Chapter O3

10.9K 389 5
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 03 : Promise
_______________________________

Seanica POV

Nandito kami sa isang bahagi ng Athena Academy. To be exact, sa may garden, kasama ang mga kaibigan ko.

"Seanica"

Napatingin ako kay Xeanel ng tawagin niya ako. Nakaupo kaming lahat dito sa sahig.

"Yes?" tanong ko sakanya.

"Laro tayo" biglang singit na sabi ni Mike dahilan mapatingin kami sakanya.

"Ng ano?" tanong naman ni Bellear sakanya.

"Laban! Boys vs girls. Game?" sabi ni Xeanel dahilan magkatinginan kaming tatlong babae.

"Hindi pwede, lalo na't hindi pa natin masyado alam gamitin ang mahika natin" nag-aalalang sabi ni Yeoneun.

Sumang ayon kami sa sinabi niya.

"Sige na nga! Basta sa susunod, maglalaban tayo para malaman natin kung sino ang malakas saatin ah?" nakangising hamon ni Mike.

Hindi maganda ang iniisip ng dalawang ito.

"Seanica!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin.

Si mommy pala.

"Bakit po?" tanong ko kay mommy at lumapit sakanya.

"Uuwi na tayo anak. Tapos na ang pagdiriwang. Magpaalam ka na sakanila, uuwi na rin sila" sabi ni mommy dahilan tumango ako at humarap sa kanila.

"Bye, sa susunod ulit" paalam ko sa kanila dahilan magpaalam din sila saakin at magngitian sa isa't isa.

"Yung deal ah! Wag kalimutan" sabi ni Mike dahilan tumango ako.

Nagsimula na kaming maglakad nila mommy. Matipid ako magsalita at hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil hindi ko pa sila masyado nakakasama. Bihira ko lang kasi sila makasama, sa tuwing may okasyon at kapag naisipang bumisita sa iba't ibang kingdom.

Sumakay na kami sa kalesa at agad ding nakarating sa palasyo. Nagpaalam na ako kay mommy na pumunta muna saaking kwarto para magbihis.

Humiga ako sa kama at napatingin sa itaas. May biglang katanungan ang lumitaw saaking isipan. Napabangon ako at napaisip dahil ngayon ko lang napagtanto.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni mommy. Kumatok muna ako ng tatlong beses.

"Sino yan?" boses ni mommy.

"Ako po ito mommy" sabi ko.

"Pasok ka anak"

Binuksan ko ung pinto at nakita kong nakaupo si mommy sa kama habang nakatanaw sa bintana. Tumingin naman siya saakin dahilan parehas kaming mapangiti.

Tumabi ako sa kanya at nagdadalawang isip kung magtatanong ba ako o hindi.

"May sasabihin ka ba anak?" tanong ni mommy.

Tumingin ako kay mommy at huminga ng malalim.

"Mommy"

"Hmm?"

"May tanong po sana ako" nakayukong sabi ko.

"Ano yun anak?"

"Bakit po wala akong ama?"

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now