Chapter 23

4.5K 180 5
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 23 : First Day...Contest
______________________________

Seanica POV

Ngayong araw na ang simula ng pasok ko dito sa Magica Academia.

Nandito ako sa kwarto ko, nagbibihis. Bigla ko na namang naalala yung nangyari kahapon.

Lily Collins. That bitch! Bakit nandito sya?!

______________
Flashbacks...

"Lily Collins, the real bitch" nakangising sabi ko sa kanya.

Bigla siyang ngumiti saakin.

"Tingnan mo nga naman, nagkita ulit tayo Seanica HAHAHA!" nakangising sabi nya at lumapit saakin.

"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Bellear.

"Oh! Hi Bellear!" baling ni Lily sakanya.

Tiningnan ko lang si Bellear at tumango.

"How?" tanong nya pa.

"Ano..."

Bigla kaming napatingin kay Yeoneun

"Kasi Bellear, sa Athena Academy nag-aaral si Lily dati. Kaya magkakilala sila. Sa katunayan nga, magbest--"

"EX-bestfriend" pagpuputol sa kanya ni Lily

"Ah oo, mag Ex-bestfriend" pagtuloy ni Yeoneun.

Tumango lang bilang sagot si Bellear.

"What are you doing here?" malamig na tanong ko.

"Hindi ba obvious? Dito ako nag-aaral" sabi nya at ngumisi saakin.

Umupo sya sa isa pang single sofa.

"I'm surprised. Ka-dormmates kita. What a coincidence?" sabi nya at tumawa.

Tiningnan ko lang siya saka bumaling kay Yeoneun.

"You see, Seanica. Isa rin syang royalties tulad natin" paliwanag ni Yeoneun saakin.

"How? Dahil ba anak sya ng council ng Athena?" tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

"I see" sabi ko nalang.

"See? Magkapantay na tayo, Seanica" sabi ni Lily at tumawa dahilan mapangisi ako.

"We're not. Isa akong prinsesa habang ikaw, isang anak lang ng council" sabi ko dahilan matigilan sya sa pagtawa at manlisik ang mata nya.

"You! Bitch!" sabi nya at tumayo.

Susugod sana sya saakin ng hindi sya makaalis sa pwesto nya. Napatingin naman sya sa paa nya dahilan mapangisi ako.

"Bellear!" galit na sabi nya kay Bellear.

"Sorry, pero hindi ko hahayang makalapit ka sa kanya o saamin" sabi nya.

Nakafroze kasi ang paa ni Lily kaya hindi nya ito maalis. Siguro sa galit, nakalimutan nyang fire ang mahika nya. Tsk, napailing nalang ako.

Hindi ko rin maiwasan mapangiti dahil nagawang i-froze ni Bellear ang paa ni Lily gamit ang mahika niyang tubig.

Tumayo na ako at umakyat sa kwarto. Bahala na sila doon.

End...
_____________

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Onde as histórias ganham vida. Descobre agora