Chapter 32

4.7K 178 2
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 32 : Traitor
_____________________________

Seanica POV

"Hawakan mo nang mabuti ang espada!"

Ilang araw na nagsisimula ang training at heto nga kami, nanonood sa naglalaban ngayon. Isa laban sa isa ang ginawa ni tito at mabuti nalang, si Xeanel ang kalaban ko.

Tiningnan ko ang paligid, nakita kong marami na ring nag-eensayo.

Tumingin ako sa grupo nila colors. Si Blue laban kay Violet, si Pink naman ay laban kay Red. Tiningnan ko si Green

Natawa nalang ako sa isip ko nang makita kong ang seryoso ni Yeoneun.

Oo, si Green ang kalaban nya at ngayon, nagprapractice nanaman sila habang may mga mahika na ginagamit.

Hindi naman kami madadamay kung malalakas ang mga tira nila dahil sa bawat dalawang magicians na naglalaban, may mga barrier na nilagay si tito. Yun ay dahil sa mga sandata nya.

Lahat kami, hawak ang mga sandata ni tito.

Hindi talaga ako makapaniwala na, ang lakas nang mga aura nito at ang titibay. Para ngang mas bumilis pa kami dahil nasanay na kami sa bigat nito.

Tiningnan ko naman sina Bellear at Mike na ngayong nagsisimula na ulit magpractice. Tulad namin, nagpahinga rin sila.

Tumingin naman ako banda sa dulo. Doon ko nakita sina Lily at Roshan.

White vs. dark magicians?

Mukhang maganda yun.

"Seanica"

Tumingin ako kay Xeanel

"Bakit?" tanong ko.

"Ready?"

Napangisi ako.

Tumayo kami at pumunta sa pwesto namin kung saan malapit kina Blue at Violet.

"I'm always ready, Xeanel"

Agad akong lumusob sa kanya. Naharangan nya ang sandata ko at nawala sya sa harapan ko. Napaharap ako sa likod at sinalubong ang atake nya. Agad akong gumawa nang fire ball at nilagyan ang sandata dahilan mapatalsik si Xeanel.

Mabilis akong tumakbo sa kanya at agad na inatake. Agad syang napagulong pero hindi nawala sa paningin ko ang sugat na natamo nya sa braso.

Agad akong sumugod sa kanya at winawaswas ko lang ang sandata ko nang bigla nyang lagyan nang light ang sandata nya dahilan mapatalsik ako.

Ang daya!

Hindi pa ako nakakabangon nang nasa harapan ko na sya kaya agad akong nagteleport sa likod nya at sasaksakin ko na sana sya nang mawala din sya sa harapan ko.

Humarap ako sa likod at doon ko sya nakita. Nakasmile pa. Kung pwede ko lang sana gamitin ang sun magic ko.

Pwede naman siguro noh? Tutal, kaya ko naman kontrolin ang init at lakas nito.

Napangisi nalang ako.

Biglang nawala ang ngiti nya at narinig ko nalang na napamura sya.

Kilala nya talaga ako.

Agad kong nilipat sa kaliwa ang sandata ko at binalik ulit sa kanan dahilan maging ginto ang sandata ko. Silver kasi ang sandata namin kaya ganun.

Agad kong hinanda ang paa ko at mabilis na lumipad papunta sa kanya.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon