Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4.1K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 22

56 5 0
By zieeerendipity

Alas siete na yata nang matapos kami ni Ross sa paglalaro at kumain lang kami saglit sa isang restaurant bago namin lisanin ang mall.

Puro tawanan lang ang ginawa namin ni Ross habang nasa byahe. Pinagku-kwentuhan namin ang mga nangyari kanina habang nasa arcade kami.

"You almost hit the old man Leigh!" aniya sa gitna ng mga tawa niya.

"I almost did! Buti na lang hindi!" tugon ko rin dito at namayani na naman ang aming tawanan.

Habang naglalaro kami ng basketball kanina ay tumama sa gilid ng ring ang bola. It bounced back and I stiffened. Mabuti na lamang ay nasalo ng isang lalaki iyon dahil kung hindi ay paniguradong tatama iyon sa matandang lalaki na pinapanood ang kanyang apo.

Ilang minuto rin ang itinagal ng aming byahe bago kami makarating sa pupuntahan namin.

"A bar, Ross? Really?" tanong ko nang makakababa kami at nginitian niya na lamang ako bago hilahin papasok.

Tumambad kaagad sa aking paningin ang iba't ibang kulay ng mga ilaw at ang ingay ng musika. Hawak-hawak ako ni Ross sa aking palapulsuhan habang sinasalubong namin ang alon ng mga nagsasayawang mga tao.

"Ross!" bati sa kanya ng sa tingin ko ay kaibigan niya nang makarating kami sa mga upuan.

Nakipagkamayan si Ross dito at umusog naman sila upang bigyan kami ng pwesto. Nauna akong paupuin ni Ross bago siya.

"Girlfriend?" tanong ng isa pa nilang kasamahan at itinuro ako.

"A colleague, Mond," tugon ni Ross at kaagd nitong sinalo ang bote ng beer na bahagyang inihagis sa kanya.

Ipinakilala sa akin ni Ross ang apat na kasama niya ngunit hindi ko na masyadong nasundan ang mga pangalan nito.

"And her name is Leigh," baling niya sa akin at tumango na lamang ako sa mga kaibigan niya, "They are my former teammates, Leigh."

Nalaman ko na ang dalawa pala rito ay sa Heartfilia Academy din nag-aaral ngunit dahil wala naman akong hilig sa baseball o sa pakikisalamuha sa iba ay hindi ko alam. Ang dalawa naman ay sa Western Amville University.

"Do you drink?" baling ni Ross sa akin.

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay kinuha ko na lang isang bote sa lamesa at kaagad na uminom mula rito.

"I guess?" sagot ko rito at kaagad naman siyang napatawa kasabay ng lalo pang paglakas ng musika.

Hindi ko talaga maipagkakaila na masyado akong nakulong sa loob ng academy. Masyado akong naging abala sa paghahanap ng mga sagot na nakalimutan ko na ang buhay ko rito sa labas.

Napatigil ako sa pakikipagtawanan sa kanila nang maramdaman ko ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking sling bag at bumungad sa akin ang pangalan ni Iana at Louise.

Iana: Weiss is asking me kung magkasama tayo. Where are you?

Bahagya akong napatawa sa mensahe ni Iana at sinimulan ko nang magreply sa kanya.

To Iana: Weiss Holstein. Damn girl. I am with a friend by the way. Just chillin'. Love you, S.

When it was already sent, I immediately opened Louise's.

"Ross tara sa dancefloor!"

Nabawi ng kaibigan ni Ross ang aking atensyon at hinihila na nito ang mga kasamahan niya ngunit tinanggihan lang ito ni Ross at ganoon din ng isa niyang kasama na nanatili lang na nakaupo kasama namin.

Sinundan ko ang papalayong likuran niya. Should I give them a compliment for being amazed because they have no girls with them? Of course, except for Ross for bringing me here.

I suddenly felt like an intruder. Pakiramdam ko kasi ay oras nila itong magkakaibigan at hindi dapat ako nandirito.

"Ouch!" kaagad akong napapitlag nang maramdaman ang pagpitik ni Ross sa aking noo.

"Ang lalim ng iniisip mo, magpakasaya ka na lang!" saad niya sa akin at tinignan ko na lamang siya.

"You are so weak, Ross! Tatlong bote pa lang may tama ka na kaagad?" kantyaw ko sa kanya nang mapansin ang mapupungay niyang mga mata at inirapan lang ako nito.

"Anyway, isn't this supposed to be you and your friends only? I mean hindi mo na dapat ako isinama rito, Ross," dagdag ko at napatingin naman siya sa akin.

"Tama ka Leigh kaso natalo ka kanina so..." tugon niya at nagkibit-balikat lamang ito.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o tatawanan ko siya. Ross Avelino, a varsity player of baseball is tipsy.

Nagpatuloy lang siya sa pag-iinom habang nag-uusap sila ng kanyang kaibigan. Tungkol lang naman sa laro ang pinag-uusapan nila kaya hinayaan ko na lamang sila at ibinalik ko na ang atensyon ko sa aking cellphone. May tatlong bagong mensahe roon galing kay Louise at isa naman galing kay Iana.

Iana: He is so cool, A! He even asked me out for a date.

Mabilis akong nagtipa ng irereply sa kanya.

To Iana: I heard he's a jackass. Good luck to your fragile heart.

Napairap na lamang ako sa hangin. Hindi ko alam dito kay Iana. Ilang beses nang umiiyak dahil sa lalaki pero hindi pa rin talaga natututo.

Louise: Leigh forget about the donut. Bumalik ka na rito please.

Louise: Leigh we're damn rich but I wont spend my money for these broken sala set.

Napakunot ang aking noo sa mensahe ni Louise.

Louise: Aleighna, have mercy on us.

Louise: Ugh! This is so unfair, Leigh. My dearest cousin is freaking out at kami ni Naya ang pinagbubuntungan niya. Damn! I have no idea where the hell you are.

Magrereply na sana ako ngunit may panibago na namang mensahe galing kay Louise.

Louise: Just in. Para kaming nasa interrogation. Nasa harap namin ni Naya sina J, Axe at Aire.

"Do not just set this aside, Ross. Naglabas yata ng threat ang wolves. They wanted to be even. Natalo sila sa huling laban kaya may balak silang bawian kayong jaguars," agad na nabaling ang tingin ko sa kaibigan ni Ross.

Bahagya naman itong napatingin sa akin.

"Babawian kami, Brix? Ano? Literal na break a leg ang gagawin nila sa amin?" tugon ni Ross habang tinatawanan ang kaibigan.

Bumaling si Brix sa akin na para bang hindi niya makukumbinsi si Ross.

"You should tell him. Wolves are cunning. Just a warning," saad ni Brix sa akin at nagkibit-balikat pa ito bago lumagok sa inumin.

"Do not listen to her, Leigh," singit naman ni Ross at tumatawa pa rin ito.

Nagkibit-balikat na lang din ako at muli kong ibinaling ang atensyon ko sa aking cellphone.

To Louise: You did not tell me that you have a one hell of spoiled cousin.

Kaagad na nanalaytay ang kaba sa aking sistema nang makita ang unregistered number sa aking screen ilang segundo lang matapos kong magreply kay Iana.

Tinitigan ko lang ito habang pinapakiramdaman ang sarili ko. Naramdaman ko ang pagbaling ni Ross sa akin at walang ano ano ay pinindot ang "answer call".

"Ross!" singhal ko sa kanya at itinaas lang nito ang kanyang dalawang kamay sa hangin.

"Answer it. We might need a driver later," aniya at inilahad sa akin ang aking cellphone.

Dahan-dahan kong inilagay sa aking tenga ang cellphone. Wala akong marinig na kahit na ano sa kabilang linya. Kabaligtaran yata nitong sa amin.

"S-sino 'to?" bungad ko at nakarinig ako ng marahas na buntong-hininga.

"That's it! Get the hell back here, Aleighna Lowrie!"

Sumalubong sa akin ang galit na boses ni Nazaire na siyang nagpalakas pa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sinadya niyang lakasan ang kanyang boses upang marinig ko sa kabila ng tugtugan dito o malakas talaga iyon dahil sa galit niya.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago siya sagutin.

"What the hell is your problem?"

Sa halip na sagutin ako ay narinig ko lang itong may kinausap sa kabilang linya.

"Tell Weiss to track her location."

"What do you think you're doing?" singhal ko sa kanya at sa lakas ng boses ko ay napalingon na sa akin ang dalawa.

"Hello! Bullshit!" malutong akong napamura nang maputol ang tawag.

"Anything wrong, Leigh?" tanong sa akin ni Ross at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Umiling na lamang ako at inubos ang natitirang alak sa bote.

Nang magsibalikan ang iba pang kaibigan ni Nazaire ay binalot ng tawanan ang pwesto namin.

"Damn! That dance was great!" ani ng isa at ibinagsak nito ang sarili sa sofa.

Umupo rin ng maayos si Ross at nagyaya na itong umalis.

"9:15 on the clock, men. Better get going," aniya at tipid ko itong tinawanan dahil sa paggewang niya.

Sumabay na rin ang iba sa aming paglabas at inalalayan pa nila si Ross ngunit tinatabig lang sila nito.

"Back off I can handle myself," saway niya sa dalawa at tinawanan lang siya ng mga ito.

"Shit!"

Malakas akong napatili nang maramdamang may humawak sa mga braso at kaagad namang napalingon sina Ross sa akin.

"Kung siniswerte ka nga naman," saad ng isang lalaki at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang may hawak na baseball bat.

"Huwag mo siyang idadamay dito, Cleo," matigas na saad ni Ross na tila ba nawala na ang tama dahil sa nakikita.

Matinding kaba ang nanalaytay sa aking sistema habang pinipilit kong kumalas mula sa pagkakahawak sa akin.

"Let us have some negotiation here, Avelino," dagdag pa ng lalaking tinawag na Cleo ni Ross habang pinaglalaruan ang hawak na baseball bat, "Huwag kayong maglalaro sa finals at makakaalis kayo rito ng walang gasgas."

Nakita ko ang pagsama ng timpla nh mukha ni Ross at ng iba pa niyang kasama. I also saw his fists formed.

Nabaling ang tingin ko kay Brix na matamang tinititigan si Cleo. Doon ko lang napagtanto kung ano itong nangyayari. Wolves.

"What a dick move," hindi ko na napigilan ang pagtakas ng mga salitang ito mula sa aking bibig.

Naramdaman kong mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa akin at lumingon lang si Cleo at umismid. Damn him!

"We have been tailing you, Avelino. Hindi lang kami makatyempo sa mall kanina. You got a fierce girl, huh?"

"Are you that afraid to eat the damn mud again, Lubuerto?" utas ni Ross at kitang kita ko kung paanong humigpit ang pagkakahawak ni Cleo sa baseball bat.

His veins were getting visible. I knew we were already in trouble and if Ross kept on triggering this dick coward they would surely have a broken leg during the finals.

They were obviously outnumbered at idagdag pa na nakainom sila.

"Let me go!" pagpupumiglas ko kahit na alam kong balewala ito.

"Manahimik ka!" sigaw sa akin ng taong may hawak sa akin.

I was starting to call all the saints that could help us. Why the hell did even Ross park his car far from the bar!? Kahit magsisigaw man ako rito ay wala ring makakarinig.

"Kung ayaw niyong idaan ito sa usapan edi mapagpasensyahan na lang tayo," ani ng isa habang nag-iinat ng kanyang kamay na handa na sa magiging gulo.

This is not good.

"Pakawalan niyo siya," ulit ni Ross na hindi binibigyan ng pansin ang sinabi ng lalake.

"Avelino, come to think of accepting our offer. You won't lose any. But if you don't, you will surely go back to Heartfilia Academy with broken legs and of course, without this girl."

Napapikit ako nang ituon sa akin ng pesteng Cleo na ito ang hawak niyang baseball bat.

Nang muling lumingon si Cleo ay kaagad na sumugod si Ross at kasabay ng pagmumura ako ay narinig ko rin ang mga mura nila.

They are seriously in fucking trouble!

Pinipilit ko pa ring kumawala sa taong may hawak sa akin at nararamdaman ko na ang hapdi sa aking palapulsuhan sa bawat pagpupumiglas ko.

"Brix!"

Kaagad akong napasigaw nang makitang itinaas ng isa ang hawak na baseball bat at nanghina nang tumama ito sa likuran ni Brix.

But the jaguars are they target. Iniwan ni si Brix na iniinda ang sakit na idinulot ng baseball bat at pinagtulungan nila ang tatlo.

"Bitawan mo ko!"

Naramdaman ko na ang mainit na likido sa aking pisngi nang makita kung gaano ka dehado sina Ross.

Para akong ibanalik ng nangyayari sa gabing sinaksak si Nazaire.

Damn! I needed to do something for them.

Huminga at pumikit ako ng malalim at ginamit ko ang natitirang lakas ko upang bawiin ang kamay ko and I kicked him so damn hard on his dick!

"I should have done that earlier!"

Sigaw ko sa kanya at kaagad naman siyang namilipit sa sakit.

"You should not have done that either."

Napalingon ako sa nagsalita at agad kong naramdaman ang pagtilapon nang dumampi sa aking pisngi ang mabigat niyang palad.

Kaagad akong napahawak sa bahagi ng pisngi ko at marahas akong pumikit dahil sa hapding kumakain dito.

Matalim niya akong tinitigan bago muling bumalik kina Ross.

I could not lose hope. Kung sina Ross nga na pinagtutulungan ay patuloy pa ring lumalaban.

Tatayo na sana ako ngunit kaagad kong naramdaman ang sakit sa aking tiyan nang sunod-sunod akong sipain ng lalaking may hawak sa akin kanina.

"Ross," usal ko habang namimilipit sa sakit at kasabay nito ay ang unti-unti nilang pagbagsak.

"Walanghiya ka! Kung hindi ka sana lumaban hindi ka na madadamay!"

Singhal ng lalaki sa akin at sa bawat paglapat ng kanyang paa sa aling tiyan ay siyang pagbaluktot ko dahil sa sobrang sakit.

Ross tried to stand but they kept on hitting him. I saw him mouthed my name. He was trying to reach me.

Alam kong walang magagawa ang pag-iyak ko ngayon. We were helpless. Hindi ko alam kung anong sakit ang nararamdaman ko.

Ang muling paglapat ba ng kamay sa aking pisngi? Ang kirot sa aking tiyan? O ang nangyayari kila Ross?

Wala na akong lakas na manlaban. I thought I really pissed this guy for kicking his balls.

"Fuck!"

Rinig kong saad at kasabay nito ay ang pagtumba ng lalaking sumisipa sa akin.

"Who the fuck told you to fucking hurt her!?"

Nakita ko ang dalawa sa mga lalaki na nagsitakbuhan at isa roon ay si Cleo. Ngunit ang ilan ay naabutan nila at ang kaninang hawak na baseball bat ay sa kanila na ipinapalo.

"How did you have the guts to mess up with the Heartfilians?"

I saw Ross trying his best to crawl towards me and that was the same time when I felt someone lifted me from the ground.

My eyes stayed on Ross. I wanted to reach him.

Nawala na sa paningin ko si Ross at naramdaman ko ang dahan-dahang pagpasok sa akin sa sasakyan na tila ba isa akong babasaging bagay.

I heard the door closed and the car's engine immediately started.

"I should be scolding you by now! Damn it, Aleighna! Damn it!"

Naaaninag ko ang paghampas niya sa manibela.

I wanted to hold his hand. I wanted him to stop. But whenever I try to move my hand to reach him the pain only became intolerable.

"Stop trying to move, Aleighna!" saad niya at naramdaman ko ang lalo pang pagbilis ng takbo ng sasakyan.

"Na...zaire..."

Bago ako tuluyang balutin ng kadiliman ay naramdaman ko pa ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking pisngi.

"Aire,hindi pa ba siya nagigising simula kagabe?"

"God, Kuya! Where are those assholes?"

"Dapat pinigilan ko na lang siya kahapon."

Nagising ako dahil sa mga boses nina Naya at Louise. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Bumungad sa akin ang puting kisame at nakita ko sa aking gilid ang nakahalukipkip na si Nazaire.

"She's awake!" rinig kong saad ni Naya, "I'll call the doctor," dagdag niya pa.

Naramdaman ko ang paglapit ni Louise sa akin ngunit hindi natanggal ang tingin ko kay Nazaire. Nakatingin lang kami sa isa't isa na tila ba nangungusap ang aming mga mata.

"Leigh, sorry," saad ni Louise at kasabay nang paglingon ko sa kanya ay ang pamamalisbis ng butil ng aking luha.

Ramdam ko pa rin ang pagkirot ng aking katawan.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at pumasok mula roon ang isang doctor habang sinusundan ni Naya.

Lumapit ito sa akin at tiningnan ang mga apparatus na nakakabit sa akin. Naramdaman kong may itinurok ito sa akin at unti-unti na naman akong binalot ng dilim.

Naglalakad ako sa puting buhangin sa tabing-dagat habang lumalabas ang araw. Hawak-hawak ko ang kanyang kamay hanggang sa naramdaman kong may humila sa akin pabalik.

Nang lingunin ko ito ay naramdaman kong nawala ang pagkakahawak niya. Takot na takot akong hinanap siya.

"Aleighna! Aleighna!" rinig kong tawag ni Nazaire at napaatras ako dahil ang kaninang puting buhangin ay tila naging dugo.

Napasinghap ako sa takot. Nang muli kong inangat ang aking paningin ay nakita ko si Nazaire na tumatakbo sa gitna ng gubat.

"Nazaire!" tawag ko nang mawala siya sa aking paningin.

"Aleighna!" narinig kong muli ang pagtawag niya at tila umikot ang paligid.

"Leigh, wag mo kaming iwan," napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ang boses ni Louise.

"Louise? Louise na saan ka?"

Nanginginig na ang buo kong katawan.

"Leigh!"

Narinig ko ang malakas na sigaw ni Naya at nang lingunin ko siya ay basang-basa siya at kaagad akong napasigaw nang bumagsak ang kanyang katawan ilang hakbang lamang ang layo sa akin.

Naramdaman kong may humawak sa akin at pinipilit akong kunin ngunit napako lang ang tingin ko sa isang lalaki na naka-sumbrero habang nakatutok ang baril sa akin.

"Aleighna!"

I stiffened when I saw him pulled the trigger.

"Aleighna!"

Kaagad akong napamulat at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Nazaire.

I hugged him tight while chasing my breathe. Ramdam ko ang pawis sa buong katawan ko at ang sunod-sunod na paghinga ko ng malalim.

I felt his handa caressing my back.

"You were having a bad dream," rinig kong saad niya.

Nang mapagtantong panaginip lamang iyon ay dahan-dahan akong napahiwalay sa kanya.

"Drink this," aniya at inabot sa akin ang baso ng tubig na ininom ko rin upang tuluyang maibsan ang kabang nararamdaman ko.

Napangiwi ako nang bigla kong maramdaman ang kirot sa aking tiyan at ang pamamanhid ng isang bahagi ng aking pisngi.

Umupo si Nazaire sa espasyo sa gilid ng aking hinihigaan at mataman niya lang akong tiningnan.

"Stubborn," saad niya at kinuha sa akin ang baso nang matapos akong uminom.

Umayos ako sa pagkakaupo at inalalayan niya naman ako. Napansin kong wala na rito sina Naya at Louise; kaming dalawa na lamang.

No need to remind me what the hell happened.

"Nasaan si Ross? How is he?" tanong ko sa kanya at sinalubong lang ako ng madilim niyang mga mata.

"He's healing. Nasa kabilang kwarto siya." sagot nito nang walang ekspresyon at tumayo ito sa gilid ng higaan nang may malalim na paghinga.

"What do I need to do para lang sundin mo ako kahit isang beses lang, Aleighna?" singhal ni Nazaire.

I was pulled back. I knew it. He already warned me but I just ignored him. But the trouble was not what he thought it was. Dahil iyon sa baseball ay nadamay lang ako. But still, I found myself guilty.

"Damn it, Aleighna! Tell me!"

Napapitlag ako dahil sa sigaw ni Nazaire at lumalim ang aking paghinga nang sinuntok niya ang gilid ng higaan.

He was frustrated. He combed his head using his bare hands. His veins were already visible. He was rubbing his palms against each other while walking back and forth.

"I'm sorry," saad ko at kaagad siyang napatigil.

My voice broke and I guessed my heart did, too. Lalo na nang maglakad siya palapit sa akin at isinilid ako sa kanyang yakap.

Mabibigat ang kanyang paghinga at ramdam na ramdam ko kung gaano siya nag-aalala.

It was the same feeling that he let me felt after the ambush. Na para bang nawala ako sa kanya.

"Please Leigh, let me protect you. Let me."

He was almost begging and I could not stop my tears from falling. I felt his lips on my head. And that hit me.

I was so insensitive. Ilang beses ko ba siyang pagsasalitaan ng masama bago ko marealize na ang gusto niya lang gawin ay maprotektahan ako?

He told me before I left that I should not expect a help from him when I get into trouble but he came. He saved us. He saved me.

I was so stupid to not realize that earlier than this.

Continue Reading

You'll Also Like

26.5M 1.1M 57
{FIRST BOOK IN 'THE GIRL IN THE HOODIE' SERIES} {2014-2018} A girl moved to California two years ago. No one knows what she looks like. All th...
35.3K 5.8K 16
The Phoenix, embraced the shadows to protect his country. His true identity remained hidden for years, serving as a covert weapon against unseen thre...
136K 4K 39
Nesta Marooz had many secrets. None which she was willing to share. But secrets have a way of worming their way out of staying secrets. Kaz Brekker a...