaaral. 24/7 pa atang nakabantay si Manang Lourdes sa kanya. Hay, kawawa naman si Kuya at si Manang, walang magawa kung hindi sumunod sa utos ni Papa.

Kakatukin ko sana si kuya sa kwarto niya, para mangamusta pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. ”Manang!”

“Naku pasyensya na Chloe.” Sabay kandado ng pinto.

Napasimangot ako. “Manang... bakit niyo nilolock ang pinto?”

“Bawal pumasok iha, utos ban g Papa mo.”

“Si Papa nagsabi na ikulong si Kuya diyan?”

“Hindi ko man gusto eh...”

Napabuntong hininga na lang ako habang naiisip ko kung gaano kalupit ang Papa k okay Kuya.

“Magaalmusal ka ba?”

“Hindi na po. Nawalan na ko ng gana.”

Paalis na sana ako para pumasok nang biglang tumunog ang cell phone ko. At nang makita ko kung sino ang tumatawag, napatakbo ako sa kwarto ko at kinandado ang pinto bago ko sagutin.

“Kuya... ano ba nangyari?”

“Shh... wag ka maingay... tinakas lang ni Manang ‘tong cell ko. Gusto lang kita i-goodluck sa exam mo...”

“Kuya...”

“Wag ka magalala... okay lang ako. At least I’m Dad free sa kwarto ko.”

“Ano ba kasi nangyari?”

“The usual. I told him what I want and he didn’t listen to me.”

“Sinaktan ka ba ni Papa?”

“Yeah... he hurt my feelings pero Chloe... ok lang. Malapit na kong mamanhid sa masasakit niyang salita...” tapos biglang narinig ko na may bumagsak na libro sa kabilang linya. “Sige na. malalate ka pa. Bye.”

“Bye.”

~

Hindi ko maalis sa isip ko si Kuya. Naaawa ako sa kanya... nagdudusa siya dahil sa’ming pareho. Siya kasi ang nagsasalita para sa kanya at sa akin. Naalala ko tuloy nung araw bago ako nagcollege. Sinabi k okay Papa na gusto ko ang photography pero of course sabi niya, “Anong mapapala mo sa pagkuha-kuha ng litrato ha! Hindi kita pinagaral ng ilang taon para kumuha lang ng litrato!”

Tuwing naaalala ko yun nasisira ang mood ko. Kaya ayaw na ayaw kong makita si Papa. Naiingit nga ako kay Beth kasi, kahit hindi naman sila mayaman, yung tama lang, nagagawa niyang magenjoy. Tapos close pa siya sa parents niya. Natatakbuhan niya pag may problem siya, nakakausap niya about sa mga bagay-bagay na gusto niyang iopen. In short, healthy ang relationship nila.

[School corridor]

Naglalakad ako palabas ng classroom ko nang marinig kong tinawag ako ni Beth mula sa likod ko. At nang lumingon ako, nakita kong tumatakbo siya papunta sa’kin at umiiyak. Tinanong ko siya kung anong problema pero hindi siya makapgsalita, Humihikbi lang siya ng humihikbi so dinala ko siya sa ladies room, para magkaroon kami ng konting privacy nang makapagopen-up siya sa’kin.

“Chloe!” bungad niya kagad

“Oh...ano nangyari sa’yo?”

“Si... Si Jojo...”

Pagkasabing-pagkasabi niya ng panagalan ng mokong niyang jowa, humagulgol na ng sobra-sobra si Beth.

“Niloko niya ko Chloe...sabi niya ako lang ang babae sa buhay niya! Tapos malalaman kong may girl friend pa siyang iba? Bwisit siya! Gago siya! Gago!”

“Tsk. Ayoko man sabihin pero... i told you so. Ikaw naman din kasi tong uto-uto sa mga pinagsasabi nun eh.”

“Syempre... ang sweet-sweet niya tapos napakacaring... kaya nafall ako.”

“Sweet ba yung siya nagaaya ng date tapos siya din nagcacancel dahil nakikipaginuman daw sa tropa? Beth ano ba.”

“Sige na... ako na tanga.” Sigaw niya kasunod ang isang malakas at nakakairitang iyak.

Ang sakit sa tenga, sobra! Kaya tinakpan ko yung bibig niya gamit yung panyong hawak niya. “Normal lang mahurt ka I know. Niloko ka eh. Pero Beth naman... hindi naman si Brad Pitt ang nangiwan sa’yo para magkaganyan ka. Di hamak na panalo ka pa nga eh. Sa ganda mong yan, marami ring magkakandarapa sa’yo so stop crying na okay?”

“Eh kasi...”

“No buts kung hindi, ihahampas ko sa’yo tong librong hawak ko.”

Tinakpan niya ang bibig niya ng kamay niya.

“Ayan...” kinuha ko yung panyo ko ang iyon ang pinangpunas ko ng mga bakas ng luha niya sa pisngi. “Makakamove-on ka din... di man ngayon pero atleast try di ba?”

“Thanks...”

“Wala yun...”

Niyakap ako ulit ni Beth habang binubulong sa’kin kung gaano siya nagpapasalamat sa’kin.

“Tama na... may exam pa ta’yo.”

Napatawa ng mahina si Beth nang marinig niya ang salitang ‘Exam’, “Oo nga pala...” napabuntong hininga siya pagkatapos, habang inayaayos niya itsura niya. “Ay! Before I forgot.”

Kinuha ni Beth ang bag niya para kunin yung envelope.

“Ano to?”

“Invitation...”

“Ng?” Binuksan ko yung envelop at binasa. “Oh my god! Ikakasal na ate mo?”

“Yup... this Sunday.”

“Wow...”

“Wow talaga pag nakita mo yung reception. Bongga!”

“Ano ka ba... syempre, papakasalan ng ate mo mayaman natural lang bongga yung kasal.” Sabay tulok kay Beth gamit ang siko ko. “Swerte ng ate mo... gwapo na mayaman pa nabingwit.”

“Oo nga eh... excited na nga siya na matapos na tong 4 na araw na matitira.”

“Ganun talaga.” Pinasok ko yung invitation sa bag ko. “Ano motif?”

“Garden wedding siya tapos ung mga flower girls niya at bridesmaid mga nakalight yellow pero sabi niya, kahit ano daw eh basta formal at bagay sa situation... wag lang daw siya masapawan.”

“Dapat ba dress?”

“Of course.”

“Eh...”

“Anong eh?”

“Wala akong dress...”

“Ikaw? Walang dress?”

“You know naman why... my mom and I... not so close.”

“Ang tagal na nating magkakilala ni hindi mo sinabi sa’kin na you need a shopping buddy!”

“Well... hindi ko hilig magikot eh. Nakakatamad.”

“Okay sa Friday... magshopping tayo. Tutal tinulungan mo ko na tumahan ikaw... tutulungan ko closet mo. Okay?”

“Deal!”

~

Paguwi ko nang bahay ng kinahapunan, pagpasok ko pa lang sa gate nakita ko na sasakyan ni Papa na nakapark. Naghesitant akong pumasok kagad pero dahil andun na si Papa, naisip ko bigla si Kuya.

Pagkasara ko ng pinto, biglang bumungad sa’kin si Kuya na nakatayo sa may tabi ng bintana, tulala. Nilapitan ko siya para tanungin, kamustahin, pero bigla akong tinawag ni Papa ang pangalan ko na kinagulat ko. Galit na naman ata siya.

“Pa...”

“Ba’t ngayon ka lang?” pagalit na tanong ni Papa habang bumababa siya sa hagdanan. “Di ba exam mo lang ngayon? Baka gumala ka pa bago umuwi ha.”

“Hindi po... nagkataon lang po exam ko ngayon, umaga tsaka hapon ang schedule.” Pabulong kong sagot. Iniiwasan ang mga tingin ni Papa

“Kumain ka na ba? Sabayan mo na kami ng Kuya Kurt mo.”

Nilingon ko si Kuya, “Sige po.”

Dumiretso kaming tatlo sa dining room. Si Papa umupo sa may gitna, sa pwesto ng padre de pamilya, habang kami ni Kuya nagtabi sa gilid.

“Asan si Mama?” bulong ko kay Kuya na inaabutan ako ng kanin

“Nandun sa kwarto... masama daw pakiramdam.”

Hindi ako naniwala kay Kuya kasi alam ko na kung bakit hindi na naman sasabay sa’min sa pagkain si Mama. Nagaway na naman sila ni Papa. Bihira na nga lang kaming apat magkasalo-salo sa pagkain eh lagi pang ganito.

“Kamusta exams mo?” tanong ni Papa

“Ahm... okay naman po.”

“Matataas naman ba marka mo?”

“Okay lang po.”

“Okay?” napailing si Papa. “You should aim higher Chloe.”

“Sinusubukan ko naman po...”

“Wag mong subukan... gusto ko gawin mo.”

Napayuko na lang ako, “Opo.”

Pagkatapos naming kumain, umakyat ako kagad sa kwarto ko at nagkulong.

Dear Diary,

Ang gara. Pakiramdam ko yung kinain ko hindi ko nanguya ng tama... ginisa na naman ako ni Papa pagdating sa paaaral ko which is so frustrating. Gusto niya atang maging top pa ko which is I know na hindi ko kaya. Hindi naman ako kasing talino ng kuya ko.

Sana maisip man lang ni Papa na hindi na Masaya ang pamilya niya. Oh baka ito talaga ang gusto niyang maranasan naming.

Hay ewan!

Nagkakasunod-sunod ata ang badtrip days ngayon sa’kin ah... buti na lang ikakasal si ate Mae sa Sunday. Makakapunta ako sa environtment na relaxing at pure love and no hate.

~

Friday morning, maaga kami nagkita ni Beth. Gusto niyang maaga kami makapshopping para daw makita naming lahat ng options na meron sa mall. Buti na nga lang wala na kami pasok na Friday nun, kaya makakabili pa ko damit para sa wedding.

Una kaming pumunta sa ground floor, then pataas. Madami kami nakikita pero ang hirap mamili. Hindi gaya ni Beth halos lahat ata pasukan naming boutique eh meron siyang napipili kung hindi pili, nabibili. Grabe, nakakapagod! As in iniisa-isa na naming halos lahat, kasi naman basta makakita siya ng dress titignan kahit hindi naman formal o bagay for a wedding. Bilib pa nga ako sa kanya kasi nakaheels pa siya nun, habang ako nakadoll shoes lang.

Napahinto ako sa kalagitnaan ng paglalakad naming, “Teka... masakit na paa ko. Pumipintig na mga ugat ko sa paa.”

“Wala pa nga tayong napipili na dress for you eh.”

“Gutom na rin ako... hindi ka ba napapagod?”

“Sige na nga... kakain muna tayo then hanap ulit tayo.”

“Deal.”

Napili naming kumain sa Pizza hut. Umupo kami sa may bandang gilid, sa tabi ng glass wall kung san kitang kita kami ng mga dumadaan. Ang kinain namin nun... mushroom soup, ceasar salad at pasta, sa’kin carbonara habang si Beth, spagetti ang pinili niya.

Ang sarap sanang kumain, yung tipong nanamnamin mo yung kinakain mo pero itong si Beth napakaexcited na namang magikot. Ang kati-kati ng paa! Pero the advantage of it naman, nakakita na rin kami ng dress for me. Dark Plum, strapless with a girlding waist na cocktail dress which is 3 inches above the knee. Chic, modern elegant and luxurious ang dating.

“Love it!” masayang sinabi ni Beth habang nakapila kami sa counter para bayaran yung dress. “Magsuot ka lang ng isang chunk ng bracelet then black pumps or heels. Good to go.”

“Thanks ha?”

“Sure. Kaw pa...”

~

[Wedding Day]

Kasama ko si Kuya na umattend ng wedding. Hindi makakatanggi si Papa kasi, parents na ni Beth ang naginvite. Buti nga nakasama si Kuya, alam ko marerelax utak niya sa pagaaral kahit one day lang.

Ang wedding ay ginanap sa isang resort garden. Puno ng baging yung location with yellow roses, and metal structures kung saan-saan. Napakaromantic ang dating... nakakalaglag panga ang dating. Nagenjoy tuloy ako kumuha ng mga pictures, hindi ko na nga masyadong na[akinggan yung buong wedding eh. Nalaman ko na lang tapos na yung wedding nang narinig kong magpalakpakan yung lahat dahil si ate Mae at yung napangasawa niyang si John ay nagkiss.

Pag dating naming sa reception sinalubong kami ng parents ni Beth. Nagpasalamat sila na nakarating kaming dalawa.

 Nakipagkamay si Kuya kay Mr. And Mrs. Lopez, “Hello po...”

“Hi Kurt... long time no see.” sabi ni Mrs. Lopez

“Oo nga po eh.” Sagot ni Kuya

“Busy sa pagaaral?”

“Medyo po.”

“Ang sipag mo naman. Sana hawaan mo si Beth ng kasipaan mo.” Pabirong sabi ni Mr. Lopez. “Ay speaking of Beth. Chloe, pinapasabi niya pala na puntahan mo siya sa terrace doon.”

Tinuro ni Mr. Lopez ang terrace sa may second floor ng white house na tinutuluyan nila at nga mga guest. Agad-agad namang akong pumunta dun.

“Beth?” sigaw ko habang umaakyat ako ng hagdanan na diretso na kagad sa terrace. Nang makarating na ko sa sinasabi ni Mr. Lopez, hinanap ko si Beth, pero mukhang wala naman siya dun pero imbes bumaba ako, umupo na lang ako sa wooden swing sa may gilid.

Ang sarap ng pakiramdam maupo doon pagkatapos umakyat ng hagdan na mataas, tapos ang view pa ay yung misnong garden kung nasan yung reception, dagdag pa yung magandang view ng sky. Of course being a frustrated photographer, lahat ng makita kong interesting at maganda kinukunan ko so pinicturan ko yung langit, yung sunset, yung mga tao sa baba. Sa kakakuha ko ng picture hindi ko na namalayan na nakadungaw na ko masyado sa bakod ng terrace. Nalula ako ng makita ko yung taas, muntik pa kong maout-off balance ulit, buti na lang may nakapitan ako.

Napahinga ako ng malalim dahil sa kaba, buti na lang meron nakakita sa’kin at nilapitan ako. Magpapasalamat sana ako pero nung paglingon ko at nakita ko si Mr. Ray-ban, nakatayo at hawak ako, inaalalayan na makaupo ulit sa swing na inuupuan ko kanina.

“Okay ka lang ba?” tanong niya

“Ahm... ah...” tumango ako.

Napangiti siya sa’kin. “Namumutla ka...”

Napahawak naman ako bigla sa mukha ko. “Di nga?”

Tinabihan niya ako sa pagupo. “Ano ba kasi ginagawa mo?” pangiti niyang naitanong

Grabeh, ang gwapo niya at ang bango niya. Nakasuit na naman siya, gaya lang nung dating nakita ko siya, ang pinagkaiba lang wala siyang shades ngayon at nakaayos ang buhok niya, nakawax.

Ang weird, bumibilis tibok ng puso ko... parang hinihingal pa ata ako, hindi ko tuloy siya masagot.

“Photographer ka ba?” bigla niyang tanong

“Huh?”

“Ayan oh...” tinuro niya ang camera na nakasabit sa leeg ko.

“Ah... hindi... ay este oo... pero hindi...” tinapik ko noo ko. “Ano kasi, kaibigan ko yung kapatid nung bride... dinala ko lang cam ko to take few shots.”

“Ah... I see.”

 Sumandal siya sa may swing habang nakadekwatro na nagcause na maigalaw niya yung swing na medyo kinagulat ko. Tinawanan niya ko nang nakita niya na napareact ako.

“Teka... parang...” napapikit siya saglit. “Ikaw yung nadapa sa mall di ba?”

Napakamot ako ng ulo ko sa hiya.

“Ikaw nga...” tinawanan na naman niya ako.

“Salamat pala ulit ah...”

“No need to thank me. I just picked up your bag.”

Nagngitian lang kami pagkatapos. Ang awkward kasi. Gusto ko siyang kausapin pero dahil kinakabahan ako hindi ko magawa. Kaya after ng ilang minutong pagupo dun, tumayo ako.

“Mauna na ko...”

“San ka pupunta?”

“Hahanapin ko pa yung friend ko...”

“Si Beth?”

“Kilala mo siya?”

“Nakilala ko pa lang... kanina sa wedding.”

“Invited ka?”

Tumango siya, suot ang cute na cute niyang ngiti. “I work with Mae.”

“Ah...”

Ibigsabihin, kung katrabaho niya si ate Mae... tama nga kutob ko, mas matanda nga siya sa’kin. 29 years old na si Ate Mae... siya kaya gnun din?

“So co-worker ka ni Ate Mae... ba’t hindi ka naming nakikita tuwing birthday niya?”

“I don’t do to that kind of events.”

“Bakit?”

Pero bago pa man makasagot si Mr. Ray-ban, biglang sumulpot si Beth. Nagulat pa siya nang makita niya ako kausap ko si Mr. Ray-ban, tas sabay ngiti na rin ng makita niya na katatayo ko lang mula sa swing.

“So nagkausap na pala kayo...” sabi ni Beth, suot ang pangasar niyang ngiti

“Kanina pa kita hinahanp.” Pabuntong hininga kong nasabi. Gusto kong iiwas ang topic sa’kin. “San ka ba nagpupupunta?”

“Duh! Kinasal ate ko so kailangan ko makipagplastikan.” Pabiro niyang sagot. “Sir, thank you po pala sa pagdalo. Sorry po at hindi kayo maasikaso ni Ate.”

“It’s okay. I understand.” Tumayo si Mr. Ray-ban, sabay inayos ang buttones ng suit niya. “Maiwan ko muna kayo...” sunod ay nginitian ako. “See you later sa fireworks display.

Pagkaalis ni Mr. Ray-ban

“Ba’t ka na po sa kanya?”

“Eh boss kaya yun ng ate ko.”

“Boss?”

“Oo... kanina nang dumating siya dun ko lang nalaman. Kaya hinahanap kita para ichismis ko sa’yo yun.”

Hindi ko maiwasang hindi malungkot. “So matanda pa siya sa ate mo...”

“Wag kang mawalan ng pagasa...”

“Anong pagasa ka diyan.”

“Pa-deny ka pa... halata namang crush mo siya noh.”

“Weh?” napahawak ako sa pisngi ko.

“Oo kaya...” umupo kaming pareho sa swing. “May mga alam na din ako about him.”

“Agad?”

“Ako pa! Eto... Name, Christian Hernandez, nagtratrabaho under ng company ng father niya... 27 year old... and listen to this girl. SINGLE siya...”

“Single? Eh yung babae dun sa mall...”

“Nabalitaan ko... yung babae na yun anak lang ng kasosyo ng tatay niya. Napilitan lang daw siya ilabas yun for a date, kasi masyado daw patay na patay sa crush m.”

“Oh...”

“Ayan, may pagasa ka na!”

“Loka... matanda siya sa’kin noh...”

“Ano ba... your turning 20 na rin naman ah... oh 7 years is not bad.”

“Beth naman... ni manliligaw nga wala ako. Pangarapin ko pang isang anak mayaman, gwapo at adult na kagaya niya ang makatuluyan ko? Ano ba... magisip ka nga.”

“Bakit? Ano masama dun? Age doesn’t matter.”

“If age doesn’t matter man sa part ko, gosh Beth...sa part niya?”

“Hmm... well you got a point there.”

“Chloe! Beth!” sigaw ni Kuya. “Maguumpisa na yung fireworks display.”

Tumayo kami ni Beth mula sa swing at sumandal sa may terrace fence para manood ng fireworks display, pero habang nagaantay kami na magumpisa na ang display, hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon kung nasan siya... si Christian. Hindi ko matiis ang sarili ko na hindi siya maadmire. Ang gwapo pa naman niyang tignan sa suit na suot niya.

Hindi na naalis ang tingin ko sakanya, hindi ko na nga rin namalayan na nagumpisa na yung fireworks display. Naririnig ko yung palakpakan at hiyawan ng lahat pero parang balewala lang sa’kin yun lahat basta matitigan ko lang siya pero kinalabit ako ni Beth at hinila niya ako pababa sa reception kung nasaan yung iba. Napatakbo ako ng nakaheels which is mahirap.

Pagdating naming sa reception, tinabihan namin si ate Mae at si Kuya John, asawa niya, habang si Kuya ko naman nakaakbay sa’kin at sabay naming inaappreciate ang makukulay na fireworks.

“Kukuha lang ako ng drinks.” Sabi ni kuya. Inalis niya ang akbay sa’kin at tinapik lang sa bakikat bago siya makalayo.

Tinuloy ko ang pagnood ng fireworks display. Napabilib ako sa dami ng fireworks na binili ng asawa ni Ate Mae para sa kanya.

~

Nang matapos ang display, ang lahat naman ay nagpunta sa dance floor para magsayawan.

Nakakatuwang tignan si Kuya ko na nakikipagsayawan kay Beth, pareho pa naman silang kaliwa ang paa. Hindi ko maiwasang mapangiti ng sobra.

“Mukhang Masaya ka ha...” biglang sabi ng lalaki mula sa tabi ko, Si Christian. “Kuya mo?”

“Ah... oo. Bihira lang kasi siya makapgenjoy eh.”

“Bakit naman?”

“Long story.”

“Ikaw... ayaw mong sumayaw?”

Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot, napatingin lang ako sakanya.

“Ayaw mo ko makasayaw?”

“Ahm... hindi naman sa ganun po...kasi...”

“Po?”

“Opo... po...”

Natawa siya ng lakas ng inulit ko pa yung ‘po’. “Just call me Chris.”

“Eh... kasi...”

“I told you my name... and you haven’t...”

“Ahmm... Chloe... Chloe Mercado.”

“Nice knowing you Chloe.” Itinaas niya ang kamay niya para kamayan ko siya pero, sa hiya at kaba ko dahil sa kanya hindi ako nakipagkamay pero mapilit siya. Inabot niya kamay ko at hinawakan ng mahigpit. “Hindi ako nangangain.” Pabiro niyang sabi

Napangiti na lang ako sa sobrang hiya ko. “Nice knowing you too.”

“You look beautiful pag ngumingiti ka...”

Feeling ko nagblush ako sa sinabi niya kasi nangiti na naman siya sa’kin.

Hiyang-hiya ako, hindi ko alam gagawin ko. Natameme na ako ng bongga, buti na lang may nagrequest pa ng isa pang batch ng firework display at dahil dun, napatingin si Christian sa sky. Babawiin ko n asana yung kamay ko sa pagkakahawak niya nang bigla siya napatingin ulit sa’kin at this time, nakatitig na siya sa’kin, sa mata ko.

Dear Diary,

Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit siya ganun makatingin sa’kin? Hindi ko na alam kung ano pa ang tawag dito. Feeling ko aatakihin na ata ako sa puso nito kasi parang gusto nang lumundag ng puso ko palabas sa dibdib ko.

Tinamaan na ba ko nito? Ganito ba feeling ng... in love?

Continue Reading

You'll Also Like

33.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
69.2K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023