This one's for you nadzky16... Pinasaya mo talaga ako nang sobra. I'm sure you already know why... But if you don't... I'm not telling you
Mai
“You’re late. Nakalimutan mo na yatang grounded ka.”
Napapikit na lang ako. Iniisip kong umakyat na agad sa kwarto at huwag na lang sana pansinin ang kapatid ko. Kaya lang baka lalo lang ‘tong magalit. Ang dami ko nang nagawang kasalanan sa kanya sa loob nang isang araw.
Huminga muna ako nang malalim saka siya hinarap.
“Sorry Kuya. May mga kinailangan lang akong gawin.”
“Really?” hindi siya naniniwala. “At ano naman ang mga ginawa mo?”
“It’s a lot of stuff for our club. Our drama club.” Napakasinungaling ko talaga.
“Please don’t lie to me Diana.”
“I’m not.” Pumiyok ang boses ko.
“Magkasama kayong dalawa. Nakipagkita ka sa kanya” Hindi siya nagtatanong. Alam niya. How the hell could he know that? Nakakulong na kami sa locker room. Sina Charlotte, Ina at Nica lang ang nakakaalam na nagkita kami ni Nathaniel dahil sila ang nagkulong sa’min.
“Kuya I’m sorry. Gusto naman kitang sundin eh. Kaya lang kasi.”
“Kaya lang ano?”
“I like him.”
“God. Diana. Are you serious?”
“Unfortunately I am. I like him. Don’t ask me why dahil kahit ako hindi ko alam. He’s the worst. Mayabang siya. Suplado. Palaging nakasimagot. Selfish. He doesn’t apologize. He only sees others’ mistakes but not his. There’s nothing to like about him. You see Kuya, kung meron mang tao na aayaw sa kanya ako na ‘yun.”
“And you like him? Dapat na ba akong mag-alala at mukhang nasisiraan na ng bait ang kapatid ko? You like him despite all that. You got to be kidding me.”
“Hindi ako nagbibiro Kuya.”
“Now you’re forever grounded.”
“Kuya naman. You can’t do that. Just listen to me okay. He can’t hurt me. Siguro nga hindi ko alam ang lahat pero alam kong nag-aalala ka lang sa’kin. I won’t get hurt. Trust me. I know the worst of him so there’s nothing he can do that would hurt me.”
“You just told me he’s the worst and you expect me not to worry?”
“You’re over reacting Kuya, alam mo ba ‘yun? I just like him. I don’t love him yet. Hindi pa naman magugunaw ang mundo.”
“You don’t love him. Yet.”
“Oh come on Kuya. Don’t play words with me.”
“But that’s what you have been doing.”
Natahimik kaming dalawa. Parehong wala nang masabi. Hindi naman siya mukhang nagalit sa mga sinabi ko. At hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang lahat nang ‘yun sa kapatid ko. I just told him I like a guy, a guy he hated so much.
“I’m sorry.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
“I was just protecting you Yana. Or so I thought I was. Pero tama si Jason, I’m not protecting you, I’m driving you away. And the worst is, the more I stop you, the more I push you to him.”
“I really appreciate that you’re protecting me Kuya. I never even thought na matatanggap mo ko bilang kapatid. Months ago, I thought I was gonna be all alone. Nang mawala si mama akala ko ako na lang talaga mag-isa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero dumating si Papa. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang malaman na may pamilya pa pala ako. Kahit na hindi siya ang pamilyang nasa isip ko. Kahit na hindi naman talaga ako parte nang pamilyang ‘to, masaya pa rin ako kasi may ama naman pala talaga ako. Hindi naman pala talaga ako putok sa buho na tulad nang sinasabi nang mga tao. Masaya ako kasi may kapatid ako na nag-aalala sa’kin.”
Tumulo na naman ang masagana kong luha. Nailabas ko na yata lahat nang hinanaing ko. Lumapit sa ‘kin ang kapatid ko at niyakap ako.
“Hindi ko naman gustong magsingungaling o suwayin ka. Kaya huwag ka nang magalit sa’kin Kuya. Alam mo bang natatakot ako pag nagagalit ka.”
“I’m so sorry Yana. I will never do it again. Promise. Huwag ka nang umiyak.”
“Huwag ka nang magalit sa’kin Kuya. Alam mo bang nakakatakot ka kapag nagagalit. Mas nakakatakot ka pa kay Papa.”
“Nasasabi mo lang dahil hindi mo pa nakikitang magalit si dad.”
“Is that a warning?” Kumalas na ako sa yakap niya.
“No. I’m just saying. If there’s anyone you should be worried of getting mad its dad.”
“I’ll keep that in mind Kuya. Thanks.”
“You’re welcome Princess.”
“Oh. You just called me Princess. Hindi ka na galit.”
“So pumayag na siya?” natigil ako sa pagsasalita ko.
“Oh shut up Charlotte. Pwede bang patapusin mo munang magkwento si Diana?” nanggigil na sita ni Nica dito.
“Ang tagal eh. Ang dami pang drama. Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang ang gusto naming marinig. Pumayag na ba siya o hindi?”
“He didn’t.”
“What?” nanlalaki ang mga matang bulalas nilang tatlo. “Hindi pa rin siya pumayag, then what’s the point in telling us all of this?”
“Ang totoo niyan Charlotte, gusto lang kitang asarin.”
“Diana naman. For someone na tinututulan nang buong mundo ang lovelife ay nagkapanahon ka pa talagang biruin ako. You should be thinking of ways.”
“Buong mundo? We’re just talking about my brother here. Anyways, ang sarap mo kasing asarin eh. Napaka O.A. mo. Hindi pa nga ako tapos magsalita. Hindi siya pumapayag pero hindi rin siya tumututol.”Natahimik sila sabay k umunot ang noo.
“He’ll be neutral. More like on my side. Yan ang sinabi niya. And I’m no longer grounded.”
“Damn it Diana. You kept that great of news from us for so long. You could have told us that the moment we see each other. Hi girl’s I’m no longer grounded. I’m free to date James. Mahirap bang sabihin ‘yun?”
“Don’t listen to Charlotte Diana. Masama lang ang loob niya kasi ititigil na natin ang Operation Edrian.” Tinitigan nang masama ni Charlotte si Nica.
“Operation Edrian? I’m amazed. May pangalan na agad kayong naisip. At talagang pinag-isipan niyo ah. How creative.”
“Si Charlotte lang nakaisip niyan. Huwag mo kaming idadamay.” Paghuhugas kamay ni Ina.
“You’re really into stalking my brother huh?”
“Sinabi ko na sa’yo Diana. It’s not stalking. And don’t forget na ginagawa namin to para sa’yo.”
“Aw. That’s really sweet Charlotte. Pero tama si Nica. Since hindi na magiging problema si Edrian. Let’s just say no to Operation Edrian. Forever.”
“Pakinggan niyo muna ang sasabihin ko. You’re not gonna believe what I just found out.”
“Sounds déjà vu to me. Correct me if I’m wrong but I think she already said that before. I’m not sure when or where. Oh… That was yesterday and it happens to be in the locke…” Natigil sa pagsasalita sa Nica kasi tinitigan siya nang masama ni Charlotte. “Okay go on.” Sabi na lang niya habang pinipigilang matawa.
“Okay. Here it is.” Simula pa niya sabay hugot nang malalim na hininga. “Remember that bitch na sumampal sa’yo sa restaurant? ‘Yung nagsabi kay Edrian nang tungkol sa inyo ni James?”
“Si Erika.”
“Yeah. Siya nga. You are not gonna believe this.”
“There you go. She just said it again.” Bulong ni Nica kay Ina.
“Erika (She) likes (my brother) Edrian.” Sabay naming bulalas “What you knew?”
“Yeah I know. She was obsessed with him. Jason’s words. Kaya niya ako sinugod noon sa restaurant. She thinks I’m dating Edrian, which happens to be my brother, and Nathaniel both at the same time.”
“Since when did you know? Why didn’t you tell me?” Tanong ni Charlotte na hindi pinakinggan ang huli kong sinabi.
“She’s upset. Her news wasn’t news after all.” Bulong ulit ni Nica.
“I’m sorry Char… Paglalambing ko sa kanya. Mukhang masama talaga ang loob niya. “Nawala talaga sa isip ko. Nakalimutan kong sabihin sa’yo ang tungkol kay Erika. Ang daming nangyari, wala na akong ibang inisip kundi si Nathaniel.”
“There she goes. Umamin na rin.”
“Naririnig kita Nica.” Nagpeace sign lang siya sabay hagikgik. “Huwag ka nang magtampo Char. Just be happy for me okay. Hindi niyo na ako kailangan ikulong ulit sa locker room.”
“Fine. But do I really have to stop Operation Edrian? We might found something useful in the future in case…”
“No Charlotte. Kapag nalaman ni Edrian na iniimbestigahan natin siya siguradong magagalit ‘yun. Ayokong bigyan siya nang dahilan para pigilan ako. So no to any operation…”
“What operation?”
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. “Nat” bulalas ko sabay tayo. Lumapit siya sa’kin.
“Anong pinag-uusapan niyong tatlo? Anong operation?” Wala sa amin ang nakasagot agad. Tinitingnan niya kami isa-isa.
“Yung pusa ko. She had to undergo operation.” Sabay namin nilingong tatlo si Nica habang nagpipigil nang tawa.
“Oo. Pusa. Nasagasaan ang pusa niya. Malala kaya kinailangang operahan.”
Kumunot lang ang noo niya. Mukhang hindi pa rin kumbinsido. “You had to go here. In the rooftop just to talk about her cat’s operation?” Nagulat na lang kami dahil biglang umiyak si Nica.
“Yakap-yakap ko pa siya hanggang sa huli niyang hininga. We couldn’t save her.” Ngumawa pa siya nang malakas. Tinakpan niya ang mukha niya para hindi mapansin ni Nathaniel na wala siyang luha. Mabilis namang lumapit si Charlotte sa kanya para suportahan ang pagdadrama niya. “Just cry Nica. Just let it all out. Hindi natin kakalimutan si Ed.”
“Ed?” sabay naming bulalas ni Nathaniel. Napatitig naman siya sa’kin. “Ed. Ed ang pangalan nang pusa niya.” Sa loob-loob ko ay gusto ko nang tapusin ang pagdadrama nila. Kung saan-saan na kami umabot. Ginawa na nilang pusa ang kapatid.
“She’s crying like that just for a cat? Is she crazy?” bulong niya sa’kin.
She is much crazier than that. You have no idea. Gusto ko sanang sabihin pero iba ang sinabi ko. “Of course she’ll cry. Sino namang walang puso ang hindi iiyak para sa pinakamamahal nilang pusa?”
“You know what. Why don’t we just leave?”
“Of course. I thought you wouldn’t ask. Sandali lang.”
Lumapit ako sa tatlo at niyakap si Nica. “Seriously pusa? Pusa talaga? Wala bang mas logical.” Bulong ko sa kanya.
“Convincing naman ang acting ko. Mas magaling pa ako kay Kim Chui.”
“Promise me you’ll be fine. Okay.” This time nilakasan ko ang konti para marinig ni Nathaniel.
“Yes I am. Huwag kang mag-aalala. Just go to your date.”
Napakalas ako sa yakap niya. Nginitian niya ako sandali at kinindatan tapos ay ngumawa na naman siya. “I wouldn’t hold this against you. Sana maging masaya ka sa date mo samantalang ako ay nagluluksa para sa kaluluwa ni Ed.”
“Oo na best actress ka na.” Bulong ko ulit sa kanya. Kinindatan niya lang ulit ako. “Let’s go.” Ako na mismo ang humila kay Nathaniel papunta sa pinto.
“Did something happen?” Tumigil ako sa pagbaba sa hagdan at nilingon siya. “May kakaiba sa’yo.”
“What?”
“Yeah. That’s it. You’re smile.”
“Excuse me? Palagi naman akong nakangiti hindi tulad mo na suplado.”
“Yeah. Maybe. Pero nang nakaraan hindi ka na masyadong ngumingiti. And there’s really something odd about your smile.”
“At kelan ka pa naging observant para mapansin na may kakaiba sa ngiti ko?”
“Well, when it comes to you I have always been observant.”
“Oh really? Should I be happy about that.”
“Oo naman. Hindi ako ang tipo nang tao na mag-aaksaya nang panahon para lang obserbahan ang kung sinu-sino.”
“Well, thank you very much for your time observing me.”
“You’re happy. You’re really happy.”
“What? Of course I am.”
“And what made you so happy all of a sudden? I don’t think it has anything to do with me observing you.”
“Tama ka nga. Sabihin na nating nag-magic ang guardian angel ko.”