Chapter 22

4.6K 197 11
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 22 : Bellear's secrets
______________________________

Seanica POV

"Buenos días" bati saamin ni HM

(Good Morning)

"Buenos días, HM" bati ko rin sa kanya at lumapit kami sakanya.

"Ano ibig sabihin nun, Seanica?" tanong ni Yeoneun.

Hindi ba sila nag-aaral ng Spanish?

"Good Morning" malamig na sabi ko.

"Ah eh, good morning din po HM" bati nila maliban kay Xeanel na nagspanish.

"Maupo muna kayo. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ni HM saamin.

"Ah HM, dito na po kasi mag-aaral si Seanica" sabi ni Bellear.

"Ah, Ok! Sa Royalties Dorm ka titira hija at ito ang iyong susi. Heto na rin ang sched mo. Nakalagay na dyan ang mga dapat mong malaman" sabi ni HM at binigay saakin.

Tinanggap ko naman ito.

"Aalis na po kami HM" paalam ni Mike.

Tumango lang si HM.

Nauna silang lumabas bago ako. Pero bago pa ako makalabas, biglang nagsalita si HM.

"Disfruta tu estancia, princess Seanica" sabi ni HM

(Enjoy your stay)

"Gracias" mahinang sabi ko at sumunod na kila Yeoneun.

(Thanks)

***

"We're here!" masayang banggit ni Yeoneun at binuksan ang pintuan ng dorm daw ng Royalties kung saan kami titira.

Pumasok kami at tiningnan ko ang kabuuan ng dorm.

Maganda naman sya. Ok lang.

May malaking sala, may kusina, at may second floor ang dorm kung saan nandun ang limang kwarto.

Wait, anim palang kwarto.

"¿Donde está mi habitación?" tanong ko sa kanila at nakita kong nagkatinginan sila.

(Where is my room?)

oh shit! I forgot, hindi pala sila nakakaintindi ng spanis maliban kay Xeanel.

"Dun sa dulo, sa kaliwa" sagot ni Xeanel

"Gracias" sabi ko at umakyat na.

(Thanks)

Mabilis kong binuksan ang pintuan at ganoon ko rin kabilis na sinarado ito.

Umupo ako sa kama at napahiga.

Mukhang kailangan ko pang pakisamahan ang mga yun.

Pero nagtataka talaga ako kung bakit pinapapasok ako ni mom dito?

Alam nyang gusto ko mag-aral dito pero hindi pwedeng yun lang ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Parang gusto ko pang sa Athena nalang kaysa dito.

*tok tok tok*

Bumangon ako sa pagkakahiga at tiningnan lang ang pintuan.

"Seanica?"

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now