Chapter 10

8.1K 284 15
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 10 : Enchanted Forest
_______________________________

Seanica POV

"So...what now? Wala na tayong clue kaya saan tayo mag sisimula nyan?" tanong ni Bellear.

Andito na naman kami muli sa sala. Pinag-uusapan ulit ang tungkol sa paghahanap kay Stein Alberts.

"Ang nakakapagtaka nga lang, dyan sa may harap ng subdivision nawala" biglang sabi ni Mike at naggesture na tila nag-iisip.

"Imposibleng pumasok sya dito" komento ni Xeanel

"Pwede, pero saan naman sya pupunta kung gayon nandito sya sa loob ng subdivision?" sabi ni Yeoneun.

Subdivison?

"Xeanel" tawag ko.

"Yes?" tanong nya

"Call the security guard and ask them if there's someone name Stein Alberts live here" mahabang lintanya ko na agad naman niyang ginawa.

Mayamaya lang ay binaba na nya ang cellphone nya.

"Wala daw" sabi ni Xeanel

"Kung wala...baka umalis na?" nagbabakasakaling sabi ni Mike

Wait...

"I already know where" sabi ko dahilan mapatingin sila saakin.

"Saan?"

***

"Ano ginagawa natin sa harapan ng gubat?"

Nandito kami ngayon sa harapan ng gubat. May posibilidad na pumunta siya dito at dito naisipang manirahan. Afterall, katulad namin siya.

"Sinasabi mo bang, dyan siya pumunta?" tanong ni Yeoneun

Tumango ako.

"Well, it's possible. What are we waiting for? Lets go!" sabi ni Bellear at nangunang maglakad.

Sumunod naman kami sa kanya. Mabuti nalamang at dala namin ang aming magical backpack.

HABANG naglalakad kami dito sa loob ng gubat, tumitingin ako sa paligid. Malayo layo na rin ang aming nilakad mula kanina.

"Anong klaseng gubat ba ito?" biglang tanong ni Yeoneun

"I don't know" sagot ni Xeanel

Napapansin kasi naming matataas na ngayon ang mga puno kumpara kanina na maliliit lamang.

"Wala naman siguro dito nakatira eh" tila pagod na sabi ni Bellear

"Hindi pwedeng magkamali si Seanica" sabi ni Mike.

"Ok..." napipilitang wika ni Bellear.

Tiningnan ko lang siya. Tsk. Wala ba silang tiwala sa akin?

Hindi ko rin sila masisisi dahil hindi naman kami masyado magkakilala. Sa katunayan, ako lang yun hindi nila nakakasama lagi kumpara sa kanilang apat na laging magkasama.  At isa pa hindi nagkakamali ang instinct ko.

"Magpahinga muna tayo" suhestisyon ni Xeanel na sinang-ayunan namin.

Pumunta kami sa malaking puno at umupo sa ilalim nito. Tumabi saakin si Xeanel

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now