Chapter 30

4.5K 176 7
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 30 : He's Back
_____________________________

Seanica POV

"Mukhang may mga malalakas din palang tulad namin"

Napatingin din kami sa mga kasamahan ni Violet.

"Akalain mo nga naman, dito natin makikita yung mga tulad natin HAHAHA!" natatawang sabi ni Green.

Napakunot noo ako dahil dun. Magsasalita pa sana sila ate Rain nang biglang dumating si HM.

"What happened?"

Napatingin kaming lahat sa kanya at ganun nalang ang gulat namin ng makitang ang gulo ng ayos ni HM.

Talagang busy nga sya. Ayos palang nya, ebidensya na.

"HM!" gulat na sambit nila ate Rain.

Tumingin ako kila Violet at napaseryoso ako ng makitang wala na sila.

Tsk.

Bumaling nalang ulit ako kay HM.

"What?!"

Napaiwas nalang ako nang sumigaw si HM sa gulat.

Mukhang alam na nya.

"Kung ganun, kailangan natin tong pang-usapan. Sumama ka saakin, Rain. Kayo..."

Napatingin ako kay HM nang bumaling sya saamin.

"Kayo muna ang bahala dito. Mag-uusap lang kami ng ate Rain nyo" sabi ni HM at naglaho na, ganun din si ate Rain.

Nagkatinginan kami at walang nagawa kundi sumunod sa utos ni HM

***

Nandito kami ngayon sa loob ng dorm, nakaupo sa sofa.

"Ano kaya yung pag-uusapan nila HM?" tanong ni Yeoneun.

"Hindi natin alam. Basta ang dapat nating malaman kung anong klaseng creatures iyon" sabi ni Mike.

Tumango kami bilang sang-ayon.

"Simula nung nasa mission tayo, marami na tayong nasasalamuhang mga creatures. Nung una, mga wolfpire. Yun daw ang tawag sa creatures na nakalaban natin sa mission sabi ni Mom. Pangalawa, yung kanina" sabi ni Bellear habang napapailing.

Napa-isip ako.

Tama. Hindi kaya, may ibig sabihin ang mga ito?

"Yeah. Kailangan nating alamin kung anong creatures iyon" sabi ni Xeanel.

Napasandal ako sa sofang kinauupuan ko.

"Attentions! To all students! Please, prepare your things now. You can go home for a while. There's a reason of that and that reasons, we're going to fix it. So... students, pack your things now! Please be save! Thank you!"

Nagkatinginan kami ng marinig namin ang boses ni ate Rain.

"Dahil ba to kanina?" tanong ni Yeoneun.

"I think so" sabi ni Bellear.

Tumayo nalang kami at nagsimulang mag-impake.

Bakit kaya? Wala namang susugod ulit ah? Basta lakasan lang nila ang barrier ng Academia.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now