Epilogue

9.2K 250 30
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Epilogue : Happiness
_____________________________

Anica POV

Tapos na...

Tapos na sa wakas.

Ilang taon na ang nakakalipas at marami na ring nagbago. Parang kahapon lang nangyari iyon.

At sa loob ng ilang taon, maraming masasayang pangyayari ang mga nangyari.

Lalo na ngayon...

Nandito ako ngayon, nakaupo sa trono ko katabi si Sean.

May pagdiriwang ngayon dahil sa wakas, ikakasal na kami ni Sean.

Nakakatuwa nga dahil natupad na rin ang pangarap ko, pangarap na maging masaya ang lahat.

"Anica!"

Napatingin ako sa harapan at nakita ko si Cassandra na nakangiting lumalapit saamin kasama ang kanyang fiance na si Jack.

"Oiy! happy sya!" nakangising sabi saakin ni Cass dahilan mapangiti ako.

"Congrats nga pala" baling naman ni Cass kay Sean.

"Thanks" maikling sabi ni Sean at umakbay saakin.

Agad ko naman syang pinalo dahilan bawiin nya ang kamay nya.

"Awww! Ang sweet nila. Diba baby?"

Napatingin ako kay Cass at di ko maiwasan mapatawa.

Ang corny talaga ng tawagan nila. Baby?

"Yeah pero mas sweet ako kaysa sa kanila" biglang sabi ni Jack at hinalikan si Cass sa pisngi.

Namula naman si Cass.

Tong babae talaga.

"Ano ba!" medyo pabebe na sabi niya

"Ano? Maghaharutan nalang kayo dito?" tanong ko sakanila at tinaasan ng kilay si Cass

Natawa naman si Sean sa sinabi ko dahilan sikuhin ko sya. Napaayos naman ng tayo ang dalawa.

"Sige ate, kuya. Kakain muna kami" paalam ni Cass dahilan tumango kami ni Sean.

Agad naman sila umalis.

"Grabe ka sa kapatid mo" biglang sabi ni Sean dahilan tumingin ako sakanya at samaan sya ng tingin.

"Wooh! Easy lang. Toh naman si dyosa, ang sama. Dapat dyosa, masaya lang. Happy lang tayo. Araw natin ngayon" paglalambing niya saakin.

Ngumiti nalang ako sa kanya.

Wala lang. Trip ko lang.

"Mom! Dad!"

Agad kaming napatingin kay Seanica na tumatakbo papunta saamin.

"Mom, Dad! Congratulations po!" masayang wika niya ng makalapit siya saamin.

Napangiti ako sakanya. Dalaga na si Seanica at talagang na miss ko sya.

"Salamat anak. Kamusta ka na pala? Ilang taon na rin ang lumipas nung wala ka dito, namiss kita" sabi ko sakanya at niyakap sya.

"Heto naman si mom. Alam niyo naman pong may mga missions po ako diba? Namiss ko nga rin po kayo eh" sabi nya dahilan mapangiti ako.

"Sya nga pala, anak. Nasan ang mga kaibigan mo?" tanong ni Sean.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now