TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS

Oleh AiKUMAx

302K 10.6K 536

Panibagong kwento na naman ang haharapin ni Anica Celestine. Heto ang kwentong kung saan masaya na sana ang... Lebih Banyak

⚠︎ π–π€π‘ππˆππ† ⚠︎
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter O3
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Author's Note

Chapter 29

4.3K 177 5
Oleh AiKUMAx

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 29 : Encounter
_____________________________

Seanica POV

Nandito kami ngayon sa dorm namin. So far, wala namang nangyari simula nung dumating ang lima.

Tatlong araw na ang nakakalipas at naibigay na rin namin ang mga impormasyon sa president tungkol sa away ng dalawang jucians. Hindi ko na pinakinggan pa ang pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako interesado dun.

Mas interesado ako sa lima.

"Seanica!"

Tumingin ako kay Mike ng tawagin nya ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Aalis lang muna kami" sabi nya dahilan tingnan ko sila.

"Kayong apat?" tanong ko.

"Nope! Kaming tatlo lang" sabi ni Bellear.

"Bakit?" tanong ko at umayos ng upo.

"Pupunta lang kami sa mall para bumili ng mga gamit. You know, wala na kaming masyadong damit saka para naman makabili rin kami ng snacks" sabi ni Yeoneun.

Tumango lang ako sakanila.

"Go, ingat" maikling sabi ko at tumingin sa T.V para manood.

"Sige, babye!" paalam nila at tuluyan ng umalis.

Tumayo na ako at pinatay ang T.V. Tiningnan ko si Xeanel na natutulog. Tsk. Bahala sya dyan.

Pumunta ako sa kwarto at nagbihis. Gagala nalang siguro ako.

Mabilis naman akong natapos at lumabas ng kwarto. Napatingin naman ako kay Xeanel na mukhang kakagising lang.

"San ka pupunta?" tanong nya saakin ng makita nyang bihis ako.

"Labas" simpleng sabi ko.

"Wait, sama ako" sabi nya at pumasok ng kwarto nya.

Napabuga nalang ako ng hangin.

***

Kasalukuyang naglalakad kami ngayon ni Xeanel sa loob ng Magica Dark Academia.

Wala kaming balak lumabas ng Academia dahil nandito na rin naman lahat ang gusto namin.

Kanina pa kami lakad ng lakad at sa tingin ko ay nalibot na namin ang kabuuan ng Magica Dark Academia. As in lahat, nalibot nanamin. Nakapunta kami sa campus ng mga dark magicians at sa mga buildings ng mga senicians at junicians pati na rin sa dark kicians.

Huminto kami sa paglalakad ng makarating kami sa likod ng Academia. Nakaharap kami ngayon sa pader.

"Bumalik nalang tayo" sabi ni Xeanel sa akin.

"Wait" sabi ko at sinuri ng mabuti ang pader.

Sa pagkakatanda ko, may ginawang trainig room sina mom at dad dito. Sabi nya sa dulo ng Academia at makikita daw ito sa pader.

"Bakit?" tanong ni Xeanel ng makitang sinusuri ko ang pader.

Nahinto ako sa bandang gilid dahil nararamdaman kong may enerhiya dito. Tinapat ko ang kamay ko at medyo nakita kong may umilaw. Mukhang sinusuri pa kung kaninong kamay ito.

"Anong ginagawa mo?" tanong nanaman ni Xeanel.

Kailan pa ito naging ganito?

Binaba ko na ang kamay ko ng may lumabas na pintuan.

"What the?!" gulat na sambit niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Pasok" sabi ko.

Nagtataka man sya ay binuksan nya ang pinto at pumasok. Tumingin muna ako sa paligid bago pumasok.

Tiningnan ko ang paligid at napangiti nalang ako. Ang ganda talaga.

Kahit training room lang ito, may garden naman sa gilid. Sa tingin ko, ginawa lang ito nung si mom nalang.

"Anong lugar ito? Bakit may ganito?" tanong ni Xeanel habang tinitingnan ang paligid.

"Gawa ito nina mom and dad nung mga bata pa sila. Ang ganda diba? Kahit ang simple lang" sabi ko at pumunta sa garden na meron dito.

Sumunod naman saakin si Xeanel.

"Yeah. Picnic tayo?" tanong ni Xeanel at nakita kong medyo namula ang tenga nya.

Kahit napakunot ang noo ko dahil dun ay tumango nalang ako.

Pumunta sya sa gilid at kumuha ng blanket na meron dito at nilatag. Umupo naman kami.

"Wala nga pala tayong pagkain" sabi ni Xeanel habang nagkakamot ng ulo.

Ang cute nya HAHA.

"Ang cute mo" sabi ko habang tumatawa.

Nakita ko namang napaiwas sya ng tingin at namula nanaman ang tenga nya.

May sakit ba toh?

"Anyway, nakikita mo ba yang bulaklak?" sabi ko sa kanya at tinuro ang isang bulaklak na nasa harapan namin.

Tumango naman sya.

"Yan ang magiging source natin sa pagkain" sabi ko at ngumiti.

Nagtaka naman sya dun.

"Galing sa mahika ni mom yan. Sabi nya saakin, hilingin mo lang daw ang kahit anong pagkain ay ibibigay daw ng bulaklak na iyan. Alam kong may tawag iyan kaso nakalimutan ko na" sabi ko sa kanya at mukhang nagets naman nya dahil tumango sya.

Sinimulan na namin ang picnic.

***

Kasalukuyang nagtatawanan kami ni Xeanel habang kumakain ng bigla kaming mapahinto dahil sa pagsabog na narinig namin.

Agad kaming napatayo at nagkatinginan. Nagkaintindihan kami at agad na lumabas ng trainig room.

Nang nakalabas na kami ng training room ay nakarinig na naman kami ng pagsabog.

"Anong nangyayare?" takang tanong ni Xeanel.

Nakipagbalikat lang ako.

Tumakbo kami at sinundan ang pagsabog dahil tuloy tuloy na ito.

Mabilis naming natuntun iyon at nakarating kami sa malawak na lugar kung saan malapit sa gate ng Magica Dark Academia.

Nagulat kami sa nasaksihan namin. Maraming estudyante na ang mga nasugatan at marami ring estudyante ang kumakalaban sa dalawang malalaking higante.

"Anong klaseng creatures yan?!" gulat na tanong ni Xeanel.

Hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko dahil maski ako hindi ko alam.

Isa syang creatures na may halo halong iba't ibang hayop. Kaya hindi ko matukoy kung ano yan.

Napatingin ako sa mga senicians at junicians na ngayong kinakalaban ang dalawang nilalang na ito. Mukhang kanina pa nila ito nilalaban dahil sa pagod na pagod na sila.

Mukhang malalakas ang mga ito dahil na rin sa hindi sila kaya ng mga senicians at junicians.

"Seanica!"

Napatingin kami sa likod at nakita namin sila Bellear.

"Anong nangyayare?!" gulat na tanong nila.

"Hindi namin alam" sabi ni Xeanel.

"Kailangan natin sila tulungan!" sabi ni Mike.

"Hindi pwede. Paniguradong pagbabawalan tayo ng mga senicians at junicians" sabi ko naman.

"Pero hindi rin ni--"

hindi na natapos ang sasabihin ni Yeoneun ng bigla kaming mapatalsik dahil sa pagsabog.

Tumayo ako at ganun din sila at tumingin sa pinanggalingan ng pagsabog.

Nanlaki ang mga mata nila Bellear pati ang mga senicians, junicians at kicians ng makita nilang nakatumba ang isang higante at may limang magicians ang nasa harapan nito.

"Hindi ba't sila colors yun?!" gulat na tanong ni Mike.

Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko.

"Colors?! Baliw ka ba?!" bulyaw sa kanya ni Bellear.

"Eh sa colors ang mga pangalan nila eh. Saka, pangpaikli na rin yun" sabi ni Mike.

"Pero di nga? Napatumba nila yung isa na walang kahirap hirap?! Samantalang yung mga senicians at junicians ay nasugatan lang nila?!" hindi makapaniwalang sabi ni Mike.

Tiningnan ko ang nilalang at nakita namin na unti unti itong tumatayo kahit nahihirapan na.

"Mukhang hindi pa patay" sabi ni Xeanel.

"Wala ba tayong gagawin, Seanica?" tanong ni Bellear.

Humarap ako sa kanila.

"Meron naman. Yun ay tulungan ang mga estudyanteng nasugatan at dalhin sa clinic" sabi ko

Nagsipagkilos naman kami.

Habang tinutulungan namin ang mga estudyante, napapatingin ako sa mga nilalang. Yung isa nakakalaban pa naman ng matino habang yung isa, hirap na hirap na.

Tiningnan ko yung lima at nakita kong hindi man lang sila pinagpawisan.

Siguro, malakas talaga ang kapangyarihan nila. Pwede silang mailipat sa Collegian Building dahil sa angking lakas nila.

Napatingin naman ako sa mga kamay ko.

Kailan ko kaya magagamit ang kapangyarihan ko?

"Seanica!"

Napatingin ako kay Bellear

"Wala ng estudyante pa! Ano na gagawin natin?" tanong nya saakin.

"Mabuti pang tulungan natin ang mga healer na pagamutin ang mga estudyante" sabi ko at nagsimulang maglakad.

Napahinto ako ng may humawak sa balikat ko.

Tumingin ako sa may-ari nito.

"Kami na ang bahala. Tumulong ka nalang sa kanila" sabi nya.

Tumingin ako kila Bellear

"Tama. Tumulong ka nalang sa kanila, Seanica. Kami na ang bahala sa mga estudyante. Pati na rin ikaw Xeanel" sabi ni Bellear at bumaling sa taong nasa likod ko.

Napabuga nalang ako ng hangin.

"Sige" sabi ko.

Ngumiti naman sila at tumakbo na. Humarap ako kay Xeanel.

"Game?" tanong ko sa kanya

Tumango sya.

"Game!" sabi nya at tumakbo kami papalapit sa dalawang senicians, dalawang junicians at kila colors daw.

Napatingin naman sa amin ang pito habang ang lima ay patuloy na kinakalaban ang isang higante na malapit nang maglaho.

"Seanica! Xeanel! Bakit kayo nandito?!" gulat na tanong saamin ni ate Rain.

"Para po tumulong" sagot ni Xeanel at nagready na.

"Salamat" rinig kong wika ni kuya Ren.

Tumingin ako kila colors ng tuluyan na nilang mapabagsak ang isang nilalang.

Agad akong napaiwas ng muntik na akong matamaan ng lava.

Bumubuga pala ito ng lava?

"Tsk. Bakit ba nandito ang mga toh?"

Napatingin ako kay Blue ng marinig ko ang sinabi nya.

It means, alam nila ang creatures na toh?!

"Tsk. Kung tayo nga napunta dito, pano pa kayo sila diba?!" inis na sabi ni Green.

Napatingin naman sila saakin ng makita nilang nakatingin ako sa kanila.

"Oh. Ikaw yun" sabi ni Pink.

Tiningnan ko lang sya at bumaling nalang sa kalaban na ngayong kinakalaban na nila Xeanel.

Pumikit ako at naramdaman ko ang kapangyarihan ko. Dumilat ako at nakita kong nakaarmor na ako.

"Woah!" rinig kong komento nila colors.

Nilabas ko ang weapon ko. Tumingin ako sa higante at mabilis na tumakbo. Agad kong sinaksak ang higante ng makarating ako sa tyan nya.

Agad akong napatalon ng muntikan na nya akong mahampas. Nakita ko naman na napahiyaw sya sa sakit.

Agad akong gumawa ng sun ball na sa tingin kong hindi sila maaapektuhan ng init kundi sa higante lang.

Agad ko itong binato sa sugat na ginawa ko dahilan pumasok ito sa loob at napaatras kami ng bigla itong sumigaw. Maski sila Xeanel na nilalabanan ito ay napaatras ganun din sila colors.

Napatakip ng mata sila ng umiilaw ang higante habang kami ni Xeanel nagkatinginan.

Mukhang nagkaintindihan kami dahil nilagyan nya ng light magic ang sandata nya habang ako ay nilagyan ko ng sun magic ang sandata ko.

Sabay kaming tumakbo papalapit at walang alinlangan naming sinaksak ito sa ulo dahilan umilaw ito ng malakas at sumabog dahilan mapatalsik kami pero nakayanan naming maglanding na naka tukod.

Tiningnan namin ang higante at nakita nalang namin na naglaho na ito.

Tumayo ako ng maayos at pareho pala kaming nakaarmor ni Xeanel na nawala na.

Ngumiti saakin si Xeanel dahilan mapangiti rin ako. Lumapit kami kila ate Rain na ngayong nakaupo dahil sa pagod.

"Salamat. Nagawa nyong mapatay iyon" sabi ni kuya Wen.

Ngumiti lang kami.

"Interesting"

Napalingon kaming anim kay Violet ng magsalita ito. Naglalakad na pala sila papalapit saamin.

"Mukhang may mga malalakas din palang tulad namin"

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

3.4M 97K 72
This is about a girl with a very simple life. Until that day came... A day she needs to face... That day changed her life... That day was entering th...
187K 5K 56
book 2 po ito ng Z.A.. dapat po nabasa nyo muna ang book 1 para maintindihan ang book2... tnx...
236K 7.5K 25
READ AT YOUR OWN RISK A school where all the impossible things are possible. Megumi Sakamoto, as a mortal lived a typical life, not until they discov...
100K 2.8K 37
PROPHECY ~*~ The time keeper will be So extraordinary 'Cause it's legendary She's lost But she'll return Her choice will be The destruction of t...