Chapter 17

5.7K 232 18
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 17 : Questions
_____________________________

Seanica POV

Ano na gagawin ko? Kapag sinubukan ko ang bago kong kapangyarihan ngayon, magtataka sila dahil alam nilang hindi ko naaalala iyon. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung may nagaganap na Q and A. Haist! Shit. What to do?! What to do?! What to do?!

Isip Seanica!

Wait...

Isinummon ko ang aking espada at saka ko ito binalutan ng kapangyarihan kong apoy. Sana gumana ito.

Bago pa lumapat ang espada ko sa switch, nilagyan ko pa ito ng kaunting kapangyarihan na hindi nila napapansin.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung anong kapangyarihan ang nailagay ko.

Ito yung kapangyarihan kong bago!

Huli na para magreact ako ng lumapat ang espada ko sa switch at na patakip nalamang ako nang sumabog ito. Napaatras ako ng maramdaman kong malakas ang pagsabog.

"SEANICA!" rinig kong sigaw nila.

Inalis ko ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko at tiningnan ang switch.

Napangiti nalang ako ng mawasak ko ito. Ayos pa naman pero wasak na ang pangsilbing shield ng switch.

Inoff ko ang switch at tumalikod na.

Naglakad ako palabas sa usok hanggang sa makita ko sila. Tumingin ako sa selda at nakita kong nakalabas na sila.

Nakita naman nila ako at nagulat ako ng yakapin nila ako. Maliban lang kay tito na nasa gilid na nakangiti saakin, si Jack na tumango lang saakin at si Xeanel na nakatayo lang at bakas sa mukha ang pag-aalala.

Binigyan ko lang sya ng isang ngiti na ikinagulat nya.

Tumingin ako sa mga yumakap sa akin. Tumikhim ako kaya napahiwalay sila saakin.

"Akala namin napaano ka na, pinag-alala mo kami Seanica" sabi ni Stacy.

"Oo nga. Pasensya na kung yumakap kami pero di talaga namin mapigilan baka kasi nasugatan ka or what" sabi ni Yeoneun.

"I'm fine. Ok?" sabi ko at tumingin kay tito.

"Well, tito pwede po ba kita makausap?" tanong ko sa kanya.

"Bukas nalang. Kailangan mo munang magpahinga. Pati na rin kayo" sabi nya at tumingin kila Bellear.

Tumango lang kami at lumabas na ng basement. Hinatid na kami ni Stacy sa mga kwarto namin. Sa totoo lang, maliit lang naman ang bahay nila pero dahil sa mahika, maraming kwarto ang meron dito.

Pumasok agad ako sa magiging kwarto ko nang ituro ni Stacy ang kwarto ko. Agad akong sumalampak at nagpakawala ng hangin. Nakakapagod.

Kahit kaunti palang kapangyarihan ang napapalabas ko, ramdam kong napagod ako. Mukhang hindi ko pa kayang kontrolin ito at palakasin. Kailangan kong magpahinga.

***

Andito ako ngayon sa loob ng aking kwarto. Katatapos ko lang mag-ayos at balak ko ng kausapin si tito ngayon.

Lumabas na ako at nakita ko siyang nagkakape sa sala. Inilapag nya ang tasa nya sa lamesa at binuklat ang dyaryong hawak nya.

"Tito, can we talk?" sabi ko sa kanya habang lumalapit.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now