Chapter 26

4.7K 181 6
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 26 : Magica Dark Academia
_____________________________

Seanica POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa Elfiertal Kingdom. Isang linggo na ang nakakalipas mula nung mangyari ang laban namin ni Lily. Nabalitaan kong ako ang nanalo. Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari matapos masunog ang balat ko.

Sa loob ng isang linggo, pinagsasanay ako ni mom gamit ang kapangyarihan ko. Nalaman kong Sun ang mahika ko. Natutuwa ako dahil nagagawa ko na itong kontrolin. Kaya ko na rin i-adjust ang init nito sakali mang magsanay ako dahil baka makapatay ako kapag hinayaan kong bumalik sa init ang kapangyarihan ko.

At sa loob ng isang linggo, nakikita kong nagiging busy sina mom, tito Stein at pati ang mga hari at reyna.

May inaasikaso daw sila.

"Seanica?"

Napatingin ako sa pintuan at doon ko na kita si mom.

"Mom" sabi ko at niyakap sya. Hinalikan naman nya ako sa noo at umupo kami sa kama.

"Kamusta ang training anak?" tanong niya.

"Ok naman po" sabi ko.

"Sya nga pala anak, sina Xeanel, Bellear, Mike at Yeoneun. Lumabas na rin ang kapangyarihan nila" nakangiting sabi niya.

"Talaga po? Ano po kapangyarihan nila?" tanong ko.

"Light ang kay Xeanel anak. Ang kay Bellear ay Storm. Kay Mike naman ay Snow habang kay Yeoneun ay Electric-Earth"

Tumango naman ako.

"Sya nga pala, tulad mo, umuwi din sila anak para magsanay" dugtong niya na ikinatango ko ulit.

"Maghanda ka na anak. Bukas, papasok na ulit kayo. Sya nga pala, congrats sainyo!"

"Thanks mom" nakangiting sabi ko.

Matapos iyon ay nagpaalam na si mom. Tumayo na ako para maghanda. Nabalitaan ko rin iyon na nanalo kami sa laban.

Sana naman pagbalik ko doon, hindi ko na makita si Lily. Naiinis pa rin talaga ako sa kanya.

Bahala na bukas.

***

Nandito ako ngayon sa harapan ng gate. Hindi ba kami naliligaw?

Humarap ako kay mom.

"Mom, heto po ba yung Magica Academia? Hindi po ba naliligaw tayo? Ang natatandaan ko po, hindi po ganito ang Magica Academia" takang tanong ko.

Natawa naman si mom sa reaction ko kaya mas lalo akong nagtaka.

"Pasensya ka na, anak. Hindi ko napaliwanag sayo. Hindi na ito Magica Academia anak" sabi ni mom at ngumiti.

"Kung ganun po, bakit po tayo nandito?" tanong ko

"Ganito yan anak. Ang paaralang ito ay Magica Dark Academia na. Nitong mga nakalipas lang na linggo ay inasikaso namin ito. Pinagsama namin ang Magica Academia at Dark Academy. Natatandaan mo pa ba ang Dark Academy anak?" mahabang paliwanag ni mom.

Tumango ako bilang sagot.

"Kaya po pala nag-iba ang Academia" sabi ko habang tumatango. Tiningnan ko ang Academia at bumaling kay mom.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now