Chapter 31

4.8K 185 1
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 31 : Training
_____________________________

Anica POV

"Sean"

Di makapaniwalang sambit ko.

Paanong...? Paanong nangyari iyon?!

Bakit wala akong nakitang mangyayari ito?!

Titig na titig ako ngayon kay Sean habang sya ay malawak na nakangiti. Hindi ko mapigilan umiyak nang makumpirma kong nasa harapan ko nga sya.

Nakatayo

Nakangiti

At buhay na buhay

"Ikaw po yung nasa panaginip ko, hindi po ba?"

Napatingin ako kay Seanica at mas lalo akong napaiyak nang wala syang kaideya deya.

"Anak"

Napahagulgul nalang ako nang marinig ko nang malinawan ang boses ni Sean.

"Po? Mom..."

Nakita kong nagulat si Seanica nang makitang umiiyak ako.

"Anak"

Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya.

"S-Sya ang t-tatay mo anak"

Nakangiting sabi ko kahit umiiyak ako.

"P-Po?!"

Nakita kong gulat syang mapatingin kay Sean.

Lumapit si Sean saamin at napaupo nalang kami nang bigla nya kaming yakapin.

"Sean!"

Naiiyak na sabi ko.

"Shh! Nandito na ako. Hindi ko na kayo iiwan pa" rinig kong sabi nya at hinalikan ang ulo ko.

"D-Dad"

Naramdaman kong natigilan si Sean nang tawagin sya ni Seanica.

"Ikaw nga! Dad!"

Narinig ko nalang na umiiyak na rin si Seanica. Magkayakap kaming tatlo habang umiiyak kami.

Namiss ko sya...

***

Nandito kami ngayon sa sala. Nandito rin sina Cass, Jack, Stein, Stacy at ang pinsan nyang si Jack na Jay na.

Maski sina Cass at Stein nagulat nang makita nilang kasama namin si Sean. Mas lalo kaming nagulat nang malaman namin ang mga kasamaang ginawa nya nung mga panahong hawak sya sa leeg ni Dark King.

Kwenento nya rin saamin kung paano sya nakabalik pero hindi masyado detelyado dahil hindi nya rin alam kung paano. Dahil sa sinabi nya, saka ko lang nakita ang lahat nang iyon.

"Kamusta ka na kuya Sean?" pangangamusta ni Cass kay Sean na nasa tabi ko.

"Ok naman Cass" natatawang sabi ni Sean.

Napangiti nalang ako.

"Sya nga pala, hindi ba may meeting na magaganap?" paalala ni Cass dahilan mapatayo ako.

"Oo nga pala. Sean, ikaw na muna ang bahala kay Seanica" nakangiting sabi ko.

"Sure. No problem. Para na rin may time ako sa anak natin" nakangiting sabi ni Sean at niyakap si Seanica na ngayong natatawa dahil sa inasta nang ama nya.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now