Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 18

69 6 1
By zieeerendipity

Muli akong nagpaalam kay Louise at Naya. I did not anymore bother to double check my room since I was going to leave it with Naya. Yes, I told her that she could stay there and Louise assured me that she would be with Naya the whole time that I would be away.

Mabibigat ang mga paa ko habang tinatahak ang mahabang daan patungo sa main gate ng Heartfilia Academy. Mula sa kinroroonan ko ay nakita ko na ang bugatti veyron ni Lester. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko. Nang malapit na ako sa main gate ay natanaw ko ang sabay-sabay na pabukas ng pintuan ng sasakyan at inilabas noon sina Lester, Mart at si Iana na nakataas na ang isang kilay.

Para bang gusto ko nang takbuhin ang layo ng mga agwat namin sa isa't isa. I missed the already. Kasabay nang pagbilis ng aking mga hakbang ay ang pagtakas ng aking luha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na niyakap si Iana nang makalapit ako sa kanila.

"Finally! After more than a month, Aleighna Lowrie!" aniya sa gitna ng pagyakap ko sa kanila. 

"Welcome to the outside world, Leigh!" pang-aasar ni Lester at humiwalay ako sa pagkakayakap kay Iana at nilapitan siya. He half-hugged me.

Pinakawalan niya lamang ako nang tumikhim si Mart sa kanyang tabi.

"To the long lost love of my life," ani Mart at inilahad ang nakabukas niyang mga kamay. 

Napaismid ako roon at nilapitan siya and like what he always did, he ruined my hair again by patting my head. How I missed these people!

Napahiwalay ako kay Mart nang marinig ang pagbubukas ng mataas na gate ng Heartfilia Academy. Dahan-dahang lumabas doon ang isang itim na lamborghini at tumigil ito sa harapan namin. Kaagad na bumaba ang bintana ng sasakyan at kitang-kita ko sa loob ang imahe ni Nazaire.

Lumingon ito sa aming direksyon at pinasadahan ng tingin ang aking mga kasama bago niya ipinako ang tingin sa akin. Kaagad kong naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Mart sa aking palapulsuhan. Tiningnan ko lang siya saglit bago ko muling ibinalik ang tingin ko kay Nazaire.

"I want you back Sunday morning," aniya ng may maawtoridad na boses.

Kung normal na pagkikita lang ito ay iisipin ko agad na dahil lang ito sa pagiging presidente niya. Ngunit ramdam ko ang bigat ng bawat sandaling binitiwan niya. He wanted me back because he was damn scared that the longer I stayed outside, the more chances of me telling other people what was really up to inside the premises.

Humakbang si Lester paabante at sinilip si Nazaire.

"I guess you are the Student Central Board of Heartfilia Academy. I am Lester Vega," aniya at inilahad ang kamay kay Nazaire ngunit sandali niya lamang itong tinitigan bago tumango at palagay ko ay nakuha ni Lester ang nais nitong iparating at humakbang na ito paatras. 

Muli akong nilingon ni Nazaire at bumaba ang tingin nito sa kamay ni Mart na nakahawak pa rin sa aking palapulsuhan bago pinaharutrot ang kanyang lamborghini.

"Woah! You should have told us that you have a possessive slash masungit na SCB President there, Leigh" ani Iana at iwinagayway pa ang mga kamay sa hangin, "But he is hot, Leigh. Goddamn hot," dagdag niya pa at napataas ako ng kilay nang tumitig siya sa akin.

"I know that look, Sheiana Cereza," ani ko rito bago kami nagsipasok sa sasakyan ni Lester.

Mart took the passenger seat at kami ni Iana ang nandirito si backseat.

"So Leigh, tell me, what's his name?" kaagad na sambit niya nang nagsimula nang magmaneho si Lester palayo sa academy. Tinapunan ko muna ito ng tingin bago lumingon kay Iana ngunit bago pa man ako makasagot ay sumingit na si Mart.

"Possessive, huh? I can always break a leg, Aleighna Lowrie. Just so you know."

"What the hell Mart? Stop hitting on my officer," saad ni Lester at tawanan nilang tatlo ang bumalot sa sasakyan. 

We are always like this. Mart admitted his feelings towards me but I told him already that I could not give it back to him. But he was still there. He is still here.

"Speaking of officer Les," ani Iana at umupo ito ng maayos upang matingnan si Lester sa salamin, "What he did to you was a complete blow," saad niya kasabay ng pag-ismid.

Hindi kaagad nakasagot si Lester at namataan ko ang paninitig nito sa akin sa salamin. Napakunot ang aking noo at itinuon niya na lamang ang kanyang atensyon sa daan. His stares was so meaningful. I could see it in his eyes. Or that was what I thought it was?

Dala ng pagod nitong mga nagdaang araw ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe at nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang kamay ni Iana sa aking braso. Magkasabay kaming bumaba at nadatnan namin ang dalawa na tila nagtatalo ngunit agad itong natigil nang makitang lumalapit kami.

"So what's with that cousin-whisper-argument-trouble thing?" salubong ko sila at pareho lamang silang umiling.

Naglakad na lamang kami papasok sa paborito naming kainan at naramdaman ko ang pag-akbay ni Mart sa akin at kaagad ko itong tinanggal at pinagtaasan siya ng kilay.

"Why are you always rude to me, babes?" saad niya na parang nalugi.

"Stop calling me babe, Mart. You gotta babe your own ass," ani ko rito at nagpatiuna nang maglakad narinig ko ang pang-aasar ni Iana sa kanya at ang bahagyang pagtawa ni Lester.

"Aleighna Harth Lowrie rule three. When she tells you to back off, back off," ani Iana at ipinilupot niya ang kanyang kamay sa akin at nauna na kaming maglakad sa dalawa. Just like the old times.

"Four of four rule number one. Whoever comes late, pays the expenses," saad ni Iana sa akin habang nakangiting inaabot sa akin ang bill.

Now that's it. We talked about random things while eating our meal. Ilang beses nila akong tinanong ng tungkol sa Heartfilia Academy ngunit palagi ko itong inililihis sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga nangyayari sa Karringstyn University.

"The Student Council are waiting for your comeback, Leigh. Pilay ang council pag wala ka. I told them why don't they just pull you out?" sambit ni Lester.

I knew what he was trying to say. I get it. Pero pareho rin naming alam na wala kaming magagawa para rito. Kaya sobrang inayawan ko ang pagiging parte ko sa exchange student program dahil dito. Alam kong magkakaroon ng probema ang council sa pag-alis ko. 

We are not the usual student council. We always work behind the table.

"May pumalit ba sa akin?" tanong ko sa kanya habang sinisimsim ang milktea sa aking harapan.

"Alam mo kung gaano kataas ang standard ni Sir Sanchez, Leigh," he said and I heard him chuckle.

"You know, dear bestfriend, I wonder what is in you that makes it hard to replace," singit ni Iana at nakita ko pa ang kanyang pag-ngisi nang lingunin si Mart.

Great, Sheiana. Great.

Napag-alaman ko rin na nagsimula na ang sport festival. Too bad I cannot play badminton this year.

Napatigil kami sa pagku-kwentuhan nang marinig ang tunog ng bell hudyat na may pumasok sa restaurant. 

Napatingin ako sa mga iniluluwa ng pintuan. They were walking like they owned this place. Their aura screamed for something. Authority. And the authority that they were bringing was far beyond from what they were showing inside the academy. Their presence was proving something and that is they are certified head-turners. Six hot asses men were walking toward our direction.

Saka ko lang napagtantong sobrang napako na ang tingin ko sa kanila nang maramdaman ang pagpisil ni Iana sa aking braso.

One of the men removed his sunglasses as soon as he saw me. 

"Leigh?" namamangha niyang saad na tila ba hindi makapaniwala na nakita ako rito.

"W-warnell," nauutal na saad ko.

Inabot niya ang aking kamay at bago pa man lumapat ang kanyang labi rito ay naitulak na siya ni Mart palayo.

"Who are you to touch her?" kaagad na saad ni Mart na nagpalingon sa iba pang mga kasama ni Warnell; Axel Justine, Jax, Weiss at Nazaire.

"I'll love this chaos, Leigh," rinig kong saad ni Iana bago umupo ng komportable habang nakatingin kay Mart na ngayon ay kini-kwelyuhan na si Warnell.

Bago pa man ako nakapagitna sa dalawa ay itinulak na siya ni Warnell. Muli pa sanang susugod si Mart ngunit agad itong pinigilan ni Lester.

"We are not here for a fight, Nell. Cool your shits down and put them all together," saad ni Weiss sa kanya at bumaling ito sa akin ng may talim sa kanyang mga titig at kaagad naman akong napalunok.

Masama ang tingin ng dalawa sa isa't isa na tila nagsusukatan.

I saw Iana took a sip from his milkshake and damn this girl I just know her so much! She is loving this kind of scenario, kaya bago pa man siya makapagsalita at magatungan ang dalawa ay pinandilatan ko na siya.

"You will leave their table or we will leave this place. You choose," pahayag ni Nazaire at ramdam ko ang lamig ng kanyang mga sinabi. 

Nakita ko ang pag-ismid ni Warnell at hinawi niya pa ang kamay ni Axel na nakahawak sa kanyang balikat bago ayusin ang damit at nagpatiuna nang maglakad patungo sa pwesto kung nasaan nakaupo si Nazaire at tahimik lang nitong tinitingnan ang menu. Sumunod na rin ang iba at si Axel na lang ang natitira. Napatingin lang ako sa kanya at nakita ko ang tila nanghihingi ng pasenya niyang mga titig bago nito sundan ang mga kaibigan.

"Have you lost your patience control, Mart?" kaagad na sabi ni Lester nang makaupo silang pareho. 

Hindi nagsalita si Mart sa halip ay nilingon lang nito ang pwesto nila at sumalubong sa kanya ang matalim na tingin ni Weiss na tila nanghahamon. They were just one table away from us.

"You don't get into a fight with the Heartfilia Academy student. Most especially with the SCB, Mart," ani Lester na tila pinagbabantaan si Mart sa pinakamahinahong paraan na alam niya at kaagad kong ipinilig ang aking ulo upang tingnan siya.

"Look what Aleighna Lowrie can do to the men. This is why I always love hanging out with you, badass bitch."

Kaagad na naagaw ni Iana ang aking atensyon at pinanliitan ko siya ng mata, "Shut up."

Sa halip na manahimik ay tumawa lang ito. We were not really bestfriends for nothing.

"I need a retouch," biglang saad ni Iana and we excused ourselves. 

Noong una ay nagdalawang isip pa ako dahil madadaanan namin ang pwesto nina Nazaire and there was no other way. But Iana will never be Sheiana Cereza without her crazy bitch stunt. 

Weiss was sitting on the aisle. Kitang-kita ko ang tingin ng kaibigan ko sa kanya at hindi nga ako nagkakamali. Dahan-dahan siyang naglakad sa gilid ni Weiss at pinasadahan ng kanyang kamay ang braso nitong namamahinga sa sandalan ng upuan.

"I would really really love to tame the beast," saad niya at marihin akong pumikit.

Wala na nga akong ginawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Weiss dahil sa ginawang iyon ni Iana. Kasabay nang aking pagdaan sa kanilang pwesto ay ang pagsipol nina Axel.

"What the hell was that, Sheiana Cereza?" bungad ko sa kanya nang maabutan siya sa harap ng salamin.

Makahulugan itong ngumiti bago ako sinagot, "I thought the president was hot but that one was hotter. What's his name?" Tuloy tuloy na pahayag niya.

Umirap na lamang ako at naghugas ng aking kamay. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang mapanuyang tingin ni Iana. She will not stop with this. Swear.

"I cannot remember his surname. But he's Weiss," saad ko nang mapagtantong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya.

"Hella hot," she said using her tone when she is up to something. 

Ilang minuto rin kaming nagtagal doon. He even asked Nazaire's name and Warnell's, dahil bukod kay Weiss ay silang dalawa ang nakaagaw ng kanyang pansin.

It's pretty clear. Sheiana Cereza is hitting on Weiss and she will not stop until she gets him. That's her and this is trouble.

And speaking of trouble, parehong nanlaki ang mga mata namin nang makitang nagkakagulo malapit sa pwesto namin. Naagaw na nila ang atensyon ng mga tao sa loob ng restaurant. 

"What the hell is your problem!?" tanong ni Warnell habang nakahawak sa kanyang bagang at nakita ko naman ang dumudugong labi ni Mart.

"Damn boys!" rinig kong saad ni Iana at hinila ko na ito upang mapigil ang nagsisimulang kaguluhan. 

I saw Nazaire comfortably sitting on his place crossing his arms while watching his friends and mine exchanging punches. Kasama niya si Justine at Jax na tila wala ring pakialam sa nangyayari. Jax was even laughing! 

"Hey, Aleighna! Thanks for this live show," ani Jax nang dumaan kami sa kanilang pwesto.

"She is not yours to touch or to hit on. Back the hell off!" saad ni Justine nang makalapit kami at kaagad akong humarang nang akmang aatakihin niya naman si Warnell.

"Why? Is she yours? Nevermind. I don't think she is," nanghahamon na saad ni Warnell at hawak na siya ngayon nina Axel at Weiss dahil anumang segundo ay handa siyang atakihin si Mart.

"Stop it, Mart. Let's go," yaya ko sa kanila at agad na siyang hinila ni Lester palabas habang naiwan kami ni Iana.

I took my wallet and put the bill on our table.

"Sorry," tanging nasabi ko bago kami umalis.

"Bye handsome," and in the middle of this chaos there is Iana who is till flirting! Kinailangan ko pa siyang hilahin para umalis doon.

Lester dropped us at our condo.  Sinubukan akong kausapin ni Mart patungkol sa nangyari ngunit pagod pa ang utak ko. I was not excited to leave Heartfilia Academy for this. 

"You seriously managed to flirt in the middle of the fight Iana?" tanong ko rito nang bumukas ang elevator hudyat na nasa floor kami kung saan ang aming unit. 

Isa na rin sa dahilan kung bakit mas lalo kaming nagkalapit ni Iana ay dahil magkatabi lang din kami ng unit. Palagi kaming magkasabay na pumapasok at umuuwi. But that was before. Things are far different now.

Sa halip na buksan niya ang kanyang unit ay sumunod lang ito sa akin at sumalampak na sa sofa.

"You sure you do not remember his surname?" tila wala sa sarili na sabi ni Iana at pinanliitan ko lang ito ng mata. 

"You can always find it on your own way," ani ko rito at sandaling pumasok sa aking kwarto. 

I took my spare laptop and handed it to her. I know she will not stop. Pagod akong sumalampak sa sofa at hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil bumibigat na ang aking mga mata.

"Aleighna. Wake up. Do not make the food wait." 

Nagising ako sa sa boses ni Iana at sa pagtapik niya sa aking braso. Sinalubong ako ng amoy ng adobo. Nabaling ang tingin ko sa wall clock at tila nagising ang aking diwa. It was already pass 7 pm! Did I really sleep for four hours?

"Leigh! Tara na! I am hungry!" tawag niya sa akin mula sa kusina.

Kinusot ko ang aking mga mata at naglakad na patungong kusina.

"Woah! My nanny cooked! I missed this!" biro ko sa kanya at umupo na ako.

"Easy there, my dear best friend. You know I do not cook for nothing," sagot niya sa akin and there goes the interrogation while having a meal.

"Stop telling me that it was nothing Aleighna. What's his name, again? Nazaire?" seryosong tanong niya at wala nang bakas ng mapaglarong Iana kanina.

"I told you, Iana. Kailangang lang talaga naming bumabalik ng maaga sa Linggo," paliwanag ko sa kanya at pinanliitan niya lang ako ng mga mata.

Maybe we really know each other so much. We both know if something is wrong with the other. Kaya kahit ilang beses kong sabihin na wala lang iyong sinabi ni Nazaire sa akin bago namin lisanin ang Heartfilia Academy ay hindi niya pa rin ako tinitigilan.

"It's not that, Aleighan. Look, kahit bumalik ka agad bukas doon mamaya! It does not matter. What I was trying to say is that the way he talked to you! It felt like you," saad niya at itinuro pa ako, "going out is forbidden! Na hindi ka pwedeng lumayo roon. Na parang may kinuha ka sa kanila. Tell me what exactly is wrong, Aleighna Lowrie, before I call and tell your mom that you are out of Karringstyn University."

"What!?" agad na namilog ang aking mga mata nang sabihin iyon ni Iana,"No!" natataranta kong saad. She can't.

"Are you protecting a gang leader, Leigh?" she said and put the laptop in front of me.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung ano ang nasa screen ngunit unti-unti itong hinihigop ng aking utak. I scrolled it down at kulang na lang ay manlamig ako sa aking kinauupuan.

"H-how did you find this?" takang-tanong ko sa kanya habang pinapasadahan ang nasa screen ng laptop.

"Holstein. Weiss Holstein. That is his surname," lumingon ako sa kanya ngunit wala akong mabakas sa kanya. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon.

Did finding Weiss' surname really bring her this far? I know Iana. She can crack a code in just five minutes. Or less. Or more. It depends. Namana niya ito sa kanyang ama. She was taught how to do such things because they manage a private detective agency. But this? Hell.

"Now, I want you to tell me the whole truth," saad niya and that left me with no choice.

"You want the whole truth? Then I want you to know that I am not fine there," panimula ko at naramdaman ko na naman ang nangingilid na luha sa aking mga mata.

"Are you being bullied Aleighna?" Nag-aalalang tanong niya ata kaagad akong umiling.

"Bullying does not exist in that prestigious school, Iana. The problem is the academy itself. They are a fucking torture, a pain in the ass and..." naihilamos ko ang aking mga palad. Damn! I cannot tell her.

"What about Nazaire?" seryosong tanong niya.

I know her too well. She will not show other emotions while she is in the process of interrogating. She is saving it for later and that is what I am afraid of.

"He rules the whole academy. He rules it more than what a president should. I do not know Iana. Naguguluhan ako. This thing is what I am still trying to figure out. Masyadong masikreto ang academy na iyon Iana. Masyadong mapanganib pasukin at pakealaman," saad ko at kinagat ang aking kuko. Damn. Frustration is slowly eating my entire system.

Mapunuri akong tiningnan ni Iana.

"There is still something na gusto mong sabihin na hindi mo masabi sa akin, Leigh. I know that manner of yours," aniya sasabay turo sa ginagawa ko.

"The student their. They said they need me to save them. That I am their weapon. Pero, God! I have no idea what I am supposed to do."

Kumunot ang kanyang noo.

"I will tell Mr. Sanchez to pull you out from that program. You are not supposed to be there," aniya at binalot na kami ng katahimikan.

Nanatili pa rin ang mapanuri niyang tingin sa akin. I cannot tell her everything. Because once I do, I am sure she will engage herself into it. I cannot tell her about Kylan, about the students who have guns on their hands. I cannot tell her that Nazaire was stabbed in front of me. I cannot tell her about the fire. I cannot tell her about the explosion. I cannot tell her about the armed men. I cannot let her put herself in this danger. 

Pero ngayon? Hindi ko alam kung mapipigilan ko siya. She just found out that the SCB are gang members! 

Sinalubong ko ang tingin ni Iana. I hope she will not tell this to Lester, and to Sir Sanchez. I want to finish everything that I have started. As much as I wanted to leave Heartfilia Academy, I could not. So even if it was risky, I am staying.

Continue Reading

You'll Also Like

244K 6.9K 31
↱complete↲ ⇨ 2/27/17...
117K 4.1K 41
Y/N was a teenage introvert who enjoyed having her own space and being alone. She loved listening to music in her room, which was a great escape for...
1.3K 421 58
Skyla spent most of her days either studying or thinking of a way to make a bit of extra money. Her one goal to pay back her dad for everything he ga...
1.4M 1.2K 1
𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 '𝐃𝐞𝐜𝐞𝐢𝐭𝐟𝐮𝐥 𝐑𝐨𝐲𝐚𝐥𝐬' 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ★✯★ "Secrets are lethal, especially when they come dripped in murder." Trinity...