Chapter 28

4.2K 154 0
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 28 : Transferees
_____________________________

Seanica POV

"Ano pa nga ba? Edi i-seal ang kapangyarihan nila" sabi ko.

"What?! Seryoso ka?! Hindi pa natin sila kilala at hindi pa natin alam ang kapangyarihan nila" segunda agad ni Bellear.

Napasandal ako sa upuan ako. Tutal tapos na rin akong kumain.

"That's not a problem" sabi ko at tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Xeanel.

"HM Office" sabi ko at tumingin sa table ng lima.

Tahimik lang na kumakain ang tatlo habang yung isa nagkwekwento at yung isang sumisigaw ay inis na inis na kumakain.

"Sama kami" sabi ni Yeoneun.

Tumingin ako sa kanya.

"No need. Bantayan nyo sila. Xeanel, come with me" sabi ko at bumaling kay Xeanel. Tumango ito, ganun din yung tatlo.

Nagteleport kami agad sa Office ni HM.

_____________________________

Blue POV

"Tsk, seryoso ka ba?" tanong saakin ni Violet.

Nandito kami ngayon sa Gubat.

Hindi namin alam kung nasaan kami pero isa lang ang alam namin. Nasa present kami.

"Tingin mo? Alam mo namang laging seryoso si Captain, Violet" sabi sakanya ni Red.

Nakaupo kami ngayon sa ilalam ng puno dahil na rin sa pagod namin kakalakbay.

Wala kaming alam sa mundong ito pero dahil na rin sa mga nakikita namin, nagkakaideya na kami.

"Blue"

Tumingin ako kay Violet.

"I'm dead serious, ok?!" inis na sabi ko sa kanya.

Pinag-uusapan kasi namin kung papasok kami sa paaralang nakita namin.

Sabi saamin ng napagtanungan nila Green, Magica Dark Academia daw iyon kung saan nag-aaral ang mga estudyante para palakasin ang mga mahika kaya sinabi kong papasok kami.

"Tsk, ano pa hinihintay natin? Tara na" sabi ni Violet at tumayo.

Tumayo na rin kami at nanguna ako sa paglalakad.

By the way, Blue ang pangalan ko at blue fire ang mahika ko.

Saaming lima, ako ang Captain. Captain ako dahil na rin ako ang leader nila pagdating sa mission.

Hindi kami galing dito dahil galing kami sa ibang mundo. Kung saan ang mundo na hindi pa natutuklasan. May eskwelahan din dun kaya may mga mission na nagbibigay saamin dun.

Nagtataka nga kami kung paano kami napunta dito. Sa pagkakatanda namin, nasa kalagitnaan kami ng pagtulog ng biglang may liwanag sa harapan namin at bigla kaming hinatak kaya wala kaming nagawa ng tuluyan na kaming hatakin at ang ending, nahulog kami sa isang gubat.

Anyway, meet my friends...

Violet. Ang babaeng may kulay violet na buhok. Violet water ang mahika nya.

Red. Ang lalakeng may pulang buhok. Red air naman ang mahika nya.

Pink. Ang babaeng may kulay pink na buhok. Pink earth naman ang mahika nya.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now