Chapter 09

8.6K 323 45
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 09 : Finding
_______________________________

Seanica POV

"HAHAHA! Alam mo ba, Stacy? Matatawa ka talaga kapag nalaman mo yung ginawa ni Mike HAHAHA!" natatawang sabi ni Yeoneun.

Nandito kami ngayon sa kusina, kumakain. Kasama namin si Stacy at kanina pa silang makulit. Kanina pa rin akong inis na inis dahil sa ingay na kagagawan nila.

Hindi ba nila napapansin na kanina pa akong nagtitimpi dito?

"Oiy, wag mo naman ikwento yun" sabi ni Mike

"Bakit? Natatakot ka? HAHAHA!" natatawang sabi ni Bellear.

Isa...

"Nakakatuwa naman kayo" nakangiting sabi ni Stacy.

"Ganyan talaga kami, Stacy. Oiy Mike natatandaan mo pa ba yung mga bata pa tayo?" natatawang tanong ni Yeoneun.

"Bakit? Ano ba nangyari nung bata pa kayo?" tanong ni Stacy

Dalawa...

"Kasi HAHAHAHA! Habang tumatakbo kami bigla syang nadapa at HAHAHA! Ang nakakatawa, sakto yung mukha nya  sa putikan HAHA!" tumatawang kwento ni Yeoneun

"Grabe ka Mike HAHAHAHA!" natatawang sabi rin ni Stacy

"HAHAHAHA!"

Tatlo!

"All of you....please... shut up!" inis na sigaw ko dahilan matigilan sila.

"Kung gusto nyong mag ingay, wag dito sa kusina!" dagdag ko pa.

Napayuko naman sila sa sinabi ko at hindi na muli pa silang pinansin.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko at saka pumunta sa sala habang hinihintay sila matapos. May pag-uusapan lang kaming importante.

Hindi naman nagtagal, natapos sila at umupo sa harapan ko.

"Ano ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Xeanel

"Oo nga Seanica, lalo na't suspended tayo ngayon" gatong ni Bellear sa sinabi ni Xeanel.

Tumingin ako kay Stacy.

"Malayo ba ang bahay nyo?" tanong ko sa kanya.

"Hmm oo eh, aabutin ng tatlong araw bago makarating doon. Masyado po kasi malayo yun dito kahit malapit lang ang mansion nyo po sa gubat" sagot niya sa tanong ko.

"Ba't mo nga pala na itanong?" dugtong niya

"Nothing" simpleng sabi ko at tumingin kila Xeanel.

"Ngayong linggo na natin uumpisan ang paghahanap" sabi ko dahilan magulat sila.

"At saan naman tayo mag sisimula?" tanong ni Mike

"Hindi ko pa alam pero kailangan na nating kumilos para matapos na ito" sabi ko dahilan magsitanguan sila.

"Hmm guys..?" biglang singit ni Stacy.

Tiningnan ko lang siya, ganun din ang ginawa nila Xeanel.

"Hmm...ano nga pala ang pinag uusapan nyo?" tanong nya.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now