Chapter 19

5.5K 211 6
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 19 : We're back...
________________________________

Seanica POV

"Nakahanda na ba ang lahat? Wala na ba kayong na iwan?" tanong saamin ni Tito na sinagutan lang namin ng tango at iling.

"Kung ganun, tayo na't simulan ang ating paglalakbay para maaga ang dating natin doon" sabi ni Tito at naunang maglakad. Sumunod naman kami sa kanya.

"Maglalakad lang po ba tayo?" tanong ni Yeoneun kay Tito.

"Parang ganun na nga dahil wala akong kakayahang gumawa ng portal. Pagpasensyahan nyo na ako, tanging paggawa lang ng sandata ang kaya kong gawin" sabi ni Tito na humarap saamin.

"Pero..." nakasimangot na sabi ni Stacy.

"Marunong ako"

Sabay silang lumingon saakin nang marinig nilang magsalita ako.

"Marunong ka Seanica?" gulat na tanong ni Jack.

Tumango lang ako.

"Kung ganun, doon tayo sa likod ng bahay para doon isagawa ang portal" sabi ni Tito.

Gaya ng sabi niya, nagtungo kami doon.

"Sige na. Walang makakakita sayo dito. May barrier ang bahay namin remember?" sabi ni Tito na tinaguan ko lang.

Tumalikod ako sa kanila at sinimulan na ang paggawa ng portal.

"πορταλ"

Nang lumitaw na ang portal, humarap ako kila Tito na binigyan lang niya ako ng tango.

"Mauna na kayo Mike, Jack, Xeanel, Yeoneun, Stacy at Bellear" sabi ni Tito na ikinatango nila.

Matapos nilang pumasok ay tiningnan muna ni Tito ang paligid.

"Hmm, wala naman siguro ang magtatangkang pumasok sa bahay HAHAHA" sabi ni Tito at humarap saakin.

"Tara na Seanica"

Sabay kami pumasok ni Tito at inilabas kami nito sa harap ng Athena Kingdom. Lumapit saamin ang mga kawal ng makita nila kami at magalang na binati.

"Mahal na prinsesa, kami na po ang magdadala ng mga gamit nyo" magalang na sabi ng isang kawal.

Tumango lang ako sakanila dahilan kunin ng mga kawal ang mga gamit namin. Pumasok kami sa loob at nakita ko si tito Jack dahilan lapitan ko siya.

"Tito, nasan sila mom at Tita Cass?"  mahinang tanong ko.

"Wala sila dito Seanica, ang alam ko nasa Athena Academy sila. Kakauwi ko lang kasi galing sa bayan namin kaya hindi ko na alam kung nandun pa rin sila" sabi nya sakin.

Tumango lang ako sakanya at humarap kila tito Stein.

"Gusto nyo muna bang magpahinga?" tanong ko sa kanila.

Tumango sina tito Stein, Stacy at Jack.

"Uuwi na muna kami Seanica" sabi ni Bellear dahilan mapatingin ako sakanila. Binigyan ko lang sila ng tango at tinawag ang isang kawal.

"Pakihanda ang apat na pegasus" sabi ko dahilan tumango ito at umalis.

"Hintayin nyo nalang ang mga pegasus" sabi ko kila Bellear na tinanguan lang ako. Tumingin ako kila tito Stein.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt