Chapter 18

5.3K 212 2
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 18 : Fiam Dark
_____________________________

Anica POV

"WHAT?!" gulat na tanong ko.

"Oo ate!" natatarantang sabi ni Cass.

Agad akong tumayo at naghanda.

"Kailan pa?!" tanong ko sa kanya.

"Ngayon lang daw" sabi ni Cass habang naghahanda rin.

Mabilis kami kumilos at lumabas nang opisina ng matapos kami.

"At sino naman ang mga lumusob sa kanila?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa pegasus.

"Wolfpire" sabi ni Cass at sumakay na sa pegasus nya. Ganun din ako at agad naming pinalipad ito.

Bwisit! Bakit biglaan naman?!

Dahil sa bilis ko magpalipad, mabilis rin akong nakarating. Agad kong sinummon ang espada ko at bumaba ng pegasus.

Napansin naman ako ng mga wolfpire kaya sumugod sila saakin. Mahigpit kong hinawakan ang espada ko at sinalubong sila.

Agad kong iwinaswas ang espada ko.  Marami ang natamaan sa ginawa ko. Tumingin ako sa paligid at napamura nalang ako ng makitang ang dami nila.

Agad akong tumalon sa taas. Habang nasa taas pa ako, nilagyan ko ng fivio ang espada ko. Agad kong tinusok sa lupa ang espada nang bumagsak ako sa lupa. Dahil sa ginawa ko, nagkaroon ng pagsabog at kumalat ang mahika kong fivio sa lupa dahilan para mamatay silang lahat.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Lumapit saakin si Cassandra.

"Bakit mo tinapos agad?! Nag-eenjoy pa nga ako eh!" reklamo ni Cass sa akin.

"Para matapos na agad. Tara, puntahan natin si Dark Queen" sabi ko at naunang maglakad papasok sa palasyo. Sumunod naman saakin si Cass.

***

Nakarating kami sa trono. Napatigil kami sa paglalakad ng makita namin si Dark Queen na nakahiga sa sahig habang may nakatayo na nilalang na nakatingin kay Dark Queen.

Iniangat nito ang ulo at ngumisi saamin. Nagkatinginan kami ni Cass.

"Kayo ba ang guard niya?" nakangising tanong nya at lumuhod upang hawakan sa mukha si Dark Queen.

Hinawakan ko agad sa braso si Cass ng subukan nyang sumugod.

"Kami nga" sabi ko sa nilalang na nasa harapan namin.

Tumayo sya at nakangising humarap saakin.

"HAHAHA! Kayo pala ang guard ng minamahal ko" sabi nya habang tumatawa at umupo sa trono ni Dark Queen.

"What do you mean?" tanong ni Cass.

"Ako lang naman ang asawa ni Dark Queen. Fiam Dark, ang hari ng mga Wolfpire. At ngayon, ako ang hari dito" sabi nya at tumawa ng malademonyo.

Nagkatinginan kami ni Cass.

'Akala ko ba si Dark King ang asawa nya?'  tanong ni Cass gamit ang telephaty

'Hindi ko rin alam at wala akong balak alamin'  seryosong sabi ko at tumingin kay Fiam.

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko dahilan mapatingin siya saakin.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Où les histoires vivent. Découvrez maintenant